Hybrid ESP 10 Q1 M8 W8 V2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Unang Markahan

(IKAWALONG LINGGO)

Pangalan: _______________________________________
Baitang at Pangkat: _____________________________
Guro: ___________________________________________
Page | 1
Alamin Natin

Layunin:

1. Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang


pagkabukodtangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkakawangis
niya sa Diyos (may isip at kalooban).

Subukin Natin

A. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (✓) sa ilalim ng FACT
kung ang pahayag tungkol sa dignidad ay tama at tsek () sa ilalim ng
BLUFF kung ang pahayag tungkol sa dignidad ay mali. Maari ring
sagutan ang gawain sa link sa ibaba: (5 puntos).
https://tinyurl.com/esp10module8subukinnatin

PAHAYAG FACT BLUFF

1. Ang dignidad ng tao ay mula sa pamilya.

2. Lahat ng tao ay mayroong dignidad.

Ang tao ay bukod-tangi – hindi siya mauulit


3. (unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman
(irreducible).

Binigyan ng Diyos ang taong kakayahang


4.
magisip, pumili, at gumusto.

Dahil sa kalayaan, nagiging karapat-dapat ang


5. tao sa pagpapahalagaat paggalang mula sa
kaniyang kapuwa.

Page | 2
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (10 puntos)

1. Ano ang ibig sabihin ng Dignidad para sa iyo? (5 puntos)

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Para sa iyo, mahalaga ba ang dignidad keysa sa pakikipagkapwa tao?


Ipaliwanag ang iyong sagot. (5 puntos)
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Balikan Natin

Panuto: Paano mo maipapahayag ang iyong damdamin kung sakaling


ikaw ay alipustain o tapakan ang iyong dignidad? Isulat ang sagot sa loob
ng kahon.

Page | 3
Tuklasin Natin

Ang Dignidad ng Tao

Ang dignidad ng tao ay mula sa Diyos kaya ito ay likas


sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan.
Lahat ng tao ay mayroong dignidad. Dahil sa dignidad,
nagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman
ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan, at
kakayahan ay may dignidad. Ang pagkakapantay pantay ng
tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at karapatan na
dumadaloy mula rito. Ang tao ay bukod-tangi – hindi siya mauulit
(unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Hindi siya
mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil “buo” siya bilang
tao (Dy, 2012).

Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may


buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang
tao? Ano nga ba ang mga katangian ng tao na nakakapagbukod-tangi sa
kanya? Ang tao ay may isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang
umunawa ng konsepto, may kakayahang mangatwiran, magmunimuni, at
pumili ng malaya. Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos,
nagiging bukod-tangi ang tao. May likas na kakayahan siyang hubugin at
paunlarin ang kaniyang sarili gamit ito. Hindi man nagagamit ito ng ilang
tao katulad ng mga bata, pagiging bukodtangi ang mabigat na dahilan ng
kaniyang dignidad.

Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS dahil siya ay may misyon
pa sa buhay, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may isip at kilos-
loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang kaniyang pagkatao sa
pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang kapuwa.

Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na


ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan
Niya ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, at gumusto. Ang tao ay
nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang
kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito.
Ang kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin
sa paglalang sa tao na kawangis ng Diyos. Ang mga katangian at
kakayahang ito ang nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.

Page | 4
Sa puntong ito maaaring sabihing ang ginawang paglikha ng Diyos
ay hindi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga taong nagsisikap
lilukin ang kanilang kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang
kanilang sarili at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao.

Tanong:
Ayon sa iyong binasa, “Ang tao ay ipinanganak na hindi TAPOS ngunit siya
ay BUO na sa kanyang pagkapanganak.” Ano ang ibig sabihin nito?
Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Pagyamanin Natin

AKO AY ESPESYAL (I am special)

Panuto: Maglagay ng iyong larawan sa gitnang bilog. Mag-isip ng limang


bagay na nakakapagpabukod-tangi sa iyo bilang isang tao. Isulat ang mga
ito at ipaliwanag sa kung paanong paraan ka naging bukod-tangi dahil sa
mga ito.

