Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MALANGAS NATIONAL HIGH SCHOOL

S Y 2022-2023
Ikalawang Markahang Pagsusulit
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Pangalan: ___________________________________Baitang/Pangkat: ______________ Iskor: _________
Panuto: Basahin, Piliin at bilugan ang titik na may tamang sagot.
1. Ito ay likas sa tao o ayon sa sa kanyang kalikasan bilang tao na hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
a. Kilos ng tao b. makataong kilos c. Gawain ng tao d. pagrerespeto
2. Alin sa sumusunod na halimbawa ng hindi madaraig ng kamangmangan?
a. Si Juan na nag-aaral ng mabuti.
b. Ang isang badyao na palaging humihingi ng pera sa palingke.
c. Ang doctor na lumiliban sa kanyang obligasyon.
d. Si Agnes na nagsusumikap na matapos ang kanyang trabaho.
3. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse. c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
4. Nakagagawa ng mali ang tao, hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay
ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya ito
nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad
5. Hindi mapigilan ni Mario ang minsang paghikab, at nang pagbigkas ng mga di kaaya-ayang salita. Aling uri sa
kilos ng tao ang ipinapakita?
a. Kilos ng tao b. makataong kilos c. Gawain ng tao d. pagrerespeto
6. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin Kung ang hindi mabuti.
7. Alin sa sumusunod ang itinuturing na mabuting kilos?
a. pagmamano sa nakatatanda c. pandudura
b. pangangantyaw d. paghahatid ng tsismis
8. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin
9. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. c.Tumulong sa kilos ng isang tao.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. d.Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
10. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa
kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
11. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan
12. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas
mataas na pagpapahalaga?
a. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
b. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.
c. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
d. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
13. Anong uri ng elemento na paraan sa prosesong pagkilos, ang pagkakaroon ng magandang regalo sa kaibigan?
a. Pag–iisip ng paraan na makarating sa layunin. c. Takot
b. Paglalayon d. pagsasakilos
14. Ano ang malalim na pag-unawa sa kautusang walang pasubali sa gintong aral at pagpapahalaga?
a. gawin ang lahat c. gawin ang ikabubuti sa lahat
b. gawin ang mabuti d. gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
15. Si Maria ay nakita ng kanyang kapatid na tumutulong sa gawaing bahay. Ano ba ang pinanindigan mo sa
kanyang kilos?
a. Maling kilos b. mabuting kilos c. nadaramang kilos d. kadalasang kilos
16. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
a. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalong makapili ng wasto.
b. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
c. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa
panahon ng halalan.
d. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda.
17. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
b. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.
c. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.
18. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
19 Si Juan ay sinampahan ng kaso dahil sa madalas niyang pangingindat sa kanyang mata na kaharap ang
dalaga, iyon pala ay manerismo niya.Anong uri ng kilos ang kanyang ipinapakita?
a. kusang-loob b. di kusang-loob c. Walang kusang loob d. sinasadya
20. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban c. Isaisip ang posibilidad
b. Magkalap ng patunay d. Maghanap ng kaalaman
21. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a. Isaisip ang mga posibilidad c. Umasa at magtiwala sa Diyos
b. Maghanap ng kaalaman d. Tingnan ang kalooban
22. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong
pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Umasa at magtiwala sa Diyos
23. Si Mario ay nangungopya sa kanyang kwaderno tuwing may pagsusulit. Madalas niyang ginawa ito dahil
siya ay palaging lumiliban sa klase, dahil siya ang nagtataguyod ng kanyang mga kapatid, Sa iyong
palagay, ano ba ang kanyang pinanindigan kung siya ay mangopya?
a. siya ay may maipong pera c. siya ay makakuha ng malalaking puntos/iskor
b. masiyahan ang kanyang mga guro d. Umasa at magtiwala sa Diyos
24. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o damdamin.
a. Masidhing damdamin b. Takot c. Kamangmangan d. gawi
25. Alin sa sumusunod ang larawan na nagpapakita ng mabuting gawain?

a. b. c. d.
26. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ito ay mula sa kasabihan ni _________.
a. Confucius b. Immanuel Kant c. Miguel d. Rizal
27. Si Jose ay lubog sa kahirapan nang siya ay may limang anak na nag-aaral sa elementarya,
sekondarya at sa kolehiyo. Sa kaniyang pakawalang-wala siya ay humingi ng tulong payo sa
kanyang kaibigan. Sa gayon siya ay pinayuhang mgbinta ka ng menudong druga para
makaahon siya sa hirap. Pumapayag din siya, pero may pagdadalawang isip siya, baka hulihin
siya ng mga pulis. Anong salik ang nakaaapekto sa sitwasyong ito?
a. Karahasan b. Takot c. Kamangmangan d. Masidhing damdamin
28. Ang pagkitil sa buhay ng tao, Ay _____ na salik na ipinapakita sa kilos ng tao.
a. Karahasan b. Kamangmangan c. Gawi d. Masidhing damdamin
29. Kung ang paninindigan ay bunga ng ating isip, ano naman ang pagnanais na gawin ang isang kilos?
a. Ito ay bunga ng ating damdamin c. Ito ay bunga ng ating pagtitiwala
b. Ito ay bunga ng ating panaginip d. Ito ay pagpapakitang tao lamang
30. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
a. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
b. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
c. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
d. Lahat ng nabanggit.
31. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos Kung ito ay mabuti o masama.
32. Bakit tinatawag nating pinakamataas na pagpapahalaga ang isang kilos?
a. dahil ito ang makikita sa isang tao.
b. Dahil ginagawa at pinipili sa tao ang naaayon sa positibo at mabuting kilos.
c. Dahil ginagawa at pinipili sa tao ang naaayon sa negatibo at mababang kilos.
d. Dahil ginagawa ang mali at mabuting kilos.
33. Paano ginagamit ng tao ang mga salik na binabanggit sa pagsisikap niyang magpakatao?
a. Ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob, konsensiya at kalayaan upang siya ay magpakatao.
b. Ginagamit ng tao ang kanyang kamangmangan.
c. Ang tao ay may katakutan.
d. Ginagamit ng tao para sa kanyang pagsisikap.
34. Bakit sinisikap nating tumulong at mapabuti sa ating kapwa?
a. Upang tayo ay makapagpahalaga at makapagpaulad sa ating pagkatao.
b. Upang tayo ay makaranas na tumulong sa kapwa.
c. Upang tayo ay mapagbigay kaayusan.
d. Upang tayo ay mapagtiwalaan.
35. Paano natin maisasagawa ang paninindigan?
a. Sa pamamagita ng pagsuri sa ibang tao.
b. Sa pamamagitan ng pagsusuriing mabuti sa sitwasyon kung ito ba ay nasa mabuti o kasamaang kilos.
c. Sa pamamagitan ng pag-asa sa iba
d.Sa pamamagita ng pakikipagtaluhan

Inihanda Nn mga Guro sa ESP:

VIOLITA B. VELASCO, T-III - __________________

RENELYN R. LERIA, T-III - ____________

WELMA C. RAMIENTOS, T-I - _________

Sinusuri ni:

GENERICK B. PANILAG, HT-1


Departmento ng ESP

Itinala ni:

JOENEL B. FERRER, P-II


Punong Guro

You might also like