Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Unang Markahan

Modyul 4: Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran

Ang mapanatiling ligtas ang komunidad sa mga banta ng sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng
mahusay na disaster management.

Disaster Management
 (Carter, 1992), “ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa pagsasagawa ng angkop na pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy sa mga kasapi,
pamumuno at pagkontrol.”
Ang bawat organisasyon ay dapat magkaisa at magtulungan upang maiwasan, maging handa,
makatugon at makabangon mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Hindi lamang ito
nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan.
Kabilang dito ang pamahalaan, mamamayan, pampribado at pampublikong sector.

 Ondiz at Rodito (2009),” ito ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili
ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.”

Kahalagahan ng pagpaplano ng disaster management:


 makabuo ng iba’t ibang disenyo na naaangkop at makapagpapanatili ng kaayusan ng komunidad
sa panahon bago at pagkatapos ng kalamidad.
 mahalaga rin ang tulong at suporta na maaaring maibigay upang makabangon at makabalik sa
normal na pamumuhay ang mamamayang naapektuhan ng kalamidad.

Mahahalagang termino:
1. Hazard – tawag sa banta dulot ng tao o kalikasan. May posibilidad na magdulot ng panganib sa
buhay, ari-arian at kalikasan.
Uri nito:
a. Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard – hazard na dulot ng tao.
Halimbawa
mga sasakyan at pabrikang nagbubuga ng maitim na usok,
kemikal na itinatapon sa mga anyong tubig;
b. Natural hazard –hazard na dulot ng kalikasan.
Halimbawa
lindol, bagyo, tsunami at iba pa.

2. Disaster – pangyayari na nagdudulot ng panganib sa tao, sa kapaligiran at maging sa


mga gawaing pang-ekonomiya.
Uri nito:
a. Natural Disaster
Halimbawa
bagyo, lindol at pagputok ng bulkan.
b. Human Disaster
Halimbawa
digmaan at polusyon
3. Vulnerability – ang nakakaranas ng malaking posibilidad na maapektuhan.
Halimbawa
mga matatanda, bata, at buntis
mga bahay na gawa sa mahinang materyales sa panahon ng sakuna

4. Risk – inaasahang maaaring pinsala sa ari-arian at buhay sa pagtama ng kalamidad.


Uri ito
a. Human risk - panganib na dulot ng kalamidad sa tao;
b. Structural risk – panganib na dulot ng kalamidad sa bahay at gusali
5. Resilience – kakayahan ng pamayanan na harapin at muling makabangon sa epekto na
dulot ng kalamidad.

Dalawang Approach sa Pagtugon sa Hamong Pangkapaligiran

You might also like