Noli Me Tangere Information

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Noli Me Tangere Information

Mga Tauhan:
1. Crisostomo Ibarra
Siya ang binatang anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa. Siya ang
kababata at kasintahan ni Maria Clara.
2. Ellias
Siya ay Piloto o Bangkero. Siya ang tumulong kay Ibarra upang makilala
ang bayan at ang mga suliranin nito.
3. Maria Clara
Siya ay mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak ni Donya
Pia Alba kay Padre Damaso.
4. Padre Damaso
Siya ay isang paring Pransiskano na matapos maglingkod ng mahabang
panahon sa San Diego ay naipalipat sa ibang parokya. Siya ang tunay na
ama ni Maria Clara.
5. Padre Salvi
Siya ay humahalili kay Padre Damaso bilang pari ng San Diego. Siya ay
may lihim na pagsinta kay Maria Clara.
6. Padre Sibyla
Si Padre Sibyla ay paring lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni
Crisostomo Ibarra.
7. Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay maalam na matandang tagapayo ng mga
mamamayan ng San Diego.
8. Tenyente Guevarra
Si Tenyente Guevarra ay isang matapat na Tenyente ng mga Gwardiya sibil.
9. Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ay asawa ni Donya Pia Alba, siya ang kinagisnang ama ni
Maria Clara.
10. Tiya Isabel
Siya ay hipag ni Kapitan Tiyago. Siya ang tumulong sa pagpapalaki kay
Maria Clara.
11. Sisa
Siya ay ina nina Crispin at Basilio. Siya ay martir na asawa ni Pedro na
pabaya at malupit sa kaniyang pamilya.
12. Basilio
Si Basilio ay nakatatandang anak ni Sisa. Siya ay isang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
13. Crispin
Si Crispin ay nakababatang anak ni Sisa. Siya ay isang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
14. Donya Victorina de Espadaña
Siya ay asawa ni Don Tiburcio de Espadaña. Nagpapanggap siyang isang
Mestisang Kastila.
15. Don Tiburcio de Espadaña
Siya ay isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Pilipinas. Sa
paghahanap ng magandang kapalaran, siya ay napangasawa ni Donya
Victorina.

Mga Kabanata:
1. Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Isang malaking pagtitipon ang naganap sa bahay ni Kapitan Tiyago sa
mga huling araw ng Oktubre. Lahat halos ng kaniyang kakilala ay kaniyang
inimbitahan kasama sina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tenyente ng
Guwardiya Sibil, Donya Victorina at iba pa.
2. Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. Nagulat sina
Padre Damaso at Padre Sibyla nang makita ang binata. Ipinakilala ni
Kapitan Tiyago si Crisostomo Ibarra sa mga panauhin at nagbibigay galang
din siya sa kanila. Binati niya ang mga kadalagahan at kalalakihan.
Inanyayahan siya ni Kapitan Tinong nag maghapunan sa kanila ngunit
tumanggi si Ibarra dahil pupunta pa siya sa San Diego kanibukasan.
3. Kabanata 3: Ang Hapunan
Nagtungo sa hapag kainan ang mga panauhin. Galit na sinisikaran ni Padre
Damaso ang mga upuang nakaharang sa kaniya. Si Donya Victorina ay
nagalit sa Tenyente dahil naapakan nito ang buntot ng kaniyang bestido.
Lalong nagalit si Padre Damaso nang mapunta sa kaniya ang leeg at
makunat na pakpak ng manok. Lalong humanga ang mga bisita nang
malaman nila na nalibot ni Ibarra ang buong Europa at nakapagsalita ng
iba't-ibang wika. Nayamot si Padre Damaso at kinutya si Ibarra. Sa halip na
magalit maayos parin ang tugon ni Ibarra sa pari at magalang na
nagpaalam sa mga naroroon.
4. Kabanata 4: Erehe at Pilibusterismo
Pagkaalis ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago, nilapitan siya ni Tinyente
Guevarra. Nalaman ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra ang tungkol sa
pagkamatay ng kaniyang ama. Ayon sa tenyente hinuli at kinulong ang
kaniyang ama dahil sa pagkamatay ng artileryong Kastila nang tumama
ang ulo nito sa bato dahil sa pagtatanggol ng kaniyang ama sa batang
lalaking pinukol niya ng baston sa ulo. Huli na ang lahat nang
mapatunayang walang kasalanan ang kaniyang ama.
