Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)


• Ito rin ay tumutukoy sa masteri ng Sociocultural code ng isang wika. Ang Sociocultural code
naman ay ang batayan ng tagapagsalita kung paano nila dapat gamitin ang isang wika.
• Komunikasyon- Isang prosesong ginagamit sa pagpapalitan ng impormasyon. Sa
pamamagitan nito ay maaaring maipahayag ng isang tao ang kanyang ideya o saloobin.
Mayroong dalawang mahalagang uri ang komunikasyon, ito ay ang komunikasyong
• Verbal - Ito ay isang pormal na pamamaraang sumasailalim sa estruktura ng wika.
Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o
pasalita.
• Di-Verbal - Ito ay isang detalyado at lihim na kodigo sinasalita at nakasulat ngunit
nauunawaan ng lahat.
Ayon kay Albert Mehrabian (1971) 93% ng mga mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa
ay di-verbal na komunikasyon.
Ibat-ibang Anyo ng Di-Verbal na Komunikasyon
1. Kinetics (Kinesika)
- Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang pag galaw ng ibat-ibang bahagi
ng ating katawan
2. Proxemics (Proksemika)
- Ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
3. Haptics (Pandama o Paghawak)
- Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon.
4. Paralanguage (Mga Di-Linggwistikong Tunog na may Kaugnayan sa Pagsasalita)
- Ito ay tumutukoy sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita.
5. Silence (Katahimikan/Hindi Pag-imik)
- Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na
makapag-isip at bumuo ng kanyang sasabihin.
6. Environment (Kapaligiran)
- Nagsisilbi itong komunikasyong di-verbal dahil ito ay kailangan ng tao upang maganap ang
interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
Galaw ng Katawan na Ginagamit sa Di-Verbal na Komunikasyon
a. Ekspresyon ng Mukha (Nagpapakita ng Emosyon)
Maipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon o saloobin sa pamamagitan ng pagbabago ng
ekpresyon o itsura ng mukha nito.
b. Galaw ng Mata
- Ito ay maaaring magpakita ng katapatan ng isang tao. Nag-iiba ang mensaheng nais iparating
batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas (Galaw ng Kamay)
- Ang pag galaw ng kamay ay maraming pamamaraang magagawa katulad ng pag pagsenyas,
pagsang-ayon o pagtutol, pagpapakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng pabor
at marami pang iba.
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
• register - isa sa mga barayti ng wika ang register,rejister,o rehistro.ayon sa mga eksperto ng
wika,ang register ay aang wikang espesyalisadong ginagamit ng isang teknikal nna lipon ng
mga salita sa isang larangan o disiplina.
• dayalek -ito ang pinakakaraniwang barayti ng wikang alam at tanggap sa bansang tulad ng
pilipinas
• idyolek - kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita,nagkakaroon pa rin ng
pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito.ganito ang
konsepto ng idyolek.nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita.karaniwang
naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang
linya sa mga programa at pelikula nila.
• sosyolek - ito ay tinatawag ding pansamantalang barayti lamang dahil ginagamit lamang ito
ayon sa uri ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang intindihin at unawain ang ginagamit
na wika.kadalasan ding umuusbong ang barayting ito ayon sa napapanahong uri ng
pggsasalita tulad ng bekimon at jejemon.
• ekolek - ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang
tumatatak sa mga bata. ito rin ay ginagamit sa pakikipag-usap araw-araw.
• etnolek - ang tawag sa brayting nabuo nila ay etnolek.batay ito sa mga etnolonggwistong
pangkat saa pilipinas.ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag
na rin para sa ibang lahi o pangkat.
• creole - kasama rin sa barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal
mula sa magkaibang lugar o bansa.
• Pidgin - Ang dalawang tao na may magkaibang wika at kultura ay pinagsisikapang mairaos
ang kanilang pag-uusap sa paghahalo ng wikang alam nila at likas sa kanila at ang mga
salitang madalas ding gamitin ng kausap.
• Heterogeneous na Wika - Nangangahulugang wika mula sa iba-ibang lugar, grupo, at / o
pangangailangan ng paggamit nito. Nagkakaroon ng maraming variation obaryasyon ang
wika. Ang naging batayan ng mga linguist para magkaroon ng heterogenous na wika ay ang
mga masususing pag aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at linggwistika. Mula sa
salitang “heterous” o magkaiba at “genous” o uri at lahi ang salitang heterogenous. Ang
nabuong salita ay pang-uri.
• HOMOGENOUS - Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan
ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.
Gamit ng Wika sa Lipunan
Regulatoryo – pagkontrol s augali o asal ng ibang tao
Personal – pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal
Heuristiko – ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman, ginagamit ito ng tao upang matuto at
magtamo ng tiyak na kaalaman.
Impormatibo – ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at
pasalita.
Imahinasyon – likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamgitan ng wika napapagana ang
imahinasyon ng tao.
Sitwasyong Pangwika Ayon sa ibang anyo ng Kulturang Popular
Fliptop - Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
• Pangkaraniwa ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
• Nahahawig sa balagtasan.
Pick-up Lines - Itinuturing na makabagong bugtong.
• Karaniwan sa mga nagbibigay ng pick-up lines ang mga taong may mabilis at malikhaing pag-
iisip.
Hugot Lines - Tinatawag na love lines o love qoutes na nagpapatunay na ang wika ay malikhain.
• Tinatawag na linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsan ay
nakakainis.
Kasaysayan ng Wika sa Panahon ng Katutubo
 Mayroon ng sining at Panitikan ang mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila.

