Portfolio Alexandra

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

LIKHA;

PORTFOLIO NG
AKADEMIKONG
PANULAAN SA
FILIPINO
IPINASA NI; ALEXANDRA VILLA
IPINASA KAY; Bb. ELEONOR DOCONG
DECEMBER 2022
PROLOGO
Ang may akda na si Bb. Alexandra Villa ay pinili ang pamagat na Portfolio ng Akademikong

Panulaan sa Filipino sapagkat ito ay isang uri ng pagsulat na naglalaman ng kaalaman na

nagbibigay ng makabuluhang impormasyon sa kanyang gawain patungkol sa paggawa o

paglikom ng mga sulatin na kanyang nilikha sa 1st sem ng kanyang pag-aaral sa subject sa

kanyang guro na si Bb. Docong na Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Ang

nilalaman ng Portfolio ni Bb. Villa ay ang ang kanyang mga talaan at nagawa na mga sulatin sa

Filipino;

• Abstrak

• Bionote

• Talumpati

• Posisyong Papel

• Lakbay-Sanaysay

• Photo Essay

TALAAN NG NILALAMAN
ABSTRAK …………………… 1

BIONOTE …………………… 2

TALUMPATI …………………… 3

POSISYONG PAPEL …………………… 4

LAKBAY SANAYSAY ………………… 6

PHOTO ESSAY …………………… 8

EPEKTO NG PANDEMYA SA PAG-AARAL


Isang Pananaliksik na Inilahas sa Pambansang Mataas na Paaralang Elias A. Salvador
Agdangan,
Quezon
Mga Mananaliksik:
Nygel Jacob B. Manzano
Gerimae T. Argoso

ABSTRAK

Nais ng papel na ito na magpokus sa mga nagiging epekto ng pandemya sa

Pag-aaral ng mga studyante upang makatulong na makapagbigay ng impormasyon tungkol sa

mga masasamang nagiging epkto nito sa mga mga-aaral. Ang kalahok sa pag-aaral na ito ay ang

mga kabataang nasa Baitang 12 ngAgdangan, Quezon. Ang mananaliksik ay gumamit ng

deskriptibong paraan sa pag-aaral na ito upang mabatid ang Epekto ng Pandemiya sa Pag-aaral

ng mga studyante sa Baitang 12-ABM. Bilang konklusyon nabatid ng pananaliksik na ito na ang

pandemya ay nagatibong nakakaapekto sa pag-aaral ng baong 12 sa Agdagan Quezon, ang

pandemya ay naging malaking suliranin sa kanilang pag- aaral batay sa pagkuha pagsasagot at

pagsulit ng kanilang gawain at lumabas sa pag aaral na ito na ang pandemya ay may negatibong

epekto sa pagbabago ng pisikal at sikolohikal na kalusugan ng mga mag aaral.

ABSTRAK
Dr. Alexandra C. Villa
Medical Technologist
Contact# 0911-222-3334

Si Dr. Alexandra C. Villa ay isang ekspertong doktor sa medical na teknolohiya at


nagtatrabaho sa Calbayog District Hospital ng Samar. Siya ay Ipinanganak sa Alamgaro Western
Samar noong ika- 19 ng buwan ng Mayo taon 2005. Ina niya si Ginang.Jasmine Comilang, isang
guro; at ama niya si Ginoong Joseph Villa, isang empleyado sa munisipyo ng Calbayog.May
walong taong taong karanasan sa serbisyo si Dr. Villa. Nag-aaral muna siya sa University of the
Philippines College of Medicine para sa kursong BS MedTech bago niya narating ang kanyang
propesiyon. Pagkalipas ng apat na taon ay nag-aral siya sa Vicente Sotto Memorial Medical
Center at nagtapos si Villa sa kursong medisina. Pumasa sa kanyang unang subok sa Physician’s
Licensure Examination.Sumali si Dr. Villa sa Philippine Board of Medical Technologist, Inc. at
kabakas niya ang mga kompanyang seguridad ng kalusugan tulad ng Generali Life Assurance
Philippines, Inc., Health Plans Philippines, Inc.,Philhealthcare, Inc. at marami pang iba. Ngayon,
patuloy parin ang kanyang serbisyo sa Chong Hua Hospital, Madaue City, Cebu.

BIONOTE

Tagumpay dahil sa Guro


Isang mapagpalang araw sa aking mga nag gagandahan at nag gaguwapuhang mga taga pakinig.

