Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Filipino 10-Q2-W1
Aralin Pagsusuri sa Mitolohiya Bilang Isang
1 Akdang Pampanitikan

Mga Inaasahan

Matutunghayan sa araling ito ang mitolohiya ng Iceland. May mga gawaing


inilain upang maipakita ang taglay na elemento ng isang mitolohiya.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan:

1. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation). (F10PT-IIa-b-71)

2. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang


Pilipino. (F10PU-IIa-b-73)

3. Nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang nabasa o napanood.


(F10PD-IIa-b-69)
4. Nailalahad ang pangunahing paksa at ideya batay sa napag-usapan ng mga
tauhan. (F10PN-IIa-b-71)

Handa ka na ba? Bago natin simulan ay nais kong subukin ang iyong kaalaman
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng buod ng akda at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Puting Usa

Tingal ay tahimik na naghihintay sa kugunan. Ang gabi ay madilim. Walang


kagalaw-galaw ang mga dahon ng kahoy sa gubat. Ang maririnig paminsan-minsan
ay huni ng mga ibon na nagmumula sa malayo. Katulad ng ibang Dumagat, si Tingal
ay kailangang mangaso upang makahuli ng baboy-ramo, usa at matsing.

Natutulog noon si Bandina, ang kanyang maybahay at munting anak sa


kanilang kubo. Naalaala ni Tingal kung bakit ang kaniyang anak ay umiyak nang
umagang iyon. Wala siyang makain at gutom na gutom. Idinalangin ni Tingal sa
Bathala na siya’y palarin sa pangangaso. Mga oras ang lumipas sa paghihintay subalit
walang hayop na dumating hanggang sa hindi na niya mapaglabanan ang kaniyang
antok. Kumapal mandin ang talukap ng kaniyang mga mata at maya-maya pa’y
napahiga sa lupa at nakatulog. May lumagutok sa sanga ng kahoy kaya siya’y
nagulantang sa nalikhang ingay nito. Kaniyang hinagilap agad ang kaniyang pana at
iniumang. Sa hindi kalayuan, sa kalapit ng batis ay namataan siyang nanginginaing

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
2

usa. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito ay puting-puti at naaninag niya na
napakaganda ang kaniyang mga sungay.

Ang gandang usa sumaisip ni Tingal. Masarap itong pagsaluhan ng aking mag-
ina, at tuloy natakam. At humarap ang usa sa pinagtataguan ni Tingal. Muntik nang
bininit niya ang pana upang tudlain ang nagulantang na usa. Kaibigan, huwag mo
akong tudlain, ang sabi ng tinig. Huwag mong patayin ang puting usa sa gubat.
Nagtaka si Tingal. Siya’y nagpalinga-linga upang tiyakin kung sino ang nagsalita.
Wala siyang makita. Ang gubat ay tahimik. Hindi siya mapalagay dahil sa tinig.
Kaniyang pinag-igi ang hawak sa pana upang humanda sa sinumang sasalakay.
Kaibigan, para mo nang awa, ang muling narinig. Wala akong salapi subalit bibigyan
kita kahit ano ang iyong hingin. Nanluwa ang mga mata ni Tingal. Ang tinig ay
nanggaling sa puting usa. Bakit…? Bakit…? Siya’y natigagal.

Hindi maalis ni Tingal ang pagkapako ng kaniyang mga mata sa puting usa.
Tulad ng isang nagpapalimos ang usa’y lumuhod at nagmakaawang iligtas ang
kanyang buhay. Naalaala ni Tingal ang kanyang asawa’t anak sa kubo. Sila’y
nagugutom. Siya ang hinihintay. Hindi ko mapaniwalaan ito. Ako’y pinaglalaruan
yata ng tikbalang! Itinaas ni Tingal ang kanyang pana. Kaniya itong pinakawalan at
presto, tinamaan ang dibdib ng puting usa.

