Edited Boncocan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 26

VAGAMUNDAS, INDOCUMENTADAS, AT MUJERES PUBLICAS: MGA BABAENG

SANGKOT SA KRIMEN SA MAYNILA SA HULING HATI NG IKA-19 NA


DANTAON

Rhina Alvero-Boncocan
Kagawaran ng Agham Panlipunan, Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas Los Baños

Panimula
Habang nananaliksik sa Pambansang Sinupan para sa isang proyektong
pangkasaysayan, natagpuan ko ang ilang dokumento mula sa bungkos na tinaguriang Presos
na nagtataglay ng talaan ng mga dinakip ng Guardia Civil Veterana at inihapag ang kaso sa
Gobierno Civil bilang mga indocumentado sa Maynila noong taong 1892. Sa isang talaan na
may petsang Agosto 30, 1892, tatlumpu’t apat (34) ang hinuli at labing-apat (14) sa kanila ay
mga kababaihan. Makikita sa dokumento na ang mga hinuli ay pinawalang sala din matapos
magpakita ng kanilang mga cedula personal bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan. Sa
isa pang talaan, tig- apat (4) naman ang bilang ng mga babae at lalaking inakusahan ng
pagiging indokumentado. Ang malaking bilang ng mga babaeng nahuli bilang
indokumentado sa mga natagpuang dokumento ang nakahikayat sa akin na tingnan ang
pagkasangkot ng mga kababaihan sa mga gawaing tinaguriang krimen o pagkakasala laban sa
pamahalaang Kastila noong huling hati ng ika-19 na dantaon.
Layunin ng papel na tingnan ang mga kababaihang nasakdal at tinaguriang mga
vagamunda, indocumentada, at mujer publica. Sinikap ilarawan ang mga babaeng natukoy
hindi bilang mga biktima ng krimen kundi mga lumabag sa batas, at kilalanin ang mga uri ng
pagkakasala o krimen na karaniwan nilang kinasangkutan. Sinikap ding ipaliwanag ang
katangian ng mga paglabag sa batas sa konteksto ng kolonyal na kaayusan na umiral sa
panahong ito ng pananakop ng mga Kastila. Sa huli, naging layunin din ng papel na
makapag-ambag sa mga akdang historikal na nagpapalitaw sa karanasan ng mga kababaihan
sa kasaysayan.
Sa pamamaraan ng pananaliksik, gumamit ang papel ng pamamaraang
pangkasaysayan kung saan nangalap at nagsuri ng mga primaryang sanggunian gaya ng
opisyal na dokumentong Presos na mula sa Pambansang Sinupan ng Pilipinas. Ang mga
bungkos ng dokumentong ito ay may tala ng mga datos mula sa mga ahensyang nagpatupad
ng batas at nangalaga sa kaayusan o katahimikan ng mga pamayanang kolonyal gaya ng
Guardia Civil Veterana o Cuerpo de Vigilancia Publica; mga ahensyang nagpataw ng
hustisya gaya ng Juez de Paz; at nagsilbing piitan ng mga kinilalang nagkasala sa batas gaya
ng Carcel Publica de Manila o Carcel de Bilibid. Ipinahayag sa mga dokumento kung ano
ang itinuring ng estado na gawaing kriminal; ang pamamaraan ng pagpapanatili ng angkop na
kaaymausan sa loob ng mga pamayanang kolonyal gaya ng pueblo; at ang papel ng iba’t
ibang institusyon gaya ng simbahan at pamahalaang lokal sa pagpapanatili ng nasabing
kaayusan. Subali’t marami ring limitasyon ang mga dokumentong Presos bilang sanggunian.
Kulang sa lalim ang mga dokumento sa mga detalye ukol sa krimen, gayundin hindi lahat ng
detalye ng pagkakakilanlan ng mga nasakdal ay kasama sa lahat ng mga dokumento. Para sa
mas malalimang pag-aaral, mainam na saliksikin at sundan ang mga kaso sa Asuntos
Criminales ngunit dahil sa kakulangan ng panahon at pagkakaroon ng limitasyon sa

1
pananaliksik sa mga sinupan dala ng pandemya, maaari itong gawing kasunod na hakbang
upang higit na mapalalim ang pananaliksik. Dagdag pa, ang Presos ay mga opisyal na
dokumento, may natural na pagkiling sa pananaw ng awtoridad at nagsilbing repleksyon ng
kolonyal na pananaw hinggil sa mga batas at parusa. Ang mga dokumento ay sumalamin sa
kamalayan ng mga dayuhang mananakop na gumamit ng batas bilang kasangkapan para
mapatahimik ang kanilang sakop sa kaayusang itinakda ng estado – kung ano ang tama o
maling gawain.

Pananaw sa Krimen o Paglabag sa Batas


Ang pag-aaral ng krimen o paglabag sa batas ay tiningnan ng ilang mga iskolar na
nakakawing o kaugnay sa pag-aaral ng lipunan. Ang pagtakda ng kung ano ang gawaing
kriminal at sino ang mga kriminal ay nahuhubog ng dominanteng ideolohiya at istruktura ng
kontrol sa isang lipunan. Ayon kay Bankoff, ang krimen ay isang penomenon sa lipunan at
may pananaw na ang mga istruktura sa lipunan mismo ang nagiging batayan o salik sa
kriminalidad (Bankoff 1996, 1-2). Sa isang banda, ang mga batas at ang sistema ng
pagpaparusa ay maaaring tingnan bilang pagtatangka ng estado na kontrolin ang lipunan. Ang
pag-aaral ng krimen kung gayon ay nakabatay sa ugnayan ng estado at ng indibidwal na
bahagi ng lipunan. Ayon sa conflict theory, ipinapataw ng elite o naghaharing-uri sa
nasasakupan o iba pang kasapi ng lipunan ang sariling pananaw o pag-unawa sa angkop na
pagkilos upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan. Binubuo at pinapangasiwaan ng
naghaharing-uri ang mga batas kaya’t sumasalamin ang mga ito sa kamalayan ng matataas at
makapangyarihan sa lipunan. Tiningnan naman ang krimen sa teoryang Marxista bilang
resulta ng kapitalismong pag-unlad. Ang mga batas ay nagsisilbi sa interes ng naghaharing-
uri at bawat pagkilos na nagsisilbing panganib sa interes nito ay itinuturing na gawaing
kriminal (Bankoff, ibid.).
Sa pananaw naman ng ilang historyador ng kasaysayang panlipunan, maaaring uriin
sa dalawang kategorya ang krimen: ang “social crime” at “predacious crime” (Antony 1989,
138). Itinuturing ang social crime bilang resulta ng rebelyon, pakikilaban o bilang mga
kolektibong estratehiya para makaligtas mula sa kahirapan (Lea 1999,307). Maaaring ihanay
sa mga social crime ang smuggling o palihim na pag-angkat ng mga produkto, poaching o
ilegal na paghuli ng hayop at isda, riot o kaguluhan/sigalot, mga pagkakasalang karaniwang
hindi itinuturing ng taumbayan bilang kriminal, at sa halip ay isinasagawa na may aktibong
partisipasyon ng komunidad. Ang predacious crimes naman ay mga gawaing ipinagbabawal
ng estado at itinuturing din ng taumbayan na mapaminsala, gaya ng pagnanakaw, pandurukot,
panggagahasa, panununog at pagpatay (Hay 1975 mula sa sipi ni Antony, ibid., 13-16).
Ilang elemento o katangian ang maaaring maglarawan sa mga social crime: una, ang
paglabag sa batas bilang isang anyo ng protesta (Lea ibid., 308). Para kay Hobsbawm, ito ay
isang “malay o halos pulitikal na hamon sa namamayaning kaayusang pulitikal at panlipunan
at mga halagahin nito…” (Hobsbawm 1972 mula sa sipi ni Lea ibid., 5) Ang pagkakaroon ng
suporta ng komunidad sa gawain ng lumalabag sa batas ang ikalawang katangian. Maaaring
tahasang tulungan o kaya naman ay manahimik ang taumbayan upang mapigilan ang paghuli
sa lumabag sa batas. Ang ikatlo ay ang paggiit ng mga dating gawain na hindi itinuturing na
ilegal o kriminal ng taumbayan sa tradisyunal na kaayusan ng ekonomiya at sa halip ay
itnuturing na karapatan bilang alternatibong pagbabahagi o pantay na distribusyon ng kita

2
(Lea ibid.). Maaaring halimbawa dito ang pagpupuslit ng ilang bahagi ng inaning pananim
ng pesante o magsasaka na tinitingnan bilang karampatang bahagi ng kita sa kanyang
pagtatrabaho. Sa huling element, hindi naging malinaw ang hangganan sa pagitan ng social
crime at predacious crime. Masalimuot ang usapin kung kailan ba ang krimen ay
nagsisilbing protesta o pakikitunggali sa mga may makapangyarihan at hindi na lamang
simpleng paglabag sa batas para sa pansariling interes (Ibid.). Marahil, maaaring isulong ang
ideya ng social crime kung titingnan ito bilang reaksyon sa lumalawak na pagsasantabi o
marginalization ng maraming grupo o sektor sa lipunan, at sa malaganap na kawalan ng
karapatan at kapangyarihan ng taumbayan na makilahok sa ekonomiya, pulitika at lipunan.
Dahil hindi pa malay sa mas organisadong pagkilos o pakikipaglaban, ang mga krimen ay
maaaring tingnan bilang mga reaksyon o pakikipagtunggali pa rin sa mga may
kapangyarihan.
Ang mga gawaing kagaya rin nito ang tinagurian ni James Scott (1985) na “weapons
of the weak” o “sandata ng mga mahihina” na tumutukoy sa mga nasa mababang uri sa
lipunan, karaniwang wala o limitado ang kapangyarihan at pribilehiyo sa lipunan. Itinuring ni
Scott na mahalaga ang pagtakas bilang isang paraan ng paglaban na ginagamit ng mga kasapi
ng mababang uri sa mga pagkakataong hindi sila makapagpahayag ng kanilang paglaban.
Ayon kay Scott (Ibid., xv) ang pagtakas at iba pang paraan ng pag-iwas ay ginamit ng mga
mababang uri sa lipunan na hindi nabibigyan ng pagkakataon na lumahok sa mas hayag at
organisadong mga pagkilos o gawaing pulitikal. Karaniwang mas mapanganib para sa mga
ordinaryong mamamayan ang pagsanib sa mga kilusan na naglalayong mag-alsa at
maglunsad ng rebelyon. Para kay Scott, sang-ayon siya sa pahayag ni Hobsbawm na kahit
may pagkakataon, higit na interesado ang mga nasa mababang uri na gumamit ng ibang
estratehiya sa loob ng namamayaning sistema sa halip na baguhin ang mga istruktura at
institusyon sa lipunan gaya ng batas at estado (Ibid.). Dahil limitado ang mga karapatan at
karaniwang nakararanas ng opresyon, ang pagtakas ang nagsisilbing paraan ng
pakikipaglaban ng mas nakakarami sa mababang uri sa sa loob ng isang kaayusang mapanikil
at hindi makatarungan. Tinawag ito ni Scott na “everyday forms of… resistance,” ang
karaniwan at palagiang pagpupunyagi ng mga nasa mababang uri laban sa mga sumisikil at
nagpapataw ng sari-saring imposisyon gaya ng pagtatrabaho, buwis, at renta (Ibid., xvi). Anu-
ano ang mga sinasabing sandata ng mga grupong walang kapangyarihan at mahina o weapons
of the weak and powerless? Kasama dito ang: pagpigil o pagpapabagal sa mga itinakdang
gawain, pagtakas o pag-iwas, maling pagsunod, pandurukot, pagkukunwaring walang alam,
pang-iinsulto at panloloko, panununog at pagsabotahe. Itinuturing itong mga uri ng
pakikilaban na may ilang katangian: hindi nangangailangan ng koordinasyon, paghahanda o
pagpaplano, gumagamit ng mga di-pormal na ugnayan, maituturing na paraan ng pagligtas sa
sarili at umiiwas sa tuwiran o direktang pakikitunggali sa awtoridad o maykapangyarihan.
Para kay Scott, ang mga nasabing gawain ay naging bahagi ng ideolohikal na pakikilaban ng
mga mababang uri sa gahum o hegemony (pamamayani ng ideolohiya) ng mga naghaharing
uri (Ibid., 314-318). Ang pagtakas at pag-iwas ay nagsilbing ideolohikal na pagsuway, mulat
na pagtangging sumunod sa mga indibidwal, grupo o institusyong nagtataglay ng
kapangyarihan at awtorisadong magpatupad ng mga batas o patakaran (Ibid., 1985, xv-xvi).
Ang mga indibidwal na kilos ng pag-iwas at pagtakas ay maaaring sumira at magpabuway sa
anumang layunin ng mga maykapangyarihan at naghaharing-uri.

