FIL2 2NDPeriodicalTest wTOSMELC BASED

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Tomas Oppus
HUGPA ELEMENTARY SCHOOL

2ND Periodical Test


FILIPINO 2

Pangalan:______________________________ ISKOR:_________
I. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay
wasto at Mali kung di wasto. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Ang tamang pagpapantig sa traysikel ay


tra- y-si – kel

_________2. Ang ha-la-ma-nan ay wasto ang


pagkakapantig.

_________3. Ang na-nay ay salitang diptonggo.

_________4. Ang dalawang pinagsamang katinig na


bumubuo ng isang tunog ay tinatawag na
“Kambal-katinig o Klaster”.

_________5. Isulat ng wasto ang salita sa kahon.

lo sa ka

Ang Huwarang Pamilya

Sina Mang Piolo at Aling Cristy ay may huwarang pamilya. Ang


kanilang mga anak na sina Arcy, Elvie, Nancy, at Frank ay masisikap na mag-
aaral. Ang panganay na si Arcy na nasa Baitang VI ay nangunguna sa klase.
Ang kambal na sina Elvie at Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa
talakayan, at napapasali sa lahat ng paligsahang pang-akademiko. Ang nag-
iisang lalaki na si Frank ay gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid.
Naitataguyod naman ang kanilang pag-aaral sa pagiging masigasig ng
kanilang mga magulang. Ang mag-asawa ay responsableng gumagabay,
nagdidisiplina, at doble kayod sa paghahanapbuhay para itaguyod ang
edukasyon ng mga anak. Ginagawa nilang araw ang gabi para mapaglaanan ang
pangangailangan ng pamilya. Kahanga-hanga ang pamilya nina Mang Piolo at
Aling Cristy.

II. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

___6. Sino-sino ang anak nina Mang Piolo at Aling Cristy?


A. Arcy, Elvie, Nancy, at Frank
B. Arcy, Elvie, at Nancy
C. Nancy at Frank
D. Walang tamang sagot

___7. Ano ang tawag sa pamilya nina Mang Piolo at Aling


Cristy?
A. huwarang pamilya
B. masayang pamilya
C. masipag na pamilya
D. Walang tamang sagot

___8.Bakit maituturing na huwaran ang kanilang pamilya?


A. mayaman sila
B. marami silang kakilala
C. matatalino at masisikap ang mga anak at
responsable ang mga magulang
D. Walang tamang sagot

___9. Dapat bang tularan ang pamilya nila?


A. opo B. hindi po C. ewan ko po D. siguro po

___10. Ano kaya ang magiging buhay ng mga anak nila pagdating ng panahon?
A. maghihirap sila
B. hindi makapagtapos ng pag-aaral
C. magkakaroon ng maunlad at maayos na
pamumuhay
D. Walang tamang sagot
III. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Hulaan ang
susunod na maaaring mangyari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

11.Araw ng Sabado. Maagang gumising si Diana.


Nakahanda na ang paso, lupa at halamang gagamitin niya.

A. Baka magtatanim siya.


B. Baka mangingisda siya.
C. Baka maliligo siya.
D. Baka aani siya.

12. Mahusay kang tumula. Isang araw tinawag ka ng iyong guro. Sinabi
niyang isasali ka niya sa programa sa darating na Biyernes para tumula.

A. Siguro, matutuwa ka.


B. Siguro, magtatago ka.
C. Siguro, hindi ka sasali.
D. Siguro, hindi ka papasok.

13. Araw-araw ay pinababaunan si Cristel ng prutas ng kaniyang nanay.

A. Marahil, para pumayat siya.


B. Marahil, para maging masaya siya.
C. Marahil, para lumakas at lumusog siya.
D. Marahil, para manghina siya.

14. Pagkatapos kumain, si Beth na ang nagliligpit ng kanilang pinagkainan.


Ganito ang paraan niya upang makatulong sa magulang.