Sisimulan ko ang aking talumpati sa pagpapasalamat at pagbibigay pugay sa ating mga

minamahal at ginagalang na guro.

Ang pagiging isang Guro ay hindi madali, sapagkat ang kanilang trabaho ay pagbiigay ng mga

kaisipan at kaalaman saatin na mga estudyante, sila ang dahilan kung bakit nga ba tayo may

ideya paukol sa iba't ibang bagay sa mundo. Pangalawang magulang kung tawagin sa

kadahilanang bukod sa pagtuturo ay sila rin ang mga umuunawa, nag-aalaga at kung minsan ay

nagbibigay ng paalala at payo sa kanilang estudyanteng minamahal. Darating ang araw na ako ay

magtatapos sa pag-aaral at sa aking pagtatapos ay pasasalamat at ngiting tagumpay ang aking

maihahandog sa mga gurong nagturo naggabay sa akin patungo sa tagumapay na akin nang

natatamo. Maraming salamat sa aking mga guro at sa lahat ng gurong na inaalay ang sarili para

sa propesyong kanilang pinili.

TALUMPATI

Posisyong Papel ng Senior High School Christ the King College Calbayog of City, INC hingil sa
Paggamit ng Teknolohiya (Cellphone, Tablet, Computer etc) sa Pag- aaral ng mga Estudyante
PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA ( CELLPHONE, TABLET, COMPUTER ETC) SA PAG-
AARAL NG MGA ESTUDYANTE)

Posisyong Papel na nauukol sa SENATE BILL NO. 1271 o Regulating the use of mobile phone and
other electronic gadgets to students from Kindergarten to Senior High School in all public and private
schools

Panindigan ni Alexandra C. Villa, mag- aaral sa Departamentong Senior High School ng Christ the King
College of Calbayog City, INC

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon ng mga


magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at projectors at sa
pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na
kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon. sa madaling sabi ang
teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-
araw na pamumuhay.

Bilang isang mag-aaral na gumagamit ng mga teknolohiya sa loob ng paaralan, ako ay


sang-ayon saisyung paggamit ng cellphones, tablet at iba pang gadget sa pag-aaral. Ang gadgets at mga
aklat ay parehong ginagamit para makakalap ng mga impormasyon, madagdagan ang mga kaalaman na
may kinalaman sapaaralan at maghanap ng mga kasagutan sa mga asignatura.Sa kasalukuyang panahon
na kinabibilangan natin, bunsod ng makabagong teknolohiya ay hindi na masyadong pinagtutuonan ng
pansin ang mga aklat sapaaralan. Kung noon ay kinakailangan pang pumunta ng mga mag-aaral sa silid-
aklatan para maghanap ng mga impormasyon sa mga takdang-aralin o may naismalaman, ngayon ay mas
ninanais na ng mga mag-aaral na gumamit ng mgagadgets. Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya
upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong
teknolohiya simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung
saan ay maari kang mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na ninanais mong nalaman o
kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong panahon ngayon , ang pinakamalawak at
pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng
internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang
kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi
ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.Ang simpleng prodyektor na ang
ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang
mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ang kahalagahan namn ng
prodyektor ay natutulungan ang mga guro na maipakita ang biswal na larawan ng kanilang itinuturo at
makita ang mga halimbawa ng kanilang inaaral ng sa ganon ay madaling maiintindihan at mauunawaan
ang kanilang paksa. May ibang klase rin ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung
anong signatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan , kagaya lamang ng kalkulator. Ang kalkulator ay
bahagi din ng makabagong teknolohiya upang mapadali ang adisyon , pagbabawas ,
pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa madaling salita ay pagbibilang.
Ang lahat ng mga nabanggit na makakabagong teknolohiya ay ginawa para sa ipapadali ng
buhay ng tao lalong lalo sa mga estudyante. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan.
Maaring may masamang epekto ito sa kabataan ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay
may kasamang disiplina , maari itong maiwasan.Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa
pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na
nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa
hindi tamang paraan.Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang
aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng
wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito
ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

Ipinagtinagtibay noong Nobyembre 13, 2022

Sanggunian;

ANG TEKNOLOHIYA BILANG GAMIT SA PROSESONG PAGTUTURO AT PAGKATUTO


http://reynaldboholtarpen.blogspot.com/2017/09/ang-teknolohiya-bilang-gamit.html?m=1

