Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE

9 MARIK INA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 10:
Pagpapahayag at Pagpapaliwanag ng
Damdamin, Pagkaunawa at Bisa ng Akdang
Asyano

May-akda: Mark Ryan V. Canimo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

• Aralin – Pagpapahayag at Pagpapaliwanag ng Damdamin,


Pagkakaunawa at Bisa ng Akdang Asyano

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. naipahahayag ang damdamin at pag-unawa sa napakinggang
akdang orihinal; at
B. naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling
kaisipan at damdamin.

Subukin
Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang Gawin ang
sumusunod na Gawain.

A. Sagutin ang sumusunod na tanong na may kaugnayan sa aralin. Isulat ang titik
ng pinakawastong sagot sa iyong sagutang papel.

Kay tamis ng buhay,


Ligaya ay hatid.
Madapa man nang minsa’y
Babangon pa rin

1. Anong damdamin ang namamayani sa mga taludtod?


a. Kaligayahan b. kalungkutan c. pagkalito d. pagkasuklam
2. Aling taludtod ang naglalarawan sa pagtingin ng persona sa buhay?
a. Taludtod 1 b. Taludtod 1 at 2 c. Taludtod 3 d. Taludtod 3 at 4
3. Ano ang ipinapahiwatig ng ikatlo at ikaapat na taludtod?
a. Ang buhay ay puno ng kaligayahan. c. May dulot na hirap ang
buhay.
b. Hindi nagwawakas ang problema. d. Nalulutas ang suliranin sa
buhay

“Noong 1940, itinahanghal si Hattie McDaniel na kauna-unahang


African-American na pinakamahusay na actress sa Oscar Awards sa kabila
ng hindi pa nawawala sa ibang taga Estados Unidos ang mababang
pagtingin sa mga hindi nila kakulay”.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Ano malinaw na paksa na inilalahad ng talata?
a. Diskriminasyon b. populasyon c. Tagumpay d. Wala
5. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na pag-unawa sa talata?
a. Hindi nakaaapekto sa araw - araw na pamumuhay ang pangyayari.
b. Nananatili ang diskriminasyon sa mga African - American sa Amerika.
c. Unti-unti nang nababago ang pananaw ng tao dahilan upang masugpo
ang diskriminasyon.
d. Walang diskriminasyon ng kulay at lahi sa bawat bansa.

B. PANUTO: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung bisang pandamdamin o bisang
pangkaisipan ang ipinapahayag ng sumusunod na mga pangungusap.

Bisang Bisang
Pandamdamin Pangkaisipan

1. Ang matibay na paniniwalang matatapos


din ang lahat ng pagsubok sa buhay ang
ibinahagi ng may-akda sa tula.
2. Sadyang malungkot ang maiwan ng taong
buong puso mong pinag-alayan ng pag-ibig.
3. Naging mas maingat si Josephine sa kaniyang
binibitawang salita matapos mabasa ang epekto
ng sinasabi sa kaniyang kapuwa.
4. Maliwanag na ngayon kay Sandra na malaki
ang kontribusyon ng pagkakaisa upan
mapagtagumpayan ang gawain ng isang pangkat.
5. Napagpasiyahan ni Jerico na sumali sa mga
gawaing makatutulong upang maipalaganap at
mapanatili ang kultura ng ating bansa.

Pagpapahayag at Pagpapaliwanag
Aralin ng Damdamin, Pagkaunawa
at Bisa ng Akdang Asyano

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagpapahayag at pagpapaliwanag ng


damdamin, pagkakaunawa at bisa ng akdang Asyano. Upang ito ay malinang,
kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa paggamit ng pag-ugnay sa pagsulat
ng dula. Sumulat ng limang pangungusap na nagbubuod ng dulang iyong binasa sa
nakaraang aralin gamit ang mga pang-ugnay.
1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________
4._______________________________________________________________________
5._______________________________________________________________________

Tuklasin

A. Panimula
Magbigay ng apat o higit pang salita na maaaring ipinapahiwatig na
damdamin ng larawan sa ibaba.

B. Pakikinig

Ipabasa nang malakas sa kaibigan o kasama sa bahay ang tula. Pakinggan


mo itong mabuti at pagkaraan ay sagutin ang mga tanong. Isulat sa hiwalay na
papel ang sagot.

