Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Grade 9

Nang Minsang Maligaw si Adrian

Bunsong anak si Adrian sa tatlong


makakapatid. Siya lamang ang naiba ang
propesyon dahil kapwa abogado ang
dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil
may kaya sa buhay ang pamilya, natupad
ang pangarap niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng
pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-
asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa
abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan
ang kaniyang mga magulang.

Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay


nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na
matapos ang dalawang taon mula nang siya’y maging ganap na doctor,
puamanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.Malimit siyang
mapag-isa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng
hindi niya maiwan-iwan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan
sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may
nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang
mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa
kahuli-huling yugto ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat
ang luho at oras na makahanap ng babaeng makakasama habambuhay. Ayaw rin
niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga
matapos ang halos limang oras na operasyon,
nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay
na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama.
Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang-palad,
naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-
ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian
ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya
namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais
niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang-araw kapag
kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na
halos hindi na makapaglakad nang maayos.
Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang
kotse. Walang imik na sumama sa anak.
Naglakbay sila nang halos isang oras.
Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto
ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama.
Tinunton nila ang daan papasok sa isang
kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumutigil sila sa lilim ng
puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang
maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po, Dad.” sagot ni Adrian.

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na


pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng
kaniyang luha. Alam niyang labag sa kalooban
ang kaniyang gagawin. Maraming beses din
silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit
din ang pagbali ng ama ng maliliit na sanga ng
puno. Napansin ito ni Adrian.“Bakit n’yo po
binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing
tayo’y nagpapahinga, Dad?” tanong ni Adrian.
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar
kung saan sila nanggaling.
Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
https://www.scribd.com/document/213795899/Nang-Minsang-
Naligaw-Si-Adrianhttps://www.storyboardthat.com/storyboards/5ff103f5/nang-minsan-maligaw-si-
adrian/edit

1. Anong propesyon ang natapos ni Adrian?


a. Negosyanye c. Abogado
b. Doktor d. Inhenyero

2. Bakit binalak ni Adrian na iligaw ang kanyang ama?


a. Upang makalaya na sa responsabilidad
b. Nais niyang pumunta sa Amerika
c. Nais niyang lumigaya sa buhay
d. Gusto na niyang mag-asawa

3. Bakit bina-balibali ng ama ni Adrian ang mga sanga ng puno na kanilang


dinaraanan tuwing sila’y magpapahinga?
a. Upang hindi makalimot
b. Upang masubaybayan ang anak niya
c. Para hinid maligaw si Adrian sa kanyang pag-uwi
d. Para gabayan siya sa buhay

4. Anong katangian ang ipinakita ng ama sa pangyayari sa kuwento?


a. mapagmahal at maunawain
b. mapagbigay sa anak
c. mahina ang loob
d. sakitin

5. Sa iyong palagay, ano kaya ang pangunahing ideya sa kuwento?


a. Ang tao ay marupok kaya nagkakamali.
b. Ang ama ng tahanan ay magulang din na nararapat mahalin.
c. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
d. Makinig palagi sa mga nakatatanda.
Isang Punongkahoy
ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


ako’y tila isang nakadipang krus;
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian,
habang ang kandila ng sariling buhay
magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


natuyo, namatay sa sariling aliw.
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,


panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isipin ang nagdaang araw,


isang kahoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan,
dahon ko’y ginawang korona sa hukay!
6. Ito ang kinahantungan ng kanyang sanga.
a. Naging korona sa buhay
b. Ang kampana sa orasyon
c. Naging krus ng libingan
d. Paa ng Diyos

7. Ang tila hinahagkan ng puno sa matagal na pagkakaluhod nito.


a. Naging korona sa buhay
b. Ang kampana sa orasyon
c. Naging krus ng libingan
d. Paa ng Diyos

8. Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?


a. nalulungkot
b. tumatangis
c. nababagot
d. naiinis

9. Ano ang karanasan ng may-akda sa tula?


a. Naging pabaya sa sarili.
b. Umiyak dahil sa kalungkutan.
c. Malubha ang kaniyang karamdaman.
d. Nalulong ang sarili sa bisyo at karangyaan.

