Professional Documents
Culture Documents
Grade 9 Pre Test
Grade 9 Pre Test
Department of Education
Region VI-Western Visayas
DIVISION OF CAPIZ
SAN NICOLAS NATIONAL HIGH SCHOOL
San Nicolas, Tapaz, Capiz
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot mula
sa sagutang papel na ipinadala.
2. Anyo ng tula mula sa Japan na may 17 bilang ang pantig na may 3 taludtod.
a. Ambahan b. Tanaga c. Haiku d. Tanka
3. Ito ay isang maikling awitin na puno ng damdamin nagpapahayag ng emosyon o kaisipan karaniwang
paksa o pagbabago, pag-iisa o pag-ibig.
a. Ambahan b. Tanaga c. Haiku d. Tanka
4. Anyo ng tula mula sa Japan na nagpapahayag ng damdamin na ang paksa ay tungkol sa pag ibig at
kalikasan.
a. Ambahan b. Tanaga c. Haiku d. Tanka
5. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag/ diyalogo?
A. Binibigyang turing nito ang pangngalan. C. Napaiikli nito ang pangungusap.
B. Iniiwasan nito ang pag-ulit ng mga salita. D. Napapalawak nito ang pangungusap.
6. Tumutukoy ito sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng salita.
A. Tono B. Diin C. Intonasyon D. Antala
7. Kadalasan ang tauhang ginagamit sa kwentong ito ay hayop at naghahatid din ng aral sa mga bata.
A. Nobela B. Sanaysay C. Pabula D. Parabula
8. Anyo ng tula mula sa bansang Hapon na kinikilalang maiikling awitin na binubuo ng tatlumpu’t isang
pantig na may limang taludtod.
A. Nobela B. Tanka C. Haiku D. Elehiya
10. Ama ng maikling kwentong tagalog: Deogracias A. Rosario, Ama ng Sinaunang Pabula: ___________.
A. Aesop B. Basho C. Nukada D. Ki No Tomonori
11. Pagtatanim ng tubo ang hanapbuhay at pangunahing produkto ng aming probinsya. Paano binibigkas
ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. /tu:boh/ C. /tu:bo?/
B. /TU:bo/ D. /tu:BO/
12. “Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas, hindi matatawaran ang pagbubuwis buhay ni Gat Jose Rizal
para sa ating bansa.” Sa pangungusap ano ang kohesiyong gramatikal ang ginamit?
A. Bayani B. Siya C. Hindi D. Buhay
13. Batay sa sagot sa bilang 7, anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang ginamit?
A. Anapora B. Nominal C.Berbal D. Katapora
14. Alin sa mga elemento ng dula ang tumutukoy sa pook o lugar na pinagpasyahang pagdausan ng
pagtatanghal?
A. Iskrip B. Tanghalan C. Aktor D. Direktor
15. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang
_______.
a. Komedya B. Trahedya C. Melodrama D. Parsa
16. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang
maikling kuwentong __________.
a. Kababalaghan c. Makabanghay
b. Pangtauhan d. Katutubong kulay
19. Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanan ng isang bagay o pangyayari ay tinatawag na
________.
a. Pawatas b. Paturol c. Pautos d. Pasakali
20. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing
salamin ng buhay ang ___________.
a. Nobela b. Teatro c. Dula d. Sarsuwela
21. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga _________.
a. Pantukoy b. Pandiwa c. Pangatnig d. Pang-abay
22. Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. _____ noon,
ang kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita. Anong
salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abay na pamanahon?
a. Hanggang b. Mula c. Kaya d. Kapag
23. Anong uri nga pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, “Ayon kay Rene, ang pagpapakahulugan sa
pahayag ay malinaw.”
a. Pananda c. Pang-ukol
b. Pangatnig d. Pantukoy
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang
amo na kiming iniabot naman agad sa asawa tulad ng nararapat.
-Halaw sa kuwentong “Ang Ama”
29. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinapahiwatig ng tauhan sa
pahayag ay___________.
a. Pagkatalo c. Kawalan ng kapangyarihan
b. Pagiging sunod-sunuran d. Kasiyahan
34. Matapos mong mabasa ang kabuuan ng pahayag, nangingibabaw ang damdaming ___________.
a. Maka-Diyos b. Makatao c. Makabansa d. Makakalikasan
37. Bakit malaki ang impluwensya ng Uncle Tom’s Cabin sa pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere?
a. Idolo niya ang sumulat nito.
b. Naglalarawan ito sa kaawa-awang kalagayan ng mga negro.
c. Matagal siyang namayani sa bansang pinagmulan nito.
d. Humanga siya sa pagkakabuo ng akda.
38. Sa halip na ilibing sa libingan ng mga Intsik, ano na lamang ang ginawa ng sepulturero sa bangkay ni
Don Rafael Ibarra?
a. Itinapon sa ilog. C. Dinala sa simbahan.
b. Sinunog na lamang. D. Pinabendisyunan sa pari.
39. Ano ang sinagot ni Padre Damaso nang sabihin ni Ibarra na matalik na kaibigan nito ang kaniyang
ama?
a. “Salamat, maligayang pagdating.”
b. “Kailanma’y hindi ko nagging matalik na kaibigan ang iyong ama.”
c. “Mukhang nagkakamali ka, binata.”
d. “Tama ka, saksi si kapitan Tiago sa aming masayang samahan.”
40. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang _________.
a. Panlipunan b. Pampulitika c. Panrelihiyon d. Pampamilya
43. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang Nobelang Noli Me Tangere.
a. Ferdinand Blumentritt c. Maximo Viola
b. Paciano Rizal d. Valentin ventura
46. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umiisip sila ng ibang paraan. Ang salitang nakumbinsi ay
nangangahulugang ___________.
a. napaniwala b. napasunod c. napasubaybay d. napapayag
48. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita?
a. manghikayat c. magturo
b. magpaliwanag d. mang-aliw
49. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng
pangungusap?
a. Iwasan ang masamang bisyo.
b. Ingatan natin ang atig kalusugan
c. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay.
d. Lahat ay tama.
50. “Sa mga taong naghahasik ng kaguluhan, lumiliit na ang inyong mundo at may kalalagyan kayo.” Ano
ang damdamin ng nagsasalita?
a. naiinis b. nagagalit c. nalulungkot d. nalulumbay