Punyal
ni Mark Ryan V. Canimo

Punyal na tumatagos sa aking dibdib;


Ang pagtalikod ng sintang sa aki’y minsang umibig.
Inakalang ang yakap niya’y karugtong na ng langit;
Naabong mga pangarap, nanlamig na mga bisig.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga pangakong binitawan ng matamis niyang labi;
Pilit binibura nang may luha’t pait.
Ngunit anong bagsik nitong mga pasakit;
Mga gunitang naglalatay at nanlilisik.

Batid kong ang paglisa’y hindi niya ninais;


Sadyang oras niya’y maiksi’t walang labis.
Ngunit ang pagluluksa nitong puso’y ‘di mapatid;
Anomang magawa’y siyang naiiisip.

Tanging dalangi’y pagtakas ng punyal;


Nananahan sa pusong kan’yang naiwan.
Maghilom ang sugat, na sa aki’y sumasakal;
Sumikat ang araw, dalhin na ng hangin ang hapdi ng kapalaran.

C. Pag-unawa sa Pinakinggan

1. Paano mo mailalarawan ang persona sa tula?


2. Ano ang damdaming namamayani sa tula?
3. Aling saknong ng tula ang nagpapakita ng dahilan ng nararamdaman ng
persona? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, anong dahilan ng paglisan ng kaniyang iniibig?
5. Ipaliwanag ang ipinapahiwatig ng ikaapat na saknong tula.
6. Anong pangyayari sa tunay na buhay ang maaaring maiugnay sa
mensahe ng tula?
7. Ano ang gagawin mo sakaling maranasan mo ang kaparehong senaryo sa
tula?
8. Katanggap-tanggap ba ang namamayaning damdaming sa tula? Bakit?
9. Kung ikaw ang manunulat ng tula, anong damdamin ang maaari mong
ilahad tungkol sa tema ng tula?

D. Paglinang ng Talasalitaan
Isulat sa talahanayan ang ipinapahiwatig ng mga sumusunod na
taludtod mula sa tulang napakinggan.

TALUDTOD PAHIWATIG
Punyal na tumatagos sa aking dibdib;
Ang pagtalikod ng sintang sa aki’y minsang umibig.
Mga pangakong binitawan ng matamis niyang labi;
Pilit binibura nang may luha’t pait.
Batid kong ang paglisa’y hindi niya ninais;
Sadyang oras niya’y maiksi’t walang labis.
Inakalang ang yakap niya’y karugtong na ng langit;
Naabong mga pangarap, nanlamig na mga bisig.
Tanging dalangi’y pagtakas ng punyal;
Nananahan sa pusong kanyanng naiwan.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ang pag-unawa o komprehensiyon ay paglikha ng mambabasa ng


kahulugan habang binabasa ang isang akda o teksto.

May apat na antas na kategorya ng pag-unawa (Smith 1969). Ito


ay ang pag-unawang literal, interpretasyon, mapanuring pagbasa at
malikhaing pagbasa.
1. Pag-unawang Literal - Tumutukoy ito sa pagbatid ng
mambabasa sa detalye o impormasyon na nakapalood sa
isang akda. Karaniwang pagtukoy kung saan at kailan
nangyari ang kuwento, pagkakasunod-sunod ng pangyayari,
tauhan, persona at iba pang elemento ng mga akda.
2. Interpretasyon – Ang pagtukoy sa hindi tuwiran o lantad na
ideya ng binasa na nangangailangan ng mas mataas na lebel
ng pag-iisip. Sa kategoryang ito nakapagbigay ng hinuha,
konklusyon, paglalahat, paghahambing, pagkilala sa sanhi at
bunga at pagpapakaluhulugan sa pahiwatig.
3. Mapanuring Pagbasa – Ito ay pagbibigay-pagpapahalaga sa
katiyakan, pagkamakatotohanan at kaangkopan ng binasang
akda. Sa kategoryang ito naibigay ang saloobin o paninindigan
ng mambabasa tungkol sa akda.
4. Malikhaing Pagbasa – Ang mambabasa ay malikhaing
bumubuo nng bago o pamalit na solusyon sa nilikha ng
manunulat gamit ang iba pang kasanayan na lagpas sa iba
pang kategorya.

