Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan– Modyul 1:
Maging Mahinahon sa Lahat ng
Pagkakataon

CO_Q2_EsP4_ Module1
1
Alamin

Mahalaga sa bawat isa sa atin na maging mahinahon sa damdamin,


sa kilos at sa iba pang bagay sa lahat ng lugar at pagkakataon.

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang: (EsP4P- IIa-c–


18)

-Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng


kapwa tulad ng:
 pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal
sa loob
 pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban
 pagpili ng mga salitang di- nakasasakit ng damdamin sa
pagbibiro

Subukin
Isulat sa bilang ang letrang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay
Tama, at M kung ang pangungusap ay Mali. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.

1. Hindi ko kinakausap ang isang tao kung may nagawa siyang


pagkakamali sa akin.
2. Iniiwasan kong masaktan ang aking kaibigan.

3. Sinisiguro ko na hindi ko nasasaktan ang damdamin ng aking


kaibigan sa aking pagbibiro.
4. Humihingi ako ng tawad sa tuwing nakagagawa ako ng
pagkakamali sa aking kaibigan.
5. Hindi ko pinapatawad ang taong nagkakasala sa akin.
6. Inaamin ko ang aking nagawang kasalanan. Pasensiya na po,
hindi na mauulit.
7. Humihingi ako ng paumanhin sa aking kalaro kapag may nagawa
akong hindi maganda.
8. Hindi ko ugali ang mag-sorry sa tuwing nakasasakit ako ng
damdamin ng iba.

2
9. Inaamin ko ang aking nagawang pagkakamali at nangangako ako
na hindi ko na ito uulitin.
10. Ayaw kong pinupuna ako ng hindi maganda ng aking kapuwa.

Aralin
Magiging Mahinahon Ako
1 sa Lahat ng Pagkakataon
Minsan may mga bagay o pagkakataon na masusubok ang ating
pagiging mahinahon. Ito ay maituturing na isang hamon sa ating kakayahan
na kontrolin ang ating sarili sa galit, kawalan ng pasensiya at pang-unawa.
Dahil dito, marapat na matutuhan natin ang tamang paraan ng pagtanggap
ng ating pagkakamali at ang pagiging bukas ng ating isipan sa mga paraan
ng pagtutuwid nito. Nararapat na ito ay bukal sa ating kalooban. Ang pagpili
ng mga salitang ating gagamitin, lalo na sa ating pagbibiro, ay dapat din
nating isaalang-alang. Hindi dapat ito makasasakit sa damdamin ng ating
kapuwa.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa paraan ng pagtanggap ng


sariling pagkakamali, pagtutuwid nito. Nararapat na ito ay bukal sa ating
kalooban. Ang pagpili ng mga salitang ating gagamitin, lalo na sa ating
pagbibiro, ay dapat din nating isaalang-alang. Hindi dapat ito makasasakit
sa damdamin ng ating kapuwa.

Balikan

Lagyan ng tsek (√) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip


at ekis (X) naman kung hindi ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Ang pagiging mapanuri ay nangangahulugang mapagsiyasat.

2. Ang radyo, telebisyon, at social networking sites ay ilan lamang sa


maaaring pagkuhanan ng mga impormasyon.

3. Mahalagang makapagsagawa ka ng tamang pamamaraan o


pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.

3
4. Maging mapanuri sa ating mga pinapasok na sites sa internet.

5. Tandaan na dapat gamitin ng wasto ang teknolohiya.

Tuklasin
Basahin at unawain ang maikling kuwento.

Si Ken at ang Nabasag na Plorera


Isinulat ni: Agnes D. Nocos

Papasok na sa paaralan si Ken, at sa kaniyang pagmamadali


ay nasagi ng kaniyang bag ang plorera na may halamang-tubig na
nakalagay sa may pintuan ng kanilang bahay. At dahil nagmamadali
na siya, hindi na niya nakuhang ayusin at damputin ang nabasag na
plorera. Ni hindi niya sinagot ang kaniyang nanay kung ano ang
nabasag, na noo’y nasa kusina.

Pag-uwi niya sa bahay, tinanong siyang muli ng kaniyang


nanay kung bakit at paanong nabasag ang plorera.

Sa umpisa, atubili si Ken at medyo takot na umamin sa


kaniyang nanay tungkol sa nabasag na plorera. Pero sa patuloy na
pagtatanong nito, inamin din niya na hindi niya sinadyang masagi at
mabasag ang plorera. Iyon ay dahil lamang sa kaniyang
pagmamadali.

