Aralin 1-8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

IPAKITA ANG BUOD NA IYONG NATUTUHAN SA

ARALIN 1 HANGGANG 8 SA PAMAMAGITAN NG


KAPARAANANG NAIS MO.

VARGAS, ARIANNE ROSE D.


BSEd-FILIPINO 1A
JANUARY 17, 2023
ARALIN 1

Lingguwistika
 Ito ay maagham na paraan ng pag-aaral ng wika.

Lingguwista
 Ito ay ang taong dalubhasa sa wika ngunit hindi laging
nangangahulugang marami siyang alam na wika.

Polygot
 Ito ay isang taong nakapagsasalita ng iba't ibang wika, ngunit
hindi nangangahulugang siya'y isang lingguwista.
ARALIN 2

Teologo
 Sinasabi nilang nilikha ng Diyos ang wika.
Griyego at latin
 Dalawang magkasunod na wikang unang nalinang at
lumaganap ng puspusan sa europa.
Kalagitnaang siglo
 Hindi na gaanong umunlad ang agham ng wika.
19th siglo
 Sa panahong ito nakilala ang tungkung-kalan sa lingguwistika:
1. Bopp (Sanskrino)
2. Grimm (Aleman)
3. Rask (Icelantic
Linggwistika istruktural
 Nagbibigay diin naman sa pagsusuri sa distribusyon ng mga
ponema at moperma sa isang salita o pangungusap.
Linggwistika historikal
 Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika.
Naglalayong magpatotoo na ang wika sa daigdig ay mula sa
iba't ibang angkan.
Transformational-generative
 Nagbibigay-diin sa forms o anyo.
Generative-semantics
 Nagbibigay-diin sa meaning o kahulugan.
ARALIN 3

Phonetics
 Ang pag-aaral ng tunog.
Limang proseso ng maagham na pag-aaral ng linggwistika:
1. Proseso ng pagmamasid- paraan ng pagsasama-sama ng mga
tunog upang bumuo ng pantig; paraan ng pagsasama-sam ng
mga pantig upang bumuo ng salita.
2. Ang proseso ng pagtatanong- ang tinatangka lamang itanong
ng isang linggwista ay ang mga tanong na masasagot niya sa
pamamagitan ng maagham na paraan.
3. Ang proseso ng pagklasipika- maiayos ang bunga ng kanyang
pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan.
4. Ang proseso ng paglalahat- ang proseso ng pagklasipika ay
dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga abstraksyon
ayon sa naging resulta o kinalabasan ng obserbasyon at
pagsusuring isinagawa sa mga datos.
5. Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa- ang anumang
paglalahat, haypotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o
batas na nabuo ng isang linggwista ay kailangang patuloy na
mapailalim sa pagsubok upang mamodipika o marebisa kung
kailangan.
Kahalagahan ng Linggwistika sa guro ng Wika:
 Nagpakadalubhasa siya sa larangan ng wika. Maagham ang
kaniyang paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika. Mayaman
siya sa mga teorya at karanasan.
Ang Linggwista sa Paglinang sa Wikang Pilipino:
 Sa pagpaplano at paggawa ng mga patakarang pangwika.
 Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo.
 Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na
pananaw sa kalikasan ng wika.
 Paglalagom.
ARALIN 4

Mga Prinsipal na Angkan ng Wika


 Pagpapakilala at pagpapangkat-pangkat sa halos 5,000 wika sa
daigdig ayon sa kanyang pinagmulan at hindi biru-biruang
gawain.
Ang Angkan Malayo-Polinesyo at ang mga Wika
 Sinasabing ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga
pilipino ay buhat sa Alifbata ng Arabia (naging alibata sa
katagalan), na nakaabot sa Pilipinas daang India, Java, Sumatra,
Borneo, at Malaya. ang "Southern Philippines Family" noong
100 b.c., ay nahahati sa sumusunod na pangkat ng wika:
Sambal, Tagalog, Pampanga, Bicol, Cebuano, Butuanon,
Surigao, Kalagan, Mnasaka, Batak, Cuyunon, Western Bukidnon,
Manobo, Southern Bukidnon, Subanon atbp.
Kahinaan ng kanilang isinagawang pag-aaral:
1. Hindi ibinibigay ang tiyak na petsa ng pinagmulan inang wika
(parent language);
2. Ang mga talasalitaang ginagamit ay lubhang kakaunti upang
magbigay ng mapapanaligang resulta.
3. Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang
pagsusuri; wala sa morpolohiya at sintaksis.
4. Hindi isinasaalang-alang ang maaring naganap na panghihiram
ng mga wika sa kapuluan (inter dialect borrowing) at;
5. Walang saligang matematikal ang teknik o pamamaraang
ginamit.
Ang Wika at dalubwika
 Dahil sa kahalagahan ng wika sa buhay ng tao, hindi kalabisan
kung ito man ay pag-ukulan ng panahon at masusing pag-aaral
ng mga taong nagpakadalubhasa rito.
Dalubwika at linggwista
 Tawat sa taong dalubhasa sa wika.
 Ang agham naman ng wika ay tinatawag na agham wika o
linggwitika.
 Ang polygot, kung hindi nagpakadalubhasa sa wika, ay hindi
matatawag na dalubwika.
Ang Wika at Kultura
 Ang kultura, sa payak na kahulugan ay ang karunungan, sining,
panitikan, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga
taong may sariling kultura ay lumilinang ng isang wikang
angkop sa kanilang pangangailangan.
ARALIN 5

