Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mga Tauhan sa Nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame"

Ang "Kuba ng Notre Dame" ay isang nobela na tumatalakay sa isang kubang lalaki na


palaging kinukutya dahil sa kanyang hitsura at minsan na rin siyang umibig sa isang dalaga.
Ang mga tauhan sa nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame" ay sina:

1. Quasimodo
2. Pierre Gringoire
3. Claude Frollo
4. La Esmeralda
5. Phoebus
6. Sister Gudule

Quasimodo

Ang protagonistang kuba ng Notre Dame bilang kinukutyang “papa ng k a h a n g a l a n”


dahil sa taglay hindi kaaya-aya ang kanyang itsura para sa mga tao sa nobela. Siya ay
inabandunang bata na naiwan sa Notre Dame at pinalaki ni Claude Frollo. Mayroon siyang
napakalubha at napakalaking hump sa likod (kaya nga hunchback) o sa ibang pagpapaliwanag,
siya ay may malalang kakubaan, at mayroon siyang isang higanteng kulugo na halos
sumasaklaw na sa isa niyang mata. Dagdag pa rito, siya ay bingi rin. Ang puso ni Quasimodo
ay sadyang dalisay at ang kadalisayan na ito ay nakaugnay sa katedral na Notre Dame.
Itinuturing na ang kanyang pagmamahal sa mga kampanilya ng katedral na Notre Dame ay
para sa napakagagandang tunog na kumakatawan sa kanyang natatanging paraan ng
pakikipag-ugnayan sa mga tao. Sinasabi ring ang kanyang pangalan ay literal na
nangangahulugang "kalahati."

Pierre Gringoire

Ito naman ay ang kilalang tauhan na nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Isa


siyang nagsisikap at nagpapakadalubhasang maging dulang pilosopo. Nasagip siya ni La
Esmerelda mula sa pagbitay.  

Claude Frollo

Ang paring antagonista o k o n t r a b i d a. Si Frollo ay hindi tipikal o common na tauhan na


may masamang ugali, sa halip, siya ay may pagkamahabagin. Mahal na mahal niya ang
kanyang kapatid na si Jehan at ginagawa ang lahat ng kanyang kapangyarihan para lang
maging masaya ang kapatid lalo na nung matapos pumanaw ang kanilang mga magulang.
Kinupkop din niya si Quasimodo at pilit na tinuturuan para maging iskolar. Tinatayang
ipinaliwanag ni Hugo (ang may-akda) na ang paglusong at pa g s a nib ni Frollo sa itim na
mahika at k a b a l i w a n ay dahil sa kanyang mga kabiguan na paunlarin sina Jehan at
Quasimodo. Si Jehan ay naging m a n g-i i n o m, palaging n a g s u s u g a l gamit ang lahat ng
kanyang pera, at talagang nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Habang ang pagkabingi naman
ni Quasimodo ay halos imposible na siyang maturuan ng kahit na ano. Si Quasimodo ay naging
simbolo ng kabiguan ni Frollo kaya siya na rin ang ginamit ni Frollo na paghihiganti sa mundo
para pahinain ang kanyang mga kabiguan.

La Esmeralda

Siya naman ang kilalang dalagang mananayaw. Siya ang nawawalang anak na babae ni


Sister Gudule. Popular si Esmeralda bilang isang magandang mananayaw sa kalye habang
sinasabayan ang mga himno. Kasama si Djali, ang kanyang kambing, inaakit niya ang lahat ng
nanonood sa kanya. Napapahanga niya ang mga manonood sa kanyang nakamamanghang
tingin at pama-magic trick. Siya ay naglalagay ng mga anting-anting at iba pang kung ano-
anong aksesyora o trinkets sa kanyang katawan at leeg para raw makatulong ang mga ito sa
kanya na mahanap ang kanyang mga magulang.

Phoebus

Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris. Ang pangalan niya ay


Phoebus de Chateaupers. Hindi niya inibig si La Esmeralda, sinusubukan lang niyang akitin at
pati na rin ang iba pang mga kababaihan.