 May sariling pamahalaan (barangay), batas, sining, panitikan at wika ang mga katutubo
noon.
 Mga biyas ng kawayan, dahon ng palaspas at balat ng punongkahoy ang pinakapapel nila
noon.
 Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal (lanseta)

 Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang Relacion de las Islas
Filipinas (1604).
- Sinabi niya na may sariling sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinawag na
Baybayin.
 Baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga katutubo.

 Binubuo ito ng labinpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labinapat (14) na katinig.

Teorya tungkol sa mga Taong Unang Nanirahan sa Pilipinas


Teorya ng Pandarayuhan ni Dr. Otler Beyer
 Isang Amerikanong Antropologo

 Kilala din ang teoryang ito bilang wave migration theory.

 Ito ay sumikat noong 1916.


 Sabi ni Beyer, may tatlong grupo ang nagpasimula ng lahing Pilipino: Negrito, Indones, at
Malay.
 Nasira ang teorya ni Dr. Beyer dahil nakakita ng bungo at isang panga ang pangkat ng
arkeologo na pinangunahan ni Dr. Robert B. Fox sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.
 Pinatutunayan ng bungong ito na mas nauna ang grupo ng tao nito o yung lahi nito kaysa
sa Malaysia na sinasabing pinanggalingan ng mga Pilipino.
 Tinawag nila itong Taong Tabon.

 Nanirahan sila sa yungib may 50,000 taon nang nakakaraan.

 May nakuha ring bakas ng uling na nagpapatunay na marunong magluto ang mga
sinaunang tao sa Pilipinas.
 Ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa homo sapiens o
modern man at ang taong Java na kabilang sa Homo erectus.
 Natagpuan ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paa sa kuweba ng Callao, Cagayan.

 Sinasabing mas matanda pa daw ito sa Taong Tabon at nabuhay ito 67,000 taon na
nakakalipas.
Teorya ng Pandarayuhan mula sa Relihiyosong Austronesyano
 Ang mga Pilipino daw ay nagmula sa lahi ng mga Austronesian.

Ito ay hango sa salitang Latin na auster na ibig sabihin ay “south wind” at nesos na
nangangahulugang isla.
 Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiyang Timog-Silangang Asya, nagmula ang
mga Austronesian sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nustantao.
 Dahil sa kalakalan, migrasyon at pag-aasawa kaya kumalat ang lahing ito sa iba’t ibang
rehiyon.
 Ayon kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang lahing ito ay nagmula sa
Timog Tsina at Taiwan at nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 B.C
 Kinilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas ng bangkang may katig.

 Ang mga Austronesian ang kinikilalang nagpaunlad ng rice terracing.

 Naniniwala din ang lahing ito sa mga anito.

 Naniniwala din sila sa paglilibing ng bangkay sa banga tulad ng natagpuan sa Manunggul


Cave sa Palawan.

You might also like