Module 1 ESP Q2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Module 1: Makabuluhang

Pakikipagkapwa
Quarter 2

No of weeks/days: Week 1 & 2

Layunin

1. Naipaliwanag ang kahalagahan ng pakikipagkapwa


2. Natutukoy ang mga taong itinuring niyang kapwa
3. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanyang aspektong
intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at pulitikal.

Discussion of the Topic

Etikal na Pagkakahulugan sa Kapwa at Pakikipagkapwa

Ang kapwa ay isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang


panlipunang kapaligiran. Ang lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang
lipunan ay maituturing na kanyang kapwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga
taong may pangangailangang makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ayon kay Dr. Manuel
Dy, Jr., isang propesor, ang tao ay isang panlipunang nilalang at hindi lamang ito
dahil kasama niya ang kapwa kundi dahil ang lahat ng bagay na kanyang ginagawa
at iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili, ay mula sa kapwa at para
sa kapwa.
Antas ng Ugayan sa Pakikipagkapwa

1. Pakikitungo
2. Pakikisalamuha
3. Pakikilahok
4. Pakikibagay
5. Pakikisama
6. Pakikipagpalagayang-loob
7. Pakikisangkot
8. Pakikiisa

Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng Pakikipagkapwa

1. Magpakita ng interest sa pakikipag-usap sa ibang tao


2. Ngumiti
3. Matutong magpapahalaga sa iba
4. Alalahaning hindi palaging ikaw ay tama
5. Makinig
6. Igalang ang pagkatao ng iba
7. Matutong magpatawad
8. Maging matapat at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa

Kahalagahan ng Pakikipagkapwa

 Nagbubunga ng magandang resulta para sa pag-unlad ng sarili.


 Naibibigay ang iyong pangangailangan bilang isang tao, kabilang na rito ang
pangangailangang umunlad.
 Natuto kang mapalawak sa iyong pananaw sa mga bagay.
 Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili.
 Nakatutulong upang maibigay ang iyong pangangailangan na magkaroon ka
ng kasama
 Nakpagbibigay ng seguridad.

Pakikipagkaibigan
Quarter 2

Objectives:

1. Nasusuri ang pakahulugan sa salitang “kaibigan”.


2. Nakilala ang mga tinuturing na tunay na kaibigan
3. Napaghahambing ang kaibahan ng barkada at kaibigan
4. Nailalarawan ang mga katangian ng isang kaibigan
5. Natutukoy ang mga paraan upang mapalalim ang pakikipagkaibigan.

Discussion

Mga katangian na Bubuo sa Ulirang Pakikipagkaibigan

1. Ang mabuting kaibigan ay handing dumamay sa iyo sa lahat ng oras lalo’t


higit sa panahon ng kagipitan.
2. Ang mabuting kaibigan ay matapat.
3. Ang mabuting kaibigan ay marunong magbigay.
4. Ang mabuting kaibigan ay mapapagkatiwalaan.

Mga katangian ng Isang Mabuting Pakikipagkaibigan

1. Ang pakikipagkaibigan ay binubuo.


2. Ang pakikipagkaibigan ay isinasakilos.
3. Ang pakikipagkaibigan ay isang patuloy na proseso.
4. Ang pakikipag kaibigan ay inuuri.

Ayon sa kalikasan at uri ng relasyon sa ating kaibigan, karaniwan ay naglalagay tayo


ng klasipikasyon at antas ng pakikipagkaibigan sa kanila.

Barkada – ang pinakamababaw na antas kaya karaniwan nang hindi mo sila


pinagkakatiwalaan ng mga sekreto at sensitibong impormasyon. Ang mga taong ito
ay karaniwang kasa-kasama mo sa maraming Gawain tulad ng paglilibang o
paggawa ng proyekto.

Kaibigan – sa panahon ng suliranin, marami silang alam tungkol sa iyo na maaaring


makatulong upang malutas mo ang iyong problema. Mas komportable ka rin
ipaalam sa kanila ang iyong suliranin at ganoon din sila sa iyo dahil sa nabuong
tiwala para sa isa’t isa.

Kaibigang matalik – ang pinakamalalim na antas ng pakikipagkaibigan.


Naipagkatiwala mo sa kanila ang pinakasensitibong impormasyon tungkol sa iyo.
Karaniwan ding itinuturing mo sila bilang bahagi ng iyong pamilya.

Limang Antas ng Pakikipagkaibigan

1. Pag-unlad
2. Sabay o kapwa pag-unlad ng magkakaibigan
3. Kapwa pag-unlad kasabay ng iba
4. Kapwa pag-unlad para sa iisang layunin
5. Kapwa pag-unlad kasama ang Panginoon

Mga Tuntunin sa Pagpapalalim ng Pakikipagkaibigan

1. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong pakikipagkaibigan


2. Magkaroon ng isang malinaw na pag-uunawaan na may pagsasabihan kung
ano ang mga pangyayari sa inyong magkakaibigan.
3. Maglakas-loob na sabihin ang iyong pagmamahal
4. Pag-aralan ang mga kakayahan at kilos na nagpapakita ng pagmamahal
5. Maglaan ng kaunting espasyo sa inyong magkaibigan.

Cyber Friendship: Pakikipagkaibigan Gamit ang Makabagong Teknolohiya

Ang mga makabagong ay nagbigay-daan upang makabuo ng mga bagong


ugnayan o maipagpatuloy ang mga dati pang ugnayan. Ang cyberspace ay
nagbibigay pagkakataon sa marami na mapalawak pa ang kanilang pakikipag-
ugnayan at pakikipagkaibigan. Gamit ang text, chat, e-mail, instant messaging,
voicemail, video conferencing, at iba pa ay napapanatili ang ugnayan sa isa’t isa.
Ang internet ay nagdudulot ng natatanging pagkakataon at pamamaraan sa
pagpapayaman ng ating ugnayan. Tulad ng pangkaraniwang na ugnayan ay may
mga tamang pamamaraan upang mapabuti ang pakikipagkaibigan online.

You might also like