Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

WIKA AT PANITIKAN

Lecture Notes
MIDTERM COVERAGE
kabila ng pagkakaiba sa maraming
aspeto.
➢ KAHULUGAN 4. TEORYANG ANTROPOLOHIKAL
➢ KAHALAGAHAN Ang sistematikong pag-aaral ng
➢ KATANGIAN NG WIKA pag-usbong at paglago ng lipunan, ang
katangian at ebolusyon ng tao mula
Mga Teoryang Sumasaklaw noon hanggang ngayon. Sa madaling
sa Pag-aaral: salita, ito ang ugnayan ng ating
1. LINGWISTIKA nakaraan sa kasalukuyan.
Ito ay ang siyentipikong pag-aaral KAHULUGAN:
sa wika ng mga tao. (Consuelo J. Paz)
➢ Ang wika ay bahagi ng ating
2. TEORYANG SIKOLOHIKAL kultura. Ang wika bilang kultura ay
Isang disiplina na naglalayong pag- kolektibong kaban ng karanasan ng
aralan ang mga proseso ng pag-iisip at tao sa tiyak na lugar at panahon ng
pag-uugali ng tao at ang kanilang kaniyang kasaysayan.
pakikipag-ugnay sa pisikal at ➢ Sa isang wika makikilala ng bayan
panlipunang kapaligiran. Sa madaling ang kanyang kultura at matututuhan
salita, kung ano yung tao, iyon din niya itong angkinin at ipagmalaki.
ang wika. At kung ano ang wika,
iyon din ang tao. ➢ Ang wika ay isang sistematikong
balangkas ng mga sinasalitang tunog
Dalawang klase ng wika: na pinipili at isinasaayos sa paraang
1. Verbal – gumagamit ng boses o arbitraryo upang magamit ng mga
salita. taong may iisang kultura. (Henry
2. Non-verbal – mas malawak, Gleason)
ekspresyon ng mukha, kulay at marami
✓ Itinuturing ang wika bilang saplot
pang iba.
ng kaisipan; gayunman, mas angkop
3. TEORYANG SOSYOLOHIKAL marahil sabihing ang wika ay ang
Isang agham panlipunan na saplot-kalamnan, ang mismong
naglalayong pag-aralan ang mga katawan ng kasipan. (Thomas
ugnayang panlipunan na nagaganap sa Caryle)
loob ng isang tiyak na populasyon ng
✓ Ang wika ay isang kalipunan ng
tao. Sa madaling salita, tinitignan
mga salita at ang pamamaraan ng
paano nabubuo ang komunikasyon
pagsasama-sama ng mga ito para
at umiiral pare-pareho o
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt
nagkakaunawaan ang mga tao sa
ang isang grupo ng mga tao. (Pamela ng panlapi at salitang-ugat.
Constantino at Galileo Zafra) ➢ Inuulit - may nababago sa form ng
salita at kapag inuulit ang pang-uri
KAHALAGAHAN: (superlative)
✓ Ito ang midyum sa ➢ Tambalan
pakikipagtalastasan o komunikasyon; 3. SINTAKS – pagbuo ng pangungusap
✓ Ginagamit ito upang malinaw at 4. SEMANTIKS – pag-aaral ng
epektibong maipahayag ang kahulugan
damdamin at kaisipan ng tao;
5. PRAGMATIKS – kumbinasyon ng
✓ Sumasalamin ito sa kultura at mga salita at parirala
panahong kanyang kinabibilangan;
MAY ANTAS
✓ Isa itong mabuting kasangkapan 1. FORMAL (naiintindihan ng lahat)
sa pagpapalaganap ng kaalaman. a. may katanguan ng Pambansang
kamalayan
KATANGIAN:
b. gamit sa panitikan
➢ Ang wika ay likas at katutubo,
kasabay ito ng tao sa pagsilang sa 2. INFORMAL (karaniwang ginagamit
mundo. sa araw-araw)
➢ May sariling kakanyahang di- a. Lalawigan – wikang Tagalog at sa
inaasahan, ang wika ay nalilikha ng iba’t-ibang salitang lalawigan galing sa
tao upang ilahad ang nais ipakahulugan Visayas at Mindanao.
sa kanyang mga kaisipan. (nanghihiram b. Kolokyal – pag-iiksi ng mga salita o
sa ibang wika upang makaagapay sa mga grupo ng mga salita.
pagbabagong nagaganap sa kapaligiran) c. Vulgar – paggamit ng mga hindi
disenteng salita.
M4 K2 P S N2 G A D d. Balbal – pagbabaligtad ng mga titik.
(MakaPaSaNaGAD)
MAKAPANGYARIHAN
Makapangyarihan ang wika
dahil ito ay nagbibigay kahulugan,
MASISTEMANG buhay, at diwa sa isang bansang. Bukod
BALANGKAS dito, ang wika ay nagiging palatandaan
1. PONOLOHIYA – makabuluhang ng kasarinlan ng isang bansa at
tunog kalayaan nito. Ito rin ang pinaka
pangunahing kasangkapan ng tao
2. MORPOLOHIYA – pagbuo ng salita upang magkaunawaan at malaman ang
Karagdagang kaalaman: pinanggalingan ng isang tao o mga
➢ Salitang ugat - “root word” bagay na nangyayari sa paligid.
➢ May lapi - pangungusap ay binubuo
MAY PULITIKA 2. Di-Berbal (sa pamamagitan ng mga
ekspresyon ng mukha at iba pang
Ang wika ang nagsisilbing boses
paraan)
ng bawat mamamayan sa aspeto ng
pulitika at paraan ng ekspresyon sa
pagsisiguro kung mabuti or mali na ba
ang ginagawa ng mga nakaupo sa ARBITRARYO
gobyerno.
(napagkakasunduan)
Ang isang arbitraryo ay
nasasakop ng indibidwal na kalooban o
KAGILA-GILALAS paghatol na walang pagbabawal. Ito ay
batay lamang sa paghuhusga ng isang
KASAMA SA PAGSULONG taong nasa mataas na posisyon.
