Case Study

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAMBUBURAOT. EPEKTO NGA BA NG KAHIRAPAN?

PROPONENTS :
Dunjhon Gonzales
Glennyssa Onde
Crisalane Talosig
Avril Kate Quizzagan
Mary Joy Trimor
Jeanna Mae Tatoy
Angel Mirador
Aizhell Anne Tarucin

DATE:
Isinagawa noong taong 2023, ika-17 ng Enero.

I. INTRODUCTION

Ayon sa aming paghahanap o pagsusuri tungkol sa aming paksa na “buraot” ay mayroon


itong iba’t ibang depinisyon o kahulugan mula sa iba’t ibang tao, Tulad ng nakakainis, buwisit,
at malas. Ayon sa Merriam – Webster ang buraot o pambuburaot ay ang pagkakaroon o
pagpapakita ng makasariling pagnanais sa kayamanan at pag-aari, pagkakaroon din ng
matinding pagnanais sa pagkain o inumin. Mayroon din itong kahulugan sa aplikasyon na
tinatawag nating facebook ang buraot ay ang mga taong umaasa sa hingi at makakapal ang
mukha na iniaasa sa iba ang kanilang mga nais. Ayon naman sa aming grupo ang pambuburaot
o buraot ay ang pang hihingi sa isang tao o higit pa sa isang tao, may makain lamang, at kahit na
mayroon tayong nakakain o ating nais ay mas pinipili pa rin nating humingi para makapag-ipon
sa ating pansariling kagustuhan.

Minsan ito'y nagsasanhi ng away o gulo, madaming tao din ang nagagalit o naiinis sa mga
taong buraot katulad ng sumosobra na ang kanilang pang hihingi, at kapag nanghihingi o
nambuburaot naman sila ay sa tuwing hindi naibibigay ang kanilang gusto sila pa ang
kadalasang nagagalit at naiinis. Kadalasan itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan, at
kilala rin ang mga pampublikong paaralan na may mga istudyanteng hirap sa buhay at
pinansyal.

Ang pambuburaot ay maaaring mangyari sa lahat ng panahon at kung saang lugar man
ito. Katulad ng paraalan, sa trabaho, sa pampublikong lugar, at iba pa. Sa mga estudyanteng
katulad natin, kalat o usong uso ang salitang buraot o pambuburaot dahil kadalasan sa atin ay
gustong makatipid o sadyang walang makain. Dati pa man ay kilala na ang pambuburaot at mas
lalo itong nakilalang muling ng magbukas ang mga paaralan. Upang mas mapalawak ang ating
kaalaman tungkol sa salitang buraot, malaman kung bakit mayroon nito at kung ano ang
epekto, kami ay nagpanayam at ito ang mga kanilang kasagutan .

Aming sisasagawa ito upang malaman kung ano ang epekto sa loob ng silid-aralan, sa
kabataan, upang lalo silang maintindihan, at upang malaman kung bakit ngaba nagkakaroon
nito.

I. SOP
Sa pag-aaral tungkol sa pambuburaot o buraot nilalayon ng mga mananaliksik na masagot
ang mga sumusunod na katanungan. Ano ang epekto ng pang buburaot sa kabataan? Bakit
nagkakaroon ng buraot sa silid- aralan? Ano ang kahulugan ng buraot sa isang tao?
II. RESPONDENTS

Kami ay naghanda nga ilang mga katanungan para sa aming mga nakapanayam patungkol
sa aming paksa. Kami ay humanap ng kapwa estudyante sa ating paaralan upang tanungin at
masagot ang aming mga katanungan. Kami'y nagsaliksik ng mga mag-aaral na akma sa aming
paksa at hiningi ang kanilang pahintulot upang sumagot sa aming mga katanungan. Ang mga
sumusunod ay ang mga katanungan at kasagutan:

TANONG:
1. Para sa iyo, Ano ang depinisyon ng pambuburaot?(Tama o Mali?)
2. Ano ang mga dahilan bakit ka nambuburaot?
 Binibigyan ka ba ng baon ng magulang mo?
 Kung hindi:
o Sa tingin mo magkano ang kanilang sinasahod?(rate 1-5)
o Ano ang trabaho ng iyong magulang?

