Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 6:

Gramatika (Sanhi at Bunga / Pagtatalata)
F8WG-Ig-h-22 / F8PU-Ig-h-22
Ang modyul na ito ay binuo upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng
mga mag-aaral at iyon ay ang maipagpatuloy ang pagpapayabong ng kaalaman sa
kabila ng sitwasyong kinahaharap ng bansa.

Ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng modyul na ito ay makapagpapamalas ng

kahusayan upang mapagyaman ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa
paglinang ng pangkomunikatibo at pagsulat. Masusubok nito ang husay ng mag-
aaral bilang manunulat. Sa pagsulat ng talata maipapahayag ang sariling palagay
tungkol sa sinaunang uri ng panitikan. Gagawin ito bilang bahagi ng adbokasiyang
pahalagahan ang Katutubong Panitikang Pilipino.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng dalawang mahahalagang MELC (Most

Essential Learning Competencies),

✓ Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,

sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa) (F8WG-Ig-h-22)
✓ Naisusulat ang talatang:
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapakita ng simula, gitna at wakas (F8PU-Ig-h-22)

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:

1. natutukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap;
2. nakapagbabalik-tanaw sa nakaraang aralin;
3. nakababasa ng akda nang may pag-unawa;
4. nakikilala ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari;
5. nakabubuo ng pangungusap gamit ang hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari;
6. naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa akda sa mga isyung nagaganap sa
ating lipunan; at
7. nakasusulat ng sariling talata

1
Subukin natin ang iyong dati ng kaalaman tungkol sa sanhi at bunga.

A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagang magmaneho pauwi.

2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay dahil alam niya ang sagot sa tanong.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya ibinili siya ng bago ng ama.
5. Sapagkat hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.
7. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at
taos-puso ang kanyang pag-awit.
8. Unti-unting nawawalan ng matitirahan ang mga hayop sa gubat kaya nasa
panganib na ang buhay nila.

Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.

1. Pumunta sila sa hapag kainan dahil nakahain na ang pagkain.

2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.
7. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya’t inilabas na ni Noel ang mga
bag ng basura.

2
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap mula sa epikong
Bidasari upang maipakita ang dahilan o kinahinatnan ng mga ito.

1. Dahil sa pananalakay ng dambuhalang ibong Garuda, _________________________

_________________________________________________________________________________
2. Dahil sa matinding takot ng Sultana sa ibong Garuda, _________________________
_________________________________________________________________________________
3. Kaya dinala ng mag-asawa sa bahay ang sanggol at binigyan ng apat na tagapa-
ngalaga at higaang may kalupkop ng tunay na ginto. _____________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon nang kasal kay Lila Sari
_________________________________________________________________________________
5. Bunga nito, ipinahanap ni Lila Sari ang babaeng mas hihigit pa sa kanyang ganda.
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
6. Kaya naman sinabi ni Bidasari kay Lila Sari na kunin ang gintong isda sa hardin
ng kanyang ama. _______________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
7. Kaya pinahintulutang mapabalik si Bidasari sa kanyang magulang.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
8. Sa takot ni Diyuhara na tuluyang patayin ni Lila Sari si Bidasari
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
9. Kung kaya sa bandang huli ay iniwan din ng Sultan si Lila Sari.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
10. Nagulat ang anak na lalaki ni Diyuhara nang makita si Sinapati na kamukha ng
kinikilala niyang kapatid na si Bidasari. _________________________________________
_________________________________________________________________________________

3
Aralin
Sanhi at Bunga/
6 Pagsulat ng Talata

Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at bigyang-pansin ang mga salitang may
diin.

“Ang Itim na Sisiw”

ni Bb. Ana Lea C. Mateo

Sa isang matahimik at payapang bukid ang batang naninirahan ang batang

si Manuel at ang magulang nito. Ang kanyang ama ay isang magsasaka at isang
maybahay naman ang kanyang ina. Bukod sa pagsasaka ng ama niya, nabubuhay
rin sila sa pag-aalaga ng mga hayop.
Maraming alagang manok sina Manuel. Katulad ng tatay niya, mahilig din
siya dito kung kaya’t binigyan siya ng ama niya ng isang inahin. Nagkaroon ng
limang itlog ang inahin na iyon at naging sisiw.

