Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

a

St. Alphonsus Catholic School (Lapu-Lapu City, Cebu) Inc.


Departamento ng Haiskul
T.A 2022-2023

WEEKLY LEARNING PACKET SA FILIPINO 11


(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)
Paksang Aralin : Mga Pundasyon ng Wasto, Angkop, at Mabisang Paggamit ng Wika
: Kakayahang Pandiskurso at Kakayahang Estratehiko

SAKLAW NG PAG-AARAL:
Pamantayan sa Pangnilalaman:
Nauunawaan ng mga mag-aaral nang may masusing pagsasa-alang-alang ang mga lingguwistiko at kultural
na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng
kultura at lipunang Pilipino.

Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng learning packet na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;
b. nakikilala ang mga salita ayon sa kinabibilangang estruktura ng wika; ang ponolohiya, morpolohiya,
at sintaksis;
c. naiuugnay ang bawat kakayahang komunikatibo sa pang-araw-araw na buhay;
d. naibabahagi ang mga makabuluhang pangungusap na may tamang gramatika;
e. nagagamit ang wastong gramatika sa wika sa pakikipagkomunikasyon; at
f. nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

Kasanayang Lilinangin: Kritikal na Pag-iisip, Pagsulat, Pag-unawa, Pakikinig


Kaasalang Huhubugin: Pagpapahalaga sa Wika

II. PAGTUKLAS
Mapa ng Konsepto

Mga Pundasyon ng Wasto, Angkop, at Mabisag Paggamit ng Wika

Kakayahang Kakayahang Kakayahang Kakayahang


Lingguwistiko Komunikatibo Panggramatika Sosyolingguwistiko

Kakayahang Kakayahang
Pandiskurso Estratehiko

“Ang tiyak na pundasyon ng mabuting komunikasyon ay kung mararamdaman ng bawat tao na siya ay
natatangi at mahalaga”
Anonymous
Filipino 11 Page 1|7
Magbasa at Matuto!
Sa mapa ng konsepto ay makikita mo ang daloy at takbo ng talakayan sa linggong ito. Matatalakay sa
modyul na ito ang kakayahang lingguwistiko (bilang pundasyon ng paggamit ng tamang wika), kakayahang
komunikatibo (bilang pundasyon ng angkop na paggamit ng wika), at kakayahang panggramatika at
kakayahang sosyolingguwistiko (bilang pundasyon sa mabisang paggamit ng wika).

Likas sa mga Pilipino na mahusay gumamit ng kani-kanilang wika o wikain. Sa kabila ng multilinggwal na
kakayahan ng mga Pilipino, nasa kasanayan na kung paano gamitin ang wika sa anumang sitwasyon, kung
sino ang kausap, at kung paano iangkop sa mga pangyayari.

Ayon kina Corpuz at Salandanan (n.d.), communicative competence is the learner’s ability to understand
and use language appropriately to communicate in authentic (rather than simulated) social and school
environments. Nangangahulugang tumutukoy ito sa kakayahan ng mga mag-aaral na makaunawa at
magamit nang wasto ang wika sa awtentikong pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa paaralan.

Kakayahang Lingguwistiko at Panggramatika


Ang kakayahang gramatikal/lingguwistik ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng
ponolohiya, mormopolohiya, sintaks, at semantics. Ito ay ayon kina Michael Merill Canale at Swains sa
aklat na Dual Language Instruction. Tumatalakay ito sa ugnayan ng mga lingguwistikang koda sa isang
wika. Sa kakayahang ito, binibigyang- pokus lamang ang antas ng pagsusuri sa hanggang sa antas ng
pangungusap lamang. Ito rin ay isang payak na kompitens na sinasabing mental grammar ng isang
indibidwal, at di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.

Mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang ito ay ang gramatika. Ang gramatika ay tungkol sa tuntunin
ng wastong paggamit ng mga bantas, salita, bahagi ng pananalita, pagbuo ng parirala, sugnay, at
pangungusap. Pinag-aaralan sa gramatika ang ponolohiya, morpolohiya, at sintaks.

Ponolohiya

Ang ponolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa mga tunog. Dito rin pinag-aaralan ang wastong
pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa makabuluhang tunog na maaaring makapagpabago ng


kahulugan ng isang salita.

Makikita sa larawan ang paraan ng magbibikas ng mga tunog sa mga ponemang katinig at patinig.

PARAAN NG ARTIKULASYON
Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana at kung
papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang
katinig.

Filipino 11 Page 2|7


ANIM NA PARAAN NG ARTIKULASYON
1. PASARA-ang daanan ng hangin ay harang na harang
-/p,t,k,’,b,d,g/
2. PAILONG-ang hangin nanahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas
ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kund isa ilong lumalabas
-/m,n,π/
3. PASUTSOT-ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o
kaya’y mga babagtingang pantinig
-/s,h/
4. PAGILID-ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa
punong gilagid
/l/
5. PAKATAL – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng
ilang beses na pagpalag ng dulong nakaarkong dila
/r/
6. MALAPATINIG-dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang
pusisyon
/w,y.