Pagsasalita
 Karaniwang nangangahulugan ng pag-uusap ng hindi
kukulangin sa dalawang tao.
Pagbigkas ng tunog
Ponetika
 Agham ng wika na tumatalakay sa kung papaano nagsasalita
ang isang tao.
Ang pagsasalita ay mapag-aaralan ng ponetika sa tatlong paraan:
 Una- maaring sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga
sangkap ng pananalita na ginagamit sa pagbigkas ng tunog.
 Ikalawa- maaari ring sa pamamagitan ng pag-aaral at
paglalarawan sa mga naririnig na alon ng mga tunog
 Ikatlo- maaari ding sa nalilikha sa pagsasalita.
Ang mga ito ay tinatawag na articulatory, auditory, at acoustic
phonetics ayon sa pagkakasunod-sunod.
Tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ng tao
1. Pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. Pumapalag na bagay
3. Patunugan o resunador
Prinsipal na Sangkap sa Pagsasalita
- Ang hanging nagbubuhat sa mga baga ay nagdaraan muna sa
trakya. Sa dakong itaas ng trakya ay may isang bagay na binubuo ng
mga kartilago. Ito ay tinatawag na mga kwerdas pantinig siya ay ang
paringe. Ang mga ito ay dinaraanan ng hanging mula sa mga baga.
 Glotal na pasara (glottal stop)
 Glotal na pahinga (glottal fricative)
Elastiko
 Pinakamahalagang katangian ng mga kwerdas pantinig. Ito ay
nababanat, napaglalapit o napaglalayo ayon sa tunog ng bigkas.

Tatlong posisyon ng kwerdas pantinig


1. Saradung-sarado na walang makararaang hangin sa pagitan
ng mga ito, tulad ng kung binibigkas natin ang tunog na
paimpit na karaniwang natatagpuan sa hulihan, halimbawa,
ng salitang bata/ba:ta/.
2. Nakabukas nang bahagya at banat o may tensyon tulad ng
kung tayo'y nagsasalita o magsasalita.
3. Bukas na bukas at nakarelaks o nakalarga, tulad ng kung
tayo'y humihinga ng karaniwan.
Pagkontrol sa Tono at Tinig
 Ang pinagmumulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita
ay ang presyon ng hininga.
 Ang pumapalag na mga bagay ay ang dalawang kwerdas
pantinig na matatagpuan sa larenghe.
 Ang hanging mula sa mga bagay ay nakakaabot sa laringhe
sa pamamagitan ng pagdaraan sa trakya.
 Ang laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad.
 Ang daanan ng hangin sa pagitan ng dalawang kwerdas
tinatawag na glottis.
 Kung tayo'y humihinga nang karaniwan, ang glottis ay bukas
na bukas.
 Kapag tayo'y magsasalit, ang glottis ay bahagyang bubukas
at magkakaroon ng tensyon.
 Ang presyon ng palabas na hinga ang siyang nagpapapalag
sa mga kwerdas pantinig.
 Napapadalas o napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas
pantinig sa pamamagitan ng pagpapalakas o pagpapahina
ng tensyon sa mga ito.

Ang patunugan
 Kapag pumalag ang mga kwerdas pantinig dahil sa presyon ng
hanging nagmumula sa mga baga, sa pagpalag na ito ay
nakalilikha ng tunog dahil sa mga patunugang ating ginagamit
sa pagsasalita.
Ang dila
 Pangunahing tungkulin ng dila ay ang pagkain.
 Ikalawang tungkulin ng dila ay ang pagsasalita.
 Ang dila ay napapahaba, napapaikli, nagpapalapad, naitutukod
sa ngipin, sa ngalangala, naikukubkob, naililiyad, o naiaarko
ayon sa pangangailangan.
ARALIN 6

Ponemika
 ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba't ibang
makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita. Ponema
naman ang tawag sa makahulugang tunog ng isang salita.
Makahulugan at Di-Makahulugang mga Tunog
 ang makabuluhang tunog ay madalas na napapansin,
samantalang ang di-makabuluhang tunog naman ay hindi.
Mga Pares Minimal
 ito ang pares ng salita na magkaiba ang kahulugan
ngunit magkatulad ang bigkas.
Ponemiko at Ponetikong mga tunog
 Pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan
(ponemiko).
 Pagkakaiba sa dalawang tunog ay di makahulugan
(ponetiko).
Distribusyong Komplimentaryo
 Ang tunog na nasa distribusyong komplementaryo ay
hindi nagkokontrast.
Malayang Pagpapalitan
 Ito ay ponemang matatagpuan sa magkatulad na
kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng
salita
Ang Alopono
 tawag sa bawat isang anyo ng mga ponema. Sinasabi
nating halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit
pang mga tunog kapag ang mga tunog ay
parehung-pareho sa punto at paraan ng
artikulasyonngunit bmay bahagyang-bahagya lamang
napagkakaiba.
Ang Ponema
 Ang tawag sa makahulugang tunog ng isang salita.
Ang Moperma
 ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan.
Transkripsyong ponetiko
 Sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig
ng nagsusuring linggwist, makahulugan man o hindi, ay
kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito, hindi
lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng
isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.
Transkripsyong ponemiko
 Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng
makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa isang
wika ay binibigyan ng kaukulang simbolo.
ARALIN 7