Sa limang sisiw, bukod tanging isa

lang ang kulay itim. Ang itim na sisiw
ito ay siyang palaging pinupulot ni
Manuel kung saan-saan sapagkat
lumalayo ito sa mga kapatid na sisiw.
Lingid sa kaalaman ng bata na
inaaway pala ang itim na sisiw ng mga
kapatid nito.
“Pangit! Maitim! Hindi ka namin
kapatid dahil iba ang kulay mo,” sabi
ng pinakamaganda sa magkakapatid
na sisiw sa itim na sisiw.

Kaya naman kung saan pumupunta ang inahin ay sumusunod din ang apat
na sisiw maliban sa itim na sisiw. Nagpapa-iwan na lang ito upang hindi na awayin
ng kanyang mga kapatid.
“Palibhasa’y maitim at pangit nga siguro ako kaya ayaw nila sa akin. Mabuti pa si
Manuel, palagi akong pinupuntahan,” sabi ng itim na sisiw sa kanyang sarili.

4
Madalas na inuubusan ng pagkain ang itim na sisiw. Bunga nito, napipilitan
na lamang makikain ang itim na sisiw sa kainan ng ilang manok upang hindi
magutom.
“Pangit na sisiw! Kunin ka na sana ng agila!” sigaw ng isang sisiw habang kumakain
ang itim na sisiw.
Nakita ni Manuel ang itim na sisiw na nag-iisa kaya kinuha nya ito at dinala
sa loob ng bahay nila. Paglabas ni Manuel sa kanilang bahay, saktong nakita niyang
parating ang buwitre at akmang kukunin na nito ang mga kapatid ng itim na sisiw.

Sumigaw si Manuel at sinubukang takutin ang agila ngunit wala na siyang

nagawa. Nakuha ng agila ang apat na kapatid ng itim na sisiw at hindi na ito bumalik
simula noon.
Lumaki ang itim na sisiw at lalong naging paborito ito ni Manuel. Nagkaroon
ulit ito ng mga kapatid dahil nangitlog muli ang inahin. Naging masaya na muli ang
itim na sisiw sa piling ng mga bago nitong kapatid. Higit sa lahat, palibhasa’y busog
sa pagmamahal at pag-aalaga ni Manuel.

Mga Tanong sa Pag-unawa

1. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Manuel sa binasang kuwento?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Bakit ganon na lamang ang naging pagtrato ng apat na sisiw sa itim na

sisiw?Makatwiran ba to?Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Paano mo maiuugnay ang naging karanasan ng itim na sisiw sa totoong

pangyayari sa buhay ng tao?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5
Panuto: Mula sa binasang kuwento, gumuhit ng isang pangyayaring para sa iyo ay
kapana-panabik. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito ang kapana-panabik na
pangyayari para sa iyo.

Paliwanag:______________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro

Ang edukasyon ang iyong pundasyon upang makamit ang mga
pangarap. Ang modyul na ito ay isang makabagong
istratehiyang tutulong sa iyo upang malinang ang kaalaman.
Maging responsable na maging tapat sa pagsagot.

6
Balikan ang binasang kuwento. Pansinin ang mga salitang ginamit nang may diin.
Alam mo ba ang gamit ng mga salitang ito? Kung hindi ay alamin mo…

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga

Pangyayari

Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at

nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang
naging epekto nito. Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat na
ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.

Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:

1. naging… 3. palibhasa, at kasi...
2. dahil/dahilan sa... 4. sapagkat/pagkat...