A. Tila dagdag ito sa kaniyang gawain.


B. Tila hindi ito magandang gawain.
C. Tila matutuwa ang kaniyang magulang.
D. Tila malulungkot ang kaniyang magulang.

15. May munting halamanan sina Irma. Tuwing hapon ay kinukuha na niya
ang timba at tabo. Pagkatapos, lalagyan niya ito ng tubig.

A. Baka maghuhugas siya.


B. Baka magtatanim siya.
C. Baka maglalaba siya.
D. Baka magdidilig siya.
IV. Panuto: Basahing mabuti ang Kuwento at sagutin ang
sumusunod na katanungan.

Si Melissa
Pauwi na si Melissa nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Binuksan niya ang kanyang payong at agad tumakbo patungo sa abangan ng
jeep. Nakita niya ang isang batang babae na nag-aabang. Wala siyang dalang
payong. Nilapitan ito ni Melissa at pinasukob sa kanyang payong.

16. Sino ang tauhan sa kuwento?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

17. Saan ang tagpuan ng pangyayari?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

18. Ano ang suliranin?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
IV. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang letra
ng tamang sagot.

19. Alin ang wasto ang pagkakasulat?


a. enrique b. laiza c. Daniel d. catherine

20. Ano ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga


salita?

bukas bikas bakas beke

a. 1-2-3-4 b. 2-3-4-1 c. 3-4-2-1 d.4-2-1-3


21. Si Elena ay matulunging bata. Minsan sa kanyang paglalakad ay
nakakita siya ng matandang babae na tatawid ng kalsada. Inakay niya ito upang
itawid. Nakasalubong din siya ng batang pulubi at binigyan niya ng tinapay.
Karapatdapat bang gayahin si Elena?

A. Si Elena ay mabait
B. Si Elenay mahiyain
C. Si Elena ay matulungin
D. Si Elena ay mapagbigay

22. Likas sa mga Pilipino ang pagiging Magalang. Naipakikita natin ito sa
pamamagitan ng pagmamaneho. Gumagamit rin tayo ng Po at Opo kapag tayo
ay nakikipag-usap sa sa mas nakakatanda sa atin. Ano ang paksa ng kuwento.

A. Ang mga Pilipino ay mababait


B. Ang mga Pilipino ay masayahin.
C. Ang mga Pilipino ay masisipag.
D. Ang mga Pilipino ay magagalang

23. Basahin at pag-aralan ang pahayag sa ibaba at iwasto ang pagkakasunud-


sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

1. Naglakad-lakad ang mag-ama sa Rizal Park


hanggang sa marating ang bantayog ni Rizal
2. Nagkayayaang mamasyal ang mag-amang
Delgado sa Luneta
3. Makasaysayan pa ang pook na ito.
4. Dito binaril ang ating pambansang bayani

A.1-2-3-4 B.2-3-4-1 C. 3-2-1-4 D. 4-3-2-1

24. Isang araw maagang nagising si Nora. Ito ang


kanyang mga pinaggagawa:

1. Inayos niya ang kanyang higaan.


2. Pumunta siya sa kusina upang maghilamos
3. Nagsepilyo din siya ng ngipin.
4. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglinis ng
bahay.

Ano ang wastong pagkakasunod sunod ng


kanyang ginawa

A. 1-2-3-4 B. 2-3-4-1 C. 3-2-1-4 D. 4-3-2-1


25. Aling salita ang may wastong baybay?

A. pagbotihin
B. pagbotehen
C. pagbutehin
D. pagbutihin

26. Si Emma ay nadapa dahil sa kanyang kalikutan.


Ano ang sanhi at nadapa si Emma?

A. kalikutan B. lampa C. maarte D. iyakin

27. May mahabang pagsusulit sa Filipino si Megan.


Hindi siya nakapag-aral nang nakaraang gabi
dahil nanood lamang siya ng telebisyon. Ano ang
mangyayari?