Sister Gudule

Ang babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nang mawala ang kanyang anak na
babae. Siya ang matagal na nawawalang ina ni La Esmerelda. Ayaw na niya marinig ang tunog
ng mga batang naglalaro. Ayaw niya kay La Esmerelda dahil kumbinsido siya na si La
Esmeralda ang gypsy na nagnakaw ng batang inampun niya noon. Pero kalaunan, sa nobela,
kapag natutunan niya na si La Esmeralda pala talaga ang kanyang anak na babae, ibibigay ni
Gudule ang kanyang buhay para lang mailigtas ang dalaga.  
Sino sino at paano mag isip ang Mga tauhan sa ang kuba ng notre dame

Quasimodo- ang kuba na tagatunog ng kampana.  Mayroon rin siyang malaking kulugo sa mukha. Puro
ang kanyang puso.

Archdeacon Claude Frollo- isang pari. Si ay isang antagonist. Hindi siyang pangkaraniwang masamang
tao na nagdudulot ng sakit pero siya ay mapagmahal.

La Esmerelda- nabibighani nya ang lahat sa kanyang ganda at magic tricks

Pierre Gringoire- isang manunulat ng dulang itinatanghal at pilosopo

Ang makukuha na aral sa kwentong ang kuba ng notre dame

 Huwag nating husgahan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao oo nga at  may hindi kaaya ayang hitsura
ang isang tao hindi nangangahulugan na pwede na natin silang pagtawanan  at  husgahan mga tao din
sila na mayroong puso at damdamin na nasasaktan.
 Ang pagtanaw ng utang na loob sa isang tao, o mga taong tumulong sa iyo, ito ay isang aral din sa
kwentong ito dahil inako ni Quasimodo  ang kasalanan nagawa ng taong umampon sa kaniya kaya siya
ang naparusahan.
 Huwag gamitin ang mga impluwensya o posisyon para sa mga masamang balak maghintay ka kung ano
lang ang mga bagay na para lang talaga sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman
para talaga sa iyo, katulad nalang ng ginawa ni Frollo na gumamit pa ng itim na mahika para lamang
mapasakanya si La Esmeralda.
 Huwag magdadalawang isip na tumulong sa iyong kapwa lalo na sa nangangailangan maging sa maliit o
malaking bagay man ito, katulad nalang ng ginawang pagbibigay ng maiinom ni La Esmeralda kay
Quasimodo ng ito ay pinaparusahan walang kahit isa na gustong tumulong dito, bagkus ito ay
pinagtatawanan pa at hinuhusgahan siya lamang ang tanging lumapit dito upang ito ay maibsan ang
uhaw at sakit na nararamdaman.
 Ang wagas na pagmamahal ng isang tao na handang iaalay ang buhay niya sa taong minamahal niya, ito
ang ipinakita ni Quasimodo sa kwentong ito ang wagas na pag mamahal niya kay La Esmeralda.
Maikling Buod ng Kuba ng Notre Dame
Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na si Quasimodo na nagkakagusto kay La
Esmeralda, isang napakagandang mananayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda,
maging ang paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian na
si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito
isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre Gringoire. Dinakip si
Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo. Noong mga
oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang
pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan siyang
bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang
ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o
mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo. Noong makita ni
Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay
natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

tagpuan
Ang tagpuang binanggit sa nobela ay  sa katedral ng Notre Dame. Dito nagsimula ang kwento
kung kailan nagdiwang ang mga tao sa pagkahirang ni Quasimodo bilang "papa ng
kahangalan." Ang iba pang pangyayari ay umiikot lamang sa Katedral. Ang pamagat ng nobela
ay nangangahulugang " Katedral ng Paris". Ang kuwento ay nakatakda  sa Gitnang panahon,
sa panahon ng panunungkulan ng Louis XI (1461-1483).