3
Krimen at Kababaihan
Ang usapin ng krimen o kriminalidad sa mahabang panahon ay karaniwang
itinuturing na gawaing dominado ng mga kalalakihan kaya’t kaunti lamang ang
pagtatangkang maunawaan at maitala ang karanasan ng mga kababaihan. Bagama’t higit ang
bilang ng mga lalaking nasasangkot sa krimen sa lipunan, hindi rin dapat kaligtaan o isantabi
ang karanasan ng ilang kababaihan hindi lamang bilang mga biktima ng krimen kundi bilang
nagsagawa ng mga gawaing itinuring na labag sa batas o kaayusan (Walklate 1995). Ang mga
kababaihan ay kabilang sa lipunan, nakiki-ugnay sa iba’t ibang sektor sa loob ng lipunan sa
pang-araw-araw nilang buhay at naaapektuhan ang kanilang karanasan ng iba’t ibang
institusyon sa lipunan. Kung kaya’t maaaring sabihin na mahalagang bahagi rin ng buhay ng
mga babae ang penomenon ng krimen - maaari silang masangkot dito bilang biktima o
mismong maygawa nito. Kailangang pagtuunan ng pansin ang usapin ng pagkasangkot ng
babae sa krimen upang higit na maunawaan at mabuo ang mas malapit na karanasan ng mga
kababaihan sa kasaysayan.
Upang maunawaan ang ugnayan ng penomenon ng krimen at kababaihan, sinikap
gumamit ng perspektibang nakapokus sa kababaihan at sensitibo sa usapin ng kasarian (Tong;
Scott 1996; Driscoll, K. and J. McFarland 1998). Nakasalalay ito sa ilang batayang kaisipan:
una, ang pananaw na ang karanasan ng mga kababaihan ay mahalagang paksa sa kasaysayan.
Pundamental dito ang ideya na ang pagiging babae ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang
indibidwal na tingnan at unawain ang iba’t ibang aspeto ng daigdig at pagiging tao sa iba’t
ibang panahon sa paraan at pananaw na valid o makatotohanan at maaaring maging isang
batayan ng kaalaman. Pangalawa, tinitingnan na ang kasarian o gender ay isang mahalagang
kategorya sa pag-aanalisa ng lipunan kaugnay ng iba pang mga salik gaya ng uri, lahi,
etnisidad at iba pang isyung kultural. Pangatlo, ang perspektibang sensitibo sa kasarian ay
naniniwala na ang mga kababaihan ay sistematikong naisantabi o naging marginalized sa
lipunan at sa kasaysayan. Sa mga naunang akdang historikal, di tinatanggap na may
mahalagang papel sa pagbubuo ng kasaysayan ang mga babae at malinaw na sistematikong
nakaligtaan o mali ang representasyon sa karanasan ng mga kababaihan bilang indibidwal at
bahagi ng lipunan. Di kinikilala ang kanilang ambag sa paggawa, kultura at kaalaman;
gayundin ang kanilang kasaysayan at interes pampulitika. Kaya’t nangangailangan ng
alternatibong perspektiba na magpapalitaw sa tunay na buhay at karanasan ng mga
kababaihan sa mga bagong salaysay at kasaysayan (Ibid.)
Ayon sa peministang pananaw, ang kriminalidad ay dapat isakonteksto sa kalagayang
sosyo-kultural ng lipunan. Upang maunawaan ang krimen sa kababaihan, dapat tingnan ang
patriyarkiya at kapitalismo at ang kanilang epekto sa pagkilos ng babae. Narito ang inilahad
ni Messerschmidt sa kanyang teoretikal na balangkas sa pag-aaral ng krimen:

My socialist feminist understanding of crime had two premises: first, to comprehend


criminality (of both the powerless and the powerful), we must consider simultaneously
patriarchy and capitalism and their effects of human behavior. Second, from a socialist
perspective, power (in terms of gender and class) is central for understanding serious forms
of criminality. It was theorized that the powerful (on both gender and class spheres) do the
most critical damage to society. Further, the interactions of gender and class creates
positions of power and powerlessness in the gender/class hierarchy, resulting to different

4
degrees of criminality and varying opportunities for engaging in them (cited by Walklate
ibid., 47).

Ang Vagamundo at Indocumentado Bilang ‘Taong Labas’


Sa kabuuan ng panahon ng pananakop ng mga Kastila, nagkaroon ng iba’t ibang
reaksyon ang mga Pilipino sa kolonyal na dominasyon. Nariyan ang tuwirang pakikipaglaban
na makikita sa mga pag-aalsang naganap sa loob ng higit sa tatlong-daang taon ng
pananakop. Ngunit marami ding pagkakataon na ang mga katutubong Pilipino ay hindi
tuwirang nakihamok o nakipaglaban, sa halip ay nagtangkang umiwas o tumakas mula sa
dominasyong kolonyal. Ilan sa mga naging katawagan sa mga katutubong tumakas mula sa
kaayusang kolonyal ay ang mga taguring indocumentado at vagamundo. Ang katagang
indocumentado ay binigyang kahulugan ni Gealogo (1994, 25) bilang “kawalan ng tala bilang
katibayan ng pagkamamamayan.” Ang pagtatala o dokumentasyon ay isang pangunahing
paraan ng estadong kolonyal para pangibabawan o saklawin ang mga komunidad na nais
nilang masakop, halimbawa ang mga padron o listahan ng mga nabinyagan sa relihiyong
Katolisismo, ng mga magtatrabaho sa sapilitang paggawa o polos y servicios, o talaan ng mga
nagbabayad ng tributo o buwis ay mga patunay ng saklaw at kapangyarihan ng estado sa
kanyang mga sakop. Kapag hindi nakatala ang isang indibidwal sa mga listahan ng mga
sakop, nangangahulugang may kalayaan ang indibidwal mula sa mga ipinapataw na
patakaran ng mga Kastila. Kung gayon, ang pag-iwas o pagtakas sa pagkabilang o pagkatala
ay maaaring tingnan bilang pag-iwas o pagtakas sa sistema ng pangingibabaw o
kapangyarihan ng estado (Cruikshank, 2017, 6-8).
Ang salitang vagamundo naman ay nangangahulugan ng pagiging lagalag o pagala-
gala, kawalan ng permanenteng tahanan o pagiging palaboy (Gealogo, Ibid., 30). May
kaugnayan din ang katagang ito sa indocumentado dahil sa gaya ng una, umiiwas din ito sa
pagpapatala kaya’t walang permanenteng tirahan o lumalaboy. Ayon kay Gealogo, binigyang
kahulugan ito sa mga diksyunaryo ng palaging paglalayas kaya’t maaaring sabihing
tumatakas o humihiwalay sa karaniwang mamamayan na nakatala sa mga listahan ng
naninirahan sa isang lugar o komunidad na nasasakupan ng pamahalaan o estado (Ibid.).
Bunga ng kawalan ng kakayahang saklawin ng estadong kolonyal ang mga
indocumentado at vagamundo, itinuring sila bilang mga taong-labas – labas o hiwalay sa
saklaw ng kaayusan o pamumuhay na itinalaga at pinangasiwaan ng estadong kolonyal. Para
kay Gealogo (1990, 127), ang mga taong labas ay “nakibaka sa pamamagitan ng
pakikipagtunggali sa labas ng diskurso ng kapangyarihang kolonyal.” Ang pananatili nila sa
labas ng pueblo ay pakikilaban o pakikitunggali sa kapangyarihan ng dayuhang mananakop
dahil hindi sila nasaklaw o napangibabawan ng kaayusan na ipinapatupad ng estado o
pamahalaan. Dahil lumalabas, tumatakas o umiiwas sa saklaw ng kapangyarihang kolonyal,
itinuring din sila bilang mga taong lumalabag sa batas o gumagawa ng krimen. Ang mga
batas ang nagtatakda ng mga pamantayan ng maayos o mabuting pamumuhay na nais
ipatupad ng estado kaya’t ang mga taong hindi sumusunod sa batas ay itinuturing na
kriminal.
Para kay Galang (325), Itinuring ng pamahalaang kolonyal na mapanganib ang mga
vagamundo o palaboy, mga walang permanenteng trabaho at nalululong sa bisyo dahil sila
din ang kadalasang lumalabag sa batas. Ipinapalagay din ng awtoridad na maaari silang

5
makiugnay sa mga tulisan o bandido na malinaw na kinilalang kaaway ng pamahalaan. Sa
kanyang pag-aaral ng mga Tsino, ang krimen ng bagansya o pagiging vagamundo ay sakdal
laban sa mga Tsinong walang dokumento ng pagkakakilanlan at lumalaboy o gumagala sa
mga kalye, walang trabaho at permanenteng tahanan. Itinuring silang mapanganib dahil sa
kanilang kahirapan, may tendensyang gumawa ng ilegal na gawain. Karaniwang lasing,
basagulero o sanggano, sila rin ang karaniwang inaakusahan ng pandurukot o pagnanakaw ng
mga ordinaryong pangangailangan sa araw-araw na pamumuhay gaya ng pagkain at damit o
anumang bahagi ng kanilang bisyo - sigarilyo o alak (Ibid., 329).
Subalit kung susundan ang ideya o konsepto ng social crime, maaaring ituring ang
pagiging indocumentado at vagamundo bilang reaksyon sa malawakang pagsasantabi o
marginalization ng mga uri o sektor sa lipunan, at sa laganap na kawalan ng karapatan at
kapangyarihan ng karaniwang mamamayan. Samantala, may kaunting reserbasyon si
Gealogo sa paglalahat sa pagturing sa mga lumabag sa batas o gumawa ng krimen bilang mga
lehitimong nakitunggali o nakilaban sa kaayusang kolonyal. Aniya, dapat maging maingat
ang mga nananaliksik sa pagtiyak sa katangian ng paglabag sa batas upang maging malinaw
kung kailan ito maaaring ituring na kabayanihan sa konteksto ng mga kilusang masa at
lampas sa pagiging isang suliraning panlipunan (ibid., 1994, 31). Marahil, angkop balikan
ang sinabi ni Scott na ang mga paglabag sa batas gaya ng pagtakas o pag-iwas ay maaaring
maging mga paraan ng ideolohikal na pagsuway, ekspresyon ng mulat na pagtangging
sumunod sa mga institusyong may kapangyarihan at may kakayahang magpatupad ng mga
mapanupil na batas o patakaran. Ang pag-iwas at pagtakas ay maaaring sumira at magpahina
sa kapangyarihan ng naghaharing-uri na ipinapalagay na mapanupil at hindi makatwiran.

