Final LP Sa Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY


The National Center for Teacher Education
MINDANAO
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

Masusing Banghay
Aralin sa Filipino sa
Ikalimang Baitang
Ipinasa ni:

Hanney Mae Dapitan Bulandres


Student Teacher

Ipinasa kay:

Prof. Rodelina E. Jamero


Supervising Instructor
Masusing Banghay Aralin sa Filipino sa Ikalimang Baitang
I.Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. makikilala ang bawat uri ng pangungusap na hindi lantad ang simuno,
b. makapagsasabi sa klase kung paano ipinakikita ang pagiging pagkamagalang
c. maiuuri-uri ang mga ibinibigay na pangungusap na walang paksa sa tamang uri
nito sa mga pangungusap na hindi lantad ang simuno, at;

II. Paksang aralin: Mga uri ng pangungusap na hindi lantad ang simuno.
Sanggunian: Modyul
Kagamitan: Laptop, PowerPoint presentation
Stratehiya: 4A’s

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Magandang Umaga mga bata! Ako si Teacher Magandang Umaga po Teacher Hanney!
Hanney ang inyong guro sa asignaturang ito.

Kumusta kayo mga bata?


Mabuti po kami Teacher Hanney
Mabuti naman kung ganun. Ngayon, nais
kong ang lahat ng narito ay e-click and raise
hand botton para malaman ko kung nasa klase
ba ang atensyon ninyo ngayon.
Maraming Salamat.

1. Balik-aral

Mga bata naalala niyo pa ba ang ating Opo teacher. Ito po ay Dewey Classification
tinalakay noong nakaraang klase? System.

Tama ito ang Dewey Classificaion System. At


sino nga ulit ang nag imbento nito? Si Melvil Kossuth Dewey po teacher.

Magaling! Si Melvil Kossuth Dewey. Ngayon


para malaman ko kung kayo ba ay handa na
sa panibagong leksyon tayo ay magkakaroon
ng isang aktibidadis at ito ay tinawag na
“Where do I belong?” Ang kailangan gawin
ay alamin kung saang kategorya nabibilang
ang mga libro. Sabihin lamang ang titik ng
tamang sagot. Handa na baa ng lahat? Opo teacher.
Mga libro:
1. The Solar System 1. C.
2. Dictionary 2. E.
3. Paintings of Leonardo da Vinci 3. A.
4. History of the Philippines 4. B.
5. D.
5. The Good Samaritan

Pagpipilian:
a. 500-599 Sining at Aliwan (musika,
estruktura, arkitektura, at iba pa)
b. 300-399 Kasaysayan, Talambuhay at
Heograpiya
c. 800-899 Agham at Matematika
d. 400-499 Relihiyon
e. 000-999 Pangkalahatang Sanggunian

Sagot:
1. C.
2. E.
3. A.
4. B.
5. D.

Magaling mga bata.

2.Pagganyak

Sa puntong ito ay may ipapakilala ako sa


inyo. Makinig kayo sa sasabihin niya.

Hello mga bata! Ako ito si Detective


Conan. Inaanyayahan ko kayong lahat na
samahan at tulungan ako sa paghahanap ng
mga Uri ng Pangungusap na Hindi Lantad
ang Simuno. Sana ay matulungan ninyo
ako.

Para handa tayong lahat sa ating pagiging


detective ngayong araw, kayo ay ihahanda
ko sa pamamagitan ng pagsunod sa aking
mga litratong ipapakita ko sa screen.
Handa na ba kayo mga co-detective?

Opo

Magaling mga bata! Nasunod ninyo lahat


ang mga nasa litrato. Inaasahan kong ang
lahat ay handa na sa ating misyon ngayong
araw.

B. Panlinang na Gawain

1. Pamantayan

Bago tayo tumuloy sa paghahanap sa mga Uri


ng Panungusap na Walang Paksa mayroon
muna kayong dapat tandaan.

TANDAAN:
1. Wag kalimutang e turn off ang
microphone kung hindi na sumasagot
para hindi makagawa ng ingay.
2. Makilahok sa mga gawain.
3. Sundin ang mga panuto.
4. Makinig nang mabuti sa guro.

Maliwanag ba yan mga bata?