Wala kang habag. Wala kang puso! ang huling pahimakas ng usa. Nakalaan
para sa iyo ang paghihiganti ng diyosa ng kabundukan! at ang usa ay nalupasay sa
lupa. Itinali ni Tingal ang usa sa tulos ng kawayan at kanya itong pinasan. Ang
kahambal-hambal na huni sa may dako ng kakahuyan ay gumimbal sa kaniyang
kaluluwa. Sumikdo ang kanyang puso at wari bang babalang masamang mangyayari.
Marahang-marahang ibinaling niya ang kaniyang mga paa papunta sa kanilang
munting kubo.

Masayang-masaya siyang sinalubong ng kaniyang asawa’t anak. Si Bandina ay


nagpuyos ng mga siit at gumawa ng apoy. Ang anak nama’y tuwang-tuwa pagka’t ang
magagandang sungay ng usa ay ipinangako sa kaniya upang gawin niyang laruan.
Nag-ihaw sila ng mga pirasong karne at ito’y pinasaluhan samantalang ikinukuwento
ni Tingal ang pagsusumamo ng usa bago ito kaniyang pinana. Hindi mapalagay si
Bandina dahil sa mga huling katagang habilin ng usa ayon sa kuwento ni Tingal,
subalit ito’y ipinag-walang bahala ng lalaki dahil sa siya’y busog na busog. Nang
sumunod na araw, ang mangangaso’y naratay sa banig. Walang magawa ang
incantations at wild herbs. Sa buong tribo’y walang makagamot at makapagsabi kung
ano ang sakit niya.

Isang gabing kalaliman at kadiliman ang lalaki’y tumayo at dinaanan siya ng


sumpong. Ang puting usa! ang sigaw. Kumarimot ng takbong palabas si Tingal sa
hindi mapigilan. Siya’y hinabol ng mag-ina hanggang sa kakahuyan at hanggang
makarating sa lugar na kaniyang pinaghulihan sa usa. Lumuhod siya sa lupa at
nanalangin, Bathala, patawarin mo ako! at siya’y napatdan ng hininga. Ang hinala ni
Bandina’y ang puting usa ay alaga ng diwata ng kagubatan.

Si Tingal ay inilibing ng mag-ina sa lugar na kinabuliran ng usa. Siya’y


pinabaunan ng asawa’t anak ng masaganang luha. Mula noon ang mga
mangangasong Dumagat ay ayaw pumatay ng puting usa.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
3

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga- mitolohiya-
puting-usa_1155.html

1. Ano ang naging damdamin mo mula sa sinapit ni Tingal?


A. nalulungkot C. nasisiyahan
B. napopoot D. natutuwa
2. Alin sa mga pangyayaring sa mitolohiya ang di-makatotohanan?
A. nangaso si Tingal sa gitna ng dilim
B. nagsasalita ang puting usa
C. nanlalaki ang kanyang mga mata
D. pinaglalabanan ang antok
3. Ano ang naging suliranin ng pangunahing tauhan sa akda?
A. walang makain ang pamilya
B. takot siya sa puting usa
C. hirap siyang mangaso sa gabi
D. madilim sa kanilang lugar
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya maliban sa ?
A. may kababalaghan
B. may diyos at diyosa
C. kapupulutan ng aral
D. pawang hayop ang bida
5. Tukuyin ang naging paksa ng mitolohiyang binasa.
A. ang pagmamahal ng ama para sa pamilya
B. ang paggalang sa mga diyos at diyosa
C. ang pamamalasakit sa kagubatan
D. ang pagpapahalaga sa mga hayop

Halika at tayo ay magbalik-tanaw sa ating nakaraang talakayan! Sagutin


ang sumusunod na katanungan na nakahain.

Balik-tanaw

Punan ng angkop na salita ang bawat bilang upang mabuo ang talata. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Ang suring-basa ay isang (1) pagsusuring pampanitikang naglalahad
ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. (2) nitong
mailahad ang mga (3) matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito.
Bago isulat ng (4) ng isang akda, gumawa muna ng isang maikling buod nito.
Piliin lamang ang mahahalagang katangian sa pagbuo ng (5) .

maikli layunin kaisipan suring-basa buod akda

Pagpapakilala ng Aralin

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
4

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa mitolohiya bilang isang


akdang tuluyan.

Ang Mitolohiya Bilang Isang Akdang Tuluyan.