NG TEKNOLOHIYA

DINAMIKO
PINIPILI AT Ang wika ay dinamiko sapagkat
ito ay patuloy na nagbabago marahil sa
ISINASAAYOS mabilis na pagbabago ng panahon at
pamumuhay ng mga tao dulot ng
agham at teknolohiya. Sa paglipas ng
mga panahon at mga henerasyon, ito
SINASALITANG TUNOG
ang dahilan kaya ang wika ay patuloy
1. PONEMANG SEGMENTAL – ang
ang pagbabago.
tawag sa tunog ng bawat titik (mga
patinig at katinig) sa buong salita at
pagdudugtong nito.
2. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
– ang tawag sa paraan ng pagbibigkas
ng mga salita. Binabatay ito sa tono o
intonasyon, hinto o antala, haba, at diin.

NAKABATAY SA KULTURA
NATATANGI

GINAGAMIT SA
KOMUNIKASYON
1. Berbal (gumagamit ng boses)
lipunan at maaaring magpalaya ng
isang ideyang nagpupumiglas
(Pang-titik-an) makawala. (Salazar)
Literature (English) ➢ Ang panitikan ay matatawag na
Litera (Latin) – nangangahulugang titik lahat ng uri ng mga tala na
Ang panitikan ay mga panulat kinasasalaminan ng pang-araw-
na nagpapahayag ng mga karanasan, araw na pamumuhay ng mga tao sa
damdamin, kaisipan, o kwento ng isang lipunang kaniyang ginagalawan.
tao. Ito ay maaring gawa gawa lamang Isang lakas ito na maaaring maging
o batay sa katotohanan para sa isang mahalagang bahagi ang pagpapaunlad
layunin. ng lipunan at kalinangan. (Ramos)
Ito ay naglalaman ng mga Panitikan sa panahon ng
nasusulat na pinakamabuting kaisipan
at damdamin ng tao. Sa madaling salita,
mga KATUTUBO:
ito ay kinapapalooban ng katotohanan, ➢ BABAYLAN – ay nagsisilbing mga
o kung walang katotohanan ito ay “MIDYUM” o tagapamagitan ng mga
imahinasyon o kathang isip lamang. bagay at tao. (buhay, patay, diyos at
diyosa)
➢ Ang panitikan ay "bungang-isip ➢ ANIMISMO – tawag sa paniniwala
na isinatitik". Ito rin ay sumasaklaw o pagsamba sa mga anito noong
sa lahat ng uri ng katha na tumutulong panahon ng mga katutubo.
sa wastong ikauunawa ng noon, ➢ HINDUISMO - Pinakamatandang
ngayon, at bukas ng isang bansa. paniniwala o relihiyon na naging
Ito rin ay pagpapahayag ng basehan ng animismo.
damdamin at mga karanasan ng ➢ BAYBAYIN – paraan nang pagsulat
sangkatauhan na nasusulat sa (handwriting)
masisining at makahulugang mga
pahayag. (Rufino Alejandro at Julian PASALINDILANG
Pineda) PANITIKAN
➢ Ang panitikan ay nasususlat ng mga ➢ Ang mga pasalindilang panitikan
tala ng "pinakamabuting kaisipan at ay naglalarawan sa mga gawang
damdamin ng tao." (W.J Long) naipamana o nasalin mula sa dating
➢ Ang panitikan ay isang paraan ng henerasyon papunta sa bagong
pagpapahayag na kinapapalooban ng henerasyon.
katotohanan sa paraang ipinaparanas ➢ Kadalasan, ito ay naipapasa sa
sa mambabasa ang kaisipan at pamamagitan ng “oral tradition” o
damdamin ng manunulat. (Gonzalez, pasalitang tradisyon.
Martin, at Rubin) ➢ Bukod rito, halos hindi naisulat
kundi naipapasa lamang sa
➢ Isang lakas na nagpapagalaw sa
pamamagitan ng pagkalat ng kwento sa
ibang tao.
➢ Advantage: naipapasa sa
pamamagitan lamang ng pagkukwento mga pangkat etniko (walang pinagkaiba
➢ Disadvantage: Limitado at hindi sa Greek Mythology)
konsistent, walang ebidensya. ✓ Poetry; kahima-himala/ may
FICTION kapangyarihan; kuwento ng
- Para magsilbing entertainment ng kabayanihan na nasasaliwan ng
mga tao. pantasya; combined fiction and non-
fiction; maaaring isang propaganda;
NON-FICTION historical evidence ng mga pangkat-
- Para magbigay ng kaalaman o etniko
impormasyon sa mga tao.
Katangian ng Epiko:
Dalawang form ng 1. Ang kwento ay tungkol sa kahima-
Panitikan: himala/kapangyarihan higit sa
karaniwang magagawa ng tao o taong
1. Patula o poetry – ito ay dine-divide nagpapakilala ng kabayanihan noong
into stanzas. Kahit anong kanta ay unang panahon.
poetry. 2. Ito ay base sa tradisyong pasalita; ito
2. Tuluyan o prosa o prose – ito ay ay binubuo ng tula.
tumutukoy sa mga talata (paragraph). 3. Ito ay kinakanta o binibigkas ng
paulit-ulit sa tonong pakanta.
PANAHON
Ang panitikan ay sumasalamin 2. MITOLOHIYA
sa yugto ng buhay ng mga tao. Ito ay isang anyo ng panitikan
Halimbawa ng Literatura: na nakapalibot sa relihiyon o
tradisyonal na kultura. Isa itong
1. EPIKO malaking uri ng literatura na kung saan
Ang salitang epiko ay nagmula ang madalas na tinatalakay ng mga
sa sinaunang Griyegong pang-uri na kwento ay mga diyos at diyosa at iba
“epikos,” na nangangahulugang isang pang makapangyarihang nilalang.
patula na kuwento. Sa panitikan, ang Kadalasan ito ay naka-ankla sa
epiko ay isang mahabang tulang kultura, tradisyon, alamat at relihiyon
pasalaysay na karaniwang tungkol sa ng isang rehiyon o bansa. Madalas, ang
mga kabayanihang ginawa ng isang tinatahak na tema ng mitolohiya ay
taong nagpapakita ng pambihirang kababalaghan.