Pagpopook: ang Maynila at mga Arrabales


Tiningnan ang mga datos sa krimen sa Maynila at sa mga karatig-lugar nito na
tinawag na mga arrabales. Ang mga arrabal ay tumukoy sa mga lugar na suburban sa
paligid ng Intramuros na siya namang nagsilbing sentro ng pamahalaan, kalakalan, relihiyon
at kultura sa Pilipinas sa kabuuan ng pananakop ng mga Kastila. Ang Maynila ay binuo ng
Intramuros (pamayanan sa loob ng pader) at noong 1859, idinagdag dito ang Binondo, Sta.
Cruz, Trozo, Quiapo, San Miguel, Sampaloc at Tondo bilang mga arrabal; at noong 1884,
isinama rin ang San Fernando Dilao, Ermita at Malate (Camagay 1992,2-3).
Mahalagang talakayin ang kontekstong sosyo-ekonomiko at pulitikal sa Maynila sa
huling hati ng ika-19 na dantaon upang magsilbing pook sa pag-aaral ng krimen sa mga
kababaihan. Maraming pagbabago ang naranasan ng Pilipinas, laluna ng Maynila sa
panahong nabanggit. Pinakamahalaga sa mga pagbabago ang naganap sa larangan ng
ekonomiya na nagsimula pa sa huling hati ng ika-18 dantaon: una, ang pag-unlad ng mga
komersyal na pananim (cash crops) gaya ng tabako, abaka, asukal at kape para sa kalakalang
panluwas (export economy) (Abinales at Amoroso, 2005, 76-77). Ang produksyon ng mga
produktong agrikultural ay lalo pang nagbukas sa kolonya sa pandaigdigang kalakalan at
nagkaroon ng pagbukas ng mga daungan. Ang Maynila at mga arrabales ay naging ganap na
sentrong komersyal – nagsilbing daungan ng mga barkong dayuhan mula sa Tsina at India,
Ingles at Amerikano at tinayuan ng mga pabrika o pagawaan, opisina at maging tahanan ng
mga mayayamang negosyante (Caoili, 1999, 40-41 na hango sa Abinales, ibid., 79).

6
Maraming dayuhang korporasyon ang nagnegosyo sa pagluluwas ng mga produktong
agrikultural at maging pagbabangko (Corpuz, 1989, 458-461).
Lumaki ang populasyon ng Maynila, umabot sa 50,000 ang populasyon nito noong
1810 at lalo pang lumobo noong 1896 sa 196,769 (Camagay, Ibid., 94). Ang paglaki ng
populasyon ay nagmula sa paglawak ng migrasyon sa lungsod mula sa mga kalapit na
probinsya ng Batangas, Bulacan, Cavite at Laguna na siya ring nagdadala ng maraming
produktong kinakailangan ng mga naninirahan sa Maynila. Lumipat sa lungsod ang mga tao
para humanap ng oportunidad sa trabaho at negosyo. Halimbawa, ang pagbubukas ng mga
pabrika o pagawaan ng sigarilyo at tabako sa Maynila ay nagbukas ng pagkakataong
makapagtrabaho sa maraming kababaihan sa Maynila (Ibid., 100-101). Ang iba naman ay
lumipat sa Maynila bunga ng paghina ng mga negosyong naapektuhan ng importasyon ng
mga produkto mula sa labas gaya ng tela mula sa Inglatera. Pinahina nito ang tradisyunal na
paghahabi noong 1850s at matapos ang 1865 sa lugar gaya ng Iloilo kaya’t lumaganap ang
migrasyon ng mga kababaihan patungo sa Maynila (Doeppers, 1998, 150).
Naganap din ang pagluluwag sa patakaran na nag-alis ng mga restriksyon sa
pangangalakal, paninirahan at pagnenegosyo sa Pilipinas ng mga Tsino. Ang pagbubukas ng
mga daungan (Iloilo, Sual at Zamboanga), pagtatatag ng mga bangkong pag-aari ng mga
dayuhang mangangalakal ang nagtulak sa maluwag na patakaran sa mga Tsino na kinailangan
ng mga dayuhang mangangalakal upang maging tagapamagitan sa mga dayuhan at katutubo.
Naging atraksyon din ang pagluluwag sa mga karapatang makakuha ng mga kontrata sa
monopolyo, karapatang gumamit ng propesyon, magmay-ari ng mga lupain at makapagmana
(Wickberg, 2000).
Nagkaroon din ng pagbabago sa paraan ng pagmamay-ari ng lupa bunga ng
komersyalisasyon ng agrikultura. Tumaas ang halaga ng lupa at nagsilbing batayan ng yaman
ang malalawak na lupain o hacienda. Nakinabang ang mga nagmay-ari ng mga malalaking
lupain gaya ng mga ordeng relihiyoso at mga grupong mestizo (mestisong Kastila at Tsino)
na nagsilbing inquilino at ang iba naman ay tuluyang nakapag-may-ari ng mga lupain (Roth,
1977). Habang nakinabang ang ilang uri at lahi sa mga pagbabago sa ekonomiya, nanatili
naman ang kahirapan ng mga pesante at karaniwang manggagawa sa bukid. Maging ang mga
dating garantiya ng pagtangkilik at tulong upang sumapat ang kabuhayan (patronage) na
inaasahan ng mga magsasaka at pesante mula sa mga may-ari ng lupa ay unti-unting nawala
at napalitan ng lumalalang kondisyon ng mga pesante at manggagawa sa mga lupain (Dery,
ibid., 132). Higit pa ngang dumami ang dumanas ng kahirapan dahil sa pagtaas ng insidente
ng pag-agaw sa mga lupain at paglaganap ng pangungupahan sa lupa (tenancy) dahil sa
paglawak ng sistemang pacto de retroventa o sanlang-bili (Abinales, ibid., 80-81).
Bagama’t naganap ang mga pagbabago sa mga rehiyon, pangunahin namang
naramdaman ang epekto ng mga pagbabago sa ekonomiya at lipunan sa Maynila, bilang
sentro ng kalakalan, pamahalaan, at simbahan sa Pilipinas. Naging tirahan din ng iba’t ibang
lahi at grupo kabilang na ang mga Kastilang peninsulares, insulares, mestisong Kastila at
Tsino, iba pang banyaga, katutubo at Tsino. Sa Intramuros at mga arrabales ng Tondo,
Binondo, Quiapo at Sta. Cruz nakiugnay ang mga katutubo sa mga banyaga at kapwa
katutubo, ugnayang nakabatay sa pagkakaiba ayon sa uri at di maiiwasang magbunga ng
tensyon o tunggalian sa lipunan gaya ng krimen (Camagay, ibid., 39-40).

7
Sa obserbasyon ni Bankoff, kaakibat ng urbanisasyon ang mga suliraning panlipunan
gaya ng krimen. Ang bilang ng krimen sa Maynila ay halos limang beses ang paglaki noong
1840 at doble naman noong 1883 kumpara sa buong kapuluan (ibid., 19). May ilang
paliwanag si Bankoff dito. Sinabi niyang maaaring ito ay bunga ng naging mas mahusay na
pagtatala ng krimen sa mga sentrong urban kaysa mga pook na rural, o kaya naman ay bunga
ng mas epektibong kapulisan na mas maraming nahuli sa loob ng nasabing panahon. Noong
1868, inorganisa ang Guardia Civil. Nagkaroon din ng pagbabago sa sistemang penal sa ika-
19 na dantaon: nagtayo ng kulungan sa mga bayan at probinsya para sa mga krimeng mababa
ang parusa samantalang ang Bilibid at Fort Santiago ay itinakdang kulungan para sa mga
krimeng may mas mataas na parusa (Ibid., 129-138). Subali’t malinaw na dahil sa mas
malaking bilang ng populasyon sa mga sentrong urban gaya ng Maynila, mas malaki rin ang
bahagi nito sa bilang ng mga krimeng naganap.
Sa usapin naman ng pananatili ng kaayusan at katahimikan sa loob ng lipunang
kolonyal, malinaw na malaki rin ang pagpapahalagang ibinigay ng kolonyal na estado dito sa
panahong pinag-aaralan. Ang mga batas ay ginamit upang paghiwalayin ang iba’t ibang lahi
at grupo sa loob ng lipunan at ang sistema ng hustisya ay inorganisa ayon sa interes ng mga
makapangyarihang lahi at uri sa lipunan. Ang iba’t ibang institusyon sa lipunan ay itinatag
upang magsilbing bantay ng estado na nagpalawak ng kontrol sa malaking bahagi ng pang-
araw-araw na buhay ng mga tao (Ibid.).
Sa ika-19 na dantaon, naging pangunahing papel ng estado ang pangangalaga ng
kaayusan at katahimikan sa lipunan. Halimbawa, nagbuo ang pamahalaang kolonyal ng mga
institusyong nangalaga at nagpanatili ng katahimikan sa lungsod. Naatasan ang mga opisyal
ng Ayuntamiento de Manila ng tungkuling administratibo at superbisyon. Nangalaga naman
sa kapayapaan ng Maynila (Intramuros at mga arrabal) ang Servicio de Vigilancia Publica na
itinatag noong 1860 (Camagay, 1992, 69-73). Sinubaybayan ang pagkilos ng mga taga-
lungsod laluna ang mga katutubo at mga Tsino na bumuo ng malaking bahagi ng populasyon
sa Maynila.
Malaganap naman ang tungkulin ng Guardia Civil Veterana na itinatag noong 1872.
Itinalaga sila upang mangasiwa sa maraming gawain ng pagpapanatili ng kaayusan kasama
na ang pamamahala sa kalinisan ng pamayanan, pagseseguro na may permiso ang pagtatayo
ng mga bahay, pangangasiwa sa trapiko at maging ang pagtitiyak na disente ang bihis at kilos
ng mga tao (Ibid., 69-70).
Minanmanan din ng Guardia Civil ang mga katutubo at Tsino sa Maynila. Isinagawa
ito sa pamamagitan ng pagtala o pagrehistro ng mga namamasukan bilang utusan o criado/a,
kusinero/a, kutsero at iba pa sa mga kabahayan ng mga Kastila. Bunga ito ng malaking
pangamba ng mga Kastila sa posibleng masamang gawain ng mga katutubo. Ang pagsuway
sa utos ng amo, pag-alis ng walang paalam o paglayas, at paggala sa lungsod sa dis-oras ng
gabi ay mga gawaing hindi sinasang-ayunan dahil sa pangambang kakabit ng mga ito ang
gawaing kriminal (Bankoff, ibid., 36-39).
Samantala, kaakibat din ang simbahan at relihiyon sa pagpapanatili ng kaayusan sa
mga pamayanan kasama na ang Maynila. Hinikayat ng mga taong simbahan ang kamalayang
pasibo (pagsasawalang-kibo) at pagiging mapagkumbaba upang mapangalagaan ang
kaayusan sa lipunan. Kabilang din dito ang pagtakda ng “tamang pag-uugali” ng mga
kababaihan, halimbawa, tahasang ipinahayag ang tama at angkop na sistema ng moralidad at

8
halagahin para sa mga kababaihan sa Urbana at Feliza, isang babasahing nagtakda ng tamang
pagkilos ng mga babae noong huling hati ng ika-19 na dantaon (Eviota, ibid., 60-61).