Ang mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa


sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. Ang salitang mitolohiya ay hango sa
salitang Griyego na myhtos na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay
isang natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos
o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

Mga Elemento ng Mitolohiya

Tauhan - ang mga tauhan sa mitolohiya ay mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan.

Tagpuan - may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at


sinaunang ang panahon.

Banghay - maaaring ang banghay o mga pangyayari ay tumatalakay sa


sumusunod:

a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian

b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na mga


pangyayari nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas

d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa.

e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon at

interaksiyong nagaganap sa araw, buwan at daigdig.

Tema - maaaring ang tema ng mitolohiya ay nakatuon sa sumusunod:

a. magpaliwanag sa natural na pangyayari

b. pinagmulan ng buhay sa daigdig

c. pag-uugali ng tao

d. mga paniniwalang panrelihiyon

e. katangian at kahinaan ng tauhan

f. mga aral sa buhay

Basahin at unawain ang paglalakbay ni Thor sa lupain ng mga higante na isang


mitolohiya mula sa bansang Iceland.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


Ni: Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Naglakbay sila Thor at Loki patungo sa Utgaro lupain ng mga higante ang
kalaban ng mga diyos. Naglakbay sila sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang
kambing. Dumating ang gabi, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
5

Kinatay ni Thor ang dalawang kambing at inilagay sa kaldero upang lutuin at


ihain sa hapunan. Inanyayahan niya na sumalo ang mag-anak na magsasaka.
Thjalfi ang pangalan ng lalaki at Roskva ang anak na babae. Inutos ni Thor na
paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod si Thjalfi
sa halip ay hinati niya ang bahaging pige gamit ang kutsilyo.

Kinabukasan, itinaas ni Thor ang kanyang maso upang binditahan ang


kambing. Tumayo ang mga kambing ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod.
Nagalit si Thor nanlisik ang mga mata. Kaya’t natakot ang pamilya. Nagmakaawa
sila kay Thor at sinabing ibibigay nila ang lahat. Naawa si Thor at ang hininging
kapalit ay ang anak ng magsasaka upang maging alipin.

Nagpatuloy silang maglakbay at nang abutan ng dilim, humanap sila ng


matutuluyan. Nakakita sila ng malaking pasilyo at doon ay nanatili sila. Sa
pagsapit ng hating gabi, umuuga ang kanilang paligid at pakiramdam nila ay nag-
iiba ang kanilang kinatatayuan. Tumingin sila sa paligid at nakakita sila ng isang
silid. Maya maya ay nakarinig sila ng malakas na unggol. Kinaumagahan, nakita
ni Thor sa labas ang isang higante na natutulog at umuungol ng malakas.
Pupukpukin na sana ni Thor ang higante ng bigla itong magising. Tinanong ni
Thor ang pangalan ng higante."Skrymir ang ngalan ko," sabi ng higante."Inalis mo
ba ang guwantes ko"? "Maari ba akong sumama sa inyong paglalakbay"? at
pumayag naman si Thor. Tumingin ang higante sa kanyang baon ngunit ito ay
nawawala. Napagkasunduan nila na pagsamahin na lang ang kanilang baon.
Kaya’t pinagsama nila sa iisang bag at binuhol ito. Nauuna ang higante sa
paglalakad dahil sa malalaki nitong hakbang.

Nagpahinga sila sa isang puno at nakatulog agad ang higante na sobrang


lakas ng hilik. Kinuha ni Thor ang malaki nilang bag at inalis ang buhol ngunit
hindi niya maalis kaya’t nagalit siya. Kinuha niya ang maso at pinukpok sa ulo ng
higante. Nagising si Skrymir at inakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo.”
Kumain na ba kayo?” sinabi ni Thor na tapos na. Sumapit ang hating gabi.
Kinabukasan,” Gising ka na ba Thor? Malapit na kayo kay Ugaro-Loki.Narinig
kong pinagbubulungan ninyo ako na wala akong kuwentang higante”.

Nang makarating sila sa matibay na tanggulan ng teritoryo ni Utgaro-Loki,


sinubok ni Thor na buksan ang tarangkahan ngunit nabigo siya. May nakita silang
mataas na pader at pinanhik iyon, may nakita silang malalaking taong nakaupo sa
bangko.

Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. “Ikaw ay


malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong
mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang
ipagmamalaki.” wika ni Utgaro-Loko. Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan
na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa
pagkain.” Tinawag ni Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na
nagngangalang Logi. Kinain nila nang mabilis ang karne at buto na lamang ang
natira kay Loki ngunit walang butong natira kay Logi kaya’t nanalo si Logi.

Sumunod na paligsahan ay ang pabilisan sa pagtakbo na nilahukan ni


Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang laban, masyadong malayo ang agwat
ni Hugi. Inulit ito nang tatlong beses ngunit hindi talaga manalo si Thjalfi kay
Hugi. Tinanong ni Utgaro-Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang
ipakikita nito. Sinabi nitong gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng
pag-inom. “Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang
lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang
tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante. Nilagok niya nang malaki ang

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
6

lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay
parang wala pa ring nabawas. Nainis si Thor kaya’t binitawan ito hanggang
matapon ang lahat ng laman. Pinasubok si Thor ng isa pang laro na bubuhatin
niya ang higante pusa. Paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor. “Wala kang
laban sa amin Thor”, sabi ni Utgaro – Loki. Hindi sumuko si Thor.

Dahil sa galit niya, tumawag siya makikipagbuno sa kanya. Tinawag ni


Utgaro-Loki ang kanyang kinalakihang ina na si Elli upang lumaban ng wrestling.
Natumba si Thor at pumagitna si Utgaro-Loki sinabing itigil na ang labanan.

Bago ka umalis ay tatanungin kita na kung anong pakiramdam mo na sa


hirap ng iyong paglalakbay ay hindi ikaw ang pinakamalakas.

https://www.youtube.com/watch?v=gm3SXPap1U4

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging


hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong guro.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Magbigay ng mga salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang
kahulugan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PINUNO

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ilarawan ang Tauhan


Ang bawat tauhan sa akda ay may ginampanan, ilarawan ang katangian nito
gamit ang tsart.

TAUHAN KAPANGYARIHAN KABAYANIHAN

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
7

2. Ano-anong paligsahan ang nilahukan ng mga panauhin sa kaharian ni


Utgaro Loki? Ilahad ang naging resulta nito.

PALIGSAHAN

Loki vs RESULTA
Logi

PALIGSAHAN

Thor vs
RESULTA
Elli

3. Paghambingin ang mitolohiya ng Pilipinas sa mitolohiya ng bansang Iceland sa


tulong ng dayagram.

PAGKAKATULAD Sina Thor at Loki PAGKAKAIBA

Si Tingal

4. Paano tinanggap ni Thor ang panlilinlang sa kanya ng kalaban? Patunayan.

5. Suriin ang taglay na elemento ng mitolohiyang binasa. Sagutin sa pamamagitan


ng tsart.

TAUHAN

TAGPUAN
SINA THOR
AT LOKI
BANGHAY

TEMA

Magaling! Natutuwa ako na natapos mong maisagawa ang lahat ng gawain


Ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
8

Tandaan

Matapos ang pag-aaral ng mitolohiya ngayon ang mga sumusunod ay dapat mong
tandaan.

1. Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga


tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala.

2. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay


ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.

Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan .

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Mula sa mga naging usapan o pahayag ng mga tauhan sa akdang binasa tukuyin ang
pangunahing paksa at ideya nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

“Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng


iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang
ipagmamalaki.” wika ni Utgaro-Loko. Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan
na nais kong subukin. Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa
pagkain.”