 Kung oo:
o Ano ang kanilang ibinibigay na iyong baon?
o Saan napupunta ang iyong baon?
o Sapat ba saiyo ang ibinibigay na baon?

3. Gaano kadalas mo itong ginagawa?(rate 1-5)


4. Sa iyong palagay anong epekto ng iyong pambuburaot?(may nagreklamo na ba?)
5. Dapat bang maging legal ang pambuburaot? Bakit?
6. Para sayo, Ano ang posibleng sulusyon upang maiwasan ito?

Ayon sa aming mga nasiyasat sa HIS o Hanjin Integrated School mayroong iba't-ibang
kahulugan ang pambuburaot sa iba't-ibang tao ito ay maling gawain, pang-hihingi ng atensyon,
pag-hihingi upang mabusog at mayroon din namang hindi alam ang kahulugan. Ayon sa kanila
ay nagagawa nila ito dahil sila ay nag iipon para sa pangsariling kagustuhan, walang baon, at
naiimpluwensyahan lamang ng kaibigan. Halos lahat din ay binibigyan ng baon ng kanilang mga
magulang at ito'y sapat sakanila kaya naman ay hindi natin masasabing ang pang buburaot ay
epekto ng kahirapan. Mas madalas din ang pambuburaot ng mga may baon kaysa sa mga
walang baon at naghihirap. Apat sakanila ay nagsabing mali ang pambuburaot ngunit ginagawa
pa rin nila ito ng paulit-ulit. Sa aming palagay naging normal na rin ito sa loob ng silid-aralan
sapagkat lahat ng mga nakapanayam namin ay nagsabing sa tingin nila'y walang epekto ito sa
kanilang kapwa mag-aaral o sa kanilang silid. Sa aming mga natanong mayroong nag iisa na
masasabi nating epekto ito ng kahirapan, dahil walang trabaho ang kanyang mga magulang at
sya na ang nagtatrabaho para sakanyang ibabaon mula lunes hanggang biyernes. Sa aming
katanungan na “dapat bang maging legal ang pambuburaot?” ay may isang sumagot na oo,
dahil ayon sakanya ito ay pang hihingi lamang ng sitwasyon samantalang ang apat ay humindi
at nagsabing hindi ito dapat gawing legal dahil ito ay mali.

RESPONDENT TANONG 1 2 3 4 5
S
NO. 1 GAANO /
NO. 2 KADALAS /
NO. 3 MO /
NO. 4 ITO /
NO. 5 GINAGAWA? /

RESPONDENT TANONG 1 2 3 4 5
S
NO. 1 GAANO
NO. 2 KATAAS /
NO. 3 ANG /
NO. 4 NATAATANGGAP
NO. 5 SAHOD?

III. DEFINITION OF TERMS

Ang teminang ginamit ay Meriam – webster, uri ng aplikasyon na ginagamit upang


malaman ang mga kahulugan ng salitang hindi maintindihan (dictionary app).
IV. FINDINGS

Ang aming naobserbahan na halos ang lahat ay mayroong baon ngunit ginagawa pa rin
ang pambuburaot, kaya't hindi natin masasabi na ang pang buburaot ay epekto ng kahirapan.
Mas madalas din ang pambuburaot ng may mga baon kaysa sa walang baon at naghihirap. Kung
makikita niyo din halos silang lahat ay nagsasabing mali ang pang buburaot ngunit ginagawa pa
rin nila ito ng paulit-ulit, isa pang napansin namin sa kanilang mga sagot ay normal na sa loob
ng kanilang silid-aralan ang kanilang ginagawa dahil halos lahat ay walang nag rereklamo at sa
tingin nila'y walang masamang epekto ito at ang huli naming napansin na mas malaki ang
posibilidad na mamburaot ang mga taong baon ay pera o baon, dahil naiisip nila na hindi ito
ipagbili at itabi nalamang kaya't sila ay nang hihingi.

You might also like