FIL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

1.

Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng


mga mamamayang naaabot nito.
a. Telebisyon
b. Radyo
c. Text

2. Uri ng wika na ginagamit sa mga programa tulad ng variety talk at game shows.
a. Pormal
b. Impormal at balbal
c. Impormal at kolokyal

3. Ano ang nangungunang wika sa radio sa AM o FM?


A. Wikang Filipino at Ingles
B. Wikang Ingles
C. Wikang Filipino

4. Anong klaseng wika ang ginagamit sa pagtangkilik ng mga humihingi ng payo tungkol sa
pag-ibig sa radio?
A. Wikang interaksyonal
B. Wikang conversational
C. Wikang instrumental

5. Anong wika ang ginagamit sa Tabloid?


a. Wikang Filipino at Ingles
b. Wikang Ingles
c. Wikang Filipino

6. Ano ano namang wika ang ginagamit sa broadsheet?


A. Wikang Filipino at Ingles
B. Wikang Ingles
C. Wikang Filipino

7. Naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa.


a. Headline
b. Katawan
c. Paksa

8. Anong wika ang karaniwang ginagamit para sa mga pamagat ng mga pelikulang
Filipino?
A. Wikang Ingles
B. Wikang Filipino
C. Wikang Filipino at Ingles
9. Ano ang lingua franca o pangunahing wika ng telebisyon, radio, diyaryo, at pelikula?
A. Filipino
B. Ingles
C. Wala

10. Tono sa mga pelikula


a. Pormal
b. Impormal

11. Ilan ang humigit kumulang na text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa araw
araw?
A. 31 bilyon
B. 12.03 trilyon
C. 4 bilyon

12. Kilala ang Pilipinas bilang..


A. Radio capital of the world
B. News capital of the world
C. Text capital of the world

13. Ang tawag sa istasyon sa Zamboanga.


a. DXRC
b. DXKS
c. DXKO

14. Tawag sa istasyon sa Davao,


a. DXRC
b. DXKS
c. DXKO

15. Tawag sa istasyon sa Surigao.


A. DXRC
B. DXKS
C. DXKO
16. Ang naglalahad ng kaniyang karanasan at problemang kinakaharap tungkol sa pag-ibig.
a. Sender
b. Caller
c. Sawing mamamayan

17. Ito ay madalas na ginagamit sa text.


a. Gay lingo
b. Jejemon
c. Code-switching

18. Ito ay pagtatalong-oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil ang
bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa dito ay hindi nakalahad o walang
malinaw na paksang pagtatalunan.
a. Pick-up lines
b. Fliptop
c. Hugot lines

19. Alin sa mga sumusunod ay totoo tungkol sa FLIPTOP?


A. Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang
mga salitang binabato ay balbal at di pormal.
B. Gumagamit ng di pormal na wika at walang nakasulat na iskrip kaya karaniwang ang
mga salitang binabato ay balbal at kolokyal.
C. Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang
mga salitang binabato ay matapang at maangas.

20. Tawag sa kompetisyon ng Fliptop.


a. Battle league
b. League of words
c. Trashtalkan

21. Ang fliptop ay..


a. Kinatatampukan ng dalawang kalahok sa tatlong round at ang panalo ay dinedesisyunan
ng mga hurado.
b. Kinatatampukan ng dalawang kalahok sa apat na round at ang panalo ay dinedesisyunan
ng mga hurado.
c. Kinatatampukan ng dalawang kalahok sa limang round at ang panalo ay dinedesisyunan
ng mga hurado.
22. Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay
na madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
A. Hugot lines
B. Fliptop
C. Pick-up lines

23. Tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y
nakakainis. Tinatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika nga
ay malikhain. Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na
nagmark sa puso’t isipan ng mga manonood.
A. Hugot lines
B. Fliptop
C. Pick-up lines

24. Ito ang wikang ginagamit sa mga boadroom ng malalaking kompanya at korporasyon
lalo na sa mga multinational companies, sa mga Business Processing Outsourcing o mga
call center, dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata atbp.
A. Wikang Ingles
B. Wikang Filipino
C. Wikang Ingles at Filipino

25. Wikang ginagamit sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran, mga
pamilihan, mga palengke, at maging sa direct selling. Ginagamit din ito sa mga
komersyal o patalastas, pantelebisyon o panradyo.
A. Wikang Ingles
B. Wikang Filipino
C. Wikang Ingles at Filipino

