Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo Batay sa Persepsyon

ng mga Piling Mag-aaral sa Kursong Bachelor of Science in

Entrepreneurship (BS Entrep) sa Pambansang Pamantasan ng

Batangas, Taong Panuruan 2022-2023


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Kahalagahan ng

Asignaturang Filipino sa Kolehiyo Batay sa Persepsyon ng mga Piling Mag-

aaral sa Kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship (BS Entrep) sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas, Taong Panuruan 2022-2023” ay

naglalayong alamin kung ano ang mga kahalagahan ng asignaturang Filipino

na may malaking kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng wikang

Filipino. Kaugnay nito, ninanais ng mga mananaliksik na magkaroon ng mga

kasagutan ang mga sumusunod na suliranin:

1) Anu-ano ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa pang kolehiyong

kurikulum batay sa persepsyon ng mga mag-aaral sa BS Entrep sa

Pambansang Pamantasan ng Batangas, Taong Panuruan 2022-2023?

2) Anu-ano ang maaaring maging implikasyon kapag tinanggal ang

asignaturang Filipino sa kulturang Pilipino?

3) Ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa kurikulum ng

programang pang kolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang filipino?

4) Anong programa ang mainam na imungkahi upang maprotektahan ang

asignaturang Filipino at mapanatili itong ituro sa kolehiyo?

5) Paano nakatutulong ang asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa BS Entrep?

You might also like