katapangan at kapangyarihan. Ngunit, kahit na nababalot ito ng
✓ Ito ay tulang pasalaysay kababalaghan at madalas ang kathang-
✓ Pakanang sinasalin isip lamang, mayroong pa rin itong mga
✓ Pangunahing pasalitang anyo ng nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin
panitikan na matatagpuan sa iba’t sa mga modernong pag-aaral.
ibang pangkat epiko. (MAHABARATA) ✓ Paglikha mula sa wala
✓ Kwento ng kabayanihan na ✓ Laging may diyos at diyosa
nasasaliwan ng pantasya ✓ Kumakatawan sa pagbuo ng mundo
✓ Tinuturing na historical evidence ng
3. ALAMAT bayan na ginawa ng ating mga ninuno
Ang alamat ay isang uri ng ay patungkol sa iba’t ibang pamumu-
kuwentong bayan at panitikan na hay, pag iisip, ugali, at damdamin ng
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga tao.
mga bagay-bagay sa daigdig. ✓ Anyong patula
Kung minsan nagsasalaysay ito ✓ Naka depende sa sitwasyon at
ng mga pangyayari hinggil sa tunay na lokasyon
mga tao at pook. Tumatalakay din ito MGA URI NG AWITING
sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Ito ay kadalasang mga BAYAN:
kathang-isip na nagpasalin-salin buhat 1. SOLIRANIN
sa ating mga ninuno.
- Awit ng mangingisda (sa paggawa)
✓ Tinatawag na “Legend”
✓ Naglalaman ng kwento mula sa 2. TALINDAW
pinagmulan ng mga bagay bagay - Awit ng Bangkero (sa pamamangka)
✓ Nagsasalaysay ng mga pangyayari
tungkol sa tunay na tao at pook. 3. OYAYI
- Pampatulog ng bata
KWENTONG BAYAN
Ang kuwentong-bayan o folklore 4. DIONA
sa Ingles ay may kahulugan na mga - Para sa mga kinakasal
salaysay mula sa kathang isip ng mga
Pilipino. Ang mga tauhan sa kwentong 5. KUMINTANG/SALO
bayan ay kumakatawan sa pag-uugali at MA/TIKAM
mga turo ng mamamayan. - Awit na pandigma (digmaan)
Ito ay binuo upang ipahayag ang
mga sinaunang pamumuhay ng mga 6. SAMBOTANI
tao na siyang naging gabay hanggang - Tagumpay sa pakikipag digmaan
sa kasalukuyang pamumuhay Kabilang
dito ang tradisyong pasalita tulad ng 7. DALIT
mga salaysay, alamat , kawikaan at - Awit sa simbahan
biro. 8. KUNDIMAN
AWITING BAYAN - Awit ng pagibig
Ang awiting bayan ay isa sa mga
kultura na pinangalagaan mula sa ating 9. HILIRAW/PAMATBAT
mga ninuno. Ito rin ay tinatawag na - Awit sa inuman
“kantahing bayan” ng iilan.
Nasa anyo ito ng patula ngunit 10. UMBAY
may kasama itong tugtog na inaayon sa - Awit ng kalungkutan (paglilibing)
karanasan, damdamin at kaugalian ng
sinumang gumawa nito. Ang awiting
KARUNUNGANG Malayo ito sa komposisyonal na
paliwanag ng isang ideya kung kaya’t
BAYAN
ito ay itinutu-ring na hindi tuwirang
Ito ay bahagi ng panitikan kung
pagbibigay kahulugan.
saan nagbibigay daan ito para maipaha-
yag ang mga kaisipan na nakapapabi- 6. KASABIHAN
lang sa bawat kultura ng isang tribo. Ang mga kasabihan ay nagbibi-
Bago paman ang Pilipinas gay ng payo at nagsasaad ng katotoha-
sinakop ng mga kastila, mayaman na nan ukol sa mga pang araw-araw natin
tayo sa karunungang bayan kaya dapat na mga gawain, kilos, o disisyon sa
itong bigyan ng halaga. Halimabawa buhay.
nito ang mga sumusunod: 7. BULONG
Interaksyon sa kapaligiran na
1. PALAISIPAN
ginagamit ng mga mamamayan upang
Ito ay isang tanong o pangungu-
mailayo o mailigtas ang kanilang sarili
sap na may natatanging sagot na iba sa
sa kapahamakan.
karaniwan.
2. BUGTONG 8. KAWIKAAN
Isa sa mga larong ito ay ang Matalinhagang pahayag na
bugtong-bugtong o kung tawagin sa maikukumpara sa salawikain. Ang
Ingles ay“riddles”. Ito ay mga palai- kawikaa’y palaging nagbibigay ng aral
sipan na ang mananalo o makakakuha sa buhay, habang ang salawikain
ng premyo ay ang makakahula ng naman ay minsa’y namumuna ng
palaisipan. aksyon.
Panitikan sa panahon ng
3. SALAWIKAIN mga KASTILA:
Ang salawikain o kasabihan, o
kilala rin sa Ingles na Proverbs, ay ang DOCTRINA CHRISTIANA
simple, konkreto, at tradisyunal na Ito ay ang mga simulain o kaya
kasabihan na nagpapahayag ng itinuturong mga prinsipyo, teoriya, o
katotohanan na base sa sentido komun paniniwala. Binibigyang kahulugan din
o karanasan. Ito ay kadalas dinadaan sa ito bilang isang kodigo ng mga panini-
talinhaga. wala o "isang katawan ng mga
pagtuturo." Sa kadalasan, may ibig
4. SAWIKAIN sabihin itong ilang mga dogmang
Patalinhagang pananalita na panrelihiyon na itinuturo ng Simbahang
nagbibigay ng mga salitang hindi literal Kristiyano.
ang ibig sabihin. Napapaisip nito ang Kauna-unahang aklat na
mga mambabasa. nailimbag sa Pilipinas noong 1593, sa
5. IDYOMA pamamagitan ng silograpiko, isinulat
Ang idyoma ay isang matalinha- nina Padre Juan de Placencia at padre
gang pagpapahayag ng isang ideya. Domingo Nieva. Binubuo ng 87 pahina.