Ang Kalagayan ng Kababaihan sa Maynila at Buong Pilipinas sa Ika-19 na Dantaon


Simula pa lamang sa unang dalawandaang taon ng pagsasailalim sa mga Kastilang
mananakop, nakaranas na ng kahirapan ang kalakhan ng populasyong kababaihan. Ayon kay
Eviota (1992, 38-42), bilang bahagi ng populasyong sakop, ang mga babae ay kasamang
dumanas ng mga imposisyon mula sa mga Kastila gaya ng pagbabayad ng tributo at iba pang
buwis, sapilitang paggawa at mga personal na serbisyong ibinigay sa mga korporasyong
relihiyoso, at sapilitang pagbebenta ng mga produkto sa mga Kastila. Bagamat bilang mga
indibidwal ay hindi tuwirang nagbabayad ng buwis ang mga babae, sila ay napilitang
magtrabaho upang umangkop sa mga quota na nakatalaga para sa produktong kailangang
sapilitang ipagbili sa mga Kastila at nanilbihan sa simbahan bilang mga manggagawa sa mga
hacienda. Nagbigay din sila ng maraming serbisyo sa mga korporasyong relihiyoso gaya ng
paglilinis at pangangalaga sa mga probisyon sa kumbento (Ibid.).
Ang sapilitang paggawa na ipinatupad sa mga kalalakihan ay nakaapekto rin sa
kalagayan ng mga babae bilang kasapi ng komunidad. Naiwan sa kamay ng mga babae at
bata ang paggawa sa bahay at pagtatanim sa bukid bunga ng pag-alis ng mga lalaki upang
sapilitang magtrabaho. Ang mahabang panahon ng pagkawala ng mga lalaki ay nangahulugan
ng paghina ng produksyon sa agrikultura kaya’t nakaranas ng maraming panahon ng
taggutom, bagay na nagdulot ng matinding kahirapan para sa mga kababaihan at kabataan
(Ibid.).
Sa Maynila, na nagsilbing sentro ng pamahalaang kolonyal, komersyo at simbahan,
karaniwang nanirahan ang mga Kastila. Tumigil dito ang mga opisyal ng pamahalaan,
simbahan at mga mangangalakal na nasangkot sa Kalakalang Galyon, kalakalang sumentro sa
pagluluwas ng mga produkto mula sa Tsina papuntang Europa sa pamamagitan ng Mexico.
Naging maunlad ang Maynila at mga arrabales na nakapaligid dito kaya’t nasangkot din sa
paggawa ang mga kababaihan. May mga nagsilbi bilang mga katulong, mananahi o
labandera para sa mga kumbento at mga bahay ng Kastila at Tsino sa mga arrabal. Ang iba
naman ay nasangkot sa prostitusyon dahil halos walang babaeng Tsino sa Pilipinas sa
panahong kolonyal (Camagay, 1995).
Bukod sa Maynila, ilan pang sentro ng komersyo ang umusbong bunga ng kalakalaan
ng mga Tsino na dumami ang bilang sa kolonya dahil sa Kalakalang Galyon at sa interyor.
Maraming kababaihan sa mga karatig probinsya ng Maynila ang naging tagahabi ng mga tela,
banig, basket at sombrero. Sa Bulacan, Batangas, Tayabas at Bikol, gayundin sa Kabisayaan
gaya ng Iloilo, laganap ang industriya ng paghahabi at may malaking papel ito sa kabuhayan
ng mga kababaihan (Eviota, ibid., 42-43).
Malaki rin ang epekto ng kolonyalismo sa kamalayan ukol sa kasarian at sa papel ng
lalaki at babae sa lipunan. Namayani ang kaisipang patriyarkal na nagbigay ng higit na halaga
sa papel ng kalalakihan sa lipunan at kulturang kolonyal. Tiningnan ang mga babae bilang
mababa o inferior, mahina at walang kakayahang makisangkot at maging produktibo sa mga
mahalagang institusyon sa lipunan gaya ng pulitika, kalakalan at simbahan. Mababa rin ang
pagtingin sa kakayahang paggawa ng mga babae at unti-unti ay pinaniwalaang ang papel ng
mga kababaihan ay ang mangalaga lamang sa tahanan (Ibid., 44-45).

9
Kasama ang iba’t ibang uri o sektor sa lipunang kolonyal, dumanas din ng mga
pagbabago ang mga kababaihan sa huling hati ng ika-19 na dantaon. Nang nagbago ang
kalakaran sa agrikultura mula sa pagiging katutubo tungo sa komersyalisasyon nito at
konsentrasyon sa pananim na iniluluwas (cash crop for export) at naging laganap ang
ugnayan ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig, ang mga kababaihan ay kasamang nakilahok
sa nagbabagong pambansang ekonomiya. May mga pag-aaral na nagpatunay ng maraming
babae ang kalahok sa komersyal na agrikultura sa huling dantaon ng kolonyalismong Kastila.
Kasama sila sa pagtatanim at produksyon ng mga komersyal na produkto gaya ng tabako,
abaka at asukal (Ibid., 47-54).
Ang pagtatayo ng monopolyo sa tabako noong 1781 ay nagbigay daan sa malawakang
pagtatanim nito (De Jesus, 1980). Kinailangan ang intensibong pasasagawa sa pagtatanim ng
tabako at mahaba ang panahong ginugugol sa pag-aalaga nito kaya’t ang mga babae at mga
bata ay naging mahalagang bahagi ng pagtatanim. Bagama’t ang paghahanda sa lupang
tatamnan ay papel ng kalalakihan, ang mga sunod na gawain sa pagtataniam, pag-aalaga at
pag-ani ay pinaghatian ng lalaki at babae o kalakhan ay isinagawa ng mga babae. Sila ang
nagtanggal at nangalaga sa mga dahon laban sa peste habang lumalaki ang pananim. Kapag
nahinog na ang mga dahon, kasama sila sa anihan, pagpapatuyo at pagpili ng mga dahon
ayon sa kalidad nito (Eviota, ibid., 47-49).
Matapos ilipat mula sa taniman tungo sa mga pabrika na gumagawa ng sigarilyo at
tabako, ang mga gawain ng pagpoproseso ay halos dominado rin ng mga kababaihan. Sa
Maynila, may apat na pabrika ng tabako at isa naman sa Kabite at kalakhan ng mga
manggagawa dito ay mga babae. Libo-libong babae ang naging mga cigarrera dahil apat sa
limang pabrika ay puro babae lamang ang tinanggap bilang mga manggagawa. Ayon kay
Camagay (ibid., 5) may 1,000-1,500 manggagawang babae sa Fabrica de Arroceros, 8,000 sa
Fabrica de Fortin, 6,000 sa Fabrica de Meisic, at 2,000 sa Fabrica de Cavite. Naniwala ang
mga Kastila na mas angkop na manggagawa sa pabrika ng tabako ang mga kababaihan dahil
mas masikap at pasensyoso kaya’’t hindi madalas magkamali. Mas mapagkakatiwalaan din at
tapat ang mga babae at may obserbasyong mas mababa ang tendensiyang mangupit o
magnakaw (Ibid.).
Sa unang pagkakataon, nakilahok ang mga babae sa gawaing nakaorganisa ayon sa
sistema ng produksyong kapitalista. Nagkaroon ng mga assembly line na naghati sa mga
espesipikong gawain sa prodduksyon, may regular na oras ng trabaho at nasa ilalim ng
regular na pamamahala at inspeksyon (Eviota, ibid., 48-49). Ayon din sa ilang pag-aaral, ang
kalagayan sa paggawa ng tabako at sigarilyo ay lubhang mahirap at natiis lamang marahil ng
maraming kababaihan dahil sa mahigpit na pangangailangan sa kabuhayan. Maraming babae
ang nangahas pumunta at lumipat sa Maynila at mga arrabal upang mamasukan sa pagawaan
ng sigarilyo dahil sa paghahanap ng mas magandang kabuhayan (Doeppers at Xenos, 1998).
Halos pareho din ang naging kalagayan ng mga kababaihan sa pagtatanim at
produksyon ng abaka. Naging pangunahing interes ng mga komersyanteng Amerikano ang
pagluluwas ng abaka noong ika-19 na dantaon dahil sa pangunahing pangangailangan ng
materyal para gumawa ng lubid na ginamit sa mga barko. Dagdag pa, naging pangunahing
materyal din sa paggawa ng mga tela na karaniwang ginamit ng malaking bahagi ng
populasyong katutubo kaya’t nakakawing din sa produksyon ng abaka ang industriya ng