Page | 5
• ILARAWAN MO
Panuto: Tignan at unawain ang larawan sa baba at sagutin ang tanong na
kasunod nito. Maari ring sagutan ang gawain sa link sa ibaba.

https://tinyurl.com/esp10module8pagyamaninnatin

Base sa ating aralin, ano ang nais ipahiwatig ng larawan?

Tandaan Natin
Paano mo mapauunlad ang mga kakayahan na ipinagkaloob sayo ng Diyos
bilang pagkilala sa dignidad ng tao? Isulat ang sagot sa patlang.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Page | 6
Isabuhay Natin

• Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makausap ang mga taong


naaapi at hindi nabibigyan ng pantay na pagtrato sa lipunan, ano ang
sasabihin mo sa kanila?

Panuto: Gumawa ng liham para sa mga taong naaapi, hindi nabibigyan ng


pantay-pantay na pagtrato sa lipunan, at naaapakan ang dignidad.
Gawin ito upang magsilbing paalala sa mga taong ito na sila ay hindi
nag-iisa at bawat tao ay may dignidad. Isulat ito sa loob ng kahon.

Page | 7
Tayahin Natin

Panuto: Hanapin ang sagot sa kahon at isulat ito sa patlang. Maari ring
sagutan ang gawain sa link sa ibaba.

https://tinyurl.com/esp10module8tayahinnatin

Dignidad Bukod-tangi Tao

Diyos Tapos Layunin

Kawangis Buo Biyaya

Pagkakapantay-pantay Layunin Isip

1. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng


kalinangan, at kakayahan ay may _______________.
2. Ipinanganak man ang taong hindi ____________ dahil siya ay may
misyon pa sa buhay, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na
may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang
kaniyang pagkatao sapamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod
sa kaniyang kapuwa.
3. Ang _______________ ng tao ay mula sa Diyos kaya ito ay likas sa
tao.
4. Ang tao ay ___________________ – hindi siya mauulit
(unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible).
5. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng __________ ay
nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng
katangiang taglay Niya.

Gawin Natin

DIGNI-TREE
Panuto: Gumawa ng DIGNI-TREE upang malaman ang konsepto ng ibang tao
tungkol sa dignidad. Ipasulat sa bawat dahon ang kanilang konsepto ukol dito. Base
sa iyong napag-aralan, maaring palawakin pa ang konseptong kanilang ibabahagi
tungkol sa dignidad. Gamitin ang larawan sa ibaba para sa gawaing ito.

Page | 8
DIGNI-TREE

Sanggunian
• Brizuela, M. J. B., Arnedo, P. J. S., Guevarra, G. A., Valdez, E. P., Rivera, S. M.,
Celeste, E. G.,Gayola, S. T. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung
Baitang (Vol. 1). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat.
• Brizuela, M. J. B., Arnedo, P. J. S., Guevarra, G. A., Valdez, E. P., Rivera, S. M.,
Celeste, E. G.,Gayola, S. T. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikapitong Baitang.
Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat.
• Dignity Action Day Suggestions. (n.d.). Retrieved from
https://www.dignityincare.org.uk/Dignity-in-Care-events/Dignity_Action_Day/
dignity-action-day-ideas/
• Dignity of the Human Person. (n.d.). Retrieved from
https://www.caritas.org.au/learn/cst/dignity-of-the-human-person

Page | 9
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Krissah C. Nalangan, EsP Teacher

Mga Tagasuri: Aaron John M. Lachauna, EsP Department Head


Frisa Navarro, EsP Master Teacher
Vincentius Invictus Tanora, EsP Teacher

Victoria A. Contreras
Leonida Goma
Mary Ann Martinez
Melanie Dungan
Nympha Decorina

Nag layout: Jasper T. Aguilar


Sharon B. Lacara

Management Team: Dr. Margarito B. Materum, SDS


Quinn Norman O. Arreza, J.D., OIC ASDS
Dr. George P. Tizon, SGOD Chief
Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief
Ferdinand Paggao, Focal Person EsP
Dr. Daisy L. Mataac, EPS LRMS

For inquiries, please write or call:

Schools Division Office of Taguig City and Pateros, Central Bicutan, Taguig City.