NUESTRA SENIORA DEL Ito ay may sukat na walong
ROSARIO pantig bawat linya at may apat na linya
Ikalawang aklat na nailimbag sa sa isang saknong.
Pilipinas, isinulat ni Padre Blancas de Ang korido ay binibigkas sa
San Jose noong 1602 at nailimbag sa pamamagitan ng pakantang pagpapa-
imprenta ng Pamantasang Sto. Tomas. hayag ng mga tula.
Naglalaman ng talambuhay ng mga AWIT
santo, nobena at mga pangunahing Ito ay isang uri ng tulang
kaalaman sa relihiyon. pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na
BARLAAN AT JOSAPHAT taludtod ang bawat saknong, na ang
Ikatlong aklat na nailimbag sa bawat taludtod ay may lalabindalawa-
Pilipinas, salin sa Tagalog mula sa hing pantig, at ang tradisyonal na
griyego ni Padre Antonio de Borja. dulong tugma ay isahan
Ipinalalagay na ito ang unang nailimbag (aaaa, bbbb, cccc, at iba pa).
na nobela sa Pilipinas. Karaniwang paksa ng awit ang
pakikipagsapalaran ng bayani, ngunit
PASYON ang iba'y tumatalakay din sa mga
Isang naratibong tula ng
alamat at relihiyosong tula., ang "awit"
Pilipinas na nagsasaad ng buhay ni
ay walang ikinaiba sa “korido", maliban
Hesukristo, mula sa kapanganakan,
lamang sa bilang ng pantig sa bawat
pagkapako sa Krus hanggagang sa
taludtod.
muling pagkabuhay.
Ang awit, gaya ng korido, ay
Ito ay may saknong na limang
nagtataglay ng tatlong elemento:
linya na may walong pantig.
1. Pag-iibigan
URBANA AT FELISA 2. Relihiyon at Pangagaral
Isinulat ni Modesto de castro, 3. Himala at kagila-gilalas na mga
ang tinaguriang, "Ama ng Klasikong pangyayari
Tuluyan sa Tagalog". Naglalaman ito ng DULANG PANTAHANAN
pagsusulatan ng magkapatid na sina
Mga ritwal na isinasagawa sa
Urbana at felisa. Pawang nauukol sa
mga tahanan na kinabibilangan ng
kabuting-asal ang nilalaman ng aklat na
Duplo, Karagatan, Huego de prenda,
ito kaya't malaki ang nagawang implu-
Pamanhikan, Panubong o Pamutong.
wensya nito sa kaugalian panlipunan ng
mga Pilipino. 1. HUEGO DE PRENDA
Batay sa kahulugan ng
KORIDO pinagmulan nitong Espanyol na juego
Ito ay isang uri ng panitikang
de prenda, ay “laro ng multa.” Nilalaro
Pilipino, isang uri ng tulang nakuha
ito tuwing burol o lamayan. Walang
natin sa impluwensiya ng mga
takdang bilang ang maaaring sumali sa
Espanyol.
laro ngunit malimit na kabataan ang
mga kalahok.
2. KARAGATAN awitin at hanggang hindi sila
Isang tulang paligsahang nilalaro pinapapasok upang ipahiwatig na sila
sa mga luksang lamayan o pagtitipong ay nahihiya.
parangal sa isang yumao na ginagawa Dapat ay anyayahan sila ng may
noong bago dumating ang mga Kastila. bahay, upang pagkatapos ng pag-aawit
Ang paksa nito’y tungkol sa alamat ng sila kung nasa loob na sila ng bahay.
singsing ng isang dalaga, na umano’y Ang pararangalan ay kailangang
nahulog sa gitna ng karagatan. umupo sa isang silya at siya ay lalagyan
Binubuo ito ng mga saknong na ng isang koronang yari sa sariwang
apatang taludtod at may sukat na bulaklak at handugan bilang reyna.
lalabindalawahin. Higit itong nag- DULANG PANTANGHALAN
aangkin ng malulundong talinghaga at Ipinapalabas sa entablado at
malalim na palaisipan. kinabibilangan ng Karilyo, Senakulo,
3. DUPLO Moro-moro o Komedya at Sarsuwela.
Ito’y pagtatalo sa tula at 1. KARILYO
pahusayan sa pagbigkas. Karaniwang Ito ay itinuturing na isang laro
gumagamit ng mga salawikain, ng mga tau-tauhang ginagampanan ng
kawikaan at kasabihan. mga aninong ginawa mula sa karton, na
Pasisimulan ito sa pagdarasal ng pinanonod na gumagalaw sa likod ng
isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, isang puting tabing at pinagagalaw
at isang Requiem de Ternam para sa naman ng taong di nakikita na siyang
kaluluwa ng yumao. nagsasalita rin para sa mga kartong
Ang magiging daloy nito ay gumagalaw.
nakasalalay sa paratangan at bintangan
sa kung sino ang salarin.
2. SENAKULO
Ito ay isang dula patungkol sa
4. PANUBONG O buhay, pagpapasakit, kamatayan at
PAMUTONG muling pagkabuhay ng Panginoong
Isang mahabang tulang Hesukristo. Isa ito sa mga tradisyon ng
nagpaparangal sa isang may kaarawan Semana Santa sa ilang grupong
o kapistahan na kung tawagin ay Cristiano, partikular na sa mga
panubong ay ginaganap bilang parangal Katoliko. Pandulaang bersyon ng
sa isang panauhin o may kaarawan. Pasyon tungkol sa hirap at sakit ng
1. Sinisimulang awitin sa may tarang- Panginoong Hesukristo.
kahan ng bahay ng may kaarawan. 3. MORO-MORO O KOMEDYA
2. Inawit habang umaakyat sa hagdan Ito ay isang dula noong panahon
ang mga kumakanta. ng mga kastila, pagsasadula ito ng
Ipinaliliwanag nila rito ang paglalaban ng mga Moro laban sa
halaga ng bawat baitang. Kapag nasa Kristiyano.
huling baitang na sila, hindi agad sila
papasok hanggang hindi natatapos ang
4. SARSWELA
Ito ay isang dula na may tugtu-
gan at awitan, minsan ay may muot na paglalakbay nina Santo Jose at
kasamang sayaw, may kalakip na Birheng Maria mula sa Nazareth patun-
pampatawa, may kasama ring aksyon o gong Bethlehem upang maghanap ng
tunggalian. Ang salitaan nito ay patula matutuluyan na mapagsisilangan kay
o paawit. Hesukristo.