Mga Hakbang sa Pagsusuri


 Sa pagsusuri ng isa ng wika ay karaniwang inuuna ang
tungkol sa palatunugan (ponolohiya) nito. Inaalam muna
ng nagsusuri kung anu-anoang mga tunog na
makahulugan o ponemiko sa nasabing wika.
 Pagkatapos ay ang ikalawang antas ng pagsusuri-ang
pag-alam sa mgamorpema.
 Gayundin, ang pagsusuring sintaktiko, karaniwang
isinasagawa kungnasuri na ng nagsususri ang
palatunugan at palabuuan ng wika.Gayunpaman, may
mga dalubwika na nagsisimula sa gramatika
nasumasakop sa palabuuan (morpolohiya) at
palaugnayan (sintaksis) atpaggkatapos ay saka pa
lamang tutungo sa palatunugan(ponolohiya).
Narito ang mga karaniwang pagkakamali ng isang
nagsusuri
1. Sa iisang ponema ay higit sa isang simbolo ang ginagamit;
alalaongbaga,ang mga alopono ng isang ponema ay
nagkakaroon ng kanya-kanya at magkakaibang simbolo;
2. Sa dalawang ponema ay isang simbolo lamang ang
ginagamit;na angdalawang magkaibang ponema ay
naituturing na mga alopono lamangng isang ponema;
3. Ang isang makahulugang tunog o ponema ay hindi
nabibigyan ngkaukulang simbolo. Nangyayari ang
ganito,kalimitan, sa mgaponemang wala sa palatunugan ng
wika ng nagsusuri.;
4. Ang isang simbolo ay kumakatawan sa dalawang
magkasunod naponema o ang kabaligtaran nito. Ang /c/ ng
wikang Kastila aymalamang na kilalaning dalawang
magkahiwalay na ponema ng isangPilipino- /t/ at /s/ -
sapagkat sa kanyang wika ay wala ng ganitong uring tunog.
Sa kabilang dako, kung isang Kastila naman ang
magsusurisa wikang Pilipino, malamang na ang /t/ at /s/ sa
mga salitang tulad ngitsura, kotse, atb. ay tumbasan niya ng
isang simbolo lamang - /c/.
Mga natatanging katangian ng ponema
1.Isang grupo ng magkakahawig na tunog.
2.Magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon.
3.May kanya-kanyang sistema ng distribusyon.
4.Wikang pinag-uusapan.
ARALIN 8

Dalawang Modelo
1. SYNTACTIC STRUCTURES 1957 (STRUCTURES 1957)
2. ASPECTS OF THE THEORY OF SYNTAX 1965 (ASPECTS
1965)
 1951-1955
 Ito ang panahon na nagkaideya si Chomsky na ang
pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng isang wika ay
maaaring isagawa sa paraang autonomous o hiwalay
sa ibang antas ng wika.
 Nayanig ang daigdig ng Istrukturalismo nang ipalibas
niya ang kaniyang Syntactic Structures taong 1956
 Ito ay isang monograp na naglalarawan ng kaniyang
matibay na paniniwala na ang gramatika ay
mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan.
Modelo ni Chomsky
 Ang anyo ng wika ay yaong walang pagbabagong salik
na nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat partikular
na pagsasalita.
STRUCTURES 1957
 Ayon kay Chomsky, ang kaniyang modelo sa gramatika
ay tulad ng automation na magpapalabas (generate) ng
lahat ng maaaring palabasing tamang pangungusap sa
isang partikular na wika.
Pamamaraan ni Chomsky sa Paglalarawan ng Wika
 Di natural
 Pinahihirapan niya ang pag-aaral ng wika- bilang buhay
na kasangkapan sa pakikipagtalastasan ng tao (ngunit
nakinig ang daigdig kay Chomsky kundi man naniwala
ang lahat)
 Dahil dumating ang modelong "matematikal" ni
Chomsky nang ang daigdig ay nagbabago tungo sa
panahon ng "computer"
 Tinang ka ni Chomsky na bumuo ng isang modelong
panggramatika sa antas ng sintaksis na tinawag niyang
"Phrase Structure"
 Ang kaniyang gramatika ay magpapalabas (generate) ng
mga parirala.
 Nakapaloob sa modelo ni Chomsky ang paraang ginamit
ni Chafe sa kanyang modelong "Immediate Constituent"

You might also like