Halimbawa nito sa pangungusap

-Nawala ang tiwala niya sa kanyang kaibigan, sapagkat nalaman niyang

sinisiraan siya nito sa iba pa niyang kakilala.
-Dahil sa malakas na ulan ay bumaha sa aming Probinsya.
-Agad siyang nakapasok sa trabaho sa pamahalaan palibhasa ay anak siya ng
isang pulitiko.
-Siya ay pinauna sa mahabang pila kasi meron siyang kapansanan.

Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:

1. Bunga nito... 3. Tuloy...
2. Kung kaya... 4. Kaya/kaya naman...

Halimbawa nito sa pangungusap

-Kaya siya ang nanalo sa isang paligsahan, dahil siya ay napakahusay.

-Matalino at mabait na bata si Karen, dahil dito siya ay kinatutuwaan ng
marami.
-Palaaway at nanakit sa kanyang mga kalaro si James, bunga nito nilalayuan na
siya ng kanyang mga kaibigan.
-Nagpakita ng husay sa pagkanta si Gemma, tuloy siya ang napili upang
ilaban sa paligsahan sa pagkanta sa ibang bayan.

7
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain Blg. 1:

Panuto: Kilalanin ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa mga

pangungusap sa ibaba. Salungguhitan ang mga ito.

1. Katulad ng tatay niya, mahilig rin siya dito kung kaya’t binigyan siya ng ama niya
ng isang inahin.
2. Ang itim na sisiw ito ay siyang palaging pinupulot ni Manuel kung saan-saan
sapagkat lumalayo ito sa mga kapatid na sisiw
3. Hindi ka namin kapatid dahil iba ang kulay mo.
4. Kaya naman kung saan pumupunta ang inahin ay sumusunod rin ang apat na
sisiw maliban sa itim na sisiw.
5. Bunga nito, napipilitan na lamang makikain ang itim na sisiw sa kainan ng ilang
manok upang hindi magutom.
6. Lumaki ang itim na sisiw at lalong naging paborito ito ni Manuel.

Pang-isahang Pagsusulit Blg. 1:

Panuto: Matapos matukoy ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa

naunang gawain, gamitin mo naman ito ngayon sa sariling pangugusap na
nagpapakita ng sanhi at bunga ng pangyayari.
1. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6. _______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

8
Pang-isahang Gawain Blg. 2:

Panuto: Tukuyin ang bahaging sanhi at bunga sa pangungusap. Isulat sa patlang

kung ang bahagi ng pangungusap na may salungguhit ay sanhi o bunga.

_______________ 1. Katulad ng tatay niya, mahilig rin siya dito kung kaya’t binigyan
siya ng ama niya ng isang inahin.
_______________ 2. Ang itim na sisiw ito ay siyang palaging pinupulot ni Manuel kung
saan-saan sapagkat lumalayo ito sa mga kapatid na sisiw.
_______________ 3. Hindi ka namin kapatid dahil iba ang kulay mo.

_______________ 4. Bunga nito, napipilitan na lamang makikain ang itim na sisiw sa

kainan ng ilang manok upang hindi magutom.
_______________ 5. Nagkaroon ulit ito ng mga kapatid dahil nangitlog muli ang
inahin.
_______________ 6. Lumaki ang itim na sisiw at lalong naging paborito ito ni Manuel.

Pang-isahang Pagsusulit Blg. 2:

Panuto: Mula sa mga balita sa pahayagan (bago o luma) sa inyong tahanan,

kumalap ka rito ng mga pangugusap na ginamitan ng hudyat ng sanhi at bunga.
Tukuyin ang pamagat ng balita na pinagkunan ng pangungusap.

Pangungusap mula sa balita Pamagat ng Balita

1.

2.

3.

4.

5.

