Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Reference No: KLL-FO-ACAD-000 | Effectivity Date: August 3, 2020 | Revisions No.

: 00

VISION MISSION
A center of human development committed to the pursuit of wisdom, truth, Establish and maintain an academic environment promoting the pursuit of
justice, pride, dignity, and local/global competitiveness via a quality but excellence and the total development of its students as human beings,
affordable education for all qualified clients. with fear of God and love of country and fellowmen.

GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims to:
1. foster the spiritual, intellectual, social, moral, and creative life of its client via affordable but quality tertiary educat ion;
2. provide the clients with reach and substantial, relevant, wide range of academic disciplines, expose them to varied curricular and co-curricular
experiences which nurture and enhance their personal dedications and commitments to social, moral, cultural, and economic transformations.
3. work with the government and the community and the pursuit of achieving national developmental goals; and
4. develop deserving and qualified clients with different skills of life existence and prepare them for local and global competitiveness

Pangalan: _________________________________________________________
(Apelyido, Unang Pangalan Inisyal na Pangalan.)
Kurso, Antas & Seksyon: ___________________________________________
Tirahan: ___________________________________________________

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


MODYUL
Aralin 2
Ikalawang Semestre, AY 2022-2023

I. PAMAGAT NG KURSO : FIL 101/ Komunikasyon sa Akademikong Filipino


II. PAKSANG ARALIN
Paksa Time-Frame

➢ Komunikasyon at Diskurso 5 Oras

III. KAALAMANG MATATAMO


A. Mapagbuti at maiangat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa mga Gawain sa loob at labas ng paaralan
B. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay halaga
sa mga paksang napakinggan o nabasa.
C. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang wasto, malinaw at mabisa
D. Magamit ang Wikang Filipino sa pagpapahalaga at pagpapalaganap ng katotohanan, at
kahalagahang pantao, at higit sa lahat, pagmamahal sa kapwa at Poong Maykapal
E. Matutunan ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan (interaksyon) sa kapwa mag-aaral na
ginagamit ang mga kasangkapan (tool) ng wika

Kahihinatnan ng Kurso sa Pagkatuto:


1. Maunawaan ang ibat-ibang uri ng komunikasyon at diskurso.

KOMUNIKASYON AT DISKURSO

KOMUNIKASYON - Mula sa salitang Latin na “COMMUNIS” na nangunguhulugang “karaniwan” o


“panlahat”.

• Webster - Ang komunikasyon ay: ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa


pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


• Greene at Petty – Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong
tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya,
damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.

• Bernales (et al., 2002) – Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

• Eugene Hartly- ang komunikasyon ay di lamang kabuuang pahayag ng kaalaman at


damdamin, bagkus panlipunan, pangunahing pangangailangan ito sa pagunlad ng
indibidwal, sa pag patuloy ng pagbuo at pananatiling isang pangkat o lipi sa isang tiyak
na lugar o lipunan.
Upang maging epektib na komyunikator, kailangang idebelop natin ang kasanayang reseptib at
ekspresib. Pag-iisip Pagmamasid Pagdanas Pakikinig Pagsasalita Pagbasa Pagsulat Mga
Kasanayang Reseptib Mga kasanayang Ekspresib
Ang komunikasyon ay maaring magamit para sa mabuti o masamang layon. Kapag tinatangka sa
komunikasyon ang tuklasin ang katotohanan, pagyayamanin at igloripay ang mga aspetong
nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao, ang komunikasyon ay mabuti.
KATANGIAN
• Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos,
anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.
• Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano
niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
ANG KOMUNIKASYON AY ISANG PROSESO.
1. ANG PROSESO NG KOMUNIKASYON AY DINAMIKO.Nagbabago ang komunikasyon dahil
sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso. Ito ay
dahil sa: persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, Iniisip niyang persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.
2. ANG KOMUNIKASYON AY KOMPLIKADO.
3. MENSAHE, HINDI KAHULUGAN, ANG NAIPADADALA AT NATATANGGAP SA
KOMUNIKASYON. Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
4. HINDI TAYO MAAARING UMIWAS SA KOMUNIKASYON. Hindi man tayo magsalita, sa
ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng
mensahe
5. LAGING MAY DALAWANG URI NG MENSAHE SA PROSESO NG KOMUNIKASYON

• Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.

• Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


KOMUNIKASYONG BERBAL
Ang Komunikasyong Berbal ay anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang
simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagat-bagay. Nakapaloob dito ang pagsulat, pagbasa,
pagsasalita, at pakikinig.
Simbolisasyon – isang proseso ng pagtutumbas ng ideya, pangyayari, lugar, o bagay. Ito ay
maaaring sa pamamagitan ng berbal na simbolo, di-berbal na simbolo o sa magkasabay o
kumbinasyunal na ppaggamit ng dalawa.
KOMUNIKASYONG DI - BERBAL
Ang Komunikasyong Di-Berbal ay naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas
o tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng tinig).
MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL DAHIL:
1. Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng
mensahe.
2. Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng
ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na
kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.
3. Katawan (kinesics) – kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos,
kumpas ng kamay.
IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL:
4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe; Hawak, pindot,
hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
5. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp.
6. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita.
8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon.
MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON:
Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon
upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.
S -etting (saan nag-uusap?) ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-
aralan. – ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito
isaalang-alang

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


P -articipants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap
depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang pansin ang edad, kasarian,
katungkulan, propesyon atbp.
E -nds (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng
pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
A -ct Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay dinamiko,
samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama ditto ang pagbabago ng
paksa at paraan ng pag-uusap.
K -eys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na
babagay sa formalidad ng okasyon.
I -nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) –tsanel o daluyan ng
komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
N -orms (Ano ang paksa ng usapan?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng
usapan.
G -enre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O
nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit
ng kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong genre ang
kanyang gagamitin

Ang Pasalita at Pasulat na Diskurso


Sa pag-aaral at paggamit ng wika may dalawang mahalagang bagay na dapat maunawaan sa
pagpapahayag o diskurso – ang pasalita at pasulat.
Isinasaalang-alang sa dalawang diskursong nabanggit ang kakayahang linggwistika (linguistic
competence). Ito ang kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na may wastong kayariang
panggramatika. (Mga tuntunin ng wika at kayariang pangwika na alam ng tagapagsalita ang wikang
kanyang ginagamit). Ang kakayahang komunikatibo (communicative competence) – kakayahang
umunawa at magamit ang mga pangungusap na may wastong kayariang panggramatika na angkop sa
panlipunang kapaligiran o sa pisikal na envayronment o setting ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Ang mga
nabanggit ay hindi lamang dapat naaayon sa kaalamang magamit ang pangungusap na may wastong
gramatika kundi may kakayahang ipakita at gamitin ang alinmanggawi ng pakikipag-usap (speech
behavior or speech acts) na angkop at naaayon sa hinihingi ng sitwasyon.
DISKURSO

• Ito ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon

Ang kumbersasyon ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang


saysay na usapan.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


• Maaari rin itong isang pormal o sistematikong eksaminsayon ng isang paksa pasalita man o
pasulat.
• Isang halimbawa ng pasulat ay ang disertasyon o “Thesis”

Konteksto ng Diskurso
• Ang kontesksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon,
pangmasa, interkultural at pangkasarian.
hal.
1. Kontekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
2. Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
3. Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat
ng empleyado (o pag nagpopromote)
4. Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
5. Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
6. Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa.

Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtalakay


1. Speech act theory
• nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action
• isang paraan ng pag-convey(pagdala) ng impormasyon
• Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay
hindi ang simbulo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha
ng mga simbulo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech
acts.
• May tatlong komponent ang mga aktong linggwistik
• Aktong ilokyusyonari o akto ng pagsasabi ng isang bagay. (May kahulugan)
• Aktong ilukyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng
bagay. (May pwersa)
• Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto. (May Konsikwens)

2. Communication Accomodation Theory

◦ Sinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay


nagbabago ng istilo ng komunikasyon
◦ Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao
ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


May dalawang (2) paraan ang akomodasyon:

• Divergence
Ang madalas na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng pagmamalaking etniko upang
ihaylayt ang kanilang identidad

• Convergence
Nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa social approval. Ang
gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang kapangyarihan.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Mga Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=varayti+ng+wika&rlz=1C1CHBF_enPH915PH915&sxsrf=ALeKk01
6X8761AisYw3dymTQb3QIHOqOWg:1599299784597&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=XDP0qpmx2
f7p1M%252CiPhFlKhgtLvQtM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRM45fn2Kkyu-
zQ6awfGGdl54uNyg&sa=X&ved=2ahUKEwiBj7P839HrAhWOGKYKHcreB-
0Q9QF6BAgKEE0#imgrc=GB-ptuI85n206M
https://www.google.com/search?q=tungkulin+ng+wika&rlz=1C1CHBF_enPH915PH915&sxsrf=ALeKk
00T_qzS25yUrhghxMy6yUd5tlS_Kg:1599299853623&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=BpOxd3Taax
6pIM%252ChEpRZ5vn36eQbM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kQ_YGODOq5yx_XsPhgEGCVqghQ-
IA&sa=X&ved=2ahUKEwj1lKid4NHrAhUFBKYKHZ2FCuYQ9QF6BAgKEFU&biw=1242&bih=524#img
rc=BpOxd3Taax6pIM
https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/
zakurazengki.weebly.com
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cid V. Alcaraz. et. Al.Lori Mar Publishing Company Inc.
Resuma, Vilma M. et. Al. 2002. Komunikasyon sa Filipino, Tuon: Mga Makrong Kasanayang
Pangwika. JMC Press, Inc. Quezon City.
Barcelona, Lucita A. et. Al. 1999. Masining na Komunikasyon – Filipino I. UST Publishing House,
Espana, Manila.
https://augustusjaypersonus.wordpress.com/2017/12/04/pangaral-ni-pangulong-manuel-quezon/
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cid V. Alcaraz. et. Al. Lori Mar Publishing Company Inc.
Resuma, Vilma M. et. Al. 2002. Komunikasyon sa Filipino, Tuon: Mga Makrong Kasanayang
Pangwika. JMC Press, Inc. Quezon City.
Barcelona, Lucita A. et. Al. 1999. Masining na Komunikasyon – Filipino I. UST Publishing House,
Espana, Manila.
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Cid V. Alcaraz. et. Al. Lori Mar Publishing Company Inc.
Resuma, Vilma M. et. Al. 2002. Komunikasyon sa Filipino, Tuon: Mga Makrong Kasanayang
Pangwika. JMC Press, Inc. Quezon City.
Barcelona, Lucita A. et. Al. 1999. Masining na Komunikasyon – Filipino I. UST Publishing House,
Espana, Manila.
Acopra et. Al (2015) Kominikasyon sa Makabagong Filipino: Maynila, MindShaper Co. Inc.
Arrogante, Jose (2000) Retorika sa Mabisang Pagpapahayag, Manila. National Bookstore

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/


Prepared by:

DHAYREE ANN N. MARASIGAN MENLY L. MISAL, LPT


Instructor I Instructor I

Checked by:

CAMELO A. OBVIAR MENCHIE M. PASIA EVANGELINE O. CASTRO


Chairman Member Member

College of Computer Studies Module Editing Committee for General Education Subjects

Recommending Approval:

ROBIN V. FETALVO, Ph. D.


Dean
College of Computer Studies

Approved by.

BIBIANA JOCELYN D. CUASAY, Ph.D.


Module Editing Chair

AQUILINO D. ARELLANO, Ph.D., Ed.D


VP, Academic Affairs

Noted by:

MARIO CARMELO A. PESA, CPA


College President

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/

You might also like