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Page | 10
Alamin Natin
Layunin
1. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing
na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad
bilang tao.

Subukin Natin

Panuto: Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga
salitang matatalinghaga at ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay may
nakatagong kahulugan at nag-iiwan ito ng aral sa bawat tao. Sagutin ang tanong
sa ibaba. (15 puntos)

Bago mo sabihin o gawin


ang isang bagay ay
makasampu mo muna
itong isipin.

Ano ang kahulugan nito para saiyo?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Page | 11
Balikan Natin

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Sa bawat larawan ano ang
mga angkop na kilos upang maipakita at mapangalagaan ang dignidad ng iyong
kapwa? Isulat ang sagot sa bawat patlang.

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Pagkokomento sa Social Media

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Mga katutubo

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Sa may mga kapansanan

Page | 12
Tuklasin Natin
Ang Dignidad ng Tao

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas, mula
sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapatdapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa.Ang dignidad ng tao ay mula sa Diyos kaya ito ay likas sa tao. Hindi ito
nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan. Lahat ng tao ay mayroong dignidad.
Dahil sa dignidad, nagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang,
anyo, antas ng kalinangan, at kakayahan ay may dignidad. Ang pagkakapantay
pantay ng tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at karapatan na dumadaloy
mula rito. Ang tao ay bukod-tangi.Ano nga ba ang mga katangian ng tao na
nakakapagbukod-tangi sa kanya? Ang tao ay
may isip na nagbibigay sa kanya ng
kakayahang umunawa ng konsepto, may
kakayahang mangatwiran, magmunimuni, at
pumili ng malaya. Sa kaniyang pagiisip,
pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-
tangi ang tao. May likas na kakayahan siyang
hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili gamit
ito. Hindi man nagagamit ito ng ilang tao
katulad ng mga bata, pagiging bukod-tangi
ang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad.
Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o
behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil
siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. May ilang mga taong
nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa
ay batay sa pakinabang na maaari nilang makuha mula rito. Maraming kompanya
na binabale-wala na lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang mga
empleyado sa dahilang hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay
bata pa at malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal
dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na
lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala man
siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na
kondisyon, ay nararapat na igalang.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay
hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at
hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Halimbawa, ang
pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay
na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na mabawasan ang paggalang ng anak
sa kaniyang mga magulang kapag ang mga ito ay tumanda na at naging mahina.
Mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng

Page | 13
nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob. Nakatatanggap tayo ng
labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya. Kung
minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng
kakulangan. Ang paggalang sa dignidad ng tao aynagmumula sa pagiging pantay
at magkapareho nilang tao atnagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad
ng pagmamahal sa sarili.
Buuin ang Batayang Konsepto.

Pagyamanin Natin
PANUTO: Pamilyar ka ba sa larong “4Pics 1Word?” Kung gayon, tiyak na magiging
madali sa iyo ang susunod na gawain.
1. Suriing mabuti ang apat na larawan sa bawat kahon.
2. Tukuyin kung anu-ano mga katangian ng tao na nakakapagbukod-tangi sa kanya.
Maaari ring sagutan ang gawain sa link sa ibaba: (2 puntos)
https://forms.gle/Vct8QBgpfqUJ5Mvn6

__ __ __ _n_ __ __ _a_ __ __ __ __ __ t_ __ __ __ __ n_

__ __ __ _m_ __ __ __- _m_ __ __ __ _k_ __ __ __ __ __ _n_

Page | 14
__ __ __ _p_ __ __ _a_

Tandaan Natin
PANUTO: Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng
tao? Gumawa ng poster. Gawin mong malikhain ang iyong presentasyon sa
gawaing ito.

