Kalagayan NG Wikang Filipino Sa Kasalukuyan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NASH D.

ARELLANO
11 – HUMSS [DECENCY]

Kalagayan ng Wikang Filipino sa Kasalukuyan

Alam naman natin ngayong makabagong panahon ay patuloy ang pagbabago. Pagbabago ng

tungkol nga ba saan? Eto lang naman ay pagbabago tungkol sa teknolohiya na ating ginagamit sa

pang-araw araw na kung saan nagpapakilala ng makabagong kaalaman katulad ng social media.

Paano naman ang pagbabago sa ating Wikang Filipino? Ito ay malawakan pa ring ginagamit ng

mga Pilipino sa kasalukuyan ngunit ito ay hindi na puro. Bilang Pilipino ay nakatatak na sa atin

ang salitang Filipino. Ngunit sa kasalukuyang pagyabong ng teknolohiya ay ang paglaho ng ating

wika at paglimot ng tunay na diwa neto.

Dahil tayong mga Filipino ay madaling maimpluwensyahan, lalo na sa mga nababasa, nakikita at

naririnig natin sa social media. Kumbaga ang karamihan sa atin ay sunod sa trend o sunod sa uso

kung tawagin. Halimbawa nalang ng Facebook, TikTok, YouTube, Instagram, at iba pa. Minsan

pa nga ang totoong tawag sa salita ay ating pinapalitan at ang toto ay tila ba’y napalitan. Katulad

ng jowa, gf, bf na kung dati’y kasintahan kung tawagin. Kumbaga sa Pilipino ay naghahanap ng

shortcut sa bawat salita at ang iba’y nag-iimbento ng salita katulad ng char, vebs, at marami pang

iba. Ayan ang mga salita na simple pero iniiba, dinadagdagan o kaya nama’y iniimbento.

Mayroon pang K-POP, ito ay tawag sa kategorya ng musika na mula sa Korea at ang mga

kabataan ay giliw na giliw dito dahil sa kagiliwan ay napukaw ang interest nila sa lengguwahe

nito. Habang tumatagal ay mayroon ulit na panibagong lengguwahe na tinatawag na Gay

Language o salita ng mga beki o bakla katulad ng, “shala naman ni Madam ke ganda ng bag” na

ang ibig sabihin ay, “mayroon siyang magandang panlasa sa pagpili ng bag”
NASH D. ARELLANO
11 – HUMSS [DECENCY]
Gayunpaman, kahit na makabago na ang tago sa ating mundo. Maging teknolohiya man at sabay

sa maraming uso. Huwag sa nang hayaan na maimpluwensyahan ang ating buong pagkatao

bilang mga Pilipino at huwag nalang basta isantabi at palitan ang sarili nating wikang Filipino.

You might also like