Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Takipsilim sa Jakarta

Mochtar Lubis

Pumarada ang pulang pula at bagong-bagong Cadillac sa harap ng


restawrang maraming nakaparadang kotse. Bumaba mula sa sasakyan
ang mag-asawang kakikitaan ng yaman at luho o marangyang
pamumuhay. Umorder ng pagkain ang dalawa nang hindi man lang
tumitingin sa mga presyo ng pagkain. Samantala, isang lumang kalesang
walang sakay at hila ng isang payat na kabayo ang dumaan sa harap ng
restawran sakay ang natutulog na kutsero na si Pak Idjo. Natutulog ang
kutsero habang umaandar ang kanyang kalesa dahil sa init ng panahon
at dahil na rin sa gutom at sakit na kanyang nararamdaman. Nagulat
ang kabayo at umalma dahil sa naghahabulang aso't pusa kaya't bigla
itong nadapa. Tumama sa pulang Cadillac ang kalesa at sumira sa ilang
bahagi nito. Lumabas mula sa restawran ang may-ari ng Cadillac na si
Raden Kaslan at galit na galit na sinigawan ang takot na takot na si Pak
Idjo. Nagpatawag ng pulis si Raden Kaslan upang ituro at mapapanagot
sa pagkasira ng kanyang kotse si Pak Idjo. Luhaang nagpaliwanag si Pak
Idjo sa pulis na wala talaga siyang ibabayad sa nasirang sasakyan kaya't
sa huli'y nagdesisyon si Raden na hayaan na ito at pumasok na lang muli
sa restawran nang galit na galit pa rin.
aral
"Ang tagumpay ng isang tao ay magiging ganap lamang kung matututo
siyang kanyang puso'y buksan upang dumamay sa mga kaawa-awa't
nangangailangan."

You might also like