A. makakapasa sa pagsusulit
B. hindi makakapasa sa pagsusulit
C. hindi papasok sa paaralan
D. magkakasakit

28. Umalis ang nanay ni Carla upang dalawin ang kaibigang may sakit. Bago
ito umalis ay nagsigang muna ng sinaing at pinabantayan niya ito sa kanyang
anak na si Carla. Ibinilin niyang mabuti na huwag itong iiwanan at baka
masunog. Si Carla ay hindi iniwanan ang mga kalaro na nagsisipaglaro pa sa
tabi ng kalsada. Ano ang magiging wakas?

A. mahihilaw ang sinaing


B. maluluto ang sinaing
C. matutuwa ang nanay
D.. masusunog ang sinaing

29. baka - bakal Anong pagbabagong ginawa sa


pares ng salita?

A. pinalitan
B. binawasan
C. dinagdagan
D. walang ginawa
30. Palitan ang unang tunog ng salitang tama ng tunog k ano ang
mabubuong bagong salita?

a. tama b. dama c. mama d. kama

KEY ANSWERS:
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. kasalo
6. A
7. A
8. C
9. A
10. C
11. A
12. A
13. C
14. C
15. D
16. Si Melissa
17. Sa paaralan
18. Biglang bumuhos ang ulan
19. C
20. C
21. C
22. D
23. B
24. A
25. D
26. A
27. B
28. D
29. C
30. D

Department of Education
Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Tomas Oppus
HUGPA ELEMENTARY SCHOOL

2nd Periodical Test


FILIPINO 2

TABLE OF SPECIFICATIONS (TOS)


COGNITIVE PROCESS
DIMENSION
No. of No. of R U AP AN E C
Most Essential Learning Days Items
Weight AVERAG DIFFICU
Competency (MELC) Taught EASY E LT
(60%)18 (30%)9 (10%)3
Item Placement
Nagagamit ang personal na
karanasan sa paghinuha ng
mangyayari sa 6-9 10
nabasa/napakinggang teksto o 5 16.66% 5
kuwento*
F2KM-IIb-f-1.2

Nabibigkas nang wasto ang


tunog ng patinig, katinig, kambal-
katinig, 1-5
5 16.66% 5
diptonggo at kluster
F2PN-Ia-2

Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan


na may tamang laki at layo sa isa't
isa ang mga salita
F2PU-Id-f-3.1 19-20
5 6.66% 2
F2PU-Id-f-3.2
F2PU-Ia-3.1
F2PU-IIc-3.2
F2PU-IIIa-3.1
Naibibigay ang susunod na
mangyayari sa kuwento batay sa
21-22
tunay na pangyayari, pabula, tula, at
tugma* 5 6.66% 2
F2PN-Ie-9
F2PN-IIi-9
F2PN-IIIg-9-
Nailalarawan ang mga elemento
(tauhan, tagpuan, banghay) at
bahagi at ng
kuwento (panimula kasukdulan 5 6.66% 2 27-28
katapusan/kalakasan)
F2PN-Ii-j-12.1
F2PB-IId-4
Naipapahayag ang sariling
ideya/damdamin o reaksyon
tungkol sa napakinggan/nabasang:
a. kuwento, 5 11-15
5 16.66%
b. alamat
c. tugma o tula
tekstong pang-impormasyon
F2-PS-Ig-6.1
Nababasa ang mga salita sa unang
2
kita 5 6.66% 29-30

F2PP-Iif-2.1
Naisasalaysay muli ang binasang
teksto nang may tamang
pagkakasunod- sunod sa tulong ng
mga larawan, pamatnubay na 3 26
5 10% 23-24
tanong at story grammar
F2PS-Ig-6.1
F2PS-IIg-6.4
F2PS-IIIi-6.3
Nakasusulat ng talata at liham nang
may wastong baybay, bantas at
gamit ng
16-18
malaki at maliit na letra 4 25
5 13.33%
F2KM-IIIbce-3.2
F2KM-IVg-1.5

TOTAL 45 100% 30 9 9 4 5 3

Legend:
R-Remembering U-Understanding AP-Applying AN-Analyzing E-Evaluating C-Creating

Prepared by: Checked and reviewed by:


JEROLD A. JAMEN GIL P. SALMORO
Teacher School Head

You might also like