Ito ay isang melodrama o dulang Ginagawa tuwing buwan ng
musikal na tatluhing yugto. Ang paksa Disyembre bilang paghahanda sa
ay natutungkol sa pag-ibig, paghihigan- kapaskuhan. Hango sa salitang-ugat na
ti, panibugho, pagkasuklam, at iba pang “tuloy” na isang magiliw na pag-anyaya
masisidhing damdamin. Naglalarawan o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng
din ito ng pang-araw-araw na buhay ng tahanan
mga Pilipino. 2. MORIONES
Upang lalong magustuhan ng Ito ay isang paraan ng
mga manonood, hinahaluan ito ng pagdiriwang tuwing Mahal na Araw sa
katatawanan na laging ginagampanan Marinduque.
ng mga katulong sa dula. Sinasabing Ang moryones ay mga lalaki at
ito’y naging libangan nang mga huling babae na nakasuot ng maskara’t helmet
taon na ng pananakop sa atin ng mga at damit na katulad ng mga sundalong
Kastila. Romano noong panahon ni Kristo.
5. SAYNETE Bilang dula, ang Moryones ay
Itinuturing na isa sa mga dulang isang komedya hinggil sa paghahanap,
panlibangan nang mga huling taon ng pagdakip, at pagpugot ng ulo kay
pananakop sa atin ng mga Kastila ang Longhíno.
Saynete. Buong linggo ng Mahal na Araw,
Ang paksa ng dulang ito ay ang Moryones ay pumaparada paikot-
nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ikot sa poblasyon upang kunwa’y hana-
ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang pin siya.
pamumuhay,pangingibig, at pakiki- Si Longhino ay isang Romanong
pagkapwa. Ang “La India Elegante Y El centurion na bulag ang isang mata.
Negrito Amante” ni Francisco Baltazar Ayon sa alamat, sinibat ni Longhino
ay ipinalalagay na isa sa mga nakaaaliw ang tagiliran ni Hesus hábang nakapakò
na libangang saynete noong panahong sa Krus.
iyon. Ang dugo mula sa tagiliran ni
DULANG PANLANSANGAN Hesus ay tumalsik sa kaniyang bulág na
Mga ritwal na idinaraos sa kalye. matá at naibalik nitó ang kaniyang pa-
Dito nabibilang ang Panuluyan, ningin. Pinaniniwalaan din na dahil dito
Moriones, Salubong, Tibag at Ay nagbago ang pananaw ni Longhino
Santacruzan. bilang isang Romano at naging Kristiya-
no.
1. PANUNULUYAN
Isang kaugaliang Kristiyano ng
3. SALUBONG
mga Filipino na nagtatanghal ng masali- Ang salubong ang pagtatanghal
o ritwal tuwing bukang-liwayway ng Sa pagsapit ng ika-19 na
Linggo ng Pagkabuhay na nagtatampok dantaon ay dumating sa Pilipinas ang
sa pagtatagpo ng imahen ni Kristo at ni mga Amerikano na siyang nagbigay sa
Birhen Maria. mga Pilipino ng bagong Pag-asa.
4. TIBAG Bagamat nakadama ng bahag-
Ito ay tungkol sa paghahanap ni yang kalayaan ang mga Pilipino sa
Empress Helena sa pinagpakuan kay panahong ito ang mga manunulat ay
Hesukristo sa Jerusalem bunga ng hindi pa rin nagkaroon ng ganap na
kanyang panaginip. kalayaang makasulat ng mga nais
nilang sulatin sapagkat sa pamamagitan
5. SANTACRUZAN ng Batas Sedisyon ay pinagbawalan pa
Ang Santacruzan (mula sa rin silang sumulat o pumaksa sa mga
salitang Kastilang santa cruz, bagay na may kinalaman sa pamama-
"banal na krus") ay isang ritwal na hala ng mga Amerikano na maaaring
maringal na pagtatanghal na idinadaos makapapaalab ng damdaming makaba-
sa huling araw ng Flores de Mayo. yan sa mga Pilipino at matutong ipag-
Ito ay binibigyan ng parangal sa laban ang kanilang mga karapatan.
paghahanap ng Tunay na Krus ni Santa
Elena ng Konstantinople (kilala bilang Panitikan sa panahon ng
Reyna Elena) at San Constantinong mga HAPON:
Dakila. Kung ang panahon ng mga
Panitikan sa panahon ng Amerikano ay Gintong panahon ng
Nobelang Tagalog ang panahon ng mga
HIMAGSIKAN: Hapones ay naging Gintong Panahon
Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng naman ng maikling Katha at dulang
panahon ng Kastila. Unti-unting namu- Tagalog sapagkat nabigyan ang maik-
lat ang kaisipang Pilipino. Ang mga ling katha ng pagkakataon sa Liway-
dahilan ng kanilang pagkamulat ay: way.
➢ Ang pagpapahintulot sa Maikli man ang panahong
pakikipagkalakalan ng pandaigdig ng sinaklaw ng panahong ito, nagkaroon
buksan ang Suez canal; ng kabutihan ang pagbabawal na
➢ Ang pagpasok ng diwang liberal sa gamitin ang wikang Ingles sa mga
Pilipinas buhat sa iba't ibang bahagi paaralan.
ng Europa; Nabuksan ang pagkakataon na
➢ Ang pagiging Gobernador Heneral madagdagan ang mga manunulat sa
Ni Carlos Maria dela Toirre na wikang Tagalog sapagkat ang mga
nagkaroon ng pantay na pagtingin sa manunulat na dating nagsisisulat sa
mga mamamamayan at wikang Ingles ay napilitan ng magsulat
➢ Ang paggarote sa GOMBURZA. ng mga akda sa wikang Tagalog.
Panitikan sa panahon ng Ang mga maikling katha sa
panahong ito ay nagtataglay ng
mga AMERIKANO:
damdaming makabayan.