10.Ano ang layunin sa pagsulat ng tula?


a. Maipahayag ang kahalagahan ng bawat oras at segundo ng ating buhay.
b. Maipahayag ang pagiging mabuti sa kapwa.
c. Maipahayag ang salita ng Diyos
d. Maipahayag na ang kalungkutan ay pansamantala lamang.

11. Mula sa linyang “ngunit tignan ninyo ang aking narating, natuyo, namatay
sa sariling aliw? Ano kaya ang kinahinatnan ng kanyang buhay?
a. Naging inspirasyon sa iba ang kanyang ginawa.
b. Malapit na siyang ihatid sa huling hantugan.
c. Nagsisisi siya dahil sa bata pa ay may bisyo na.
d. Nawala ang kaligayahan niya at napalitan ng kalungkutan.

Si Langgam at si Tipaklong
Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay
gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya.
Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita
niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam,” bati ni Tipaklong.


“Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at
mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon,”


sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong.


“Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso,
tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong,” sagot ni Langgam. “Gaya ng


sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng
pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain kapag sumama ang
panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa


umaga, ulan sa hapon, at sa gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang
panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang hangin kasabay ang
pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong.


Naalaala nilang puntahan ang kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni


Langgam. Bahagya na siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan,” wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at


maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong, tsaka mabilis na


naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang


magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam,” wika ni Tipaklong. “Ngayon ako


naniwala sa iyo. Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang
panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang
maganda ang panahon ay kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam.
Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-impok.

Source: https://pinoycollection.com

12. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula?

a. Araw at Ulan
b. Alitaptap at Tipaklong
c. Langgam at Tipaklong
d. Gabi at Araw

13. Ano ang katangiang mayroon si Langgam?


a. masayahin
b. mapag-impok
c. malaro
d. masipag

14. Ano ang katangiang mayroon si Tipaklong?


a. Masipag at masayahin
b. Malaro lalo na kung tag-araw
c. Mahiyain sa kanyang mga kaibigan
d. Mahiyain at masipag

15. Sino sa mga tauhan sa pabula ang masipag maghanap ng pagkain?


a. Si Araw
b. Si Langgam
c. Si Tipaklong
d. Si Ulan

16. Ano ang nangyari kay Tipaklong pagdating ng tag-ulan?


a. Ginaw na ginaw at nagutom sapagkat wala siyang pagkain.
b. Naghanap siya ng masisilungan at matutulugan habang umuulan.
c. Natulog siya nang magdamag dahil maginaw sa labas ng bahay.
d. Naglalaro siya sa ulan.

17. Ang mga tauhan sa pabula ay mga ____________


a. bagay b. hayop c. tao d. kagamitan
18. Ilan ang tauhan sa iyong binasang pabulang “Si Langgam at si Tipaklong”?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
19. Ang pabula ay lumaganap dahil sa ____________________.
a. magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito sa mambabasa
b. maraming manunulat na gustong gamitin ang mga hayop bilang
tauhan
c. madali itong maunawaan ng mga kabataan
d. natutuwang basahin

20. Bakit mabisa ang paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan?
a. dahil ang mga hayop ay sumasagisag sa katangian o pag-uugali ng
tao
b. dahil bilang tauhan ay madaling basahin sa akda
c. dahil nakaaakit ang mga kulay ng mga hayop sa akda
d. dahil nakakapulot ng aral ang mga mambabasa
SUSI SA PAGWAWASTO

1. B 11. B
2. A 12. C
3. C 13. B
4. A 14. B
5. A 15. B
6. C 16. A
7. D 17. B
8. B 18. B
9. D 19. A
10. A 20. A

You might also like