26. Ito ang batas na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at
instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.
A. Batas tagapagpaganap Blg. 917, serye ng 1988
B. Batas tagapagpaganap Blg. 510, serye ng 1988
C. Batas tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988
27. Siya ang dating pangulo na nagbigay ng suporta at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng paggamit niya sa wikang ito sa mga mahahalagang panayam at
talumpating ibinibigay tulad ng SONA na ipinaparating niya sa buong panahon ng
kaniyang panunugkulan.
A. Dating Pangulong Corazon Aquino
B. Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
C. Dating Pangulong Benigno Aquino III

28. Wikang ginagamit ng mga mag-aaral ng highschool hanggang kolehiyo.


a. Mother tongue based multilingual education
b. Monolingguwal
c. Bilingguwal

29. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng Jargon o mga terminong kaugnay sa mga
trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan.
a. Sosyolek
b. Etnolek
c. Idyolek

30. Ang pangunahing wika sa Internet.


A. Wikang Ingles
B. Wikang Filipino
C. Wikang Ingles at Filipino

31. Ayon kay Michael Canale at Merrill Swain, Ito ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan
sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-
ortograpiya.
A. Kakayahang lingguwistiko o gramatikal
B. Kakayahang linggwistiko o grammatikal
C. Kakayahang lingwistiko o gramatikal

32. Siya ang gumawa ng acronym na SPEAKING ang mga dapat bigyang pansin para sa
epektibong komunikasyon. Binuo niya ang modelo upang makatulong sa pagsusuri ng
diskurso bilang serye ng usapan sa isang kontekstong kultural.
A. Dell Hymes
B. Bell heimes
C. Dyle Hymes
33. Ang elementong ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit ang
kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga
salita.
A. Ponolohiya
B. Semantika
C. Gramatikal

34. Ang Palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema paghinto, pagtaas-pagbaba ng mga


pintig, diin, at pagpapahaba ng tunog.
A. Ponolohiya
B. Semantika
C. Gramatikal

35. Ang pag-aaral ng straktyur ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang salita sa wika.
A. Ortograpiya
B. Morpolohiya
C. Ponolohiya

36. Ang pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan ang mga salita
batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.
A. Ortograpiya
B. Sintaks
C. Semantika

37. Ang pag-aaral sa pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala,
sugnay, at mga pangungusap.
A. Ortograpiya
B. Sintaks
C. Semantika

38. Ang masusi at maingat na pag-aaral patungkol sa pagbabaybay ng mga salita.


A. Ortograpiya
B. Sintaks
C. Semantika

39. Tumutukoy sa pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto o sitwasyon ayon sa


konteksto.
A. Context clues
B. Kakayahang sosyolingguwistiko
C. Kakayahang diskorsal

40. Ito ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang
impormasyong pinag-usapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-
alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika.
A. Kakayahang diskorsal
B. Kakayahang sosyolingguwistiko
C. Kakayahang gramatikal

41. Ito ay ang natatanging kakayahang tugunan ang nararanasang suliraning


pangkomunikasyon upang maiparating nang malinaw ang talagang nais sabihin o upang
kahit paano’y magkaitindihan ang nag-uusap.
A. Kakayahang istratedyik
B. Kakayahang pragmatik
C. Kakayahang sosyolingguwistiko

42. Ito ay ang pagkumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha.


A. Di verbal
B. Verbal
C. Ekspresyon

43. Saklaw nito ang pagtukoy sa kahulugan ng sutwasyong sinasabi, di-sinasabi o ikinikilos
ng taong kausap.
A. Kakayahang istratedyik
B. Kakayahang pragmatik
C. Kakayahang sosyollingguwistiko