Nabigyang-diin ang katutubong Ang tanaga ay itinuturing na
kulay sa mga maikling kwento at ang malayang tula at sagana sa talinghaga.
mga ito ay pumaksa sa uri ng pamumu-
Panitikan sa panahon
hay noon na may kahirapan.
Ilan sa mga kadang nailathala sa PAGKATAPOS NG
panahong ito ang mga sumusunod: PANANAKOP:
1. Lupang Tinubuan Dahil sa lalong sumasamang
(Narciso G. Reyes) kalagayang pangkabuhayan at pampu-
2. Uhaw ang Tigang na Lupa litika, malimit na mga demonstrasyon
(Liwayway Arceo) ng mga estudyante’t manggagawa, at
3. Ang Lungsod, Nayon at Dagat- sumisidhing mga kaguluhang maaaring
dagatan (N.V.M Gonzales) samantalahin ng mga komunista upang
ibagsak ang demokratikong republika
HAIKU ng Pilipinas, ipinahayag ni Pangulong
Ito ay isang uri ng maikling tula Ferdinand Marcos ang pagpapairal ng
mula sa Hapon. Batas Militar.
Ang tradisyonal na haiku ay Marami ang naligalig at nasin-
tungkol sa kalikasan, mga imahen ng dak sa pag-aakalang hindi na maiiwa-
kalikasan. Ang mga silaba'y sumusunod san ang pagdanak ng dugo. Napatuon
sa estrukturang tatlong linyang 5-7-5 ang Pilipinas ang mata ng daigdig at
Ang halimbawa tungkol sa ibon ni buong pananabik na minatyagan kung
Victor Emmanuel Medrano ng kailang at kung hanggang saan maipag-
Kanada: tatagumpay ang ganitong uri ng pama-
lumílipád na halaan.
ang ibon sa langit ngâ
—may saranggola
NOBELA
Kung ang paksa ang pag-uusa-
TANAGA pan, masasabing nagbalik sa romanti-
Ito ay sinaunang anyo ng sismo ang karamihan sa mga nobelang
maikling tulang Tagalog, binubuo ng lumabas sa Liwayway sa panahong ito.
apat na taludtod na tugmaan, may Karamihan ay nasa pamantayang
sukat na pitóng pantig ang bawat komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang
taludtod, at nagpapahayag ng isang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito
buong diwa. upang isapelikula.
Tulang Tagalog na palasak na
bago pa dumating ang mga Kastila. Ito MAIKLING KWENTO
ay may mataas na uri. Nagpatuloy ito sa pagyabong
Binubuo ito ng apat na bagamat marahil ay mangangailangan
taludturan na may pituhang pantig. Ang pa ng panibagong pagbibigay- sigla
tanaga ay nahahawig sa haiku at muling upang ang ating mga manunulat ay
naging palasak ang mga tanaga noong magsikap makalikha ng mgaikling
panahon ng Hapon. kuwento hindi masasamang maimulat
pagkatapos itabi ang magasing kinaba-
nasasaklawang mga magagamit na
basahan niyaon. paksang- diwa at ang pinagkakatalunan
na lamang ay ang pamamaraan at lalim
ANG DULA AT DULAAN
ng pagtalakay na magagawa ng makata
Inuri ni Nicanor Tionson ang
sa kabila ng umiiral na paghihigpit.
sula sa dalawa:
Una, ang dulang pala-bas na PANAHON NG IKA-
siyang karaniwang tawag sa iba’t ibang APAT NA REPUBLIKA
dilang Pilipino, maimpluwensya man ng Batay sa resulta ng halalan,
Kastila gaya ng mga bodabil at Stage laganap ang anomalya at karahasan sa
show. buong kapuluan na nagtakdang nana-
Ganito ang itinaguri niya sa mga natiling nakaluklok ang dominanteng
dulang ang panunahing layunin ay partido ng Kilusan ng Bagong Lipunan.
magdulot ng aliw. Ang mga ito raw ay Sa kalaunan, sa pamamagitan ng
eksapista sa kalikasan at sa mga sandali kapangyarihan ng sambayanan, nailuk-
ng panonood ay nakapagpapalimot ng lok si Pangulong Aquino at napatalsik
mga suliranin.Ang inuri naman niyang ang diktaturyang Marcos. Sa panahong
paloob ay iyong “sumasalamin sa ito, naisulong ang demokrasya.
lipunan at sa pakikisangkot ng tao sa
lipunang iyon.” PANULAAN
Sa pagpasok ng panahon ng Pinakapayak man na anyo ng
Bagong Lipunan ay nabigyang- sigla pahayag, ang mga tulang naisulat mula
ang mga pagsasadula. Nagpatuloy ang 1986 hanggang sa kasalukuyan ay
napasimulan nang mga pagsasalin sa nakapaglalarawan ng kabuuang sistema
Pilipino ng mga klasikong opera. Nag- ng panahong kinapapalooban.
karoon din ng mga pinagsanib na dula, MAIKLING KWENTO
awit at sayaw na nagtatampok ng mga Nasa antas pa lamang ng
katutubong atin. panibagong pagpapakilala at pagpapa-
TULA unlad ang wikang Filipino noong mga
Katulad ng iba pang naunang unang taon ng dekada ’80. Kaakibat ng
panitikan, ang tula ay kinakailangan pagpapayaman at pagpapalawak ng
ding makisunod sa uri ng panahon. Ang talasalitaan ng ngayo’y isinabatas na
ilang makata ay bumalik sa mga wikang pambansa ang pag-aangkat ng
paksang ligtas talakayin, gaya ng pag- salitang banyaga bagamat ipinananatili
ibig, bihay at kalikasan. ang tradisyunal na pagbaybay.
Ang iba naman ay nagpatuloy sa Mula noon hanggang sa kasalu-
mga higit na malalim na kaisipan ngunit kuyan, Malaya ang daloy ng wika sa
maingat na ikinubli sa mga simbolismo mga kuwento at walang mariing pag-
at iba pang pamamaraan ang mga tutol sa mga akdang nasusulat sa Taglish
tunay na saloobin. (Tagalog-English).