Sa pagpapaliwanag sa bisa ng akda sa sariling damdamin at kaisipan,


bigyang – pansin ang mga sumusunod:

1. Bisang Pandamdamin
Ito ay paggising ng damdamin o pagbabago ng damdamin ng
mambabasa matapos mabasa ang akda.
a. Paano napukaw ng akda ang damdamin ng mambabasa?
b. Naging epektibo ba ang akda sa pagpapalutang ng saloobin ng
mambabasa tungkol sa paksa?
2. Bisang Pangkaisipan
Ito ay pagkakabuo ng mambabasa ng kanyang pananaw o pagbabago
ng paniniwala matapos mabasa ang akda na nagpapayaman sa ideya at
kaisipan ng mambabasa.
a. Paano nakatulong ang akda upang maunawaan ng mambabasa ang
paksa?
b. Natutukoy ba ng mambabasa ang paksa o suliranin sa akda?
c. Nakabuo ba ang mambabasa ng alternatibong solusyon o pagpapasiya sa
suliraning tinatalakay sa akda?

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pagpapahayag


at pagpapaliwanag ng damdamin, pagkaunawa at bisa ng akdang Asyano.

A. Pumili lamang ng isa sa sumusunod na gawain upang mailahad ang iyong


naunawaan sa tulang napakinggan at ang maipahayag ang iyong damdamin
matapos mapakinggan ang tula.

Gumawa ng isang slogan na nagpapahayag ng iyong


damdamin at naunawaan sa napakinggang akda.

Gumuhit ng larawan na nagpapahayag ng iyong damdamin


at naunawaan sa napakinggang akda.

Sumulat ng liham para sa iyong kaibigan na


nagpapahayag ng iyong damdamin at naunawaan sa
napakinggang akda upang hikayatin siyang basahin ito.

Pamantayan sa Pagmamarka

Malinaw at mahusay na naipahayag ang damdamin 40%


Malinaw at mahusay na nailahad ang naunawaan sa akda 40%
Malikhaing pagsasagawa ng kabuong Gawain 20%
Kabuoan 100

B. Ipaliwanag ang bisang pangkaisipan at pandamdamin ng binasang akda sa


pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba.

Bisang Pandamdamin

Punyal
ni Mark Ryan V. Canimo Bisang Pangkaisipan

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka
➢ Malinaw at mahusay na nailahad ang bisang pandamdamin
at kaisipan ng akda 40%
➢ Malinaw at mahusay na naipaliwanag ang bisang
pandamdamin at kaisipan ng akda 40%
➢ Mahusay na pagsasagawa ng kabuong Gawain 20%
Kabuoan 100

Isaisip
Ibuod ang aralin gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Bisang Pandamdamin Bisang Pangkaisipan

Malikhaing Pagbasa

PAG-UNAWA SA AKDA
Mapanuring Pagbasa

Interpretasyon

Pag-unawang Literal

Isagawa
Basahin nang mabuti ang akdang “Chicken Joy,” mula sa malikhaing
akdang “Sugat sa Dibdib ng Lungsod” ni Soliman A. Santos ng Sentro ng Wikang
Filipino – UP Diliman.