Test II: Wastong paggamit ng mga salita


Note: Wala po akong kasiguraduhan na gan’tong uri ng pagsusulit ang eksaktong lalabas sa
finals, ngunit sinali ko ‘to upang makatutulong sa kasanayan. < 3
1. Sabi ni mama, hindi niya bibilhin ‘yung damit (kung, kapag) ito ay mas mataas sa
halagang P1,000.
2. Hindi muna makakalabas ng probinsya ang mga (taga, tiga) Pampanga habang tayo ay
naka-enhanced community quarantine.
3. Si Lando ay (ooperahin, ooperahan) sa susunod na linggo.
4. (Pahirin, pahiran) mo ng ‘yung pawis sa likod ng kapatid mo.
5. Nakaharang sa (pinto, pintuan) ang paso ng halaman kaya hindi makadaan ang mga tao
rito.
6. Pakitawagan mo ko (kung, kapag) nakauwi ka na.
7. Dahit napakabigat ng napamili ni Aling Nena, (nabitiwan, nabitawan) niya ang mga ito.
8. Napakaraming (hagdan, hagdanan) ang inakyat ni Ryan kaya siya ay napagod.
9. May bukol sa ulo si Ana kaya ito ay (ooperahin, ooperahan) bukas.
10. (Binasag, nabasag) ni Loren ang kaniyang mga baso sa galit.
11. (Pahirin, pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal.
12. Pakidala ang pagkaing ito (kina, kila) Nelia at Pat.
13. (Mayroon, may) iba siyang Pasalubong mula sa Batangas.
14. Nariyan na yata ang tatay! Buksan mo na ang (Pinto, Pintuan)!
15. Si Bryan ay (tiga, taga) Aklan.
16. (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa inyong noo.
17. Ngayong bakasyon, (susubukin, susubukan) kong mag-aral na magluto.
18. Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan, hagdanan).
19. Halika nga rito at (walisin, walisan) mo ang mga tuyong dahoon sa bakurann.
20. (Napakasal, nagpakasal) ang kapitan sa kaniyang sekretarya.
21. (Suklayin, suklayan) mo nga nang maayos ang buhok mo, Camille.
22. (Suklayin, suklayan) mo nga Rosa ng buhok ni loala pagkaligo niya.
23. (Abutan, abutin) ng lingap ang mga nangangailangan.
24. (Hinagis, inihagis) ni Manny ng tuwalya si Marquez.
25. (Subukan, subukin) natin ang kakayahan niya.
26. Mag-ingat ka anak (kapag, kung) nagmamaneho ka.
27. Iniibig (kata, kita) nang walang hanggan.
28. (Pakipahiran, pakipahirin) ang langis sa mesa.
29. (Linisin, linisan) Ninyo ang kalat bago pa man may madulas.
30. (Magsakay, nagsakay) ng sampung basket ng patatas ang Pajero.
31. (Bilhan, bilhin) natin ang pangarap na regalo ni Mica.
32. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng mabigat na salita sa kapwa.
33. (Hatiin, hatian) mo sa sampung bahagi ang pizza.
34. Walang sinumang ang makakagawa nito (kun di, kundi) siya lamang.
35. Magtiis mamaluktot (habang, samantalang) maiksi ang kumot.
36. (May, mayroong) kumakatok sa pinto kagabi.
37. (May, mayroon) na bang sweldo si Glamoore?
38. May labanan (raw, daw) ng salita ang mag-asawang artista.
Answer keys: 39. C
40. B
TEST 1:
41. A
1. A 42. A
2. C 43. B
3. C
TEST II:
4. B
5. C 1. Kapag
6. B 2. Taga
7. A 3. Ooperahin
8. A 4. Pahirin
9. A 5. Pintuan
10. B 6. Kung
11. C 7. Nabitawan
12. C 8. Hagdan
13. A 9. Ooperahin
14. C 10. Nabasag
15. B 11. Pahiran
16. B 12. Kina
17. C 13. May
18. B 14. Pinto
19. A 15. Taga
20. A 16. Punasin
21. A 17. Susubukan
22. C 18. Hagdan
23. A 19. Walisin
24. A 20. Napakasal
25. B 21. Suklayin
26. C 22. Suklayan
27. C 23. Abutan
28. C 24. Hinagis
29. A 25. subukin
30. A 26. Kapag
31. A 27. Kita
32. A 28. Pakipahirin
33. C 29. Linisin
34. A 30. Nagsakay
35. B 31. Bilhin
36. C 32. Magbitiw
37. B 33. Hatiin
38. A 34. Kundi
35. Habang
36. Mayroon
37. May
38. Daw

Karagdagang kaalaman:
Karaniwang nakakalito ang mga salitang
tulad ng pahirin at pahiran. Ang pahiran ay
ginagamit kung ang nais ibahagi ng
pangungusap ay ang paglagay o
pagdaragdag ng isang bagay. Ang pahirin
naman, ay ang pagtanggal o pag-alis ng
isang bagay. : D

You might also like