Professional Documents
Culture Documents
NILALAMAN
NILALAMAN
Ang kurikulum ang itinuturing na pinakapuso sa sistema ng edukasyon. Batayan ito sa pagpaplano ng
anuman prosesong pampagtuturo. Nakapaloob diot ang mga pamantayan, kasanayan, at layuning dapat
matutuhan ng mga mag-aaral sa bawat aralin sa loob ng isang tukoy na takdang panahon. Samakatwid,
mahalagan may ganap na pagkaunawa sa kurikulum at malalim na kabtiran sa asignatura ang isang gruong
magsasakatuparan sa mga nilalaman at layunin ng kurikulum.
- Ang pagiging guro sa elementary ay may espesyal na kakayahang dapat taglayin sa pagtuturo sa
mga nasa murang edad pa lamang.
- Ito ang magiging pundasyon ng mga mag-aaral sa kaniyang tatahaking landas.
- Nililinang sa araling Filipino ang limang makrong kasanayan:
a. Pagsasalita
b. Pagbasa
c. Pagsulat
d. Pakikinig
e. Panonood
- Sinisimulan ang pagtuturo ng Filipino mula sa ikalawang markahan ng unang baiting hanggang sa
senior high school.
- Ang Kagawaran ng Edukasyon ay may inilabas na bagong kurikulum na may iba’t ibang
pamantayan sa programa (Core Learning Area Standards), bawat yugto (Key Stage Standards), at
bawat baiting (Grade Level Standards) na inaasahang kayang ipamalas sa bawat yugto at baiting
ng isang mag-aaral na nag-aaral ng Filipino.
- Itinuturo ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minuto mula ikalawang markahan hanggang
ikaapat na markahan ng unang baiting. Samantalang, 50 minuto naman sa ikalawa hanggang
ikaanim na baiting.
- Ang mga mag-aaral ang siyang tagabuo ng kahulugan sa tulong ng kanyang dating kaalaman at
karanasan.
- Sa Cognitive Development ni Jean Piajet, pinaniniwalaan na ang isang tao ay nakabubuo ng
kahulugan kung may ugnayan at interaksyon ito sa pagitan ng kaniyang karanasan at ideya.
- Ito ay nakapokus sa development ng isang tao na may kakayahang iugnay ang mga pangyayari sa
kaniyang buhay sa tulong o impluwensiya ng ibang tao para makabuo ng kahulugabn.
- Lev Vygotsky namy ay pinahalagahan ang sociocultural learning, mahalaga kung paano nakikipag-
ugnayan sa mga nakatatanda at sa mga kaibigan para makabuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
zone of proximal development.
- Pinalawak pa ito ni Jerome Bruner at iba pang sikolohista sa pamamagitan ng pagbuo ng
instructional scaffolding kung saan napahahalagahan ang kaalamang pangkapaligiran para
makabuo ng kahulugan.
- Sa pagtuturo ng Filipino, isinasaalang-alang ang constructivis. Ang mag-aaral ay nakikipag-
ugnayan sa isa’t isa at ibinabahagi ang kanilang nauunawaan, nararamdaman, at karanasan para
makabuo ng bagong kaalaman.
- Ang guro bilang facilitator
- Ang mga mag-aaral ang sentro ng pagkatuto
- Ang constructivism ay nagsasabi na sa pagkatuto ng isang tao, ang mga mag-aaral ang tagabuo ng
impormasyon. Siya ay aktibong nakikilahok at bumubuo ng bagong ideya. Ang bagong kahulugan
naman ay nabubuo sa pamamagitan ng ugnayan ng dating kaalaman at bagong kaalaman. Sa
pamamagitan nito, aktibong nakalalahok ang mga mag-aaral proseso ng kanilang pagkatuto.
I. Layunin
a. Pamantayang pangnilalaman
b. Pamantayan sa pagganap
c. Mga kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanyan)
Nilalaman
Paksa:
III. Pamamaraan
a. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Aralin
b. Paghahabi sa layunin ng aralin
c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Bagong aralin
d. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
e. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
f. Paglilinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3)
g. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
h. Paglalahat ng aralin
i. Pagtataya na aralin
IV. Mga tala
V. Pagninilay
a. Bling ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan iba pang gawain para sa remediation
c. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakauwa sa aralin
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
e. Alin sa mga estratehiyan pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking punong-guro at
tagamasid
g. anong kagamitang panturo ang aking dinisenyo na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
h.
Sa pagpapaunlad sa gawaing pagpaplano, ang unagn hakbang na dapat alamin ay kung bakit
tayo nagpaplano. Nagbigay si Anderson (1989) ng ilang dahilan:
1. Para mabawasan sa ating pag-aalala at kawalang katiyakan sa mga gawain
2. Nagdudulot ito ng karanasan sa pagkatuto para sa guro
3. Nagbibigay-probisyon ito para ma-accommodate ng guro ang pagkakaiba-iba ng mga mag-
aaral.
4. Nagbibigay-estruktura at direksyon ito sa pagtuturo
5. Nagsisilbing security blanket.
6. Isang pangangailang o requirement sa maraming guro
7. Nakapagdaragdag sa kabisaan o efficiency at flexibility ng guro
2. Salamin, Salamin!
- Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makapagpakita ng kagalingan sa pagsasagawa
ng kilos at gayon din sa pagbuo ng pangungusap ayon s apinakikitang kilos ng mag-aaral.
Batayang teoretiko – Cooperative Learning Theory (Lev Vygotsky, 1931). Ito ay nakasentro sa
paglinang ng kognitibong kakayahan at sosyal na paglinang ng mag-aaral. Silay pinapangkat at
binibigyan ng gawaing dpat isakatuparan.
3. Himayin Natin!
- Nakabatay sa dulog na story grammar
- Ito ay naglalayon glinangin ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging mapanuri sa kuwentong
napakinggan o nabasa
- Susuriin ng mga mag-aaral ang mahahalagang bahagi ng kuwento.
- Ito ay mahalaga sa paghahanda ng mga mag-aaral sa pagsulat ng mga tekstong pasalaysay o
pagbibigay-buod sa kuwentong napakinggan o na nabasa mula sa hinimay-himay na pagsunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Batayang teoretiko – Short, E.J. at Ryan, E.B. (1984) na ang estratehiyang “story grammar” ay isang
paraan ng pahimay-himay upang maunawaan ang isang teksto. Ito ay isang mabisang teknik at kapaki-
pakinabang sa guro upang matukoy ng mga mag-aaral ang mahahalagang detalye ng kuwento s
apmamagitan ng mga pamatunuby na tanong na katuon sa bahagi ng kuwento.