Chicken Joy
ni Soliman Agulto Santos

Nangangalumata
Lumapit sa bagong linis na salaming dingding
Ng kainang may nakangiting bubuyog
Ang isang paslit, nanlilimahid ang damit

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Punit-punit tulad ng kanyang pangarap
Inilapit ang mukha sa malinaw na pagitan
Nagmamakaawa kahit hindi nagsasalita
Sa mga taong nag-aalmusal sa loob
Ininilalahad ang kamay sa sinumang magbigay ng pansin
Ganoon niya inuubos ang umaga
Hanggang sa sawayin siya ng guwardiya
Paulit-ulit, sa pag-asam na minsan,
Kahit minsan, isang malutong na piraso
Ng chicken – hindi tira-tira, walang laway
Ng sinawaang kostumer ang matitikman niya.

-Mula sa “Sugat sa Dibdib ng Lungsod”


Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman

Pag-unawa sa Binasa:

1. Paano mo mailalarawan ang sitwasyong inilalahad sa akda?


2. Anong bahagi ng akda ang nakapukaw sa iyong damdamin?
3. Ano ang naramdaman mo tungkol sa sitwasyon ng paslit sa binasang akda?
4. Anong isyung panlipunan na tinatalakay sa binasa?
5. Nangyayari ba sa kasalukuyan ang katulad na senaryo sa akda? Magbigay ng
halimbawa.
6. Saan karaniwang makikita ang senaryo sa akda? Ipaliwanag.
7. Sa iyong palagay, bakit hindi pa nawawaksan ang ganitong isyu sa ating
lipunan?
8. Paano mo ipaliliwanag ang ipinapahiwatig ng huling apat na taludtod ng tula?
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong maaari mong maibahaging solusyon
bilang isang mag-aaral?
A. Sumulat ng isa o dalawang saknong ng tula na naglalahad ng iyong
damdamin at pagka-unawa sa akdang “Chicken Joy.” Gamiting pamantayan
ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin A.”

B. Kasama ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya, Talakayin ang naging


bisa ng akda sa inyo. Sumulat ng maikling sanaysay na nagpapaliwanag sa
bisang pandamdamin at bisang pangkaisipan ng akdang binasa. Gamiting
pamantayan ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin.”

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang
iyong natutuhan.

A. Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.


Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Pagmulat pa lamang ng mata ni Dennis, tanaw na niya ang


magandang tanawin ng probinsya mula sa bintana ng kaniyang
kuwarto. Nagmadali siyang dumungaw at nilanghap ang sariwang
hangin. Payapa, masustansiyang pagkain na malayo sa nakasanayan
niya sa Maynila nang mahabang panahon.

1. Ano ang mahihinuhang damdamin ng tauhan sa talata?


a. Kainipan b. kalungkutan c. kasiyahan d. wala
2. Ano ang inilalahad ng huling pangungusap sa talata?
a. Kapayapaan ng paligid c. paghahambing ng probinsya at Maynila
b. Masustansiyang pagkain d. wala

Natapos na ang pananalanta ng bagyong Pacing. Isang malalim


na buntong-hininga ang pinakawalan ni Aling Cely pag-uwi niya mula
sa evacuation center habang tinititigan ang mga putik na lilinisin. Gaya
ng dati, agad niyang kinuha ang gagamitin para sa mahabang araw na
pakikipagtuos sa naiwan na bakas ng bagyo.

3. Alin sa mga sumusunod ang angkop na ipinapahiwatig ng may


salungguhit sa talata?
a. Bumaha sa lugar ni Aling Cely na nag-iwan ng putik sa kanilang
bahay.
b. Natutuwa si Aling Cely sa putik na iniwan ng bagyo.
c. Sanay na si Aling Cely sa pagpunta sa evacuation center.
d. Tinitigan ni Aling Cely ang putik na iniwan ng bagyo.
4. Ano ang tinutukoy na bakas ng bagyo sa talata?
a. Baha b. pagkain c. putik d. relief goods

5. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha sa huling pangungusap ng


talata.
a. Nagagalit si Aling Cely dahil maglilinis na naman siya ng tahanan.
b. Nakasanayan na ni Aling Cely ang gagawin matapos ang baha.
c. Nalulungkot si Aling Cely sa tuwing bumabaha.
d. Natapos na ang hinihintay ni Alingn Cely na pagbaha.

