Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

K

Kindergarten
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Mga Iba’t Ibang Lugar sa Aking Komunidad
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Ibat’t Ibang Lugar sa Aking Komunidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE Manunulat: Jenifer A. De Guzman,
Clarizel A. Delos Santos, Imelda D.
Tejano, at Jenelyn P. Retardo
Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Editor: Theo Arsenia S. Pedrezuela

Department of Education – Schools Division Office of Makati City Tagasuri: Nenita R. Soberano

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo Tagalapat: Theo Arsenia S. Pedrezuela at
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Neil Vincent C. Sandoval
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Nenita R. Soberano
Pandibisyong Tagamasid, Kindergarten
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Kindergarten sa Makati. Ito ay tutulong upang makilala
ang mga tao na nakatutulong sa komunidad, matukoy ang mga iba’t ibang lugar sa komunidad at
masabi ang mga naging karanasan bilang kasapi ng komunidad. Ang aralin at mga gawain sa modyul
na ito ay nakasunod ayon sa Most Essential Learning Competencies na ibinigay ng Kagawaran ng
Edukasyon para sa SY 2020-2021.

Nakapaloob sa modyul na ito ang mga sumusunod na aralin para sa ikalawang linggo ng Iikatlong
markahan:
• Natutukoy ang iba’t ibang lugar sa komunidad
• Naikukuwento ang mga naging karanasan bilang kasapi ng komunidad
• Naisusulat at naibibigay ang tunog ng letrang Ll
• Nakakapagbigay ng halimbawa ng mga salita na nagsisimula sa letrang Ll
• Nakakapantig ng mga salitang nagsisimula sa letrang Ll
• Nakabibilang ng mga bagay na may bilang pito.
Subukin

Panuto: Pagtambalin ang mga lugar sa komunidad at ang bagay na kaugnay nito.

\
Balikan

Panuto: Bilugan ang larawan ng taong makatutulong sa atin sa sumusunod na sitwasyon.


Aralin

1 Letrang Ll at Bilang 7

Tuklasin
Sa tulong ng magulang, basahin ang kuwento at sagutan ang mga tanong sa inyong kwaderno.

Sina Lina at Lara


Sulat ni Jenelyn P. Retardo

Sina Lina at Lara ay masisipag na bata. Isang araw ay inutusan sila ng kanilang Nanay Lita na bumili
sa palengke. Agad namang sumunod ang dalawa. Nagbihis sila ng lilang damit at pulang laso. Sa
paglalakad ay nadaanan nila ang kanilang paaralan. Pagdating sa palengke ay tiningnan nila ang
listahan ng mga bibilihin; pitong pirasong luya, isang kilong lansones at pitong labanos. Bumili rin si
Lina ng tinapay sa panaderya at gamot na Lagundi naman sa botika ang binili ni Lara para sa
kanilang Kuya Lito na kalalabas lang ng ospital. Mayamaya ay nakarinig sila nang malakas na
sigawan. Nasusunog pala ang karinderya na malapit nagsisi
sa palengke! Nagmadali silang tumawag sa
estasyon ng bombero upang humingi ng tulong. Dumating din ang mga pulis mula sa presinto. Pag-
uwi nila ay dumaan muna sila sa simbahan upang magpasalamat.
Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano-ano ang mga lugar na nabanggit sa kwento?
3. Ano-ano ang kanilang binili sa palengke?
4. Anong letra nagsisimula ang luya, lansones at labanos?
5. Anong tunog ng letrang Ll? Magbigay ng mga bagay
na nagsisimula sa tunog na /l/.
6. Ilang pirasong luya ang binili nina Lina at Lara? Gumuhit
ng pitong luya.
7. Tama bang humingi ng tulong sina Lina at Lara sa
istasyon ng bombero? Bakit?
Suriin

Bilugan at kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa letrang Ll.

Ll
Pagyamanin

Bilugan ang may pitong larawan sa ibaba.

1.

2.

3.

4.

5.
Isaisip
Isulat ang nawawalang pantig upang mabuo ang pangalan ng bawat larawan.

1. 2. 3.

_ _ ham _ _ bi _ _ go
4. 5.

_ _ ro _ _ ya

You might also like