Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Aking kabata

I.Introduksyon

Ang uri ng obra maestra na ito ay isang tulang salaysay na mayroong sukat at
tugmaang taludturan, na naisulat ni Dr. Jose Rizal noong taong 1868, At ito ay
nailimbag noong taon 1906. Mahalaga itong malaman sapagkat ito ay mayroong
mahalang mensahe para sa mamamayang Pilipino. Dahil bawat saknong at
taludtod ay may nakapaloob na mga simbolo, kahulugan at mensahe. At kung
bakit ito nalikha ni rizal dahil ito ay mayroong malalim na dahilan, Dahil nais niyang
mahali natin at pahalahan ang ating sariling wika. Ating matutunghayaan na labis
labis ang pagmamahal ng ating Pambansang bayan sa ating bansa pati sa ating
sariling wika dahil sa wawalong taong gulang pa lamang ay naisulat niya ang
tulang aking kabata na nag-lalaman ng mataas na kayarian at uri ng akda.

II. Rational

Napakahala ng tulang ito dahil tumatalakay ito sa pagbibigay halaga o


importansya sa Pilipino na napakahalaga ng Kalayaan lalo na sa wika, dahil ang
wika bigay ito ng may likha sa ating lahat na nangangahulugang kaloob ito sa
mga Pilipino. At sinasabi din ni rizal na bawat wika ay mahalaga at pagyamanin
sapagkat ang mga ito ay pantay-pantay lamang na pinagkaloob ng poong
maykapal. Kung kaya’t masasabi na walang wikang mas mataas sa lahat. tinuro ng
tula sa mga Pilipinona mahalin ang sariling atin bago ang iba. Ubod nang laking
pagmamahal sa inang wika at inang bayan ay tinuro at nagbigay ng aral. Nag
bigay din ng aral na ang salitang sariling wika ay pagyamanin at ipagmalaki. Tinuro
din na ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi Pilipino dahil sa mga katagang
ginamit sa ikatlong saknong na masahol pa sa hayop at malansang isda. At sinasabi
sa akda na ang lahat ng mga wika ay pantay lamang na pinagkaloob ng Poong
Maykapal at ang wikang sariling atin ay may sariling kagalingan, potensyal at
kalidad din tulad ng iba. Kahit limang saknong lang ang nasabingtula ay sobrang
yaman naman ng mga nakapaloob dito kaya’t lubhang nakakagalak at
gumagalang sa ating pambansang bayani. Maraming kontrobersyaang tulang ito
pero hindi talaga nawawala ang pagkamagaling na nasabing akda. Ipinakita sa
tula na napakahalaga ng kalayaan tulad ng kalayaan sa pagsasalita at
pagkakapantay-pantay. At sinabe din sa huling saknong na kung wala sanang
sigwa na naganap sapag dating ng mananakop ay maunlad na sana ang ating
wika. Kung kaya’t ay huwag nating ikahiya ang ating sariling wika dahil ang sariling
wika at Kalayaan ay makasaysayang salita dahil ito ang nag-paalab sa
nasyonalismo sa panahon ng himagsikan at isa rin ang akdang ito. Kaya marapat
na lamang ito ay Pahalagahan, galangin, isa-isip, isa-puso, isa-gawa at tangkilikin
ang ating wika dahil maraming dugo’t pag-hihirap ang naganap upang ito’y
makamit.

III. Pag-susuri

Aking kabata, Isa sa mga tanyag na obra maestra ng ating pambansang


bayani na si Dr. Jose rizal, isang uri ng tulang salaysay na mayroong sukat at
tugmaan. Lalabingdalawahin pantig sa bawat taludtod at binubuo ng
limang taludtod. Isunulat ni rizal noong walong taong gulang pa lamang siya
at nailimbag sa taong 1906.

Naratolohiya

- Aking kabata, nakilala itong akda ni Dr. Jose rizal noong panahong panitikan
sa ilalim ng krus at espada, panahon ng pagsakop satin ng mga dayuhang
kastila, Naisulat ito ni rizal noong walong taong gulang pa lamang siya sa
taong 1868 at nailimbag naman ito noong taong 1906. At sa murang edad
pa lamang ay namulat na ang ating pambasang bayani at siya sumulat ng
tula, ang tula ay sadyang matalinghaga, malalim, matayog at may
pagkamasining ang paraan ng pagkakapahayag. Ang mensahe na nais
iparating ng tula na ginawa ng ating pambansang bayani ay tumatalakay
ito sa pagbibigay halaga o importansya sa Pilipino na napakahalaga ng
Kalayaan lalo na sa wika, dahil ang wika bigay ito ng may likha sa ating lahat
na nangangahulugang kaloob ito sa mga Pilipino. At sinasabi din ni rizal na
bawat wika ay mahalaga at pagyamanin sapagkat ang mga ito ay pantay-
pantay lamang na pinagkaloob ng poong maykapal. Kung kaya’t masasabi
na walang wikang mas mataas sa lahat. Kaya marapat na lamang ito ay
Pahalagahan, galangin, isa-isip, isa-puso, isa-gawa at tangkilikin ang ating
wika dahil maraming dugo’t pag-hihirap ang naganap upang ito’y makamit.

Historicize

You might also like