9
Pang-isahang Gawain Blg. 3: Suriin ang mga larawan sa ibaba, ibigay ang maaaring
sanhi at bunga ng mga ito.
Sanhi Larawan Bunga

10
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 3: Ikaw bilang isang mag-aaral marahil ay
marami kang pangarap na gustong marating sa iyong buhay. Ngunit dahil sa
ilang diskriminasyon sa lipunang ating ginagalawan ay nahahadlangan ang
pagkamit ng pangarap na ito. Isalaysay kung paano mo malalagpasan ang
mga diskriminasyon sa lipunan upang mapagtagumpay mo ang iyong
pangarap sa buhay. Gamitan mo ito ng mga hudyat ng sanhi at bunga ng
mga pangyayari.
Pamantayan sa Pagmamarka Bahagdan
A. Nilalaman 25%
B. May Kaugnayan sa Paksa 20%
C. Seryoso at Tapat 15%
D. Makatotohanan 15%
E. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng 25%
pangyayari
Kabuuan 100%

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ .

11
Ang epiko ay mga kuwentong naglalaman ng kabayanihan ng isang taong
kinikilala sa isang lugar samantalang ang kuwetong-bayan naman ay mga
salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga
uri ng mamamayan. Batay sa mga aral at kaalamang nakuha mo sa binasang
epiko at kwentong-bayan ay bumuo ng pangungusap gamit ang mga hudyat
ng sanhi at bunga na makikita sa bawat bilang.

Batay sa Epikong
Bidasari

1. Sapagkat si Sultan Mogindra ay lalong nagnasang mapasok ang palasyo

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Dahil sa kasamaan ni Lila Sari
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Bunga ng pagmamalupit ni Lila Sari, si Bidasari ay
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Batay sa Kuwentong-bayang Naging

asawa ng Sultan ang babaeng Pipi’t
Bingi

1. Kaya naisip ng Sultan na ang huling babae na kanyang pipiliin ay ang may
mapukaw na mata.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bunga nito, isang sigaw ang narinig ng lahat. “Itigil ang pagsasayaw, ang lahat ay
napakahusay” sansala ng Sultan
_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Panuto: Gamit ang T-Chart magbigay ng mga sanhi at bunga na may kinalaman sa
ilang suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Gamitin ang mga hudyat ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.

SANHI BUNGA

1.

2.

3.

13
Ngayon ay alam mo na ang ugnayang sanhi at bunga. Gayundin ang mga hudyat na
ginagamit sa mga pangyayari na tumutukoy kung ang pahayag ay sanhi o bunga.
Iugnay naman natin ito sa ilang maaaring karanasan mo o ng iba. Basahing mabuti
ang sumusunod na mga sitwasyon at ibigay ang sa palagay mo’y maaaring sanhi at
bunga nito. 5 puntos bawat tanong.

1. Dati, lagi kang nangunguna sa inyong klase subalit nang dumating ang bago
mong kamag-aral mula sa ibang paaralan ikaw ay naging pangalawa na lamang.
Sanhi : __________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Bunga : _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Sagana sa materyal na bagay ang iyong kamag-aral samantalang ikaw dahil maliit
lamang ang kinikita ng iyong magulang ay sapat lamang na salapi o materyal na
bagay ang naibibigay sa iyo.
Sanhi : __________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Bunga : _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ang kapitbahay ninyo ay lagi mong nakikitang bumibili ng mga kasangkapan para
sa kanilang tahanan samantalang kayo ay matagal nang nagtitiyaga sa inyong mga
lumang kagamitan.
Sanhi : __________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Bunga : _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Parehas na naghahanap-buhay ang iyong mga magulang kung kaya’t ikaw ang
naiiwang tagapangalaga ng iyong mga nakababatang kapatid dahil dito hindi ka na
nakasasama sa iyong mga kaklase sa pamamasyal matapos ang klase.
Sanhi : __________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Bunga : _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

14
Karagdagang Gawain
16

Sumulat ng isang talatang nagpapahayag ng iyong sariling palagay tungkol sa mga

sinaunang uri ng panitikang Pilipino. Sabihin kung ano ang naging magandang
bunga o epekto nito sa buhay ng mga Pilipino noon maging hanggang sa
kasalukuyan. Ito ang panghuling gawaing isasagawa mo bilang bahagi ng
adbokasiyang buhayin at paunlarin ang sinaunang uri ng panitikang Pilipino gaya
ng karunungang-bayan, kuwentong-bayan at epiko. Ngunit bago mo ito isagawa ay
pag-aralan mo muna ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