Shua, R.,(n.d) Benepisyo ng Makabagong Teknolohiya sa mga estudyante


https://philippineone.com/benepisyo-ng-makabagong-teknolohiya-sa-mga-estudyante/

POSISYONG PAPEL
Puting buhangin matatanaw ang ganda ng isang karagatan sa bawat paglubog ng araw. Kulay
kahel na kalangitan na masarap pagmasdan gusto kong maramdaman ang malamig na simoy ng
hangin kasabay sa paghampas ng tubig sa puting buhangin. Tanawin na kay sarap alalahanin. Sa
bawat lugar na aking tutunguhin may iba't ibang katangian ang salitang "kagandahan", nag-
uumpisa ito kung paano mo tignan at kung paano ka pakitunguhan ng mga taong tinatawagitong
tahanan.

Taong 2022 , buwan ng Mayo ay panahon ng eleksyon sa Pilipinas kaya dumog


ang lugar na ito ng mga taong bumabalik sa kanilang kinalakihang mga lugar at isa na ako roon
sa bumisita sa lungsod ng Almagro Samar na aking tatawaging paraiso. Hindi man gaanong
kalayuan ang lugar na aming pinuntahan ay nagdulot pa rin ito ng kasiyahan at mga
memorableng pangyayari sa bawat isa. Mula sa Calbayog, umalis kami sa aming tahanan ng 11
am upang hindi mahuli sa aming byahe. Sumakay kami ng Bangka na nasa dungguan ng mga
bangka o mas kilala sa amin bilang 'pantalan' at inabot rin ang byahe ng humigit kumulang
tatlong oras (3 hrs). Pag dating namin sa Lungsod ng Alamgro ay napakalamig ng simoy ng
hangin at ang tanawin ay sobrang nakabibighani. Tanaw ang mga tabi-tabing mga bundok at
bumungad samin ang malinis na dagat. Gusto ko na kaagad lumangoy dahil sa sobrang linaw ng
tubig na talagang nakakasabik subalit kailangan pa namin pumunta saaming bahay doon at ilagay
ang aming mga gamit at mangumusta na rin ng mga taong minsan ay nagpasaya at naging parte
ng aking pagkabata.

Sa tatlong araw na pananatili namin sa Almagro ay tila nakakabitin na para


bang ayaw ko ng bumalik sa Calbayog. Sa unang araw namin doon ay pumunta kami sa bahay
ng aking mga kamag-anak upang mangumusta at kumain para sa pagsasama- samang muli ng
pamilya ng Villa. Sa pangalawang araw naman ay masasabi 'kong ito ang araw na aking pinaka
nagustuhan sapagkat naligo at namasyal kami ng aking mga pinsan sa iba't ibang pulo na karatig
lamang ng Almagro gamit ang bangkang pag mamay-ari ng aking tiyohin, mapapahayag 'kong
nakakapagod ang aming ginawa ngunit nakakabusog naman sa mata ang magagandang tanawin.
Ang pangatlong araw at huling araw namin doon ay isa sa di ko malilimutang tagpo sapagkat
nakasama ko ang aking mga kababata , mga kaibigan 'kong naituring bilang mga kapatid, kami
ay nagsama-sama na binalikan ang nakaraan, nagtawanan at nag-iyakan sa mga ala-ala na aming
nagawa.

Ipinasa ni: Alexandra Villa (Stem 12- St.Theophilus of Corte)

Ipinasa kay: Bb. Eleonor Docong (Guro)

