Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Gamit ng Pandiwa

Sa pangungusap, maaaring gamitin ang pandiwa bilang:


1. Aksiyon
May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um,
magma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaaring tao o bagay ang aktor
Halimbawa:
Naglakbay si Cupid patungo sa tahanan ni Jupiter.
Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
2. Karanasan
Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.
Dahil dito, may nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.
Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa:
Tumawa nang malakas si Venus.
Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyari.
3. Pangyayari
Nagpapahayag ng pangyayari ang pandiwa kapag ito ay resulta/bunga ng
isang pangyayari.
Pandiwa ay dahilan ng bagay.
Halimbawa:
Nalunod ang mga tao sa matinding baha.
Kumukulo ang dugo ni Venus dahil sa napangasawa ng kaniyang anak.

You might also like