Sa ano’t ano man, ang panulaan
sa panahong ito ay may malawak na
DULA AT DULAAN pagluluto; direksyon sa pagsagot ng
Ang dulaan marahil ang pagsusulit; at direksyon sa paggawa ng
pinakamasigla nitong mga nakaraang anumang bagay ay halimbawa ng
taon. Patunay rito ang kabi- kabila at tungkuling ito.
sunod-sunod na pagtatanghal sa mga ➢ PERSONAL - saklaw ng tungkuling
paaralan at tanghalan sa buong bansa. ito ang pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuru-kuro sa paksang pinag-
SANAYSAY
uusapan, kasama rin dito ang pagsulat
Marami sa mga nagwaging sanaysay
ng talaarawan at journal, at ang
mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ay
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa
pagsusuri sa mga akda ng mga kilala
anumang anyo ng panitikan.
kundi man higanteng persona sa
larangan ng panitikan. ➢ IMAHINASYON - nagpapahayag
ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
➢ HEURISTIC - ito ay ginagamit sa
pagkuha o paghahanap ng imporma-
syong may kinalaman sa paksang
pinag-aaralan. Kasama dito ang paki-
kipanayam sa mga taong makasasagot
sa mga tanong tungkol sa paksang
pinag-aaralan; pakikinig sa radyo;
Tungkulin ng Wika: panonood ng telebisyon; at pagbabasa
(Michael Halliday) ng pahayagan, magasin, blog, at mga
akalat na napagkukuhanan ng
➢ INTERAKSYUNAL - nagpapanatili
impormasyon.
ng relasyong sosyal. Ito ay nakikita sa
paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa ➢ INFORMATIBO - ito ay kabalig-
kanyang kapwa; pakikipagbiruan; taran ng heuristic, may kinalaman sa
pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang
partikular na isyu; pagkukwento; at pasulat at pasalita, ilan sa halimbawa
paglikha ng liham pangkaibigan. nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng
pamanahong papel, tesis, panayam at
➢ INSTRUMENTAL - tumutugon sa
pagtuturo.
pangngailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paglikha Teorya ng Wika:
ng liham pangangalakal, liham sa Maraming haka-haka ukol sa
patnugot, at liham pangkaibigan ay pinagmulan ng wika.
halimbawa ng tungkuling ito. Hindi pa rin maipaliwanag kung
saan at kailan nagsimula ang wika.
➢ REGULATORI - tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Hanggang sa kasalukuyan ay
nananatili pa ring misteryo sa mga
Ang pagbibigay ng direksyon tulad ng
Dalubwika ang pinagmulan ng wika.
sa pagtuturo ng lokasyon ng isang
partikular na lugar; direksyon sa
TEORYA pamamagitan ng panggagaya ng mga
Ito ay ang siyentipikong pag- tao sa mga tunog ng bagay sa paligid.
aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga Ang bawat tunog na naririnig nila sa
bagay-bagay na may mga batayan mga bagay ay binibigyan ng interpre-
ngunit hindi pa lubusang napatutu- tasyon at nagkakaroon ng sarili nitong
nayan. kahulugan.
PAGDULOG: Ang ilan sa halimbawa ng
1. Siyentipiko teoryang ding-dong ay: Tunog ng tren
2. Relihiyoso (tsug-tsug), Tunog ng kampana (kleng,
kleng), Putok ng baril (BANG!), Orasan
TORE NG BABEL
(tik tak tik tak)
Ninais nilang higitan ang sino
man at ninais na maging kapantay ang POOH-POOH
Diyos. Nagalit ang Diyos at sinira ang Ang wika ay nabuo dahil sa
nasabing tore na sa kinalaunan ay bugso ng damdamin na hindi sinasad-
tinawag na Tore ng Babel. Kaugnay ng yang maipahayag sa pamamagitan ng
pagsira niya sa tore ay nagpasya siyang bibig. Ito ay maaring dahil ng sobrang
guluhin ang wika ng mga tao. Dito nag- sakit, kasiyahan, kalungkutan, sarap,
ugat ang pagkakaroon ng magkakai- takot, pagkagulat at iba pa.
bang lengguwahe. Isa sa halimbawa ng teoryang
Sa teoryang biblikal, pinanini- pooh-pooh ay kapag nasaktan– “Aray!,
walaang nagkaroon ng iba’t ibang wika Awts!
ang mga tao bilang kaparusahan sa TA-RA-RA BOOM-DE-AY
paghahangad nilang maghari dito sa Ang teoryang ito ay nagsasabi
daigdig. na ang wika ng tao ay galing sa mga
BOW-WOW tunog na nilikha sa mga ritwal na
Nagmula ang wika sa nagbabagu-bago at binigyan ng ibang
panggagaya ng mga tao sa tunog ng kahulugan katulad ng pagsayaw,
hayop at kalikasan. Naniniwala ang pagtatanim, atbp.
mga dalubhasa na ginagaya ng ating TATA
mga ninuno ang tunog ng kalikasan sa Salitang Pranses na nanganga-
kadahilanang kulang pa ang kanilang hulugang “paalam”.
bukabolaryo upang maipahayag ang Sa teoryang ito, pinaniniwa-
kanilang naoobserbahan. laang ang wika ay nagmula sa kumpas
Bukod sa tunog ng kalikasan, ng kamay ng tao, at sakalaunan ay
naniniwala rin ang mga dalubhasa na ginaya ng dila at bibig upang
nagmula ang wika sa panggagaya ng makagawa ng tunog. Halimbawa na
tao sa tunog ng hayop tulad ng “Aw lamang ay kapag nagpapaalam, ang
aw” ng aso at “meow” ng pusa” ating kamay ay kumakampay pataas at
DING-DONG pababa. Kaugnay nito, upang mabigkas
Sa teoryang ding-dong, ang salitang “tata” , itinataas at ibinaba-
sinasabing ang wika raw ay nabuo sa ba rin natin ang ating dila.