10
paghahabi. Naging sentro ng pagtatanim ng abaka ang rehiyon ng Bikol at kasamang
nakilahok ang mga kababaihan sa produksyon.
Ang pagtatanim mismo ay kalimitang gawain ng mga lalaki dahil hindi ito gaanaong
nangailangan ng intensibong pag-aalaga ngunit nasangkot pa rin ang mga babae sa pag-aani
at pagproseso nito. Mga babae ang karaniwang nagpuputol ng katawan ng puno, nagbabalat
at naghihimay ng laman upang maging mga hibla at saka tinutuyo upang magamit na sinulid.
Ang paghahabi naman ay karaniwan ding gawain ng mga kababaihan. Ipinahayag sa mga ulat
na may halos 19,000 babae ang mga manggagawa sa industriya ng paghahabi sa Albay, halos
40–45 bahagdan ng populasyon ng mga kababaihan noong 1870 (Eviota, ibid., 49-51).
Samantala, hindi kalaunan ay naapektuhan ang produksyon ng abaka ng lumalawak
na komersyalisasyon sa ekonomiya. Nahikayat ang mga Tsino at mestisong mangangalakal
ng maunlad na kalakalan upang mag-angkat ng tela at iba pang produkto na naging
kakompetensya ng lokal na habing tela. Sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, unti-unting
bumagsak ang industriya ng paghahabi bunga ng kompetisyon ng mga inangkat na mga
telang hindi hamak na mas mura kaysa lokal na produkto. Dagdag pa, bagamat malawak ang
naging industriya ng paghahabi sa unang bahagi ng dantaon, mas maliit naman ang kita ng
mga babae kung ihahambing sa kita ng mga kalalakihan sa produksyon ng abaka. Bunga ng
mababang kita, kailangang dagdagan ang pinagkakakitaan ng mga babae. Nagtinda ng mga
produktong agrikultural gaya ng tabako at telang yari sa ibang materyal ngunit gaya ng
paghahabi, higit na maliit ang kita sa mga hanapbuhay na ito (Ibid.).
Habang lumawak ang agrikulturang nakabatay sa mga komersyal na pananim,
nagkaroon din ng pagbabago sa produksyon ng mga pangunahing tanim gaya ng palay.
Nagbago rin ang paraan ng pagmamay-ari ng mga lupain at lumawak ang pangungupahan sa
lupa na tinawag na sistemang inquilinato (Corpuz, 1989, 418-421). Sa kalakarang ito, ang
mga katutubong principalia at mga mestisong Tsino ay nangupahan ng malalaking lupain
mula sa mga korporasyong relihiyoso na nagmamay-ari ng mga hacienda at hinati-hati sa
maliliit na bahagi ng lupa na nasa ilalim ng produksyon ng mga casama o manggagawa sa
bukid. Bunga ng pag-unlad ng ekonomiyang nagluluwas, nakinabang rin sa agrikultura at
kalakalan ang mga inquilino. Sa katunayan, ang iba ay nagkaroon din ng pagkakataong
bumili ng mga lupain. Noong ika-19 na dantaon, may mga pag-aaral din sa paglawak ng
sistemang pacto de retroventa o sanlang-bili na naging paraan ng pangangamkam ng lupa ng
ilang mestizo. Nawalan ng karapatan sa pag-aari ng mga lupain ang maraming maliit na
maylupa dahil sa pagkakautang na gamit ang kanilang lupa bilang prenda o kolateral sa utang
(Corpuz, ibid.)
Kabahagi din ang maraming kababaihan ng mga pamilyang nakaranas na mawalan ng
maliit na lupain o naging mga manggagawa sa bukid bunga ng konsentrasyon ng malalawak
na lupain sa kamay ng ilang hacendero at pagtaas sa halaga ng lupa. Nagbunsod ito ng
kahirapan sa mga kasama o manggagawang bukid at sabay sa paglaki ng populasyong rural
ang paglaganap ng kahirapan sa maraming kababaihan. Kinailangan ng mga babae na
humanap ng iba pang hanapbuhay at ang ilan ay nangahas lumipat sa Maynila at iba pang
sentrong urban upang magtrabaho.
Kaakibat ng komersyalisayon at pag-unlad ng ekonomiya ang paglaki ng bilang ng
mga gawaing nagbibigay ng serbisyo gaya ng pagsisilbi bilang mga criada o katulong,
costurera o mananahi at lavandera sa mga taga-lungsod. Ayon kay Doeppers at Xenos (ibid.,

11
149-150), isang-kapat na bahagi ng populasyon ang naging bilang ng mga migrante sa
Maynila at kalakhan sa kanila ay mga babae. Ang pagkakaroon din ng malaking bilang ng
mga Tsino at dayuhang lalaki na walang asawa sa lungsod ay nakahikayat sa maraming babae
na tumigil sa Maynila upang sila ay makasalamuha (ibid.) Sa isang pag-aaral, nabanggit na
marami sa nasangkot sa prostitusyon ay mga babae mula sa rural na populasyon na naging
migrante sa Maynila dahil sa nawalan ng magulang o nangailangang dagdagan ang kita ng
pamilya dahil na rin sa pagbabago sa kabuhayan sa interyor gaya ng pagbagsak ng industriya
ng paghahabi at kawalan ng lupang sakahan (Ibid.).
Sa kabuuan, ang mga kababaihan ay malawakang naapektuhan ng mga pagbabago sa
ekonomiya at lipunan noong huling hati ng ika-19 na dantaon bilang mga magbubukid,
maghahabi, tindera at manggagawa sa mga pabrika. Nagsilbi rin sila sa mga pamamahay ng
iba’t ibang lahi bilang mga katulong, mananahi at labandera. Bahagi ng pagbabago ang unti-
unting pagbaliwala o kawalan ng halaga ng mga gawain ng mga kababaihan bunga ng
komersyalisasyon sa ekonomiya at paglaganap ng patriarkiya na nagbigay-diin sa papel ng
lalaki sa produksyon. Ang mga gawaing produktibo ng mga babae ay naging sekundaryo,
pana-panahon at hindi permanente. Gayundin ang mga kababaihang manggagawa ay nalimita
sa mga gawaing tinitingnan bilang angkop sa mga gawain ng babae. Nagkaroon ng stereotype
hinggil sa usapin ng kababaihang paggawa ayon sa namayaning kamalayan ng lipunang
kolonyal.
Para sa maraming babae, ang buhay sa ika-19 na danataon ay isang mahabang
panahon ng pakikipagsapalaran upang matugunan ang mga batayang pangangailangang
pansarili at ng kanilang mga pamilya. Ang integrasyon ng ekonomiya ng Pilipinas sa
pandaigdigang pamilihan ay nakapagbago sa buhay ng mga kababaihan. Isa sa mga
pagbabagong ito ay ang kanilang pagkasangkot sa kriminalidad.

Resulta ng Pananaliksik: Ang Vagamunda at Indocumentada sa Maynila sa Huling Hati


ng ika-19 na Dantaon
Itinakda ng kolonyal na estado ang mga gawaing maituturing na kriminal o lumalabag
sa batas. Para sa Maynila, kalakhan ng mga ito ay ang mga gawaing maaaring makagambala
sa katahimikan o kaayusan ng lungsod mula sa mabigat na pagkakasala gaya ng pagpatay
hanggang sa kaliit-liitang bagay gaya ng hindi tamang pagparada sa sasakyan, paliligo sa
pampublikong lugar, pagtatapon ng tubig sa bintana at hindi pagdidilig ng harap ng bahay sa
hapon (Camagay, ibid., 161-163).
Ayon kay Bankoff, nagkaroon ng mga kategorya o pag-uuri ng krimen ayon sa
katangian ng mga pagkakasala: 1) krimen laban sa katauhan (crimes against person) na
tumukoy sa iba’t ibang uri ng pagpatay, pananakit, pagpatay ng sanggol o aborsyon; krimen
laban sa pag-aari (crimes against property) kabilang ang pagnanakaw, pandurukot, estafa o
panloloko, pagnanakaw ng hayop, panununog at paninira ng pag-aari; krimen laban sa estado
(crimes against state) gaya ng sedisyon, pagkasangkot sa riot o kaguluhan, illegal na
asosasyon o pagsapi sa ipinagbabawal na grupo, pagdadala ng armas, pagtakas,
panghuhuwad, hindi pagbayad ng buwis, kontrabando, palsipikasyon ng dokumento at
pagnanakaw ng pondo ng pamahalaan; at krimen sa moralidad (crimes against morality) na
kabilang ang pakikiapid o adultery, bigamiya, panggagahasa, pang-aakit ng menor de edad,
eskandalo, incest, pagkakaroon ng maraming asawa at prostitusyon (Bankoff, ibid., 20-28;

12
Camagay, ibid., 163-164). Maaari ding idagdag ang iba pang krimen na hindi mai-uri sa mga
naunang kategorya maliban sa pagturing dito na maling gawain o misconduct ayon sa estado.
Halimbawa dito ang hindi pagdidilig ng harapan ng bahay sa tanghali (na nagdudulot ng
maalikabok na paligid), pagiging indokumentado o hindi pagdadala ng katibayan ng
pagkilala, pagsusugal, at iba pa.
Sa pag-aaral ni Bankoff, pinakamalaki ang bilang ng mga krimen sa pag-aari. Halos
kalahati ng kasong kriminal noong huling hati ng ika-19 na dantaon ay may kaugnayan sa
pagnanakaw. Samantala, ang mga krimen laban sa katauhan ay halos dalawampung (20)
porsyento ng kabuuang bilang ng kaso at karamihan dito ay kaso ng pagpatay. May
obserbasyon din si Bankoff na karaniwang nagaganap ang krimen kapag nakainom. Para
naman sa mga krimen laban sa estado, ang pamahalaang kolonyal ay nakakita ng panganib sa
mga simpleng pagkakasala gaya ng bagansya at pagtakas sa pagbabayad ng buwis o sedula
personal dahil sa paniniwalang ang mga gumagawa nito ay ayaw magpailalim sa
kapangyarihan ng estado na maaaring malapit sa gawaing kriminal gaya ng kontrabando,
pagnanakaw o maging panunulisan (Bankoff, ibid., 24). Samantala, maliit na bahagi ng
krimen ang mga pagkakasala na may kaugnayan sa moralidad. Marahil ito ay bunga ng
personal na katangian ng pagkakasala, maaaring hindi lahat ng krimeng naganap ay naiuulat
sa pulisya. Sa Maynila, pinakamarami ang bilang ng kaso ng prostitusyon at eskandalo.
Sumipi ang pag-aaral mula sa orihinal na 10 bungkos ng mga dokumentong Presos at
may naitalang 96 na kababaihan ang nasangkot sa mga krimen sa loob ng panahong sakop.
Pinakamarami ang nasakdal at nakulong sa salang bagansya (vagamunda) o pagiging
indocumentada (30), sumunod ang nasangkot sa iba’t ibang kaso ng pagnanakaw (13),
kasama na ang pandurukot o rateria. Walong (8) kababaihan naman ang may kaso ng
prostitusyon at ang apat sa mga ito ay kinasuhan din bilang indocumentado. Sumunod ang
kaso ng panggugulo, pakikipag-away o eskandalo sa matao o pampublikong lugar (6). Kung
iaayos ayon sa uri ng mga krimen, maaaring itala ng ganito:

Krimen sa Krimen sa Krimen laban Krimen sa Iba pang


katauhan pag-aari sa Estado Moralidad Krimen
Pagpatay Pagnanakaw Insureksyon (4) Eskandalo (6) Pagtakas ng
[homicidio] (1) [hurto] (13), katulong (2)
kasama ang
pandurukot
[rateria],
pagnanakaw ng
alahas at pera
Pananakit (4) Estafa (2) Panghuhuwad Prostitusyon (8), Pagtakas sa
ng pera (1) kasama dito ang pamilya gaya ng
isang (1) kaso ama o asawa (2)
ng pakikiapid sa
iba habang may
asawa o gumawa
ng immoral na
bagay sa
13
pampublikong
lugar
Panloloko (1) Panghuhuwad Hindi pagbayad
ng dokumento ng sweldo sa
(1) katulong (2)
Panunulisan (1) Hindi
pagbabayad ng
buwis o
indocumentado
(30)
Pagtago at
pagtulong sa
masamang loob
(1)