B. Basahin ang mga talata at isulat sa patlang ang bisang pandamdamin at


bisang pangkaisipan ng binasa. Gamiting pamantayan ang rubrik sa
bahaging “Pagyamanin B.”

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aso
ni Kenneth Ian Matthew Hernandez
(Mula sa Agos: Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan, Sentro
ng Wikang Filipino – UP Diliman)

Dito sa bayan namin sa Silangan, mayroong isang Intsik ang sa ami’y


kumapit-bahay. Bitbit ang aso niyang alaga. Asong malaki at balbon, panay
ang tahol sa sinumang manilip sa bakuran ng amo nitong singkit.
Mahangin at nagbabadya ang paparating na bagyo noon, nangunguha
ng sinampay ang isang ina. Nilipad sa kabilang bakuran ang kamisetang
pinangunguha. Ang asong nangangalit ay sinakmal at pinaliguan ng laway ang
walang-labang ina.
Naghabla ng kaso ang ina sa barangay. Gulat at windang ang kapitan
sa kinasapitan ng ina sa asong ulol. Bilang hatol, ikinulong ng kapitan ang ina
sa kasong trespassing at pinalaya naman nito ang aso at sinabitan ng medalya.
Ginawa lamang raw ng aso ang tungkulin nitong protektahan ang bakuran ng
amo nito. At bilang danyos sa perwisyo at paninirang puri ng ina sa amo nitong
Intsik, ibinigay ng kapitan ang lupa ng ina sa mga ito.
Ang mga anak ng nagkasalang ina, ngayo’y nakikilupa sa sarili nilang
bakuran. Tinanggalan ng karapatan at patuloy na pinaparatangan ng
sistemang hindi na sila kinikilala.
“Arhuuuuuu!!” Alulong ng aso. Namimilog at namumula na naman ang
buwan.

-
1. Bisang Pandamdamin: ______________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Bisang Pangkaisipan: _______________________________________________________


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

A. Magbasa ng isang tula at talakayin ito sa kaibigan o miyembro ng pamilya


sa malikhaing pamamaraan. Idokumento ito sa pamamagitan ng pagkuha ng
larawan o bidyo. Gamitin ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin A” ng modyul
na ito
B. Magbasa ng isang maikling kuwento. Lumikha ng isang Vlog na may
habang isa hanggang dalawang minuto na nagpapaliwanag sa bisang
pandamdamin at bisang pangkaisipan ng binasang akda. Idokumento ito sa
pamamagitan ng pagkuha ng larawan o bidyo. Gamitin ang rubrik sa
bahaging “Pagyamanin B” ng modyul na ito.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

5. Bisang Pangkaisipan
4. Bisang Pandamdamin
3. Bisang Pangkaisipan
2. Bisang Pandamdamin
B. 1. Bisang Pangkaisipan

5. c
4. c
3. d
2. b
1. a
A.
Subukin

Hernandez, Kenneth Ian Matthew. “Aso.” Sentro ng Wikang Filipino. Sentro ng


Wikang Filipino - UP Diliman, 2020. https://swfupdiliman.org/project/agos/.

Santos, Soliman Agulto. “Chicken Joy.” Sentro ng Wikang Filipino. Accessed


October 21, 2020. https://swfupdiliman.org/project/sugat-sa-dibdib-ng-
lungsod/.

Mga Larawan
https://pixabay.com/vectors/pen-school-notes-grade-memo-162124/

https://pixabay.com/vectors/header-headline-lettering-poster-156421/

https://creazilla.com/nodes/30363-man-painting-out-of-a-bucket-clipart

https://creazilla.com/nodes/7760-happy-school-kids-clipart

https://pixabay.com/vectors/boys-cartoon-children-comic-2025563/

https://pixabay.com/illustrations/kids-kids-reading-children-read-3314398/

https://pixy.org/113529/

https://pixabay.com/vectors/thought-light-bulb-idea-shine-306208/

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas: Nina Christina Zamora (Prop. PNU)
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like