Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JESUS IS LORD CHURCH – MARILAO CHAPTER

36TH Anniversary

Jinella: Isang mapagpala at napaka espesyal na umaga po sa ating lahat! Pastor Jorge, a blessed and victorious morning
to you.

Ptr. Jorge: Yes sis, Jinella. Truly, it is a blessed and victorious morning to everyone! // Sis. Jinella, etong araw na ito ay
tunay na napaka espesyal dahil sa loob ng halos tatlong taong pandemya, mas masasabi nating mas maluwag ang pag
cecelebrate ng ating anniversary this year.

Jinella: Tama po kayo d’yan, pastor. Kaya naman po, hindi na lamang po tayo mapapanood online dahil nandito po, in
flesh, ang halos lahat po ng ating kamamanggagawa dito sa JIL Church Marilao, KAWAY KAWAY NAMAN PO TAYO!

Pastor Jorge: Amen, Praise God, sis! Hindi na natin patatagalin pa. Makikita po nating lahat kung gaano kalalakas ang
sigawan, kasisigla sa palakpan ang atin pong mga kasamahan sa JIL Marilao.

Jinella: Pwede po bang marinig ang malakas na pagbati at palakpak ng mga…. Taga TIBAGAN!!!! (HALLELUJAH! PRAISE
THE LORD!)

Pastor Jorge: Ay syempre Sis. Jinella, hindi rin padadaig ang mga… taga LAMBAKIN!!! (HALLELUJAH! PRAISE THE LORD!)

Jinella: Aba pastor, syempre malakas na pagbati at palakpak din po mula sa mga taga… LOMA DE GATO!!!! (HALLELUJAH!
PRAISE THE LORD!)

Pastor Jorge: Syempre mas malakas ang papuri at palakpak kung saan nag simula ang lahat, pwede po bang marinig ang
mga taga… JIL MARILAO MAIN CHURCH!!! (HALLELUJAH! PRAISE THE LORD!)

Jinella: E pastor, in unity, pwede po bang magbigay ng malakas at mataas na papuri ng buong JIL MARILAO!!!!
(HALLELUJAH! PRAISE THE LORD!)

Pastor Jorge: AMEN!! Maraming salamat po sa inyong mainit na pagbati. Ngayon naman Sis. Jinella, ibahagi naman natin
sa lahat ang ating tema ngayong taon na ito. Napaka ganda po ng ating theme na atin pong matatagpuan at mababasa
sa Micah 7:11. Sabay sabay nga po nating basahin ang Micah 7:11.
(all will read the Scipture)

Jinella: Amen, pastor. JIL Marilao will continue to RISE AND BUILD for God’s Glory alone. Praise God po!

Pastor Jorge: Purihin ang Panginoon, Sis. Jinella. At sa puntong ito, hindi na po naming patatagalin pa. Nais po naming
tawagin ang atin pong butihing pastor ng JIL Church Marilao upang magbigay ng kanyang Opening Remarks at
maipakilala po sa atin ang magpapahayag ng Salita ng atin pong Panginoon, palakpakan po natin ang Panginoon sa
buhay po ng ating minamahal na Pastor, Pastor Sonny De Jesus.
Jinella: Muli nga pong palakpakan po natin ang Panginoon! Praise the Lord po sa buhay po ng ating mga Men’s and
Women’s Net. Pastor bago tayo dumako sa susunod na bahagi, gusto po kitang tanungin, ano po bang naging revelation
ng Lord sainyo ngayon pong ika 36th anniversary po natin?

*PASTOR JORGE TESTIMONY

Jinella: Amen. Ang sa akin naman po pastor ay….

Pastor Jorge: Glory to God! Talagang sa Lord ang lahat ng papuri. Nais lamang din po naming ipaalala ang Sunday
Worship Schedules po natin.

Pastor Jorge: Main – 9 to 11AM

Lambakin – 8:30 to 10:30AM

Tibagan – 8:30 to 10:30AM

Loma De Gato – 8 to 10AM

Jinella: Sa darating naman pong kapaskuhan, Dec. 25 please be reminded that we have regular Sunday Worship Services.
Same schedule per Satellite. January 1 po ay wala po muna tayong gawain and we’ll resume po on January 8, 2023.

Pastor Jorge: Online Church Activities naman po. Everyday at 4AM from Monday to Friday meron po tayong ginaganap
na Dawn Watch virtually. And on our Facebook Page every Wednesday meron po tayong Online Midweek Service na
nagsisimula ng 7:30 PM at tuwing Sabado naman po ang replay po ng ating Sunday Worship Service 7PM naman po ito.

Jinella: Sa punto pong ito, nais po naming pasalamatan ang lahat ng naki-isa sa ating programa—sa inyong lahat pong
dumalo rito sa ating church maraming salamat po

Pastor Jorge: Sa lahat po ng ating mga pastor, extension church coordinators, minamahal po natin guest speaker at sa
atin pong mga bisita.. Maraming Salamat po.

Jinella: Higit sa lahat ang buong pasasalamat at pinaka-mataas na pagpupuri ay ating binibigay sa ating Panginoon sa
Tatlungpu’t anim na taon ng JIL Marilao. Kaya naman po sama-sama po tayong tumayo at magbigay pasasalamat sa nag-
iisa at dakilang Diyos. (Closing Song of JIL Lambakin)

*CLOSING SPIEL AFTER CLOSING PRAYER*

Jinella: Muli po maraming salamat po sa lahat, ako po si Sis. Jinella…

Pastor Jorge: Pastor Jorge po para po sa gawain ng Panginoon. Again po, happy and victorious 36 th anniversary JIL
Marilao// Sis. Jinella…

Jinella & Pastor Jorge: To God be the Glory!!!!

You might also like