Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Christian Bible Baptist Academy

St. Francis Homes II Landayan, City of San Pedro, Laguna

Proyekto sa Filipino 9
Unang Sikapat

Panitikang Asyano
Aralin 1: Panitikan ng Timog-
Silangang Asya

Lemuel Angelo M. Rayel Gng. Tess L. Quizon


Mag-aaral Guro

Agosto 9, 2017
Petsa Ipinasa
Bansa sa
Aralin Pamagat Genre Teksto Wika
TSA
Maikling Transitional
1.1 Ang Ama Kuwentong Nagsasalaysay Singapore Devices at
Makabanghay Pangatnig
Alamat ni
Pang-abay na
1.2 Prinsesa Alamat Nagsasalaysay Thailand
Pamanahon
Manorah
Kultura:
Pamana ng
Nakaraan,
1.3 Regalo ng Tula Naglalarawan Pilipinas Pang-uri
Kasalukuyan,
at Buhay ng
Kinabukasan
Kay Estela
1.4 Zeehandelaar
Sanaysay Naglalahad Indonesia Pang-ugnay

Pandiwang
1.5 Tiyo Simon Dula Nagsasalaysay Pilipinas Panaganong
Paturol
Ang Modyul 1
Aralin 1.1

 Ano ang pinagkaibahan ng maikling kuwentong makabanghay sa ibang


uri ng maikling kuwento?
Hindi tulad ng ibang maikling kuwento, ang maikling kuwentong
makabanghay ay nakatuon sa pagkakabuo at pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

 Ano-ano ang mga pangatnig at mga halimbawa nito?


Ang pangatnig ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala, at sugnay. Ang mga halimbawa nito ay subalit, samantala, saka,
at kaya.

 Ano-ano ang mga transitional devices at mga halimbawa nito?


Ang mga transitional devices tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya,
pangyayari, at iba pa sa paglalahad. Ang mga halimbawa nito ay sa wakas, sa
lahat ng ito, at kung gayon.

 Paano nakatutulong ang mga pangatnig at mga transitional devices sa


maikling kuwentong makabanghay?
Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay ng
mga pangungusap at sugnay. Dahil dito, napagsusunod-sunod natin ng tama
ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.
Aralin 1.2

 Ano ang alamat?


Ang alamat ay ang pinagmulan ng isang bagay, lugar, o katawagan na
maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.

 Ano ang mga pang-abay na pamanahon?


Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap, o gaganapin ang pngyayari o kilos. Maaaring may pananda
(tuwing, mula), walang pananda (kahapon), o nagsasaad ng dalas (araw-araw)
ang mga ito.

Aralin 1.3

 Ano ang tulang naglalarawan?


Ang tulang naglalarawan ay tulang nagpapahayag ng pagpapahalaga o
maaaring pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook, o
pangyayari.

 Ano-ano ang mga sangkap ng tula?


Ang mga sangkap ng tula ay sukat, kariktan, tugma, at talinhaga.

 Ano ang pinagkaibahan ng tulang naglalarawan sa tulang


nagsasalaysay?
Hindi tulad ng tulang naglalarawan, ang tulang nagsasalaysay ay
nagkukuwento. Para sa kahulugan ng tulang naglalarawan, tingnan ang unang
tanong sa Aralin1.3.

 Ang kultura sa tatlong panahon:


o Noon-pamana ng nakaraan
o Ngayon-regalo ng kasalukuyan
o Bukas-buhay ng kinabukasan
Aralin 1.4

 Ano ang sanaysay?


Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang prosa na naglalahad,
naglalarawan, nagsasalaysay, o nanghihikayat tungkol sa isang bagay,
pangyayari, tao, o lugar.

 Ano-ano ang mga uri ng sanaysay at paano ito nagkakaiba sa isa’t isa?
Pormal o Impersonal Impormal o Personal
Naghahatid ng mahahalagang
Nagbibigay kasiyahan. May
kaalaman, kaisipang maka-agham, at
karaniwan at pang-araw-araw na
lohikal na pagkakasunod-sunod ng
paksa.
mga ideya.
Pang-araw-araw na pakikipag-usap
Pinipili ang mga salita.
lamang.
Maanyo ang pagkakasulat.
Maaaring maging pampanitikan.
Makahulugan, matalinhaga, at
matayutay.
Seryoso at di-nagbibiro ang tono. Palakaibigan ang tono.

Aralin 1.5

 Ano ang dula at ano ang pinagkaibahan nito sa ibang genre ng


panitikan?
Ang dula, di tulad ng ibang genre ng panitikan, ay isang kathang
pinapanuod sa isang tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw.

 Ano-ano ang mga uri ng dula?


Ang mga uri ng dula ay melodrama, trahedya, at tragikomedya.

 Ano ang kaibahan ng melodramang dula sa ibang uri ng dula?


Hindi tulad sa ibang uri ng dula, ang melodramang dula ay nag tataglay ng
malulungkot na pangyayari. Maaari itong makaantig ng damdamin subalit
nagwawakas ito nang masaya.

You might also like