5. Kabanata 5: Pangarap sa Gabing Madilim
Dumating si Ibarra sa kaniyang tinutulugan sa Fonde de Lala na gulo ang
isip. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa kaniyang ama. Hindi
niya nakita ang kasiyahan ng mga kaabaihan sa kabilang ibayo ng ilog na
kung gamitan ng largabista kitang-kita niya ang kahanga-hangang
kasiyahan na ang pinakatampok ay si Maria Clara. Nang dumating si Maria
Clara sa bahay ng kanyang ama ay kitang-kita ang pagkahanga ng lahat sa
kagandahan niya. At tuwang-tuwa ang ama niya na si Kapitan Tiyago dito.
6. Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago
Si Kapitan Tiyago ay isa sa mga pinakamayaman sa Binondo. Siya ay anak
ng isang may tubuan sa Malabon at dahil ang ama niya ay napakaramot ay
hindi siya pinaaral. Naging katulong siya ng isang paring dominiko at
nakapag-asawa kay Pia Alba. Anim na taon na hindi sila nagkaanak at
nagpanata si Donya Pia sa Ubando sa parokya ni Padre Damaso. Siya ay
naglihi at namatay nang ipinanganak si Maria Clara. Naging amain ni
Maria Clara si Padre Damaso. Lumako siya sa pangangalaga ni Tiya Isabel.
7. Kabanata 7: Pag-uulayaw sa Asotea
Kinabukasan, nagpunta si Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago.
Hindi malaman ni Maria Clara kung ano ang gagawin nang makita si
Crisostomo Ibarra. Nag-usap sila sa Azotea at doon nila sinariwa ang
kanilang nakaraan. Hindi nagtagal, nagpaalam si Crisostomo Ibarra dahil
pupunta pa siya sa San Diego para dalawin ang libing ng kaniyang mga
magulang dahil kinabukasan ay araw ng mga patay.
8. Kabanata 8: Mga Gunita
Sakay ang kaniyang sasakyan, nakikita ni Ibarra na walang pagbabagong
nangyari sa kaniyang dinadaanan. Ganoon pa rin ang kalagayan ng
Maynila. Nalungkot siyang isipin na ang mga lugar na kaniyang
napuntahan sa Europa ay mabilis ang pag-unlad samantala ang kaniyang
sariling bayan ay nangarap na uunlad ngunit bigo pa rin hanggang
ngayon. Sa gitna ng mgaraming sasakyan nakita niya si Padre Damaso na
sakay sa kaniyang magarang na Victoria.
9. Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
Nadatnan ni Padre Damaso sina Maria Clara at Tiya Isabel pasakay sa isang
karwahe upang kunin ang mga natirang gamit ni Maria Clara sa beateryo.
Tumuloy siya sa bahay at kinausap si Kapitan Tiyago. Samantala si Padre
Sibyla matapos makapagmisa nang maaga nagtungo sa kumbento ng
kanilang korporasyon at kinuwento sa matandang paring maysakit ang
tungkol sa pagdating ni Ibarra at ang pagpapakasal nito kay Maria Clara.
Sa kabilang dako, patuloy ang pagssasalitaan ni Padre Damaso at Kapitan
Tiyago. Sinasabihan niya si Kapitan Tiyago na huwag magpadalos-dalos sa
pagdedesisyon lalong-lalo na kung may kaugnayan kay Maria Clara.
10. Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
Ang bayan ng San Diego ay nasa pagita ng mga palayan malapit na
malapit sa lawa. Masagana ang ani sa iba't-ibang uri ng pananim na
ibinebenta sa labas ng bansa. Mula sa taluktok ng kampanaryo makikita
ang mahabang ilog na tila ahas at isang gubat na napapagitan sa mga
linang na lupa. Ito ay kinatitirikan pa lamang ng ilang mga dampa. Isang
araw, may dumating na isang matandang Kastila na magaling magsalita sa
Tagalog. Nagtanong siya kung sino ang nagmamay-ari ng lugar na iyon at
marami ang umangkin. Sila ay binayaran niya ng mga damit, salapi at mga
alahas. Biglang nawala ang matanda at nakita ng isang pastol ang kanyang
katawan na nakabitin sa puno ng balete. Nagkaroon ng sabi-sabi na siya
ay naengkanto kaya natakot ang mga tao at kanilang itinapon sa ilog at
sinunog ang kaniyang mga ibinigay. Pagkalipas ng ilang buwan, dumating
ang isang mestisong Kastila at nagpakilala na anak siya ng namatay. Doon
siya namuhay at nakapag-asawa ng taga-Maynila. Sila ang mga magulang
ni Don Rafael Ibarra na ama ni Crisostomo Ibarra.
11. Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan
Sino-sino ang makapangyarihan sa San Diego? Hindi pwedeng si Don
Rafael Ibarra, ang pinakamayaman at mabuting tao sa kapwa. Hindi naman
pwedeng si Kapitan Tiyago o ang Alkalde. Ang mga makapangyarihan ay
sina Padre Salvi at ang Alferes. Si Padre Salvi ay humalili kay Padre Damaso
sa San Diego. Palagi niyang pinasasara ang pintuan ng simbahan tuwing
siya'y sesermon lalong-lalo na kung nandoon ang Alferes. Siya ang
tanging kalaban ng kura at asawa niya si Donya Consolacion. Upang
makaganti ang Alferes sa kura, ang katulong nito ay pinalilinis niya ng
kuwartel at pinalalampaso sa kaniyang bahay. Pero sa tuwing magkikita
ang Alferes at ang kura magkakamay sila at mag-uusap na parang tunay
na magkaibigan. Magkaibigang pultik sa tunay na buhay.
12. Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Araw ng mga patay, lahat ay abala sa paghahanda para pumunta sa
libingan. Maraming tao ang libingan sa San Diego na dumadalaw sa libing
ng kanilang mahal sa buhay. Sa di kalayuan makikita ang dalawang
mamang pawisang naghuhukay ng libing. Nandidiri ang isa dahil sariwa pa
ang kanilang hinuhukay. Ikinuwento sa kanya ng kaniyang kasama na
sobra pa ang kaniyang naranansan noon. Inutusan siya ng kurang malaki
na hukayin ang kalilibing pa lamang na bangkay at ilipat sa libingan ng
mga Intsik. Dahil gabi at umuulan pa itinapon niya ito sa lawa.
13. Kabanata 13: Mga babala ng Sigwa
Kasama ng matandang katulong, dinalwa ni Ibarra ang libing ng kaniyang
ama pero hindi nila nakita. Nagtanong sila sa dalawang tagapaglibing
sinabi na hinukay at ipinalipat sa kaniya libingan ng mga Intsik, sa halip
itinapon niya sa lawa dahil sa gabi at umuulan pa noon. Nagalit at
niyugyog siya ni Ibara. Nagmakaawa siya at sinabi na inutusan lamang siya
ng kurang malaki. Galit na lumabas sa sementeryo si Ibarra. Nasalubong
niya si Padre Salvi at sobrang galit diniinan niya ito sa leeg at napaluhod
ang kura. Takot na sinabi ng kura na ang may kagagawan ay si Padre
Damaso. Binitawan siya ni Ibarra at tinulungan siya ng matandang utasan
na makatayo. Ang lahat ng pangyayaring iyon ay nasaksihan ni Pilosopo
Tasyo. Marahan siyang umiling at nagwikang "Masamang pangitain".
14. Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Si Tasyo ay dating estudyante ng sa Pilosopiya. Pinahinto siya ng kaniyang
ina dahil natakot itong makalimutan ni Tasyo ang Diyos. Magkasunod na
namatay ang kaniyang asawa at ina kaya tumutok na lamang siya sa
pagbabasa ng mga aklat. Mga makahulugan ang kanyang mga sinasabi na
hindi naunawaan ng iba kaya tinawag siya na Pilosopo Tasyo at ang iba
naman ay baliw. Dinaanan niya ang dalawang magkapatid na si Cispin at
Basilio. Sinabihan niya na hinihintay sila ng kanilang ina at pinaghanda sa
araw ng mga patay.
15. Kabanata 15: Ang mga Sakristan
Nasa ikalawang palapag ng kampanaryo ang dalawang magkapatid na
sakristan. Hindi pinayagan ng sakristang mayos si Crispin na makauwi dahil
pinagbintangan niya na kumuha ng kuwalta. Kinaladkad niya ang bata
pababa ng hagdan at mapakinggan ang iyak ng bata na humihingi ng
tulong sa kapatid. Tumakas si Basilio at sa kalagitnaan ng dilim ay narinig
ang dalawang putok ng baril.

You might also like