LIMANG PUNTO NG ARTIKULASYON


1. PANLABI –ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas
-/p, b,m/
2. PANGNGIPIN –ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas
-/t,d,n/
3. PANGILAGID –ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa puno ng gilagid
-/s,l,r/
4. VELAR (PANGNGALANGALA) –ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangala
-/k,g, π/

5. GLOTTAL –ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng
papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
-/’,h)

Habang ang sa ponemang patinig naman ay ipinapakita dito ang bahagi at parti ng dila kung saan ito
pupwesto kung ibibigkas ang tunog ng mga patinig.

Diptonggo. Ito ang mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang pantig.
Halimbawa: ay- bahay, ey- reyna
Klaster. Ito ay tinatawag ding kambal katinig dahil binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang
pantig.
Halimbawa: grasya, klase, tsinelas
Pares- minimal. Ito ay ang mga salitang halos magkatunog subalit magkaiba ang kahulugan.
Halimbawa: pala-bala, misa-mesa
Digrapo. Ito ay may tunog na “ng”.
Halimbawa: ngipin, ngayon

Ang ponemang suprasegmental ay yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbibigkas.
Kabilang dito ang tuno, punto, intonasyon, at hinto at diin.

Morpolohiya

Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng


pinakamaliit na yunit ng salita o morpema.

Pagbabagong morpoponemiko
1. Asimilasyon. Nagbabago ang “ng” depende sa kasunod nitong letra.
 pang + d,s,l,r,t = pan
 pang + p, b = pam

Filipino 11 Page 3|7


Halimbawa:
Pam + babae = pambabae (asimilasyong di-ganap) (isang beses lamang nagbago ang salita)
Pang + tukod = pantukod = panukod (asimilasyong ganap) (may kinaltas na titik)

2. Pagpapalit ng Ponema. Nagiging /r/ ang /d/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Halimbawa:
ma + damot = maramot

3. Metatesis. Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng /-in/, ang /l/ o
/y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nakakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad = nilipad
-in- + yaya = niyaya

4. Pagkakaltas ponema. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig
ng salitang- ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.
Halimbawa:
Atip + an = atipan = aptan

5. Paglilipat-diin. May mga salitang nagbabago ang diin kapag nilapian.


Halimbawa:
baSA + -hin = basaHIN

6. Reduplikasyon. Ito ang pag-uulit sa unang pantig ng salita.

Halimbawa:
Akyat = aakyat

Sintaks
Ang sintaks ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang tuntuning nagsisilbi sa kawastuan ng
pangungusap.

Semantiks
Ang semantiks ay ang pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at
pangungusap.

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod sa mga tuntunin ng balarilang
Filipino. Sa kasaysayan, dumaan sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang Pambansa na
nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila. Tinukoy nina Santiago (1977) at Tiangco (2003) ang
sampung bahagi ng pananalita sa makabagong gramatika na napapangkat sa sumusunod:

A. Mga salitang Pangnilalaman


1. Mga nominal
1.1 Pangngalan
1.2 Panghalip
2. Pandiwa
3. Mga panuring
3.1 Pang-uri
3.2 Pang- abay
B. Mga salitang Pangkayarian
1. Mga Pang-ugnay
1.1 Pangatnig
1.2 Pang- angkop
1.3 Pang- ukol
2. Mga pananda
2.1 Pantukoy
2.3 Pangawing o Pangawil

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Ang kasanayang sosyolingguwistiko ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong
panlipunan. Ayon kay Fantini (sa Pagkalinawa 2004) may mga salik-panlipunang dapat isaalang-alang sa
Filipino 11 Page 4|7
paggamit ng wika, ito ay ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar, at iba pa. Ang mga salik-panlipunang
ito ay pinaikli at nilagom naman ni Hymes sa akronim na SPEAKING (s-setting; p-participats; e-ends/
layunin; a-act; k-keys; I- instrument; n- norms; g- genre).

S- Setting and Scene: Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan? Kailan ito nangyari?
P- Participants: Sino-sino ang kalahok sa pag-uusap?
E- Ends: Ano ang pakay, layunin, at inaasahang bunga ng pag-uusap?
A- Act Sequence: Paano ang takbo o daloy ng pag-uusap?
K- Key: Ano ang tono ng pag-uusap? Seryoso ba o pabiro?
I- Instrumentalities: Ano ang anyo at estilo ng pananalita? Kumbersasyonal ba o may mahigpit na pagsunod
sa pamantayang panggramatika?
N- Norms: Ano ang umiiral na panuntunan sa pag-uusap at ano ang reaksyon dito ng mga kalahok? Malaya
bang nakapagsasalita ang mga kalahok o nalilimitahan ba ang pagkakataon ayon sa uri, lahi, kasarian,
edad, at iba pang salik?
G- Genre: Ano ang uri ng sitwasyon o material na ginagamit (hal. interbyu, panitiksn, liham)?

Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon.


Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan
ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung
ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan
at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). Isang
kahingian, kung gayon, na pinahalagahan ang mga salik na nabanggit sa modelong SPEAKING tungo sa
mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.

KAKAYAHANG DISKURSO
Ang kakayahang diskorsal ay tinatawag ding interaksyonal na kakayahan na kabahagi nito ang
tekstuwal at retorikal na kakayahan. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang
indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay
instruksiyonal, transkripiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Sa kabilang banda, ang kakayahang
retorikal naman ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama
rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at makapagbibigay ng mga pananaw o opinyon.

Apat na Uri ng Diskurso


1. Pasalaysay. Ito ay pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod na isang pangyayari,
may mga tauhan, at may tagpuan. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakasunod-sunod ng panyayari
habang nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo, panahon, at
mga tauhan.
2. Paglalarawan. Ito ay teksto kung saan inilalarawan ang isang biswal na konsepto tungkol sa isang
tao, bagay, pook, o pangyayari.
3. Paglalahad. Ito ay uri ng tekstong nagpapahayag na may tunguhin.
4. Pangangatwiran. Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala, o kuro-kuro na naglalayong
mapaniwala ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay, at paniniwala ng nagsasalita o ng
sumulat.

Dalawang Kakayahang Pandiskurso


1. Tekstuwal na kakayahang pandiskurso

Ang kakayahang ito ay tumatalakay sa payak na pagsukat kung paano magbasa at umunawa ang
iba’t ibang teksto tulad ng kathang-isip at di-kathang isip, ng mga transkripsyon ng pinag-usapan
o teknikal na materyal.

Mahalaga ang teksto sa uri ng diskursong ito dahil sa internal at eksternal na tungkulin ng
pangungusap. Ayon sa tekstong lingguwistika, bahagi ng internal na tungkulin ay ang kohesyon,
paano ang aktwal na salita ng isang teksto ay kaugnay at umayos sa isa’t isa upang makabuo ng
isang kahulugan sa antas sintaks.

Isa ring internal na elemento ay kohirens, paano ang pangungusap ay pinagsama-sama upang
makabuo ng isang makahulugang teksto.

Filipino 11 Page 5|7


2. Retorikal o Epektibong Pandiskurso

Ang retorikal o epektibong pandiskurso ay tumatalakay sa paraan kung paano makapag-ambag ang
tagapagsalita sa isang usapan. Binubuo ito ng tatlong component: una kung paano nauunawaan ng
isang indibwal ang sinabi ng hanay ng mga ispiker; ikalawa, paraan ng pagpasok ng kanyang
opinyon sa usapan at; ikatlo, kung gaano katatas na maipahayag ng indibidwal ang kanyang ideya
sa awdeyns sa nagaganap na senaryo.

PRAGMATIKS AT ESTRATIDYIK SA KOMUNIKATIBONG FILIPINO


Ayon kina Lightbrown at Spada (2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng
wika sa isang partikular na konteksto upang mapahayag sa paraang diretsahan o may paggalang. Ibig
sabihin, ang isang taong mag kakayahang pragmatiko ay nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy
ang ipinahihwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Para sa pilosopo sa
wika na si J.L. Austin (1962; sipi kay Hoff 2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga
salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech
act. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.
May tatlong sangkap ang speech act; (1) and sadya o intensiyonal na papel nito o illocutionary
force; (2) ang anyong lingguwistiko o locution; (3) ang epekto nito sa pakinig o perlocution.

Sangkap Kahulugan Halimbawa


illocutionary sadya o intensiyonal na papel pakiuap, utos, pangako
locution anyong lingguwistiko patanong, pasalaysay
perlocution epekto sa tagapakinig pagtugon sa hiling, pagbibigay
atensiyon.

Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage pragmatics (Bardovi-Harlig


1999; sipi kay Lightbrown at Spada 2006) ang pag-aaral sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita
ng partikular na wika at nagsisimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag ng
kanilang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act.

BIBLIOGRAPIYA:
AKLAT:

Cantillo, ML, et al., 2016. Sikhay sa Komunikasyon at Pananaliksiksa Wika at Kulturang Pilipino para sa
ika-11 Baitang. Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation.
Reyes, AR, Magahis, HL. 2019. Komunikasyon at Pananaliksiksa Wika at Kulturang Pilipino. Makati
City: DIWA Textbooks.
Na sa lahat ng bagay ang Diyos ay papurihan
Filipino 11 Page 6|7
Filipino 11 Page 7|7

You might also like