1. Sikaping malinaw na naipahayag Ang bawat pamantayan ay may kalakip


ang paksa at ideya mula sa usapan. na puntos batay sa mga sumusunod:

2. Gawing masining ang paraan ng 5 - Napakahusay


paglalahad.
4 - Mahusay
3. Wasto ang mga salitang ginamit sa
pagpapahayag. 3 - Katamtaman

1 - Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang buod ng mitolohiya at sagutin ang tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
9

Ang Pakikipagsapalaran ni Samson Mula sa Bibliya


(Mga Hukom16)

Umibig si Samson kay Delilah na taga-Sorek na naging dahilan ng kaniyang


pagbagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang
kanilang ugnayan. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang
makipagsabwatan sa kanila. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson kung
saan nagmumula ang kaniyang pambihirang lakas.
Gamit ang kaniyang kagandahan at husay sa panlilinlang, ilang beses
niyang tinanong si Samson kung saan nanggagaling ang lakas nito. Hanggang sa
ipagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga. Ang Panginoon at mga
magulang ni Samson ay may kasunduan na hindi maaaring gupitin ang buhok ni
Samson kung hindi siya ay manghihina.

Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino. Isang araw,


habang natutulog si Samson sa kandungan ni Delilah tinawag nito ang kanilang
kasabwat at ginupit ang mga buhok nito. Si Samson ay nanghina kaya’t nahuli
siya ng mga kalaban. Sa halip na siya ay patayin, mas pinili ng mga Philistino na
ipahiya si Samson. Dinukot ang mga mata nito at pinagtrabaho ng mabigat sa
kulungan sa Gaza.

Habang siya ay nasa kulungan, humaba na ang kaniyang buhok na hindi


pinansin ng mga kalaban. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin
nang taimtim. Nagkaroon ng pagtitipon ang mga Philistino sa Gaza bilang
pagsamba sa kanilang paganong diyos.

Nakaugalian na nila na magparada ng isang bilanggo sa harap ng mga


naghihiyawang manonood. Inunat ni Samson nang malakas ang kaniyang mga
kamay kaya’t nawasak ang mga haligi ng templo. Libo-libong Philistino ang
namatay kabilang na si Samson. Sa kaniyang kamatayan, nalipol niya ang
kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagbubuwis ng sarili niyang buhay.

(Panitikang Pandaigdig Baitang – 10 modyul, pahina 180)

1. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng pangunahing tauhan sa akda?


A. dahil siya ay umibig
B. dahil sa magulong buhay nito
C. dahil sa kawalan ng disiplina
D. dahil sa kaniyang kapangyarihan
2. Alin sa mga sumusunod ang di-kapani-paniwalang pangyayari na ipinakita sa
akda?
A. Pinagtrabaho ng mabigat ang mga bilanggo.
B. Dinukot ang mga mata ni Samson.
C. Humaba ang buhok ni Samson.
D. Iparada ang bilanggo sa madla.
3. Kung ikaw ang tatanungin, anong katangian ang labis mong nagustuhan kay
Samson?
A. mabuti ang kalooban
B. mapagpatawad sa kapuwa
C. maaasahan sa oras ng pangangailangan.
D. may matibay na pananampalataya sa diyos
4. Anong kaisipan ang mahihinuha mo mula sa mitolohiyang binasa?

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
10

A. Binigyan ng diyos si Samson ng lakas upang labanan ang mga mapaniil.


B. Si Samson ay mapagmalaki kaya sinapit ang kaparusahan.
C. Dahil sa pag-ibig ang lahat ay naging kabiguan.
D. Magpahalaga sa mga bagay na mayroon ka.
5. Ano ang pangyayari sa akda ang nagaganap pa rin sa kasalukuyan?
A. Ang pagiging tapat ng bawat isa
B. Ang panlilinlang sa kapuwa tao
C. Ang tao ay wagas kung umibig
D. Ang pagiging makasarili

Pagninilay

Gumawa ng pag-uugnay ng mitolohiya sa iyong sarili, pamilya at lipunan.

Batay sa iyong naunawaan mula sa mitolohiyang napag-aralan, magtala ng mga


kaisipang maaaring maiugnay sa iyong sarili, pamilya at lipunan. Isulat ang iyong
kasagutan sa ibaba ng mga guhit.

SARILI PAMILYA LIPUNAN

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Naipaliliwanag nang maayos ang
kasagutan. 3 – dalawang pamantayan
✓ Malikhain at malinis ang lamang
pagkakatala ng kasagutan.
✓ Wasto ang mga salitang ginamit. 1 – isang pamantayan lamang

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo
11

Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan: Unang Linggo

You might also like