Radyo 143.5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Radyo TRB8

DJ 1: Radyo TRB8 , Maganda araw ako nga pala ang Dj nyo na si Dj ____ ang mag sisiwalat sa inyo ng
mga kwentong pag ibig ngayong araw.

Dj 2 : magandang magandang araw sainyong lahat, kumusta ba tayo diyan? Okay paba? Mabuti naman!

Dj 1: Bago tayo magsimula sa pag sagot sa ating mga mananawag(caller) meron muna sasabihin si (dj3)
tungkol sa pag ibig.

Dj3: Ang pag-ibig ay parang isang ibon. Pabayaan mo siya kung gusto nyang umalis. Kasi babalik yun
kung gusto niya. Pero kung hindi na. ehhh hayaan mo na. baka mas masaya siya sa pugad ng iba.

Dj2: Arayy ko! Alam natin na masakit talaga ang katotohanan pero kailangan natin itong tanggapin
upang tayo ay makaiwas sa sakit.

Dj1: ano pa ang hinihintay natin ito na ang ating numero unong mananawag.

(sound effect of cellphone na nag riring)

(Sumagot na ang caller)

Gab: Magandang gabi po dj __ Itago nyo ako sa pangalang gab (19m) aking jowa (18f) kanyang ina (51f)
gusto niya ko bilang tao pero hindi siya tutol sa relasyon namin ng anak niyang babae.

Kagabi dj tinamaan ako ng ligaw nabala. Tinawagan kasi ako ng aking jowa kagabi, medyo masama ang
loob niya kasi sinabihan siya ng ina niya na, hindi niya na daw gusto na magkarelasyon kaming dalawa.
hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, kasi mabuti naman ang ugnayan namin ng kanyang ina at sinabi
pa ng kanyang ina na kami daw ay perpekto para sa isat-isa .

Ang sabi nga ng ina niya ay dapat daw ikaw ay dumaan muna sa labinglima o dalawangpo na ka relasyon
bago mo sabihin na siya na talaga ang para sayo. Dj ang aking kasintahan ko at ako ay nagsasama na ng
ilang buwan na walang palatandaan ng pagbabagal sa relasyon.

Dj __ di nga kami naniniwala ng kasintahan ko sa sinsabi ng kanyang ina na dapat magka relasyon ka
muna ng marami para mapatunayan mo na siya ang makakatuluyon mo, ang tunay eh dapat ka ngang
mag “commit” sa ka relasyon mo kahit ilang ka relasyon na ang dumaan sayo eh. Sa kabila nito, ang
kanyang ina ay naghihikayat sa kanya na humanap ng ibang lalake.

Dj ___ pano ko po mapapapayag ang ina ng aking kasintahan sa aming seryosong relasyon?

DJ: ang pakiramdam ko sa problemang ito ay nag-aalala lang ang kanyang ina sakanya. Gusto ng kanyang
ina na makakilala siya ng ibat-ibang mga tao para maging sigurado siya kung nahanap niya na ba ang
tinatawag na “the one”.

DJ1: Sa mga mata ng kanyang inay, iniisip niya na mga bata pa kayo pareho. May karapatan siya na mag
desisyon sa kanyang anak na babae sa punto na ito. Kung ganito man ang kanyang nararamdaman.
Satingin ko na wala kang magagawa para mabago ang kanyang desisyon. iniisip niya na sinasayang mo
lang ang oras at pagkakataon na meron ang kanyang anak na babae sa paghahanap ng “the one”.

Dj2: Caller gab alam kong masakit pero kailangan natin tanggapin ang katotohanan.

Caller gab: opo dj tama ka po kailangan ko nalang tanggapin ang sitwasyon imbis na lumaban pa.

Dj3: ayun lamang po ang ating mananawag sa araw na ito. Salamat sa pakikinig mga citizen.

Dj1: ITO ANG RADYO TRB8 SALAMAT SA PAKIKINIG.

You might also like