Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
VIRGINIA RAMIREZ-CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 10

Learning Area: Filipino Module No: 2 Week: 2 Date: September 20, 20221
MELCs:
 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na
tanong sa binasang parabula.
Layunin:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang asal.
2. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda; ang bisa
ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin; at
3. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy,
pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)

 Paggising, iayos ang higaan, kumain ng almusal at maghanda para sa isang makabuluhang araw.

 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo kasama ang
miyembro ng pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa pasimula ng aralin, hayaan munang alalahanin ang ilang pangyayari na iyong naranasan sa
nakalipas na linggo.
 Matapos ang pagbabalik-tanaw sa iyong mga naranasan noong nakaraang linggo, kuhanin na ang
modyul at ang sagutang papel na iyong gagamitin sa pagsasagot sa mga inihandang pagsasanay.
SUBUKIN
 Sagutan ang paunang pagtataya sa pahina 5-6.
Tandaan: Basahin at unawaing mabuti ang panuto. Maaari mong basahin ang mga tanong gayundin
ang mga pamimiliang sagot, gamitin ang sagutang papel na inihanda ng guro.
BALIKAN
 Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay kang kailangang sagutan bilang pagbabalik-aral sa mga
kaalamang natutuhan mo sa nakaraang aralin. Maaari mong tingnan at suriin ang mga pangungusap na
nasa pahina 6-7.
Tandaan: Magbigay ng sariling kasagutan batay sa mga katanungan. Bigyan mo ng pagkakataon ang
iyong sarili na mag-isip at alalahanin ang araling tinalakay sa nakaraang modyul o ang mga napag-
aralan o natalakay na ninyo sa klase noon.
TUKLASIN
 Isang parabula ang babasahin sa pahina 7-8. Matapos ito, sagutin ang pag-unawa sa binasa sa
pahina 8.
 Basahin at unawain ang tekstong “Binhi” sa panunuring pampanitikan sa pahina 8-11 at sagutin
ang pag-unawa sa nilalaman pagkatapos nito.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman ng
parabula.
SURIIN
 Sa bahaging ito, kinakailangan mong maglaan ng sapat na oras sapagkat tatalakayin rito ang
nilalaman ng aralin. Basahin, pag-aralan at unawaing mabuti ang mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa mga pang-ugnay o panandang pandiskurso.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso para sa
malinaw na pagkaunawa sa araling ito.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos mo bang naunawaan ang konsepto ng aralin. Mayroong anim
na pagsasanay (Gawain A-F) ang kailangan mong sagutan mula sa pahina 12-13.
Tandaan: Siguraduhing maayos mong masasagot ang mga inihandang pagsasanay. Sundin nang tama
ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.
ISAISIP
 Sa bahaging ito, maibubuod mo ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa pahina 14.
Kinakailangan mong kompletuhin ang bawat parirala upang mabuo ang diwa nito.
Tandaan: Tiyakin na nasagutan mo ang lahat ng aytem. Maaari mong balikan ang aralin upang
malinaw mong maipahayag ang iyong kasagutan.
ISAGAWA
 Basahin at unawaing mabuti ang mga talatang makikita sa bahagi ng “Isagawa” na nasa pahina 14.
Sagutin ang mga talatang ito ayon sa panutong ibinigay ng guro. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
batay sa sariling karanasan at pang-araw-araw na pamumuhay. Tiyaking ang lahat ng aytem ay
nasagutan.
TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan mo ba ang tamang konsepto ng aralin na nasa pahina 16-
17.
Tandaan: Mahalagang ang sagot sa pagtataya ay magmumula mismo sa iyo ayon sa iyong natutuhan sa
aralin.
KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan mo ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin sa kaalamang
iyong natamo. Makikita ito sa pahina 17 at ang sagot ay isusulat sa sagutang papel.

Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong sarili nang buong ngiti at may pagmamalaki.
Lalo ka pang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

Aldrin M. Ocampo Marivic S.Reyes


Guro I Ulong-guro III

Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like