Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PALÁGITLINGAN

Mula sa librong Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos

Ang mga ibá’t ibáng tungkulin, layon at katuturán ng panandáng muntíng


guhit (-), na binábagayan ng tawag na gitlíng, ay mapipigâ o mapipisan sa mga
sumusunód na hatì, hakdáw, lagáy at bigkás ng mga salitâ sa pagsulat:

A—Kapág ang isáng salitá’y hinahatì sa dalawáng magkasunód na taludtód,


na ang una o mga unang pantíg ay naiiwan sa dulo ng isáng taludtód at ang mga
hulíng pantíg ay nálilipat sa punò ng sumusunód.

Halimbawà: pinápalibhasà…

B—Kapág ang isáng panlapì o salitáng nagtatapós ng katinig ay binibigkás


nang paangát o pahakdáw sa patinig na siyáng simulâ ng salitáng nilálapían o
sumusunód.

Halimbawa: mag-isip, pag-asa, pang-akit, sing-ugalì, tag-araw; basag-ulo, buhat-araw, salág-


ulos, bayad-utang.

K—Kapág ang isáng salitáng-ugát ay náuulit, mayroón man o waláng panlapì


sa unahán o sa hulihán.

Halimbawà: bahay-baháy, sama-sama, birû-birò, araw-araw; kárinig-diníg, kaginsa-ginsa,


palakadlakad; magandang-magandá, mataas-taás, makagitaw-gitaw; taú-tauhan, purípurihin,
bahá-bahaginan; kágaling-galingan, pakahabâ-habaan, magkáumpugumpugan.

D—Kapág sa pagitan ng dalawáng salitáng magkaibá’y pinaglalakíp, ay may


pang-angkóp o katagáng nawawalâ. Halimbawà:
kahoy-gubat, ningas-kugon, tubig-alat, gamót-hayop; yakap-Hudas, galit-Kaypás,
damít-Kristo, hatol-Pilato.

E—Kapág dalawáng salitáng magkaibá’y magkasunód, may pang-angkóp


man sa pagitan o walâ, ay binibigyán ng pangatlóng diwà o kapakanán, bukód sa
tagláy rin ng bawa’t isá ang kani-kanyáng kahulugán.

Halimbawà: dalagang-bukid, tuwang-aso, barong-aso, barong-insik, sising-alipin; matabang-


payat, magandang-pangit, makalaglag-matsing.

G—Kapág may isáng panlaping ikinakabít sa unahán ng isáng salitâ o


pangungusap na nagsísimulâ sa malakíng titik.

Halimbawà:
maka-Quezon, taga-Europa, mag-Dimas-Alang; pam-Bagong-Taón, tagapag-Buhay-
Maynilà, mag-Amá-namin.
H—Kapág ang isáng salitáng may-lapì ay nagkakaroón ng mahigít sa isáng
katuturán o tungkulin sa balarilà, at kailangan sa pagsulat na máipakilala ang
kaibhán sa karaniwan.

Halimbawà:
may-arì at mayarì, mag-alís at magalís, mag-away at magaway, pang-anib at panganib,
mapang-akò at mapangakò, may-kathâ at may-katha, may-bahay at may bahay;
má-mayaman at mamayaman, má-mahirap at mamahirap; may-kahinaan at may
kahinaan, magka-isá at magkáisá.

I—Kapág sa hulíng pantíg ng isáng salitâ ay may nawawaláng isáng patinig,


at paangát o pahakdáw sa inalisán ang pagbigkás.

Halimbawà:
alap-ap (alapaap), alat-it (alatiit), babal-in (babalaín), kasam-an (kasamaán), kababan
(kababaan).

L—Kapág bigkás-lalawigan, gaya ng sa Batangan, ang ginagawâ sa hulíng


pantíg ng iláng urì ng salitâ, na sa mga ibáng lalawiga’y túluyan na kung bigkasín.

Halimbawà:
ab-ab, ak-ak, gab-i (gabí), gay-on (gayón), ig-ig (igíg), ul-ol (ulól), salag-oy
(salagóy), anan-ag, aliw-iw.

M—Kapág may isáng katagáng gumaganáp ng pagkapanlapì, nguni’t dî pa


pinagkakáugaliang ikabít na nang lúbusan sa salitáng pinangúngunahan, gaya ng
mga katagáng dî at sa.

Halimbawà:
di-magandá, di-tamád, di-mawarì, di-dapat, di-lamang; sá-sisipót, sá-tatawag, sátusuhán,
sá-lakasan, sá-buti-buti, sá-igi-igi.

You might also like