Maasahan ko ba yan lahat sa inyo?
Mabuti naman kung ganun.
Opo teacher Hanney

2. Aktibidad

Mga batang detective, diba natapos


ninyong pag-aralan ang iba’t ibang uri ng
pangungusap na kung saan makikita ang
mga simuno at panaguri. Ngayon ating
aalamin ang iba’t ibang uri ng
pangungusap na hindi lantad ang simuno.
Yan ang magiging misyon natin ngayong
araw.

Para mahanap natin ang ang mga Uri ng


Pangungusap na Hindi Lantad ang Simuno,
maging mapagmatyag at pagmasdang
mabuti ang screen kung meron kayong
makikita na mga salita. Sabihin ang
“Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita.”
“Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”

Ano nga ulit ang sasabihin? Handa na po kami

Tama yan mga batang detective. Handa na ba


ang lahat sa paghahanap?
“Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”
Mag simula na tayo. Eksistensyal

(Unang makikita ay ang salitang


Eksistensyal)

May salita tayong nakikita. Ano ba ang salita


“Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”
na yan? Pakibasa nga mga batang detective.
Pahanga
(Pangalawang makikita ay ang salitang
Pahanga)

Ayan may nakikita na naman tayong bagong


salita at ito ay Pahanga. “Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”
Maikling Sambitla

(Pangatlong makikita ay ang mga salitang


Maikling Sambitla)
“Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”
Meron na naman tayong nakikitang salita. Pamanahon
Ano ba ito?
(Pang-apat na makikita ay ang salitang
Pamanahon)

Ayun mga batang detective mayroon na


naman tayong nakitang panibagong salita at
ito ang Pamanahon. Ito na ang pang-apat na “Salita, Salita, Ikaw ay aking nakikita”
salita na ating nakikita. Pormulang Panlipunan

(Panglimang makikita ay ang mga salitang


Pormulang Panlipunan)

Nakita na natin ang panglimang salita at ito


ay ang Pormalang Panlipunan. At ito na ang
panghuling Uri ng Pangungusap na Hindi
Lantad ang Simuno.
Napakagaling ninyong maghanap mga
bata. Maraming salamat sa inyong tulong
mga batang detective.

3. Analisasyon
mga Uri ng Pangungusap na Hindi Lantad po
teacher

Ano nga ulit ang tawag sa mga salita na


ating nakita?

Magaling! Sila ay mga Uri ng


Pangungusap na Hindi Lantad ang Simuno
o di kaya mga Pangungusap na Walang
Paksa.
Ngayon mga bata, makinig na kayong
mabuti sa inyong guro sapagkat kanyang
palalawakin pa ang mga salitang ating
nakita. Maraming salamat sa inyong
kooperasyon. Hanggang sa muli. Paalam
mga batang detective!

Ngayon ay ating ipunin ang mga salitang


ating nahanap at isa-isahin nating alamin
ang bawat salita para mapalawak ang ating
kaalaman patungkol sa mga uri ng
pangungusap na hindi lantad ang simuno.

“Eksistensyal” ang ating unang nakita.


Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito?
Ating palawakin.

Ang Eksistensyal ay nagpapahayag ng


pagkakaroon ng isa o higit pang tao at iba
pa. Pinangungunahan ito ng may o
mayroon.

Halimbawa:
- Mayroon daw sila nito.
- May pag-asa.

Ang ating pangalawang salita na nakita


ay Ang Pahanga na nagpapahayag ng
damdaming paghanga.

Halimbawa:
- Kay ganda ng Mt. Mayon!
- Ang bango!

Ngayon mga bata ang pangatlong salita na


nakita natin ay ang Mikling Sambita. Ito
na ang pangatlong uri ng pangungusap na
walang paksa ang ating nahanap. Ano kaya
ang ibing sabihin ng salitang ito?”

Ang Maikling Sambitla ay tumutukoy sa


mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
- Aray!
- Naku!

Mga batang detective ating tuklasin ang


pag-apat na salita na ating nakita. ano kaya
Pamanahon?
Ang Pamanahon ay nagsasaad ng oras,
lagay, o uri ng panahon.

Halimbawa:
- Maaga pa.
- Bukas.