Isabuhay Natin

Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat sa


pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa?

Halimbawa:
Igalang ang sariling
buhay at buhay ng kapwa

Mga Hakbang Na Aking Gagawi

Page | 15
Tayahin Natin

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Maaari ring sagutan ang gawain sa
link sa ibaba:
https://forms.gle/8p4GLaUznZ9RHFDN7

1. Ito ay nangangahulugang pagiging karapatdapat ng tao sa


pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. karapatan C. pagkapantay-pantay
B. dignidad D. konsensya
2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
3. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang
tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan
at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip C. maghusga
B. makaunawa D. mangatwiran
5. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon
kundi sa karangalan bilang tao.

B. PANUTO: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

________1. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay


hangga’t siya ay nabubuhay.

Page | 16
________2. Ang dignidad ay galing sa salitang Griyego na dignitas, mula sa dignus,
ibig sabihin “KARAPAT-DAPAT”
________3. Ang dignidad ng tao ay likas sa tao.
________4. May likas na kakayahan ang tao na hubugin at paunlarin ang kaniyang
sarili gamit ang kanyang dignidad.
________5. Pahalagahan mo ang tao bilang tao dahil hindi siya isang bagay o
behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari.

Gawin Natin
Ang isang akrostikong tula ay isang uri ng tula na kung saan ang una, huling o iba
pang mga titik sa isang linya ay naglalabas ng isang partikular na salita o parirala. Ang
pinaka-karaniwang at simpleng anyo ng isang akrostikong tula ay kung saan ang mga
unang titik ng bawat linya ay binaybay ang salita o parirala.
PANUTO: Gumawa ng tula gamit ang mga titik ng D I G N I D A D base sa iyong mga
natutuhan sa ating aralin. Maging malikhain sa iyong gagawin.
I-upload sa facebook ang iyong akrostikong tula. Lagyan ito ng hashtag na #respect
#dignity. I-tag ang guro sa EsP.

Page | 18
Sanggunian

• Brizuela, M. J. B., Arnedo, P. J. S., Guevarra, G. A., Valdez, E. P., Rivera, S. M.,
Celeste, E. G., Gayola, S. T. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung
Baitang (Vol. 1). Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat.
• Brizuela, M. J. B., Arnedo, P. J. S., Guevarra, G. A., Valdez, E. P., Rivera, S. M.,
Celeste, E. G., Gayola, S. T. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikapitong
Baitang. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat.
• https://www.google.com/search?q=google&rlz=1C1CHBH_enPH891PH891&oq=go
o&aqs=chrome.2.69i59j69i57j69i59j0j69i65j69i60l3.2881j0j7&sourceid=chrome&ie
=UTF-8
• https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fsossafetymagazine.com%
2Finternet-safety%2Fwhen-facebook-
hurts%2F&psig=AOvVaw0Oa6xRDeYWZNxQHOuJtWjz&ust=1591702243674000
&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOix99ST8ukCFQAAAAAdAAAA
ABAD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Rowena B. Bulabos, EsP Teacher

Mga Tagasuri: Aaron John M. Lachauna, EsP Department Head


Frisa Navarro, EsP Master Teacher
Vincentius Invictus Tanora, EsP Teacher
Victoria A. Contreras
Leonida Goma
Mary Ann Martinez
Melanie Dungan
Nympha Decorina

Nag layout: Jasper T. Aguilar


Sharon B. Lacara

Management Team: Dr. Margarito B. Materum, SDS


Quinn Norman O. Arreza, J.D., OIC ASDS
Dr. George P. Tizon, SGOD Chief
Dr. Ellery G. Quintia, CID Chief
Ferdinand Paggao, Focal Person EsP
Dr. Daisy L. Mataac, EPS LRMS

For inquiries, please write or call:


Schools Division Office of Taguig City and Pateros, Central Bicutan, Taguig City.
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

Page | 18

You might also like