YOO-HE-YO ispesyalisado ang gawain at tungkulin
Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ng tao at ito ay nagreresulta ng pagka-
ang wika ay bunga ng pisikal na pwersa kaiba-iba ng kultura at wika na siyang
ng tao. Ayon sa nagmungkahi ng nagiging panukat sa progreso ng tao.
teoryang ito, kapag ang tao ay nag- VARAYTI
eeksert ng pisikal na pwersa, nakaka- Ang pagkakaroon nito ay bunga
buo siya ng tunog mula sa bibig. ng paniniwala ng mga linggwista na ang
Halimbawa: Pag-ire ng babae kapag wika ay heterogeneous o nagkakaiba-
nanganganak; kapag tayo ay nagbu- iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat
buhat ng mabigat; at kapag lumalaban ng tao na may iba’t ibang lugar na
sa karate (Haya!). tinitirahan, interes, gawain, pinag-
1. PLATO aaralan at iba pa.
Nalikha ang wika bunga ng PERMANENTE
pangangailangan. Ang pangangailangan Likas na gamit at linang sa
ang ina ng lahat ng nilikha. sinumang tapagsalita o tagabasa
2. RENE DESCARTES ➢ Dayalekt, Idyolek, Etnolek, Ekolek
Hindi pangkaraniwang hayop PANSAMANTALA
ang tao kung kaya’y ang gumagamit ng Nagbabago batay sa pagbabago
wika na aangkop sa kanyang kalikasan ng sitwasyon.
bilang tao.
➢ Sosyolek, Register, Pidgin, Creole
May aparato ang tao sa kanyang
utak gayundin sa pagsasalita upang PERMANENTENG
magamit sa mataas at komplikadong VARAYTI DAYALEK
antas ang wikang kailangan niya, hindi Wikang subordineyt ng isang
lamang para mabuhay bagkus magam- katulad ding wika. Ginagamit ito sa
panan ang iba’t ibang tungkulin nito sa tiyak na lugar o rehiyon.
kanyang buhay. Halimbawa: Cebuano – Gihigugma ko
3. CHARLES DARWIN ikaw Waray – Maupay nga
Nakikipagsapalaran ang tao adlaw Hiligaynon – Nagakadlaw na siya
kung kaya’t nabuo ang wika. Upang PERMANENTENG
mabuhay ang tao, kailangan niya ng
VARAYTI IDYOLEK
wika.
Ang wikang tipikal/pangkara-
Sa aklat na Lioberman (1975) na
niwang ginagamit ng isang tao; ang
may pamagat na “On the Origin of
personal na “wika” ng isang tao.
Language”, sinasaad dito na ang paki-
kipagsapalaran ng tao para mabuhay Halimbawa: • Marc Logan • Arnold
ang nagtuturo sa kanya upang maka- Clavio • Noli de Castro
likha ng iba’t ibang wika. PERMANENTENG
VARYASYON VARAYTI ETNOLEK
Sa pagdaan ng panahon, naging Isang uri ng varayti ng wika na
nadebelop mula sa salita ng mga uusapan, sa mga tagapakinig o
etnolonggwistang grupo. Dahil sa kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa
pagkakaroon ng maraming pangkat iba pang mga salik o factor.
etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
1. FIELD O LARANGAN
Etnolek.
Ang layunin at paksa nito ay
Taglay nito ang mga wikang
naayon sa larangan ng mga taong
naging bahagi nang pagkakakilanlan ng
gumagamit nito.
bawat pangkat etniko.
2. MODE O MODO
Halimbawa: Pakbet, Malong, Law oy Paraan kung paano isinasagawa
PERMANENTENG ang uri ng komunikasyon.
VARAYTI EKOLEK 3. TENOR
Varayti ng wika na kadalasang Ito ay naayon sa relasyon ng
ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito mga nag-uusap.
ang mga salitang madalas na namumu- Halimbawa:
tawi sa bibig ng mga bata at mga • Talakayan sa klase ng International
nakatatanda, malimit itong ginagamit Affairs
sa pang araw-araw na pakikipagtalas- • Talakayan sa klase sa Filipino
tasan. • Klase sa Law School
Halimbawa: PANSAMANTALANG
• Palikuran – banyo o kubeta VARAYTI PIDGIN
• Silid tulogan o pahingahan – kuwarto Ito ay barayti ng wika na walang
• Pamingganan – lalagyan ng plato pormal na estraktura. Ito ay binansa-
• Pappy – ama/tatay gang “nobody’s native language” ng
• Mumsy – nanay/ina mga dayuhan.
PANSAMANTALANG Ito ay ginagamit ng dalawang
VARAYTI SOSYOLEK indibidwal na nag uusap na may dalawa
Nakabatay ang pagkakaiba nito ring magkaibang wika. Sila ay walang
sa katayuan istatus ng isang gumagamit komong wikang ginagamit. Umaasa
ng wika sa lipunang kanyang ginagala- lamang sila sa mga “make-shift” na
wan. salita o mgapansaantalang wika.

Halimbawa: Halimbawa:
• Wa facelak girlash mo • Ako kita ganda babae
• Sige ka, jujumbagin kita! • Kayo bili alak akin.
• Repapips, ala na ako datung eh • Ako tinda damit maganda
• Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt
PANSAMANTALANG • Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas
VARAYTI REGISTER grado
Anyo ng wika batay sa uri at
paksa ng talakayan o larangang pinag-
PANSAMANTALANG
VARAYTI CLEOLE
Mga barayti ng wika na
nadebelop dahil sa mga pinaghalo-
halong salita ng indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang sa ito ay
naging pangunahing wika ng partikular
na lugar. Ito ay pinaghalong iba’t ibang
wika.
Halimbawa:
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Di donde lugar to? – Taga saan ka?
• Buenas dias – Magandang umaga
PANSAMANTALANG
VARAYTI MODA
Paraan ng pagpapahayag
(pasalita ba o pasulat?) May mga
pagkakaiba ang paraang pasalita at
pasulat.
Mas mahigpit ang pagpapatupad
ng mga tuntuning gramatikal sa
paraang pasulat.
PANSAMANTALANG
VARAYTI ESTILO
Kung pormal ang pagtitipon
/meeting, pormal din ang wika.
Kung simpleng talakayan o
tsismisan lang, impormal o casual ang
wika (lalo kung ang kausap ay malapit
na kaibigan).
Batay sa kausap at/o sa
okasyon, nagbabago ang antas ng
pormalidad ng wika.

You might also like