Dumako na tayo sa ating panghuling


salitang nakita ang Pormalang Panlipunan.

Ang Pormulang Panlipunan ay mga


pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino. Opo teacher

Halimbawa:
- Magandang umaga po.
- Opo. May at mayroon teacher

(may sasagot sa klase)


C. Pangwakas na gawain
1.Abstraksyon

Malinaw na ba sa lahat ang iba’t ibang Uri ng Nagpapahayag ng matindig damdamin po


Pangungusap na Hindi Lantad ang Simuno? teacher.
Pag sinabing Eksistensayl ano ang nasa
unahan na salita? Pamanahon po teacher

Tama yan. Ang May at Mayroon.


nagsasaad ng oras, lagay, o uri ng panahon po
Diba ang Pahanga ay nagpapahayag ng teacher
damdamin na paghanga. Maybigay nga ng
halimbawa. Pormalang Panlipunan po teacher

Magaling! Ngayon ano naman ang Maikling


Sambitla?

Tama kayo dyan mga bata.


Ano ang pang-apat na nakita natin kanina?

Saan patungkol ang Pamanahon? (may sasagot sa klase)


Wow! Ang galling naman ng grade 5.
Ngayon ano ang huling nakita natin?

Tama. Pormulang Panlipunan na patungkol sa


pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na
nakagawian nating mga Filipino.

Ano nga ulit ang limang Uri ng Pangungusap


na Hindi Lantad ang Simuno?

Magaling mga bata!

2. Paglalapat

Dahil alam na ninyo ang mga Uri ng


Pangungusap na Hindi Lantad ang Simuno,
humayo na tayo sa susunod na gawain.

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng


pangungusap na walang paksa ang
sumusunod. Isulat sa chatbox ang EKS
kung eksistensyal, PA kung pahanga,
MSA kung maikling sambitla, PAM kung
pamanahon, at PPA kung pormulayong
panlipunan.

1. Kahapon.
2. Mabuhay!
3. May bagyo.
4. Masipag nga.
5. Mahusay!
6. Mayroon din.
7. Lumilindol
8. Salamat!
9. Hala!
10. Wow!

3. Pagpapahalaga (may sasagot sa klase)

Mga bata, sa ating klase ngayong araw


natalakay natin ang Pormalang Panlipunan na
mga pagbati, pagbibigay-galang at mga
kagawian nating mga Pilipino.

Sa inyong palagay, importante ba ang


pagiging magalang o pagbibigay-galang?
Baket?

Tama yan lalong lalo na pagtayo ay


nakikipag-usap sa nakakatanda sa atin. Tulad
ng halimbawa pag gamit ng po at opo.

Laging tatandaan na maging magalang sa


lahat ng ating nakakausap lalo na sa mga Opo teacher
nakakatanda dahil hindi mulang naipapakita
na ikaw ay magalang kundi naipapakita mo
rin ang iyong pagka Pilipino dahil tayong
mga Pilipino ay magagalang.

Maliwanag ba yan mga bata?


Sana ay palagi ninyo yang tandaan dahil sa
araw-araw ay mayroon tayong nakakausap na
mga matatanda sa atin. Hindi lang din sa mga
matatanda magbigay galang kundi pati na rin
sa lahat ng nakakausap natin. Naiintindihan
ba mga bata?

IV. Pagkikilatis

Ngayon ay kumuha kayo ng papel at ballpen


at sagutan ang sumusunod.

Panuto:
Tukuyin ang mga sinalungguhitan sa
pangungusap kung anong uri ito sa mga
Pangungusap na Hindi Lantad ang Simuno.
Piliin ang sagot sa kahon.

1. Yehey! Tumama ako sa loto.


2. Mamaya ako kakain.
3. Ang ganda niya talaga sobra wala akong
masabi.
4. Mayroon kaming panauhin.
5. Paalam na po sa inyo mga tagasubaybay.

Ang kahon:
Eksistensyal
Pahanga
Maikling Sambitla
Pamanahon
Pormulang Panlipunan

V. Takdang Aralin / Kasunduan

Panuto:

Gumawa ng isang pangungusap sa bawat


uri ng pangungusap na hindi lantad ang
simuno.

You might also like