LAKBAY SANAYSAY
Nagtataasang presyo ng mga bilihin, lumalalang kawalan ng trabaho,
bumababang halaga ng pera, kriminalidad - iilan lamang ito sa maglalarawan na bahagi tayo sa
pandaigdigang krisis pinansyal. Samaktuwid, ito ang magpapasigaw sa atin naang krisis ay di
biro, karamihan. talagang ang krisis ngayon ay damang-dama ng nakapanglulumo ang sitwasyon
na pipila ang mga kababaihan at mga bata para makakabili lang ng bigas ng NFA. Ang iba'y nag-
away na nga nang dahil sa bigas. Nang dahil sa krisis, mas maraming pamilya ngayon ang di na
makakain ng pagkain na sapat sa dami at sustansya. Nakakaawa ang mga paslit na sa paggising
sa mundo kaharap na mismo ang kahirapan.. Laganap na ang kahirapan sa ating bansa, maraming
tao ang nagugutom at kulang sa trabaho. Isa narin sa mga dahilan ay ang hindi pagtatapos ng
pagaaral dahil sa kakulangan sa pera. Matagal na ang isyung ito sa ating banda ngunit
magpahabggang ngayon ay wala paring pagbabago.Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat
daw ang ekonomiya ng ating bansa? Ilang pangulo na ba ang nagsabing umuunlad na ang
ekonomiya ng bansa ngunit ito ba'y nararamdaman ng karaniwang mamamayan? Sino ba ang
nakikinabang sa pag-angat ng ating ekonomiya? Babalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o
manunulat patungkol sa human development na "Development for Whom?" "Para kanino ba ang
pag-unlad"?Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga
mayayaman ang tiyak na sasabihin nila'y "marami kasi sa atin ang tamad". At hindi naman natin
sila masisisi sa ganitong pananaw dahil umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang
ibang mga kalalakihan sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na
lamang ng biglaang kita na parang "instant coffee". Ang iba sa halip na maghanap ng
kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo ay lalong
nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong
nagpapalugmok sa kahirapan. Ang lalong nagpapabigat sa ganitong problema, wala na ngang
trabaho, ayaw magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo - sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway,
nambubugbog ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto, pero nangangarap ng
masarap na buhay? Ay di hanggang pangarap na lang tayo?Kung tatanungin naman ang mga
aktibista kung bakit mahirap tayo ang kanilang sasabihin ay "dahil sa pagkakasakal ng mga
mayayaman at naghaharing-uri sa lipunan" katulad ng mga panginoong may-lupa at mga
negosyante na madalas sila rin ang mga pinuno sa pulitika. At dahil sila ang mga namumuno sa
pulitika ang kanilang mga balakin at gawain ay patungo sa higit na pagpapaibayo ng kanilang
mga interes, ng kanilang mga negosyo at ng kapakanan ng kanilang mga pamilya lamang. Kaya
nga sila tumatakbo sa pulitika ay upang ma-proteksiyunan ang kanilang mga negosyo at iba pang
mga interes, hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy na lumalaki ang
agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang paghahari ng mga
mayayamang panginoong may-lupa o may-negosyo?
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat maaaring may
kaugnayan ang dalawang dahilang ito.

Ipinasa ni: Alexandra Villa (Stem 12- St.Theophilus of Corte)

Ipinasa kay: Bb. Eleonor Docong (Guro)

PHOTO ESSAY
EPILOGO

Ang asignaturang “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik” ay

walang dudang mahirap. Kung iisipin ay madali lamang ito dahil tagalog subalit isa itong tunay

at lehitimong nakakabaliw dahil sobrangmatrabaho ito. Hindi lang naman pagpapahirap ang dala

nito, maybaon din itong saya na kung saan ay dala-dala ng manunulat habanggumagawa. Kung

tutuusin ay hindi ganoon kadali humanap ng impormasyon dahil hindi lahat ng impormasyong

nasa paligid ay totooat sa panahon ngayon ay laganap ang pagkalat ng mgfake newsopekeng

impormasyon, Kaya naman ay masusing inaral ito ng manunulat at kumunsulta pa sa ilang

kakilalang propesor at manunulat upang mapagtagumpayan ito.Sa asignaturang ito, natutunan ng

mananaliksik na hindi sa lahatng pagkakataon sa tapang at lakas ng loob ang paiiralin upag

makamitang tagumpay. Kinakailangan din na isapuso mo ang iyong ginagawang sa gayo’y lahat

ng hirap ay mapalitan ng saya at lahat ng problemaay mapalitan ng ligaya. Natutunan din ng

manunulat na tiyakin ang ebidensyang ilalapatupang hindi magkaroon ng mga kwestyon at

problema sa pag-gawa.Sa kabila ng pagkatuto ng may-akda ng ganitong klase ng

kaalaman,natutunan nya rin na paunlarin ang sariling kakayahan at pag-uugalina dapat taglayin

ng isang estudyanteng manunulat.Ang pag-aaral ng asignaturang ito ay napakahalaga para

sabawat isa lalo na sa mga mag-aaral dahil isa ito sa magsisilbinginspirasyon sa pagsulat at pag-

gawa ng mahusay at maayos napiyesa. Mabuhay ang bawat isa! Mabuhay!

You might also like