Pinakamarami ang bilang ng mga babaeng nabansagan at nasakdal bilang vagamunda


at indocumentada. Ang vagamunda ay tumutukoy sa babaeng lagalag, pagala-gala o palaboy,
walang permanenteng trabaho o tirahan. Sa mga dokumentong opisyal, inuugnay din ang
katagang ito sa mga babaeng may masamang gawain o pamumuhay (de mal vivir o
malhechor) kaya’t minsan ay kaugnay ito sa prostitusyon. Ang indocumentada naman ay
tumutukoy sa mga babaeng walang dokumentasyon ng pagkakakilanlan; maaaring hindi
nagbabayad ng buwis o sedula na itinakda ng batas upang magsilbing paraan ng
pagkakakilanlan ng mga lehitimong mamamayan sa loob ng bayan o pueblo. Sa ibang
pagkakataon, iniuugnay din ang katawagang ito sa isang indibidwal na tumatakas sa batas o
sa pagkabilanggo. Karaniwang hindi nagdadala ng mga papeles na maaaring magbigay ng
pagkakakilanlan ang mga indocumentada upang umiwas sa panghuhuli ng mga alagad ng
batas. Halimbawa, ang mga babaeng naggagala sa dis-oras ng gabi at hindi nagdadala ng
dokumento ng pagkilala ay iniuugnay sa salang prostitusyon. Maaari rin silang sangkot sa iba
pang krimen kaya’t hindi nagdadala ng katibayan ng pagkakakilanlan. Itinuring din silang
may tendensiyang gumawa ng krimen dahil sa kanilang kalagayan sa buhay na malapit sa
kahirapan at kawalan ng permanenteng trabaho. Ang mga katawagang mujer publica, at
prostituta ay mga katawagan para sa mga babaeng sangkot sa prostitusyon. Ayon kay Dery
(1991, 477), marami pang katawagan ang ikinakabit sa mga babae na nasasangkot sa
prostitusyon, ilan dito ay ang mujer libre o malayang babae, at mujerzuela na tumutukoy sa
mga mura o mababang uri ng babae.
Sa mga naitalang dokumento ng Presos, makikitang karamihan sa mga babae ay
hinuli at isinakdal sa salang bagansya (vagamunda) o indokumentasyon (indocumentada)
dahil sa paggala sa mga publikong lugar kung dis-oras ng gabi o dahil sa paggawa ng imoral
na gawain sa publikong lugar. Sina Fausta Liwanag, Dominga Villegas at Romana Relujera
ay ikinulong sa Carcel Publica ng Maynila noong Hulyo 1887 dahil sa pagiging
indokumentada at prostituta (Presos, 4, n. d. (1887). Si Maria Quilatan, isang india o
katutubong babae na naninirahan sa Taguig ay hinuli dahil sa paglalakad ng dis-oras ng gabi
na walang dalang dokumento o katibayan ng pagkilala sa Pateros noong Marso, 1893,

14
samantalang si Bernarda de la Cruz Costavello ay hinuli kasama ang isang Tsino dahil sa
imoralidad (Presos, 1895, 1958: 23-28; 1893, 142).
Sa isang dagdag na dokumento na huling nakita ng pag-aaral, malaki ang bilang ng
kababaihan na kasama sa listahan na nakasaad sa ulat ng Comandante Jefe ng Seccion de
Guardia Civil Veterana sa Maynila noong 14 Enero 1892 (Presos, 1892, 297-301). Nakatala
ang pangalan ng mga taong itinuturing na may masamang gawain o hanapbuhay, walang
pagkakakilanlan at walang disenteng trabaho sa Intramuros at sa mga arrabales noong Enero
1892. Sa 283 na nakalista, 176 ang mga kalalakihan samantalang 107 ang mga babae. Kung
tutuusin, maituturing na itong malaking bilang dahil sa 38% ng mga sinasabing lumabag sa
batas ay mga kababaihan. Sa talaan, iniugnay ang mga sumusunod na paglabag sa mga
panuntunan ng maayos na pamumuhay sa pagiging indocumentado at vagamundo:

rufianos vagos y sospechosos sanggano, palaboy at kahina-hinala (sa ibang


diksyunaryo, tumutukoy din sa bugaw)
jugadores de oficio hanapbuhay ay pagsusugal
son jugadores y sin oficio alguna magsusugal at walang ibang trabaho
ratero mandurukot o magnanakaw
prostituta puta
vago y cabecilla de prostituta (bagamundo, palaboy, hampas-lupa) at
nagbubugaw ng puta
vago y jugador bagamundo at magsusugal
rateros la mayor parte tienen antecedentes may dating kaso ng pandurukot
Sin oficio conocido, viven del juego walang hanapbuhay, nabubuhay sa
pagsusugal
la rufianeria o alguna rateria pagiging sanggano o pandurukot
de mala conducta sin oficia se dedica a la may masamang gawain, walang hanapbuhay,
rateria y falsificacion de monedas falsas nagnanakaw o nandurukot at palsipikasyon o
panghuhuwad ng pera
vago y sin oficio, se dedica a la rateria y a la palaboy at walang hanapbuhay, nandurukot at
fabricacion de monedas falsas na paggawa ng huwad na pera
vagos, rufianes y se dedicando a la rateria palaboy, sanggano at nandurukot
no tiene oficio conocido y de malos walang trabaho at may dating masamang
antecedentes gawain
No tienen profesion ni oficio conocido dando walang propesyon o trabaho, sangkot sa
escandalo varias veces y son mujeres de vida maraming eskandalo at mga babaeng may
airada nakakagalit na buhay
vago palaboy o pagala-gala
sin oficio y mal vivir walang trabaho at masamang pamumuhay

Sa listahan noong 1892, makikita ang pangalan ng 106 na babaeng itinala ng Guardia
Civil Veterana mula sa iba’t ibang bahagi ng Intramuros, ang kalye kung saan sila
naninirahan, legal na klasipikasyon ayon sa kanilang lahi at ang dahilan ng kanilang
pagkahuli. Matutunghayan sa ibaba ang mga babaeng hinuli ng Guardia Civil:

15
Seksyon ng Klase/Uri Pangalan Kalye/Lugar Dahilan ng pagkahuli
Guardia ng Tirahan
Civil
Seksyon 1. India Januaria Cabañas Basco prostituta at masamang
Intramuros pamumuhay
India Remigia Driño Recoletos prostituta at masamang
pamumuhay
India Euriquera walang prostituta at masamang
Evangelista permanenteng pamumuhay
tirahan
Seksyon 2. Mestisang Susana Ogilve Yris walang hanapbuhay at
Sampaloc Ingles ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Maria Patiac walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Brigida de la Cruz walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Angela Huertas walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Martina Canlas walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Yrene Aguilar walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo walang
hanapbuhay at ilang
beses na nasangkot sa
eskandalo
India Jacinta Canlas walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Rafaela Huertas walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Andrea Austria walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Gertrudes Sanso walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot

16
sa eskandalo
India Clotilde Ramos walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Eugracia Ramires walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Sotera del Rosario walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Filomena Gamboa walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Rosalia Garcia walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Felisa de la Cruz walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Fausta Esguerra walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Macaria Vergara walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Tomasa Rosaura walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Marcela Canlas walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
India Dolores Ramos walang hanapbuhay at
ilang beses na nasangkot
sa eskandalo
Seksyon 3. India Juana ______ Zapa walang hanapbuhay at
Tondo (kerida ni Pablo masamang pamumuhay
Bal)
Seksyon 4. India Maria Aguilar Arranque Prostituta
Sta Cruz
India Brigida de Leon Arranque Prostituta
India Ramona Montano Arranque Prostituta
India Justa de Guzman Arranque Prostituta
India Maria de la Cruz Arranque Prostituta

17
India Maria Liuanag Arranque Prostituta
India Maria Gomes Arranque Prostituta
India Maria Caramelo Arranque Prostituta
India Macaria de la Cruz Arranque Prostituta
India Severa Dolores Arranque Prostituta
India Juana Crisostomo Arranque Prostituta
India Juana Perez Arranque Prostituta
India Victoriana Garcia Arranque Prostituta
India Maria Mallari Lacoste Prostituta
India Catalina Faustino Lacoste Prostituta
India Agustina de la Lacoste Prostituta
Cruz
India Maxima Mariñas Lacoste Prostituta
India Ynocencia Vargas Lacoste Prostituta
India Juliana Rivera Lacoste Prostituta
India Damiana Lacoste Prostituta
Sarmiento
India Juliana Castro Lacoste Prostituta
India Maria dela Cruz Gandara Prostituta
India Macaria de la Cruz Gandara Prostituta
India Olimpia Mariano Gandara Prostituta
India Andrea Lopez Gandara Prostituta
India Lorenza Vicente Gandara Prostituta
India Tomasa Cabigao Gandara Prostituta
India Hemogena Gandara Prostituta
Manansala
India Alejandra de la Gandara Prostituta
Cruz
India Yrene Gutierres Magdalena Prostituta
India Cornelia Trinidad Globo de Oro Prostituta
India Barcelisa Manuel Globo de Oro Prostituta
India Marcelina Globo de Oro Prostituta
Bondallan
India Eusebia Camag Globo de Oro Prostituta
India Eusebia de Jesus Globo de Oro Prostituta
India Valentina Ramos Globo de Oro Prostituta
India Agueda Fernandez Globo de Oro Prostituta
India Eulalia Consuelo Magdalena Prostituta
India Agapita de la Cruz Magdalena Prostituta
India Tomasa de General Prostituta
Ocampo Yzquierdo
India Rosa Esguerra Globo de Oro Prostituta

18
India Felipa de los Reyes Globo de Oro Prostituta
India Rufina Concepcion Globo de Oro Prostituta
India Carmen Ramos Globo de Oro Prostituta
India Apolonia de la Globo de Oro Prostituta
Cruz
India Matilde de la Cruz Globo de Oro Prostituta
India Ursula Manalo Globo de Oro Prostituta
India Faustina Navarro Gandara namamahala ng bahay
aliwan
India Regina Ortega Arranque namamahala ng bahay
aliwan
India Maxima Macalinao Arranque namamahala ng bahay
aliwan
India Juana Bartolome Arranque namamahala ng bahay
aliwan
India Gregoria Herrera Arranque namamahala ng bahay
aliwan
India Venancia Lorenzo Dulumbayan Prostituta
Seccion 5. India Agustina Reyes No. 13 may-ari ng bahay aliwan
Binondo Barcelona
India Agapita Francisco No. 63 may-ari ng bahay aliwan
Javoneros
India Sotera Almario No. 36 may-ari ng bahay aliwan
Barcelona
India Luisa Carinto No. 13K Prostituta
Barcelona
India Angela Capili No. 13K Prostituta
Barcelona
India Segunda Sala No. 13K Prostituta
Barcelona
India Epifania Villaseñor No. 13K Prostituta
Barcelona
India Felipa Candelaria No. 13K Prostituta
Barcelona
India Andrea de la Cruz No. 13K Prostituta
Barcelona
India Calixta de los No. 13K Prostituta
Santos Barcelona
India Francisca No. 63 Prostituta
Lumbang Javoneros
India Esperansa de la No. 63 Prostituta
Cruz Javoneros
India Juana Eugenio No. 63 Prostituta
Javoneros
India Silvestra de la Prostituta

19
Cruz
India Maria Feliciano No. 46A Prostituta
Elcano
India Fausta Ramos No. 46A Prostituta
Elcano
India Teresa Palara No. 46A Prostituta
Elcano
India Maria de la Cruz No. 46A Prostituta
Elcano
India Maria San Diego No. 46A Prostituta
Elcano
India Teresa Manalo No. 46A Prostituta
Elcano
India Sinforosa de la Prostituta
Cruz
India Petrona de los No. 11 P. Prostituta
Reyes Calderon
India Gregoria Alejandro No. 11 P. Prostituta
Calderon
India Eusebia Paltic No. 11 P. Prostituta
Calderon
India Sinforosa de los No. 11 P. Prostituta
Reyes Calderon
India Petrona Bantay No. 11 P. Prostituta
Calderon
India Rufina de la Cruz No. 11 P. Prostituta
Calderon
India Cayetana Angeles Real Paco Prostituta