ANG PAGTATALATA
Ang talata ay lipon ng mga pangungusap. Layunin nitong
makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga
magkakaugnay na pangungusap. Ang bawat pangungusap ay
kailangang magkakaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa
ng talata. Malimit ang nasa unahan o ulihan ang paksang
pangungusap. Ito ang naglalaman ng diwa ng talata.
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito
ay ang sumusunod:
1. Panimula –ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito
nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang
kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang
katwiran.
2. Gitnang talata o Talatang Ganap –ito naman ang nasa bahaging
gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga
sumosuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais
bigyang-linaw ng manunulat.
3. Wakas o Talatang pabuod –ito naman ang kadalasang pangwakas
ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipan na
nabanggit sa gitnang talata. Minsan, ginagamit ito upang bigyang
linaw ang kabuuan ng komposisyon.

15
Ang talatang bubuoin ay dapat makasunod sa rubric na ito:
Mga Pamantayan Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5 puntos
kaisipan.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol sa 5 puntos
magandang epekto ng sinaunang panitikang Pilipino mula noon
hanggang ngayon.
Nagpapakita ng simula, gitna at wakas sa kabuuan ng talata. 5 puntos
Ito ay bubuuin ng 10 hanggang 12 pangungusap. 5 puntos
KABUUANG PUNTOS 20 Puntos
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang di-mahusay
3 – Katamtaman

16
17
Balikan
Tuklasin
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 3
Pang-isahang Pagsusulit 1, 2 at 3
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Karagdagang Gawain
Ang mga sagot sa gawaing ito ay
magmumula sa mga mag-aaral.
Pagyamanin
Subukin A
Subukin B
Pang-isahang Gawain 1 1. dahil nakahain na ang 1. Dahil nalasing si David sa
1. kaya’t alak,
pagkain. 2. dahil tulog na ang lahat.
2. Kaya
2. kung kaya’t uminom siya ng 3. dahil alam niya ang sagot
3. dahilan
maraming tubig. sa tanong.
4. sapagkat
3. Pinakain ko ang alagang aso 4. Masikip na ang lumang
5. kaya’t sapatos ni Mabel
4. sapagka’t nahimatay siya sa
6. tuloy 5. Sapagka’t hindi marunong
pagod.
Pang-isahang Gawain 2 lumangoy si Terry,
5. kaya bumangga ito sa poste.
1. sanhi 6. Dahil sa labis na
6. nakaiwas siya sa sakuna. paninigarilyo,
2. bunga
7. kaya’t inilabas na ni Noel 7. dahil napakahusay at
3. sanhi
4. bunga ang mga bag ng basura. taos puso ang kanyang pag-
awit.
5. bunga
8. Unti-unting nawawalan ng
6. sanhi matitirhan ang mga hayop sa
7. bunga gubat
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa-Julian, Aileen, et al. Pinagyamang Pluma (K to 12). Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc. 2015

Ruiz, Florian L, et al. Ang Batikan. Quezon City: Education Resources Corporation. 2014

Mahilom, A. (2017). Mga kwentong bayan, Panitikan. Gabay ng Mag-aaral: Sina Adlaw at
Bulan. Hinango sa https://teksbok.blogspot.com/2017/07/sina-adlaw-at-bulan.html

Asignatura na Filipino: Bidasari(epiko). Hinango sa: http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/

/2016/03/bidasari.html

Si Mariang Mapangarapin (Kuwentong-bayan/Folktale) Philippines: Kabitbisig.com.

Hinango sa https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-folktales-mga-
kuwentongbayan-si-mariang-mapangarapin-kuwentong-bayan-folktale_596.html

18

You might also like