Tema o paska

Marami ang tema na tinatalakay sa  kwento ng Ang Kuba ng Notre Dame ngunit kalimitan
sa mga ito ay tungkol sa pag-ibig, ang mga tema sa Ang kuba ng Notre dame ay ang mga
sumusunod:

 Ang tema ng Ang Kuba ng notre Dame tinatalakay dito ang Buhay ni Quasimodo ang isang
kuba na dahil sa kanyang kapangitan ay binansagang ang Papa Ng Kahangalan. pinapakita na
karamihan parin sa mga tao ay tumitingin sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, nanghuhusga
sila batay sa panlabas na anyo ng isang tao hindi iniisip kung masasaktan ba ang taong
kanilang kinukutya.
 Tinatalakay din dito ang mabuting ugali ni Quasimodo sa kabila ng kanyang kapangitan at
pangungutya ng mga tao ay taglay pa rin niya ang pagiging mapagtiis at marunong tumanaw ng
utang na loob ng akuin niya ang kasalanang nagawa ng taong umampon sa kanya.
 Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ni Quasimodo kay La Esmeralda. Hanggang sa
kabilang buhay ay sinahan niya ito.
 Tinatalakay din dito ang labis na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na si Sister
Gudule hindi niya kinaya ang pagkawala ng kanyang anak na babae sapagkat mahal na mahal
niya ito, kaya siya ay nasiraan ng bait.
 Ang pagmamahal ng isang kapatid sa kanyang kapatid katulad ni Claude Frollo pinakita niya at
ginawa niya ang lahat para sa kanyang kapatid na si Jehan.

Suring basa sa ang kuba ng notre dame


Ang Kuba ng Notre Dame ay isang kwentong sinulat ni Victor Hugo na
ginanap sa Paris noong 1482. Ito'y tungkol sa pag-ibig ni Quasimudo, isang
kuba na nagsisilbi sa Katedral ng Notre Dame, at isang gypsy na si
Esmeralda. Si Esmeralda ay pinagkaka-interesan ng maraming
makapngyarihang Parisyano, kasama na ang Arsobispo ng Notre Dame na
pinagsisilbihan ni Quasimodo. Dahil sa sama ng mga antagonista, tinangkang
ikulong parehong si Quasimodo at Esmeralda at tinatalakay sa libro ang
marami nilang mga pagsusubok. 

Suring Basa Dekada 70


Ang mga tauhan sa “Dekada 70” ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si Amanda na
isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan, mataas ang pride at
ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng kanyang mga anak.. Si Jules na may
paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani na isang mapusok na kabataan. Si
Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting
anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang mapagmahal na bunsong anak.

Ang “Dekada 70” ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan
ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang
landas. At ang magulang na humarap sa suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa
isang pamilya masasabing “WALANG IWANAN”
Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa
mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa
pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang
karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung
sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.

Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak
sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang
makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga
kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit
na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga
karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya
tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni
Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili.

Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan.
Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang
mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga
manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at
nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating
pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin.
Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang iyong mga anak sa panahon ng
katiyakan.

Balangkas
I Tagpuan:

# Sa highway

# Sa isang bahay sa Maynila

# Sa kulungan

II Banghay:

# Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na ginagawa ng mga
sundalo.
# May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa panahon ng
Martial Law.

# Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng Martial Law o batas
military.

III Tauhan:

# Amanda – mapagmahal na ina. Gustong magkaroon ng sibi at sariling karera.

# Julian – boses ng tahanan. Mataas ang pride, ayaw pagtrabahuhin si Amanda. Di kayang mapigil ang desisyon ng
mga anak.

# Jules – may paninindigan. Buo ang loob at tunay na makabayan.

# Isagani – halimbawa ng isang mapusok na kabataan.

# Emmanuel – kabataan na lumalaban sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagsulat.

# Jason – namatay dahil ng mga kalaban ni Jules. Dahil si Jules ay kasapi sa mga kalaban ng pamahalaan.

# Bingo – mapagmahal na bunsong anak at laging karamay ni Amanda.

IV Tema:

# Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga
suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na
problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa
pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at
bilang isang babaing Pilipino.

V Istilo:

# Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanika-nilalang tinahak.
Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang mga naging epekto nito sa kanila.

You might also like