Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pananaliksik sa Wikang

“Palit-koda”

Sa pananaliksik na ito ang aking napiling wika ay ang


“palit-koda” dahil ito ay isa sa mga modernong paraan ng
pagpapahayag. Ginagamit ito upang higit na maunawaan
ang gustong sabihin ng kausap. May mga taong hindi lubos
makakaintindi o makagsalita ng purong Ingles, kung kaya
ito ay magandang pag-aralan. Nasa panahon na tayo ng
modernisasyon kung saan maraming pagbabago ang
nagaganap. Ang pagbabago ng wika ay isa na rito, kung
kaya hangarin ko na mapalaganap ang kahalagan ng
wikang “palit koda”. Ang kahalagahan ng wikang “palit-
koda” sa mga taong nakapaligid sakin ay mas matutunan
nila ng lubos ang paggamit ng wikang ito. Magkakaroon
sila ng ideya tungkol sa wikang ito. Kung gaano ito
kahalaga sa ating buhay. Lalo na’t madaming tao ang
gumagamit nito.

Ang social media na aking napili ay ang Twitter. Ito ang


ang pinakasikat na social media platform na may milyun-
milyong tagahanga. Limang tao ang aking napiling pag-
aralan. Sa pag-aaral sa mga taong ito ay akin silang
kakausapin ng kanilang mga opinyon tungkol sa aking
paksa. Aalamin ko din kung ano ang layunin ng platform sa
bawat user. Aking nakalap na madaming mga user ang
gumagamit ng wikang “palit-koda” sa mga platforms na
aking napili. Naobserbahan ko din na mahilig ang iba sa
kanila na gumamit ng wikang “palit-koda”. Kung aking
susukatin sa porsyento ay 75% sa 100% ang gumagamit ng
napili kung wika.

Batay sa pag-aaral na aking isinagawa ay aking


napatunayan na madaming tao ang lubos na nakakaintindi
ng wikang “palit-koda”. Malaki nadin ang parte ng wikang
ito sa buhay nating mga pilipino dahil may mga taong
sanay na gumamit ng wikang ito kagaya ko. Tunay na
Malaki ang nagbago simula ng lumaganap ang wikang ito.
Akin ding napatunayan na hindi mawawala ang paggamit
ng wikang ito bagkus mas dadami lang ang gagamit ng
“palit-koda”. Moderno na ang ating panahon, kung kaya
makiayon dapat tayo sa mga nangyayari ngayon. Walang
mangyayari kung walang pagbabago, kaya dapat ay i-
addapt natin itong modernisasyong panahon. Pero dapat
padin nating tandaan na hindi mawawala ang wikang
tagalog sadyang parte nadin nating mga pilipino ang
gumamit ng taglish o palit-koda kung kaya tanggapin natin
ito ng kusa.

You might also like