Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

K

Kindergarten
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Natutukoy na May Pamilya ang Bawat Isa (Set A)
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Natutukoy na May Pamilya ang Bawat Isa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/
Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE Manunulat: Sarah Jane V. Bitago at
Theo Arsenia S. Pedrezuela
Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Editor: Theo Arsenia S. Pedrezuela

Department of Education – Schools Division Office of Makati City Tagasuri: Nenita R. Soberano

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo Tagalapat: Theo Arsenia S. Pedrezuela at
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Neil Vincent C. Sandoval
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Nenita R. Soberano
Pandibisyong Tagamasid, Kindergarten
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda at sinuring mabuti upang magkaroon ka ng pang-unawa tungkol
sa iyong pamilya. Ito ay isang hakbang na ginawa upang lubusan mong makilala ang mga
bumubuo ng isang pamilya at ang mga gawain nila. Ang mga pagsasanay at gawain sa modyul na
ito nakaayos ayon sa bagong Most Essential Learning Competencies na inilimbag ng Kagawaran ng
Edukasyon para sa Taong Pampanuruan 2020–2021.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang malalaman mo ang mga sumusunod:

✓ nalalaman na tayo ay kabilang sa isang pamilya


✓ natutukoy kung sino sino ang bumubuo ng isang pamilya
✓ nasasabi ang mga gawain ng bawat kasama sa pamilya
✓ naguguhit ang bawat kasapi ng pamilya
✓ nakikilala ang titik M at ang tunog nito
✓ nakikilala ang titik A at ang tunog nito
✓ nalalaman ang mga mas marami
✓ nakabibilang hanggang bilang apat (4)

3
Balikan
Panuto: Kulayan ang mga pangunahing pangangailangan natin.

4
Subukin

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sabihin kung sino sino ang mga ito.

5
Aralin Ako ay May Pamilya:

1
Natutukoy ko kung sino-sino ang bumubuo ng
isang pamilya.

Tuklasin
Awitin ang kantang “Nasaan si Nanay” at gamitin ang mga daliri para sa aksyon nito.

Nasaan si Nanay?
Nasaan si Nanay? Nasaan si Nanay?
Heto ako, heto ako
Kumusta, kumusta?
Magtago, magtago.
(Palitan ng Tatay, Kuya, Ate, Bunso ang nakaguhit na salita)

6
Mga Tanong:

1. Sino sino ang mga binanggit sa awiting “Nasaan si Nanay?”

2. Ano ano kaya ang mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya? (Tatay, Nanay, Ate, Kuya, Bunso)

3. Ilan ang mga nabanggit na kasapi ng pamilya sa kantang “Nasaan si Nanay?”

4. Bukod kina Nanay, Tatay, Ate, Kuya, at Bunso, sino sino pa ang mga kasama ninyo sa loob ng

bahay? Ikuwento ang mga ginagawa nila sa loob ng bahay?

7
Suriin
Panuto: Idikit sa loob ng bahay ang larawan ng iyong pamilya.

Mahal ko ang Aking Pamilya

8
Panuto: Iguhit sa kahon ang iyong pamilya.

Ang Aking Pamilya

9
Panuto: Kulayan ang larawan ng may apat (4) na bilang ng kasapi ng pamilya.

10

You might also like