Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

❏ Natutukoy ang mga karapatan at

tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)


❏ Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang
pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
(EsP9TT-IIa-5.2)
Mahalagang Tanong:

Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon


ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
Bakit moral na gawain ang pagtupad ng
tungkulin?
Ano-ano ang dalawang obligasyon na kaakibat
ng karapatan ng isang tao?
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral

Ang karapatan ay ang kapangyarihang


moral na gawin, hawakan, pakinabangan
at angkinin ang mga bagay na kailangan
ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Moral ito dahil hindi maaaring puwersahin ng
tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya
nang sapilitan o puwersahan ang mga bagay na
kailangan niya sa buhay.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon
siya ng damdamin ng pagsisisi
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan
ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao
lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
Dahil sa karapatang ito, may obligasyon ang
tao na akuin at tuparin ang kaniyang mga
tungkulin.
Mga Uri ng Karapatan
Kailangan ang mga karapatan sa maayos na
pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na uri ng
karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay
Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito
ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng mga
ariarian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at
maghanapbuhay.
Mga Uri ng Karapatan
1. Karapatan sa buhay. Ito ang
pinakamataas sa antas ng mga karapatan
dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan
ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung
sakaling ito ay malagay sa panganib.
Mga Uri ng Karapatan
2. Karapatan sa pribadong ari-arian.
Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil
kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang
maayos at makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako, magiging
isang pangaabuso ang karapatang ito kung naaapi o
naagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga
benepisyo.
Mga Uri ng Karapatan
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang
taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
Mayroong mga pasubali sa karapatang ito.
Halimbawa, kailangan ng kabataang nasa edad ng
17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan.
Mga Uri ng Karapatan
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama
sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira
sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng
trabaho o komportableng buhay o ligtas sa
anumang panganib.
Mga Uri ng Karapatan
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya. May karapatan ang bawat tao
na piliin ang relihiyon na makatutulong sa kaniya
upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
Mga Uri ng Karapatan
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay.
May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng
trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan
upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga
mamamayan kung walang oportunidad sa kanilang bansa
na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay batay sa
kanilang pangangailangan.
(Universal Declaration of Human Rights).
Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng
Pandaigdig na Pagpapahayag sa dignidad ng tao,
patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat
kasapi ng sangkatauhan bilang pundasyon ng
kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong
mundo.
Ang mga karapatang pantao ay nagsisimula sa
mundo ng indibidwal na tao – sa maliit na
pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang
pinapasukan niya, sa factory, sakahan, o opisina
kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang mga lugar
kung saan dapat asahan ng bawat babae, lalaki, o
bata ang pantay na katarungan, oportunidad, at
dignidad nang walang diskriminasyon.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral

Tungkulin. Ito ang obligasyong moral


ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan)
ang isang gawain. Moral ang obligasyong
ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang
kilos-loob ng tao.
Tungkulin bilang Obligasyong Moral
Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng
tungkulin. Moral na gawain ito dahil ang moral ang
siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan,
Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa
mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan
na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

-Dy, 2013
Mga Tungkulin
Mga Tungkulin

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang


bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan
at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan
at kaluluwa. May tungkulin siyang paunlarin ang
kaniyang mga talento at kakayahan – sa
aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti) at moral.
Mga Tungkulin

2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May


tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin ang
anumang ari-arian niya at gamitin ito upang
tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga
nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay
ng pagkain, damit, o pera, mga bagay na tunay
nilang kailangan.
Mga Tungkulin

3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na


tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan
ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga
ito. Kasama rito ang pagiging mabuting halimbawa
sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging
sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya, at
pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
Mga Tungkulin

4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may


tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary.
Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na
kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at
pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang
paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o
magkaibigan.
Mga Tungkulin

5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang


pananampalataya, may tungkulin na igalang ang
relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit
magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho
rin ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang
nahigit na makapangyarihan sa tao.
Mga Tungkulin

6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay,


may tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa
trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan
sa anumang gawain. Mahalaga ang katapatan ng
mga empleyado sa kanilang trabaho – ibig sabihin,
nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras
nang walang ginagawa.
Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity)

Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian,


lahi, estado sa lipuanan, opinyon sa mga isyung
politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon ay
may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa
paraang makatao.
Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity)

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa


anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang
lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang
pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapuwa.
Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity)

Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon,


bansa, army o pulisya ang dapat mangibabaw sa
mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang
pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling
itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa
lahat ng bagay.
Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
(Fundamental Principles for Humanity)

Artikulo 4. Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip


at konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang
tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at
pamayanan, lahi, bayan, at relihiyon nang may
pagkakaisa: Huwag mong gawin sa iba ang anumang
ayaw mong gawin nila sa iyo.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kaniyang kapuwa na igalang ito at ang kaniyang
obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin.
Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong
pagkatao sa lipunan kung igagalang mo at ng
kalipunan ang mga karapatan ng iyong kapuwa at
kung tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong
mga tungkulin.
Masalimuot man ang pagtupad ng iba’t ibang
tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na
sa lipunan, mahalagang patuloy na tayahin ang sarili
kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at
paglilingkod sa lipunan.
REACH ME VIA:
Email: beniceantonette.mocas@depedqc.ph

https://www.facebook.com/teeacherB

Contact Hours:
Monday-Friday
(7AM-5PM)
Have a nice day!

You might also like