Malinaw sa itaas na ang krimen laban sa moralidad ay may malaking bilang din ng
kaso ng mga kababaihan. Kabilang dito ang prostitusyon at eskandalo. Ayon sa pag-aaral ni
Camagay (1995, 99), ang prostitusyon ay binantayan ng mga Kastila noong ika-19 na
dantaon dahil sa banta ng paglaganap ng mga sakit. Ang panghuhuli ay naganap sa mga
mataong lugar sa Maynila. Sa talaan sa itaas, ang Sta. Cruz at Binondo ang may
pinakamaraming nahuli dahil sa mga pagkakasalang may kaugnayan sa prostitusyon – bilang
mga babaeng nagsisilbing prostituta o puta at nagpapatakbo o may-ari ng mga bahay-aliwan.
Ayon kay Dery (Ibid., 135), ang mga kalye ng Iris, Uli-uli, Balmes, Azcarraga, Meisic, Sta.
Elena, Arranque, Lacoste, Gandara, Salcedo, Camba, Elcano, Singalong, Bangbang, Herran
at San Marcelino ay nakilalang mga sentro ng prostitusyon. Makikita sa itaas ang ilan sa mga
kalyeng ito gaya ng Arranque, Lacoste, Gandara sa Sta. Cruz at Elcano, Barcelona at
Calderon sa Binondo. Sang-ayon si Camagay (ibid., 109) na kilala ang mga kalyeng ito na
pinaglalagian ng mga prostituta habang humahanap ng kanilang kliyente.

20
May mga kababaihan ding nasangkot sa kasong eskandalo. Ang pakikipag-away sa
isang matao o publikong lugar ay tiningnan din ng estado bilang masamang gawain dahil sa
panganib ito sa pagpapanatili ng kaayusan. Sina Maria de los Reyes at Maria Cleofas kasama
si Valentin Samson ay hinuli ng Guardia Civil dahil sa pag-aaway at eskandalo sa publikong
lugar noong Abril 1892 (Presos, 1893, 38:83). Ganito rin ang kaso ni Valculina Enriquez na
nakulong sa Carcel Publica ng Maynila dahil sa pakikipag-away noong Hunyo 1887.
Karaniwang may kaugnay na kaso ng pananakit at panggugulo ang mga nasasangkot sa
eskandalo. Si Feliciana de la Cruz ay ikinulong samantalang si Justa Saclolo naman ay
idinemanda ng kapwa india na si Tiburcia de los Reyes dahil sa pagkasugat ng mukha nito.
Si Magdalena Tigas naman ay isinakdal ng isang Tsino dahil sa mga palong tinamo nito sa
ulo (Presos, 1897, 1893).

Iba pang Krimeng Kinasangkutan ng mga Babae


Malaki din ang bilang ng kaso ng pagnanakaw sa mga kababaihan. Isang pananaw
hinggil sa krimen ang pahayag na ang isang lipunang dumaranas ng dislokasyon sa
ekonomiya ay mas apektado ng krimen sa pag-aari. Ang mga tao ay nagnanakaw upang
punuan ang kanilang mga pangangailangan (Bankoff, ibid., 16). May mga babaeng nagnakaw
ng maliit na halaga gaya ng alahas o pera. Si Demetria Garcia ay hinuli at kinasuhan ng
pagnanakaw ng alahas sa Puesto de Dilao noong Nobyembre 1890, samantala si Teodora
Guillermo ay naharap sa parehong kaso noong Setyembre 1894 (Presos, 1894, 6:53, 131-132;
1890, 38:54). Nahatulan naman si Joaquina Bongochea dahil sa pagnanakaw sa isang bahay
ng 4 na taon, 2 buwan at 1 araw na pagkabilanggo sa Bilibid (Presos, 1889, 12).
Ilan naman sa nakasuhan ng pagnanakaw ay mga katulong na tumakas sa kanilang
amo kaya’t ipinahuli sa salang pagnanakaw ng kanilang mga amo. Si Vicenta Aclan ay
inakusahan ng kanyang amo na nagnakaw ng alahas noong Setyembre 1894. Samantala, si
Toribia Pajali ay idinemanda ng kanyang amo na si Doña Maria Santos dahil sa pagnanakaw
ng damit matapos tumakas (Presos, 1894, 6:51, 60, 127-128). Si Fernanda Barcena ay
ikinulong ng Guardia Civil Veterana noong Hunyo 1891 dahil sa salang pagtakas at
pagnanakaw ng alahas at salapi ng kanyang amo na si Don Pedro Alvarez (Presos, 1879-
1891, 881). Maaaring ang mga kaso laban sa mga criada o katulong ay paraan ng kanilang
mga amo para gumanti laban sa pagtakas ng mga katulong mula sa bahay ng kanilang amo.
Karaniwang tumatakas ang mga katulong dahil sa pagmamalupit o paghihigpit ng kanilang
amo.
Isa pang krimen sa pag-aari na kinasangkutan ng mga babae ay ang estafa o
panloloko. Si Luisa Ynocencio ay nakulong sa Carcel Publica ng Maynila noong Agosto
1859 sa salang estafa samanatalang si Gregoria Legaspi ay idinemanda ni Rosa Camagin sa
Jusgado de Paz ng Intramuros at ni Mamerta Jaime sa Juzgado de Primera Instancia ng
Quiapo noong Agosto 1894 (Presos, 1859, 21-24; 1894, 1730).

Mga Dagdag na Obserbasyon


Mula sa mga nakalap na dokumento, maaari tayong magbigay ng ilang paunang
obserbasyon: una, karaniwang hindi gaanong mabigat ang mga kasong kinasangkutan ng mga
babae. Sa mga nakitang kaso, isa lamang ang nasangkot sa pagpatay (homicidio), gayundin
ang panunulisan o pagsali sa pagnanakaw ng isang grupong armado (robo en cuadrilla a

21
mano armada). Si Crisanta Ancasan na taga-Surigao ay nahatulang makulong sa Sta. Cruz,
Maynila ng sampung (10) taon dahil sa salang pagpatay noong Marso 1865. Hindi matiyak
kung ano ang dahilan ng pagpatay kaya’t hindi malinaw sa nagsaliksik kung makatwiran nga
ba ang ginawang pagkakasala o hindi. Samanatala, inirekomenda ang pagpapatapon kay
Crisanta sa Isla ng Balabac dahil sa kanyang mabigat na kasalanan. Dumaranas ng matinding
kahirapan kapag ipinapatapon ang mga indibidwal sa mga malalayong lugar, lalaki o babae
man. Si Ysabel Malaca naman ay nasangkot sa krimeng panunulisan kasama ang dalawa (2)
pang lalaki (Presos, 1865,1859). May ilang paniwala na nakakasama lamang ang ilang
kababaihan dahil sa kanilang kaugnayan sa mga lalaking sangkot sa krimen, halimbawa,
maaaring asawa o kinakasama ang isa sa mga tulisan kaya’t kasama siya sa pagkilos nito.
Ikalawa, sa kabuuan maaaring masabing ang mga babae ay gumawa ng parehong uri o
kategorya ng krimen kung ihahambing sa mga kalalakihan ngunit nagkakaiba marahil sa
bigat at bilang ng sala. Karaniwang di mabibigat na krimen ang ginagawa ng babae,
halimbawa kaunti ang bilang ng pagpatay. Higit na marami ang pagiging palaboy o
gumagala sa dis-oras ng gabi (vagamunda, vaga) at pagiging indokumentada kaugnay ng
prostitusyon. Marami rin ang bilang ng pagnanakaw, pandurukot at eskandalo. Bunga marahil
ito ng lumalalang kalagayang pangkabuhayan ng mga babae sa gitna ng mga pagbabago sa
ekonomiya; at ang ikalawa ay nakabatay sa namamayaning pananaw ukol sa mga babae sa
lipunang kolonyal. Itinatakda ng pamahalaan at mga institusyong kaakibat nito ang angkop
na pag-uugali, gawain at kilos para sa mga babae at ang hindi pagsunod sa mga nasabing
panuntunan ay siyang naging dahilan ng kanilang paglabag sa batas at pagkasangkot sa
krimen.
Sino ang mga babaeng sangkot sa krimen? Ang mga detalyeng nakatala sa mga
dokumento ay tumulong sa paglalarawan sa mga babaeng nasangkot sa krimen. Higit na
malaking bilang ng mga babae ay katutubo o india. Sa unang 96 na nakatalang kaso sa
Presos, 92 ay mga katutubo o india, isa (1) lamang ang mestisang Kastila (mestiza española)
at ang isa (1) pa ay mestisang Tsino (mestiza sangley). Ang 2 pang dayuhan na naitala ay
walang detalye sa pagkatao subalit ang titulong doña, ang kanilang pagiging mga amo ng
mga katulong at ang paninirahan sa loob ng Intramuros (maaaring mga Kastila) ay mga
palatandaan ng kanilang mataas na estado o katayuan sa lipunan. Sa huling dokumento na
nagtala ng mga indokumentada at prostituta sa Maynila, isa (1) lamang ang naitalang
dayuhan na sangkot sa krimen. Si Susana Ogilve ay isang mestisang Ingles na nanirahan sa
Calle Iris sa Intramuros, walang naitalang hanapbuhay at ilang beses na nasangkot sa
eskandalo.
Samantala, ang mga india o katutubo ay bumubuo ng higit sa 90% ng populasyon,
karaniwang mahirap o nagdarahop, at nasa mababang uri sa lipunan. Sila din ang may
pinakamalaking bilang ng mga nasangkot sa kriminal na gawain. Hindi na rin naman dapat
pagtakhan ito dahil ang lipunang kolonyal ay malinaw na matinding nahahati ayon sa lahi at
uri. Ang kahirapan ay may direktang kaugnayan sa pagkasangkot sa krimen ng mga babae.
Mapapansing ang mga nasangkot sa prostitusyon ay may legal na hanapbuhay gaya ng
pagiging cigarrera, costurera o bordadera, criada, lavandera ngunit marahil sa kakulangan
ng kinikita upang matustusan ang kanilang pangangailangan maging ng kanilang pamilya,
pinasok nila ang prostitusyon. Sa mga pag-aaral, matutunghayan ang eksploytasyon ng
kababaihan sa paggawa dahil sa higit na mababa ang kita ng mga babae sa pabrika, sa

