Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sangay: MALAYBALAY CITY

Paaralan: MANAGOK NHS Antas: 11


Guro: RISHEL V. ARES Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
January 11,2023
Petsa at Oras: 8:50-9:40 Markahan: 1st Semester

Pagkatapos ng 60 minuto pagtuturo , 90% ng mga mag-aaral ay


inaasahang :
a. Makilala ang kakayahang pangkomunikatibo sa social media,
I. LAYUNIN b. Nakapaglalahad ng sariling persepsyon ukol sa kakayahang
pangkomunikatibo sa social media .
c. makapagtatala ng responsible at inspirasyon na paalala sa
kapwa kamag-aral ukol sa paggamit ng social media.

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


A.   Pamantayang
lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
      Pangninilalaman Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit


B.   Pamantayan
ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
      Sa Pagganap
MELC
A. Mga kasanayan sa  Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
Pagkatuto isulat ang pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t
code bawat kasanayan ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. (F11EP – IId – 33 )

II. NILALAMAN
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
A. Paksa
Ang Kakayahang Pangkomunikatibo at Social Media
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Modyul sa Komunikasyon at Pananalisik sa Wika at
Kulturang Pilipino
B. Mga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace.
Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
B. Sanggunian
City:
Phoenix Publishing House, 2016.
C. Websites
Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA
style.
http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga pahina sa Gabay ng Guro
Modyul 4 pahina 50-59
Mga pahina sa kagamitang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
pang mag-aaral. Modyul 4 pahina 50-59
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Mga pahina sa Teksbuk Batsyang Aklat
Karagdagang  kagamitan
mula sa Portal ng LR
C. Iba pang mga kagamitang Sangguniang Aklat powerpoint presentation,activity sheet
panturo (sipi) , fact sheet, video
*Values Integration sa MIL
D. Pagpapahalaga/Values
Edukasyon sa Pagpapakatao
Integration
( diterminasyon, kooperasyon) Time Management
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro
 Panalangin
 Pagtsek ng mga mag-aaral
 Magdesesyon para sa pataran sa silid aralan
 Pagkatapos ng isang pampasigla,
 Pipili ang guro sa mga estudyante upang maglahad
pagbabalik-aral
Balik-Aral sa nakaraang
aralin o pagsisimula ng Ang kakayahang komunikatibo ay nararapat lamang
bagong aralin. hasain dahil malaki ang maitutulong nito bilang paghahanda
   5 minuto sa mapipiling karera ng isang mag-aaral sa hinaharap. Kung
hindi marunong ang isang mag-aaral makipag-ugnayan sa
kapwa tao, maaring magiging sanhi ito ng hindi
pagkakaintindihan na siya ring kadalasang puno't dulo ng
away

Magaling !! di ninyo nakaligtaan ang nakarang leksyon natin

Paghahabi sa layunin ng Sabay-sabay na ipabasa sa mga mag-aaral ang layunin sa araw


aralin na ito;
   2 minuto
 Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa
pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t
ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. (F11EP – IId – 33 )
ito ang dapat matutunan sa araw na ito
 Ang mag-aaral ay nakasasagot ng panimulang pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat
aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa
hiwalay na papel o notbuk.
1. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika?
a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap.
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap.
c.Magamit ang wika nang wasto sa loob angkop na sitwasyon.
Pagtalakay ng bagong d.Lahat ng nabanggit
konsepto at paglalahad ng
2.Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
bagong kasanayan #1
2 minuto pakikipagkapwa, ano ang kailangang gawin ng mga guro?
a. bigyan sila ng maraming gawain
b.bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d.bigyan sila ng maraming takdang-aralin
3. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga vide at
nagbibigay-daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-
upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
a. Multiply b.Twitter c.Facebook d.Youtube
4. Isang social networking website na libre ang pagsali at
pinatatakbo at pag-aari ng facebook Inc. na isang pampublikong
kompanya.
a..Facebook b.Youtube c.Twitter d.Multiply
5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?
a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang
ginagamit sa pagsasalita.
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan.
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-
pakinabang.
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa .

Ilan ang nakuha ninyong iskor at ano napansin ninyo sa


panimulang pagtataya.
Sakto!! Ito ay makaugnayan sa social medial

Pagtalakay ng bagong Boardwork:


konsepto at paglalahad ng Ang mag-aaral ay papangkatin sa apat sa pamamagitan ng
bagong kasanayan #2 pagbubunot ng kulay. Ang magkakaprehas ng kulay ang siyang
2 minuto magka-grupo. Magpapakita ang guro ng pahayag sa
kalse .Ibabahagi ng mag-aaral ang sagot sa pamamagitanng
pagbuo ng puzzle kapag nabuo ito mag-uunaha sa pagpaskil sa
pisara.

Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-


ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nagkikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network.
Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-Based
na mga aplikasyon na bumubuo ng idelohikal at teknolohikal na
pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Mga Uri ng Social Networking
1. MySpace ---
Isa ito sa mga laganap na Social Networking (SN), ayon kay Paul Marks
(2006). Ang MySpace, ayon sa OUT-LAW.com (2006) ay ginawa ni Brad
Greenspan para sa lahat. Ito ay para sa mga magkakaiban at sa mga taong
mahilig makipag-usap sa iba; mga taong malayo sa kanilang pamilya at gustong
makipagkamustahan o makipag-usap sa kanilang pamilya; negosyante at
kanilang mga katrabaho na interesado sa SN; mga magkaklase at mga kapareha
sa pag-aaral at marami pang iba.
2. Multiply--- Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri
ng social network na nagbibigay-kakayahan sa mga gumagamit nito na
magbahagi ng mga uri ng midya tulad ng litrato, video, musika at iba pa sa loob
ng sariling websayt.
Ito ay may kakaibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN,
hinahayaan nito ang gumagamit na makipagpalitan ng social networking ay isang
istrakturang sosyal nanodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na
konektado ng isang web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para (1)bumuo
ng isang profile , ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay sa profile ng
ibang indibidwal kung saan siya konektado,(2) para computer-mediated.
3. Ang Facebook (literal na aklat ng (mga) mukha) ay isang social
networking website na libre ang pagsali at pinatatakbo at pag-aari ng facebook,
Inc.na isang pampublikong kompanya.
Ginagamit sa pagpapadala ng mensahe, pag-upload ng mga larawan,
videos, makipag-chat o makipag-usap at iba’t iba pang gamit nito. Dinebelop ito
ni Mark Zuckerberg.
4. Ang Twitter ay nilikha noong Marso 2006 nina Jack Dorsey, Noah Glass,
Biz Stone at Evan Williams at inilunsad noong Hulyo (taon).Mabilis na nagkaroon
ang serbisyo ng pandaigdigang katanyagan.
Noong taong 2012, mahigit sa 100 milyong mga user ang nag-host ng
340 milyong tweet kada araw, at nagkakaroon ang serbisyo ng 1.6 bilyong search
query kada araw. Noong 2013, naging isa ito sa sampung pinakabinibisitang
websayt at inilarawan bilang “ang SMS ng Internet”. Noong taong 2016, naitala
na mayroon itong 319 milyong aktibong user kada buwan.
5. Ang YouTube ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga vide at
nagbibigay-daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-upload, makita , at
ibahagi ang mga video clips.
Ang mga video ay maaaring husgahan ang dami ng husga at ng mga
nakanood ay parehong nakalathala. Ang YouTube ay sinimulan ng dating mga
empleyado ng Paypal na sina Steve Chen, Chard Hurley at Jawed Karin. Noong
2006, binili ito ng Google at naging sangay ng naturang kompanya

Malayang Talakayang
Mga Katanungan:
1. Ilan lahat ang uri ng social networking?
2. Paano nakakatulong ang social media sa ating buhay?
3. Sa limang uri ng social newtworking ano ang
pinakaginagamit mo? Bakit?
4. Mahalaga ba ang social networking sa ating buhay?

May tama ka !!!

Gawain: Islogan “Think before you click”


Bilang isang mag-aaral ngayon ng akademikong
pagsulat ay magbigay o magtala ng limang (5) paraang
magpapalaala lalo na sa kapawa kamag-aral kung paano maging
responsible at nakapagbibigay inspirasyon sa ating isinusulat o
pino-post sa social media account

 Magbibigay ang guro ng krayterya sa pagtala ng limang


responsabling pagpapahayag.
Paglinang sa kabihasnan
(Tungo sa Formative Rubriks sa pagtala ng limang responsabling pagpapahayag
assessment) 3 minuto .
Puntos Pamantayan
Ang mga limang naitala ay angkop sa islogan na
5 “Think before youy click”
5 Wasto ang gamit ng gramaitka.
5 Nakapagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa.
15 Kabuuan

Magaling ! nakatala kayo ng mga paraan, makaiwas sa


panghuhusga.

 Gumawa ng isang survey form (na nasa ibaba) na


maaring ipaskil sa facebook wall. Ang mga sasagot sa
survey ay hindi bababa sa sampung (5) kabataang may
edad 13 hanggang 19 na “friend” mo sa facebook. Kapag
nakumpleto naangtalatanungan i-tally ang lahat ng datos
Paglalapat ng aralin sa
upang magkaroon ng batayan sa gagawing pag-uulat.
pang-araw-araw na buhay
(Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri
at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon
ng paggamit sa wika. (F11EP – IId – 33 )

 Magtala 1-5 mga dapat kong pahalagahan sa mga


kakayahang komunikatibo.
 Magtawag ng mag-aaral para magbahagi ng kanyang sagot
Paglalahat ng aralin 5
minuto

Maikling pagsusulit
 Ang mag-aaral ay nakasasagot ng panapos na pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat
aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa
hiwalay na papel o notbuk.
1. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika?
a. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taog nag-uusap.
b. Maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap.
c.Magamit ang wika nang wasto sa loob angkop na sitwasyon.
d.Lahat ng nabanggit
2.Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pakikipagkapwa, ano ang kailangang gawin ng mga guro?
a. bigyan sila ng maraming gawain
b.bigyan sila ng maraming pagsusulit
c. bigyan sila ng pagkakataong makilahok sa iba’t ibang gawain
d.bigyan sila ng maraming takdang-aralin
3. Isang sikat na websyt na babahagi ng mga vide at
nagbibigay-daan para sa mga gumagamit o user nito na mag-
Pagtataya ng aralin 5minuto upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
a. Multiply b.Twitter c.Facebook d.Youtube
4. Isang social networking website na libre ang pagsali at
pinatatakbo at pag-aari ng facebook Inc. na isang pampublikong
kompanya.
a..Facebook b.Youtube c.Twitter d.Multiply
5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing mithiin ng wika?
a. Makabuo ng isang pamayanang malalalim ang mga salitang
ginagamit sa pagsasalita.
b. Makabuo ng isang pamayanang nagtutulungan.
c. Makabuo ng isang pamayanang mapanuri, kritikal, at kapaki-
pakinabang.
d. Makabuo ng isang pamayanang mapayapa .
Mahusay!! Nakapasa kayong lahat…

KASUNDUAN:Basahin ang kakayahang komunikatibong


Karagdagang Gawain para sa
sosyolinguwistiko.
takdang-aralin at remediation

Inihanda ni :
RISHEL V. ARES
Subject Teacher

MARITES MELENDEZ
Assistant School Principal

You might also like