Tagalog Intro Pagbasa Research

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pag bibisikleta ang isa sa mga bago at alternatinbong paraan ng transportation na

maaaring paglalakbay at pageehersisyo sa maayos na paraan, dagdag pa ang mas


siguradong malayo na mapupuntahan (kung ikukumpara sa nalalakbay gamit lamang ang
mga paa. (Moudon et al,2005). Kritikal ito sa mga bisikleta,na mas mahina kaysa
sa mga pedestrians sa pag gamit ng daan, ay dapat na mabigyang daan sa highway lalo
na sa mga rural na lugar. Bilang resulta, nakahiwalay na linya para mga bisikleta
ayndapat planuhin, para kaligtasan ng mga siklista.

Ang pagbibisikleta ay maraming magandang epekto sakalusugan ng tao at sa paligid.


Ngunit 41,000 ang binabawian ng buhay sa aksidente taon-taon. Ipinapakita nito ang
3% ng global traffic deaths. Marami sa kanila ang lumalabas ng bahay sa normal na
araw gaya ng pagpunta sa paaralan, trabaho o sa pakikipagkita sa mga kaibigan
ngunit di na nakabalik. Milyon-milyon pa ang mga taong napapahamak habang
nagbibisikleta at iba sakanila ay permanently disabled na. Ang mga insidenteng ito
ay
nagsasanhi ng paghihirap pati sa mga pamilya at kanilang mga mahal sa buhay.

Sa Greece, ang cycling ay ang pinaka karaniwang paraan ng transportasyon hanggang


1970's. Kamakailan lang, dahil sa kakulangan ng safety standards ay napwersa ang
maraming tao na gumamit nalang ng kotse sa transportasyon. Itong mga nakaraang
taon, nakita natin ang mga effort na ibalik ang pagbibisikleta sa buhay ng mga
tiga-
syudad. Ang unang cycling networks sa mga syudad sa Greece ay nagawa na matapos ang
mahabang mga delay, kung ikukumpara sa iba pang mga bansa sa Europe.
Nakita rin sa mga pagsasaliksik na medyo uso ang pagbibisikleta lalo na sa mga
maliliit na syudad sa buong mundo.

Ang mga syudad ay gumagastos na ng mas malalaking halaga sa pagpapaganda ng mga


daan at kalsada, lalo na sa mga medyo maunlad na lugar. Sa sentro ng syudad,
maraming kinakailangan. Ang Diversification ay itinataguyod sa maraming kabayanan
gaya ng paggamit ng mga alterntibong paraan ng transportasyon gaya ng paglalakad,
pagsakay sa mga pampublikong pampasaherong sasakyan at pagbibisikleta.

Sa ating national highways sa mga probinsya gaya ng La Union, ang main highway ay
para sa mga mabibilis na sasakyan, at ang outer lanes o mas kilala bilang shoulder
lanes, ay para sa mga mababagal na sasakyan gaya ng tricycles, motor, electric
bikes, tractors at mga bisikleta ay may ordinansa ay medyo naimplementa na ngunit
hindi pa ito gaanong nabibigyang pansin at di pa gaanong sinusunod ng mga motorista
dito sa ating probinsya lalo na dito sa ating bayan at ibang LGU's.

You might also like