Mga Paraan NG Paglalapi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA PARAAN NG PAGLALAPI

Mula sa librong Balarila ng Wikang Pambansa ni: Lope K. Santos

Sa tulong ng mga panlapi, ang pagbabagong anyo ay nangyayari sa limang

paraan:

(a) Inunlapian, kung ang panlapi’y sa unahan ng salitang-ugat nakakabit; gaya

ng: kasama, maganda, paglakad, magbigay, tag-ulan, tagapagbili, mapagmarunong.

(b) Ginitlapian, kung ang panlapi’y sa loob ng salita na sisingit; gaya ng:

tumawag, sumikat, sinaing, tinapay, binalimbing.

(k) Hinunlapian, kung ang panlapi’y nasa hulihan ng salita; gaya ng:

samahan, hintayin, gawaan, butihin, salapiin.

(d) Kabilaan kung ang salita’y nagigitna ng mga panlapi, alalaong bagay

may unlapi at hulapi; gaya ng: kabutihan, makasalanan, pagupitan, pakaisipin,

makipagkasunduan.

(e) Laguhan, kung bukod sa magkabilang dulo ng salita ay may nakasingit

pa ring panlapi sa loob; gaya ng: pagsumikapan, magkinuluan, papagsinangagin,

sansinukuban, pinagpaumanhinan.

Sa ganang sarili ng mga salitang-ugat, ang pagbabagong anyo ay

nangyayari sa tatlong paraan:

(a) Pag-ulit sa isang pantíg ng salita, gaya ng aalís, babago, huhuli, iisá,

sasampu, tatakbo, tutungga, yayari.

(b) Pag-ulit ng isang salita; gaya ng: akay-akay, bako-bako, kabit-kabít, lahilahi,

sama-sama, tuloy-tuloy, wasak-wasak.

(k) Pagtatambal ng dalawang salitang magkaiba; gaya ng: anakpawis, basagulo,


bahaghari, hampaslupa, hanapbuhay, pilikmata, ubuskaya.

(a) Sa magkapisang paraan naman, alalaong bagay sa pag-uulit at

pagtatambal na may katulong na panlapi, ang pagbabagong anyo ay nangyayari

sa limang paraan:

May unlapi – kaBAbayan, kaSUsulat, maTAtamís, maGAganda,

mangGAgamot, magBIbigkas, pagBIbili, pagSAsanay.

May gitlapi – magSIsinigang, magTItinapay, pagBIbinabae,

pagTUtumulin, pagSUsumamo.

May hulapi – HIhintayin, SIsikatan, Tatawagin, WAwakasan, Yayariin

Kábilaan – kaBAbalaghan, kaLAlabisan, maGAgalitín, paTAtawarin,

paSIsinayaan, pagMAmahalan.

Láguhan – magGIginatan, magDIrinuguan, pagPIpinipigan.

(b) Pag-ulit sa isang salitang may mga panlapi; gaya ng mga sumusunod:

May unlapi – kagiliw-giliw, kagalang-galang, kasipot-sipot, magandaganda,

magalit-galít, palaboy-laboy, makiusap-usap, pakabuti-buti, pagkataas-taas.

May gitlapi – bumili-bili, kumain-kain, hinila-hila, tinimbangtimbang,

sumagot-sagot.

May hulapi – agaw-agawin, bantay-bantayan, samba-sambahin, simbasimbahanan,

tao-tauhan, tulog-tulugan.

Kabilaan – kataas-taasan, karangal-dangalan, kayamot-yamutan, mag-awít-awitan,


pag-isa-isahín, pag-usap-usapan, pakaapi-apihin, samba-sambayanán.

Mga pinagtambal na salitang may panlapi; gaya ng mga sumusunod:


May unlapi – mag-abutdilì, maghanapbuhay, mabasag-ulo, pag-aagawtulog,

magmanhík-manaog.

May gitlapi – minalikmata, binasag-ulo, binuhay-maynila, binahaghari,

tinalihugso, binalisungsong.

May hulapi – hanapbuhayan, bukanliwaywayín, bungang-arawin, batubalaniin.

Kabilaan – pagbakasakalian, pinag-ubuskayahan, papaghanapbuhayin, pag-


amanaminin, pinagwalanghiyaan.

You might also like