Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Reyes, Pauline Gaile S.

Panitikan
BPEA 3-1 Professor Angelo Ayala

ACTIVITY #6
“BABAE KA, HINDI BABAE LANG”

Ang mga babae ay itinuturing na mas mababa o mas mahina kung ikukumpara
sa mga lalaki. Hindi nabibigyan ng pantay na karapatan o oportunidad ang mga
babae sa iba’t-ibang larangan sapagkat ito ang hinubog ng kagawian sa lipunan
noon. Ang mga babae ay dapat mahinhin at hindi nagpapakita ng kakisigan at
mas strikto sa kanila ang lipunan sa paghuhusga sa mga dapat at hindi dapat
gawin. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na winawakasan ang pagkakaroon ng
diskriminasyon pagdating sa kasarian.

Ginagampanan ng kababaihan ang maraming papel sa buhay. Mula sa ina at


tagapag-alaga hanggang sa mogul at negosyante, ang listahan ay hindi pa
magtatapos. Kahit na ang hakbang sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay
nagawa sa paglipas ng panahon, ang mga kababaihan ay hindi pa rin palagiang
nakikita bilang karapat-dapat na respetuhin. Ang karahasan laban sa mga
kababaihan ay nananatiling laganap sa buong mundo.

Marami paring mga kaugalian na inuugnay sa mga babae na bagamat kapag sa


lalaki kahit mali ay normal na gawain ito sa paningin ng lipunan. Pati kabataan ay
nagkakaroon ng kaisipan na hindi magandang pananalita sa kababaihan kaya’t
dapat sila ay mabigyan ng kalinawan at pangaral sa murang edad. Marami nang
napatunayan ang mga kababaihan kaya’t nararapat na bigyang pansin at pantay
na karapatan sa iba’t-ibang larangan ng lipunan. Nang sa gayon, sila’y patuloy
na magpapakita ng kahusayan tungo sa pag-unlad ng ating bansa.

Bagamat may ilang pag-unlad na sa maraming bansa sa mga pagkilos para


wakasan ang diskriminasyon laban sa kababaihan, wala pa ring lipunan sa
mundong ito kung saan natatamasa na ng kababaihan ang maging pantay sa
kalalakihan. Sa pagpasok ng ika-21 siglo, patuloy pa rin ang pakikibaka ng
kabahaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo laban sa iba’t ibang uri ng
diskriminasyon.

Ito ang oras na kailangan natin upang hikayatin ang mga kababaihan na tumayo
at magpatuloy. Ang pagkakaroon ng mga kababaihan sa mga tungkulin sa
pamumuno ay sinisira ang mga istrukturang patriarkal at ipinapakita kung ano
ang maaaring makamit ng kababaihan.

Ito ang panahon para tumindig ang mga kababaihan at paglaban ang kanilang
karapatan dahil, “Babae ka, hindi babae lang”.

You might also like