22
industriya ng paghahabi at sa mga bukid bilang kasama (Camagay, 1995, ibid., 127). Ayon
kay Dery (Ibid., 134), halos lahat sa kanila ay hindi marunong magbasa at magsulat, bunga
marahil ng kanilang kahirapan at limitadong edukasyon sa kolonya.
Mapupuna din na karaniwang walang asawa, biyuda o ulila ang kalakhan ng bilang ng
mga babaeng nasangkot sa krimen. Ang kanilang kahirapan at kawalan ng kapamilyang
maaaring tumulong sa kanila ang maaaring nagtulak sa kanila sa paggawa ng krimen. Dagdag
pa, marami sa mga babaeng nakasuhan ay mga migrante sa Maynila mula sa mga karatig-
probinsya gaya ng Batangas, Cavite, Bulacan o Laguna. May ilan ding mula sa malalayong
lugar gaya ng Nueva Ecija, Bataan at Surigao. Isang halimbawa si Margarita San Pedro na
isang sigarera, tubong Malolos, Bulacan ngunit nahuli ng ilang beses sa Maynila dahil sa
iba’t ibang sala: pagnanakaw, pagsusugal, eskandalo at prostitusyon. Siya ay 22 taong gulang
lamang at nang unang mahuli ay nakulong ng 10 araw noong Okt. 1882. Pinayuhan siyang
bumalik sa Malolos ngunit mukhang hindi ito sinunod dahil patuloy na nasangkot sa mga
krimen (Presos,1879-1891:361-383). Nakipagsapalaran sa lungsod ng Maynila upang
humanap ng oportunidad na makaahon sa kahirapan, sa halip, higit na masalimuot na
pamumuhay sa siyudad ang natagpuan ng mga kababaihan.
May ilang nasangkot din na mula sa uring mestizo. Si Doña Maria Reyes, isang
mestiza Española ay nakulong sa Bilibid dahil sa salang estafa. Nagpetisyon siya sa
pamahalaan habang nakapiit dahil sa kahirapan. Samantala, si Valentina Alejandrino ay isang
mestiza sangley na inakusahan ng pagiging indocumentada dahil sa paglalakad o paggala sa
kalye sa dis-oras ng gabi sa Binondo. Siya ay 16 taong gulang, nagtrabaho bilang cigarrera,
walang asawa at ulila na sa ina (Presos, 1880, 38: 23, 1-5). Kahit ang mga mestizo na
maaaring ituring na nasa panggitnang uri ay maaari ding makaranas ng kahirapan at
masangkot sa ilegal na gawain ng prostitusyon.
Natatangi naman ang kaso ng dalawang (2) Española na sina Doña Rita Vizmanos at
Doña Cristina Calderon na maaaring isiping nasa mataas na antas ng lipunan ngunit
nasangkot din sa mga kaguluhan at nakulong. Inireklamo sila ng kanilang mga katulong dahil
sa di pagbabayad ng suweldo sa mga katulong (Presos, 1894, bdl. 6, doc. 52 & 57, 129-130).
Makikita sa ilang pagkakataong gaya nito na unti-unting nagagamit ng mga katutubo ang
mga mapanupil na batas upang ipaglaban rin ang kanilang mga karapatan, tumungo sa korte
at kasuhan ang pang-aabuso ng mga amo.

Konklusyon
Sinikap ng pag-aaral na ilarawan ang karanasan ng mga babae na nasangkot sa
gawaing kriminal sa huling hati ng ika-19 na dantaon sa Maynila. Tinangkang ilarawan ang
grupo ng mga babaeng tila naiba o taliwas sa karaniwang imahe o katangian ng babae na
itinatakda ng mga halagahin sa lipunang kolonyal - ang pagiging kimi, tahimik o pasibo.
Bilang pangunahing pokus ng pag-aaral, sinuri ang mga tinaguriang vagamunda,
indocumentada at mujeres publica. Kakaiba ang mga babaeng ito dahil nagsagawa sila ng
mga kilos na taliwas sa itinatakda ng pamahalaan at mga institusyon sa lipunan na angkop
para sa mga kababaihan. Hindi naging pasibo at walang-kibo, sa halip, aktibong sinuway ang
mga itinalagang patakaran ng pamahalaang kolonyal.
Tiningnan ang mga uri ng krimen na kinasangkutan ng mga babae at tinangkang
ipakita ang kontekstong historikal ng pagkasangkot sa krimen ng mga babae. Malinaw na ang

23
mga pagbabagong dala ng komersyalisasyon, urbanisasyon at migrasyon, at ang pagbagsak
ng kanilang kalagayang panlipunan ang nagsilbing mga batayan ng naging pagkilos ng mga
babaeng nasangkot sa krimen. Isinagawa nila ang mga paglabag upang maibsan ang
kahirapan at opresyon na dinanas sa kanilang lipunan. Indibidwal na reaksyon man ang mga
ito upang iligtas ang sariling interes o kapakanan, nagkaroon ng kolektibong katangian dahil
namayani ang pakikitunggaling ito sa kanilang uri at lahi, habang nakiki-ugnay sa estadong
kolonyal at sa iba pang sektor o uri at sa lipunang kanilang ginalawan. Maituturing ba na
kolektibong pakikilaban o pakikipagtunggali ang pagtakas at pag-iwas sa mga batas ng
estado? Maituturing ba na social crimes o weapons of the weak. Kung susundan ang
kahulugan at katangian na inilatag ni Lea at Scott ukol sa social crimes at weapons of the
weak, masasabing ang mga paglabag sa batas ay reaksyon ng mga naisantabing grupo sa
Maynila. Bilang mga babae at katutubo sa isang lipunang nahahati sa mga uri at lahi at
nagbibigay lamang ng higit na pribilehiyo sa mga mataas na uri at may kapangyarihan,
masasabing naging kolektibong sagot ang krimen ng mga indibidwal na nasa mababang uri at
may limitadong kapangyarihan sa lipunan kung saan namayani ang mapanupil na mga batas
at parusa.
Dagdag pa, marahil ay hindi naiba ang naging karanasan ng mga kababaihan sa
kalakhang bahagi ng populasyong katutubo lalo na sa usapin ng kriminalidad. Lalaki man o
babae ay nasangkot sa krimen dahil sa mga nasabing kalagayang pangkabuhayan at
panlipunan: kahirapan o pagdarahop sa harap ng maraming pagbabago sa ekonomiya at
lipunan sa ika -19 na dantaon. Kasama sa karanasang ito ang pagkasangkot sa mga suliranin
ng lumalawak na urbanisasyon at ang penomena ng migrasyon at kahirapan. Kaakibat din
ang karaniwang kawalan ng kapangyarihan at karapatan sa loob ng lipunang lubhang
pinahahalagahan ang pananatili ng kapangyarihan ng mga naghaharing-uri. Kaya’t
magkakatulad din ang naging reaksyon at kasagutan ng mga kabilang sa mababang uri ng
lipunan upang labanan ang namamayaning interes ng naghaharing uri.
Subalit dahil mga babae ang paksa ng pag-aaral, naiba rin ang buhay at karanasan ng
mga kababaihan sa mga kalalakihan. Ang kanilang katayuan sa lipunan bilang mga babae ay
isa pang sapin ng diskriminasyon na kanilang dinanas bukod pa sa kanilang pagiging
kabilang sa isang uri o lahi. Mahihinuhang pamilyar ang ganitong mga tema hanggang sa
kasalukuyang kalagayan ng mga babae sa lipunang Pilipino. Bagamat ilang daang taon na
ang nakalipas, nananatiling mahalagang salik ang kahirapan at mga batayang suliranin sa
lipunan gaya ng kawalan ng hustisya at diskriminasyon ang nagtutulak sa maraming
masangkot sa krimen.

Mga Sanggunian
Abinales, P. N. and D. J. Amoroso. State and Society in the Philippines. Pasisg City: Anvil
Publishing, Inc., 2005.
Antony, R. “Peasant, Heroes and Brigands: The Problem of Social Banditry in Early 19 th
Century South China.” Modern China. 15: 2, April 1989, 123-148. Sage Journals.
https://doi.org/10.1177/009770048901500201.
Bankoff, G. Crime, Society and the State in the Nineteenth Century Philippines. Q.C.:
Ateneo de Manila University Press, 1996.

24
Camagay, M. L. Ang Kasaysayang Panlipunan ng Maynila, 1765-1898. Q.C.: M.L.
Camagay, 1992.
____________. Working Women of Manila in the 19th Century. Q.C.: University of the
Philippines Press, 1995.
Corpuz, O. D. The Roots of the Filipino Nation. 2 vols. Q.C.: Aklahi Foundation, 1989.
Cruikshank, B. “Autonomous Filipinos: How Colonial Subjects Carved out Realms of Self-
Driven Freedom While Formally Subject to Spanish Imperial Rule and Exactions,
1565-1898.”
https://www.academia.edu/32606476/Autonomous_Filipinos_How_Colonial_Subject
s_Carved_out_Realms_of_Self_Driven_Freedom_While_Formally_Subject_to_Spani
sh_Imperial_Rule_and_Exactions_1565_1898. 23 April 2017.
De Jesus, E. The Tobacco Monopoly in the Philippines: Bureaucratic Enterprise and
Social Change, 1766-1880. Q.C.: Ateneo de Manila University Press, 1998.
Dery, L. “Prostitution in Colonial Manila.” A History of the Inarticulate: Local History,
Prostitutiona and Other Views from the Bottom. Q.C.: New Day Publishers, 2001,
131-152.
Doeppers, D. and P. Xenos, eds. Population and History: The Demographic Origins of
the Modern Philippines. Q.C.: Ateneo de Manila University Press, 1998.
Driscoll, K. and J. McFarland. “The Impact of a Feminist Perspective on Research
Methodologies: Social Sciences.” Oral/Local Research in Women’s Role in
Philippine History and Nation Building. Manila: National Centennial Commission,
1998.
Eviota, E.U. The Political Economy of Gender: Women and the Sexual Division of
Labour in the Philippines. New Jersey: Zed Books, 1992.
Galang, J. A. Vagrants and Outcasts: Chinese Labouring Classess, Criminality and the
State in the Philippines: 1831-1898. PhD. Dissertation: Murdoch University, 2019.
Gealogo, Francis. “Ang mga Taong-Labas, ang Kabayanihan at ang Diskurso ng
Kapangyarihan at Kasaysayan.” Diliman Review. 38:1, 1990, 123-138.
_____________. “Hermeneutika ng Pakikitunggali: Ang Pagpapakahulugan sa Diskurso ng
Pakikibakang Panlipunan.” Philippine Social Sciences Review. Special Issue.
January-December 1994, 1-38.
Lea, J. “Social Crime Revisited.” Theoretical Criminology. 3:3, 1999, 307. Sage Journals.
https://doi.org/10.1177/1362480699003003003.
Presos. 1852-1879. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1852-1886. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1855-1897. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1857-1897. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1858-1898. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1862-1898. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1871-1897. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1879-1891. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1864-1899. Manila: National Archives of the Philippines.
______. 1880-1890. Manila: National Archives of the Philippines.
Roth, D. The Friar Estates in the Philippines. Albuquerque: University of New York
Mexico Press, 1977.
Scott, J. C. Weapons of the Weak: Everyday Forms of Resistance. New Haven and
London: Yale University Press, 1985.
Scott, J. W. ed. Feminism and History. Oxford: Oxford University Press, 1996.

25
Tong, R. Feminist Thought: A More Comprehensive Introduction. Second Editiion. San
Francisco: Westview Press, 1998.
Walklate, S. Gender and Crime: An Introduction. Great Britain: Prentice Hall, 1995.
Wickberg, E. The Chinese in Philippine Life 1850-1898. Q.C.: Ateneo de Manila
University Press, 2000.

26

You might also like