Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

AKO SAMPUNG TAON MULA NGAYON

Ako sampung taon mula isa na akong ganap na engineer. May magandang trabaho at
simpleng buhay. Magtatayo ako ng Negosyo upang may iba pa akong pagkakitaan bukod sa
aking trabaho, negosyong nagbibigay ng trabaho sa ibang tao upang makatulong ako sa
kapwa ko Pilipino at pagkakalibangan ko din kapag wala akong ginagawa. At patuloy kong
aalagaan ang aking magulang bilang kapalit nila sa mga ginawa nilang pagsasakripisyo sa
pagpapalaki at pagpapa-aral sa akin. Unti-unti ko naring bubuoin ang aking mga pangarap na
maganda at masayang pamilya.

Lahat ng mga pangarap ko sa buhay ay unti-unti narin sigurong matutupad sa loob ng


sampung taon. Ngunit hindi din maaalis ang mga pagbabago sa aking buhay. May maaaring
mawala, maaaring may bagong dumating, may mga panahong kailangan masaktan pero may
kapalit naamn lahat ng paghihirap. Ang buhay sa akin ay parang palaisipan, kung hindi ko
hahanapin ang daan palabas, hindi ko din mababago ang buhay na aking kinalalagyan.
Maraming mga pagkakataon na dumadating, kung hindi ko susubukang hanapin ang mga
paraan upang maka-ahon sa buhay hindi ko din mababago ang aking kapalaran.

At ang mga bagay lang na aking gagawin ay ang mga bagay na makakabuti para sa akin at
makakatulong sa aking pamilya. Hindi ko naman hinangad ng sobra-sobrang kayamanan sa
buhay. Ang nais ko lang ay makasama ko ng matagal ang aking pamilya. Para sa akin yung
ang pinakamahalagang kayamanan na nais kong makamit hidni man sa loob ng sampung
taon kundi isang simpleng pangarap na dapat kong makamit na pang habang buhay.

You might also like