Professional Documents
Culture Documents
Esp 10 Quarter 4 Week 6 Las 1
Esp 10 Quarter 4 Week 6 Las 1
Esp 10 Quarter 4 Week 6 Las 1
Nilalaman
Isyung Pre-Marital Sex
Sa kasalukuyan, ang pakikipagtalik ay tila normal na lamang na ekspresyon ng pagmamahal para sa
mga kabataan. Subalit, ang gawaing ito ay hindi tama sapagkat ang pre-marital sex ay sagradong gawain ng
isang lalaki at babae na nasa wastong gulang na at nabasbasan na ng kasal upang bumuo ng sariling pamilya.
Ang pagkakaroon ng sekswal na ugnayan sa isang tao na hindi pa kasal ay nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa iyong sariling dignidad at sa iyong kapareha. Sapagkat ang gawaing ito ay maituturing na isang
paglalaro sa sekswalidad ng tao dahil wala itong komitment at wala pang kasalan na naganap.
Ang pre-marital sex ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto tulad na lamang ng pagbaba ng
iyong pagkatao, pagkakaroon ng anak sa murang edad o teenage pregnancy. Ayon pa sa Commission on
Population Development, lumubo sa pitong porsiyento ang teenage pregnancy noong taong 2019. Tinatayang
nasa 62,510 ang nanganak na batang ina na nasa 10 hanggang 14 taong gulang sa nabanggit na taon. Hindi
maitatangging ito ay resulta ng Pre-marital sex sapagkat ang mga ganitong edad ay hindi pa legal para sa kasal.
Ang mga kabataang ito ay wala pa kakayahang bumuo ng pamilya kung kaya nagiging dagdag pasanin ito sa
kanilang pamilya.
Ang problema sa pre-marital sex ay maaaring maiwasan kung magabayan at maturuan ng tama ang
mga kabataan sa paggawa ng tamang desisyon sa buhay
1. Dapat bang masangkot sa pre-marital sex ang mga kabataan kahit hindi pa kasal? Bilang isang kabataan,
ano ang pananaw mo dito?
________________________________________________________________________________________

2. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang maiwasang matukso sa gawaing pre-marital
sex?