Dahil nakatayo pa rin ang nanay sa kaniyang harapan na tila


ba may hinihintay pang paliwanag mula sa kaniya, hindi na
nagdalawang–isip na humingi ng paumanhin si Ken sa pagkabasag
sa plorera. Agad namang tinanggap ng kaniyang nanay ang paghingi
niya ng paumanhin at pinayuhan siya nito na sa susunod ay
gumising nang maaga upang hindi palaging nagmamadali at
maiwasan na may masayang na gamit. Napayakap na lamang siya sa
kaniyang nanay, tanda na tinatanggap niya ang kaniyang
pagkakamali at ng pagsunod sa payo ng nanay na maiwasan ang

4
palaging pagmamadali. Pagkatapos ay agad naman niyang pinulot
ang nabasag na plorera at kaniya itong itinapon sa basurahan.

Sagutin:
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.
1. Kung ikaw si Ken iiwanan mo na lang ba ang nabasag na plorera?
Bakit?
A. Opo, dahil mali-late na ako sa klase
B. Hindi po, dahil magagalit si nanay at mapapalo ako
C. Opo, dahil siguradong mapipingot ako ni nanay
D. Hindi po, dahil kailangan kong tanggapin ang aking
pagkakamali at mag-sorry ako kay nanay.

2. Gaya ni Ken, aaminin mo ba ang nagawa mong pagkakamali?


A. Opo C. Bahala na po
B. Hindi po D. Hindi po ako sigurado

3. Ano sa palagay mo ang dahilan bakit matagal bago inamin ni


Ken ang kanyang pagkakamali?
_________________________________________________________
4. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Ken sa kuwento?
_________________________________________________________
5. Ano ang magandang-aral na natutuhan mo mula sa kwento?
__________________________________________________________

Tandaan Mo

Maituturing na isang positibong kaugalian ang paghingi ng paumanhin sa


taong nagawan mo ng pagkakamali. Iyong tandaan na ang pagtutuwid sa
pagkakamali ay hindi kahinaan kundi ito ay tanda ng iyong pagiging
mahinahon at maunawain sa damdamin ng iyong kapuwa.

Suriin
Ano ang nadarama mo kapag sinabihan ka ng iyong kapuwa na mali
ang iyong ginagawa? Ikaw ba ay nasasaktan, nagtatampo o nagagalit sa
taong nagsabi nito sa iyo? Ano ang iyong ginagawa kapag ikaw ay
nasasaktan, nagtatampo o nagagalit?

5
Ang iyong nadarama ay maaaring makaapekto sa pakikitungo mo sa
iyong kapuwa. Maaaring magresulta ito sa hindi magandang ugnayan sa
kanila. Sa ganitong sitwasyon masusubukan ang iyong pagiging mahinahon.

Ang pagiging mahinahon ay tumutukoy sa gawi o ugali ng taong hindi


mainitin ang ulo, may mahabang pasensiya at may pagpipigil sa sarili. Hindi
siya madaling nagpapadala sa bugso ng kaniyang damdamin.
Mahalagang maipakita ang pagkamahinahon sa damdamin na
napupukaw sa iyo dahil sa pakikitungo mo sa mga tao sa iyong paligid. Hindi
mo mapipigil ang gagawin o sasabihin ng isang tao sa iyo subalit kaya mong
pigilan ang iyong negatibong reaksiyon dito. Kailangang bukas ang iyong
isipan sa pagtanggap ng sariling pagkakamali at ituwid ito; pagtanggap ng
puna ng kapuwa at pagpili ng mga salitang di-nakasasakit ng damdamin. Sa
ganitong paraan mapauunlad mo ang iyong sarili. Kailangan mo ito sa isang
mabuting pakikipagkapuwa-tao.

1. Ano ang iyong nararamdaman kapag ikaw ay pinagsabihan ng


iyong kaibigan na mali ang iyong ginawa? Bakit?

2. Sa palagay mo, tama ba ang iyong naging reaksyon sa


kaniyang pagpuna? Pangatwiran.

Pagyamanin
Gawain 1
Pag-aralan ang larawan ng batang binu-bully ng kapuwa mga bata.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno o
sagutang papel.

Sagutin:
1. Ano ang nararamdaman mo sa sitwasyon sa larawan?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

6
2. Naranasan mo na bang pagtawanan ng iba? Ano ang iyong naging
reaksiyon?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Gawain 2
Piliin mula sa kahon ang mga salita o parirala na nangangahulugan
ng pagtanggap ng pagkakamali at isulat ito sa loob ng puso na iguguhit mo
sa iyong kuwaderno.

Hindi ko po sinasadya,
Patawad po,
Wala akong pakialam
Pasensiya na po. Hindi ko na uulitin. 1.___________________
Ikaw kasi!
Hindi ko kasalanan iyon. 2.___________________
Buti nga sa iyo 3.___________________
Sorry!
Paumanhin po 4.___________________
5._________________

Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.


Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Sitwasyon:

Nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng kaibigan mo dahil sa


isang sulat na naglalaman na siya raw ay isang ampon. Ito ay ipinagkalat
mo sa buong klase.

1. Paano ka hihingi ng paumanhin sa kaibigan mo?


A. padabog
B. pasigaw
C. galit
D. mapagpakumbaba

2. Mahalaga ba ang paghingi ng tawad? Bakit?


A. Opo, para magaan sa pakiramdam na walang kagalit.
B. Siguro, para masabing mabuting tao sa paningin ng iba.
C. Hindi po, dahil nakakahiyang humingi ng tawad.
D. Hindi ko alam, dahil hindi naman mahalaga ito.

7
3. Anong katangian ang ipinapakita ng isang taong humihingi ng
paumahin sa kasalanang nagawa sa kaniyang kapuwa?
A. matiyaga at matiisin
B. matapat at masunurin
C. mapagbigay at mapagmahal sa kapuwa
D. mahinahon at may pag-unawa sa damdamin ng iba

Gawain 4
Ang mga nakasulat sa unang hanay ay halimbawa ng mga taong
minsan nang nagbiro sa iyo, at sa pangalawang hanay naman ay nakasulat
ang mga salitang kanilang ginamit sa pagbibiro. Para masagot ang Kolum 3,
pumili ng angkop na salita mula sa kahon ng maaari mong maramdaman sa
mga salitang ginamit nila sa kanilang pagbibiro. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

malulungkot magagalit masisiyahan babalewalain

Nagsabi/ Mga salitang ginamit sa Maaaring maramdaman


Pinanggalingan ng biro pagbibiro mo sa kanilang pagbibiro
1. kalaro Hoy lampa!

2. kaibigan Para kang si Superman

3. kapatid Mukha kang aparador

Isaisip

Punan ang patlang ng tamang salita para mabuo ang konseptong isinasaad
ng talata. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.

mahinahon pagtutuwid kapuwa


pagbibiro hindi nakasasakit

Ating panatilihin ang pagiging ______________ sa lahat ng


pagkakataon. Kung hindi man natin maiwasang magbiro, siguraduhin
lamang na ang salitang ating gagamitin sa
___________ ay ____________ ng damdamin ng ating _____________.
Importante na sa oras ng pagkakamali, alam natin kung paano ang paraan
ng tamang ______________dito.

8
Isagawa

Markahan ng tsek (/) ang pangungusap na nagpapakita ng


pagtanggap sa isang pagkakamali at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno o sa sagutang papel.

1. Hindi ko alam ang ibinibintang mo sa akin.

2. Sorry na, hindi ko na uulitin.

3. Bakit ako na lang lagi ang pinagbibintangan mo!

4. Pasensiya na at nagkatuwaan lang.

5. Patawad hindi ko na po uulitin.

Tayahin
Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek
( / ) ang nararapat na gawin at ekis (X) naman sa hindi nararapat gawin.
Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
1. Marunong akong tumanggap ng aking pagkakamali at handa
akong harapin ang anumang magiging kahihinatnan nito.

2. Hindi ako sanay na humingi ng paumanhin sa tuwing may


nagagawan ako ng pagkakamali.

3. Ayaw kong makasakit ng damdamin ng aking kapuwa, kaya pinipili


ko ang mga salitang hindi nakasasakit sa tuwing sila ay aking
binibiro.
4. Kahit may maling nagawa ang aking kaibigan, gaya ng dati, patuloy
ko pa rin siyang kinakausap.
5. Kahit hindi ko sinasadyang mabuhusan ng juice ang aklat ni
Almira, humingi pa rin ako ng paumanhin sa kanya.

6. Sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali ay agad akong


humihingi ng tawad.

9
7. Minsan, kahit hindi ko sinasadyang magkamali nagagawa ko pa
ring humingi ng sorry.

8. Kahit minsan hindi pa ako nagpatawad ng sinumang nakagawa ng


mali sa akin.

9. Hindi mahirap sa akin ang pagsabi ng sorry.

10. Ganyan kami ka-close ng aking bestfriend, hindi ko pinatatagal ang


aming alitan. Inaayos namin ito kaagad.

Karagdagang Gawain

Kompletuhin ang pangungusap. Punan ito ng angkop na


sagot mula sa kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.

alam ko na para ito sa kabutihan ko

itinutuwid ang aking pagkakamali

alam kong makasasakit lang ako ng aking kapuwa

1. May mga bagay na hindi ko ginagawa dahil


__________________________________________________________.

2. Nagpapasalamat ako sa aking kapuwa kapag


_________________________________ _________________________.

3. Hindi ako magagalit kapag pinagsasabihan ako ng


aking mga magulang sapagkat
_______________________________________.

10

You might also like