Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Halos mahimatay naman ako sa bilis ng tibok ng puso ko. I don't understand myself why I feel this thing.

Hindi ba dapat matuwa ako? Dahil kahit papaano tila ba dumadali na ang mis'yon na ito para sa 'kin?
Munit bakit ganito, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit kabado ako?

Well maybe I was just nervous by the thought of the things he will do to me. Tsk!

Sino ba naman kasing hindi kakabahan sa ginagawa kong 'to?

I will make this guy fall for me na kani-kanina lang ay gigil sa akin dahil ang akala niya nilalandi 'yung
lalaking gusto niya. Nag-buntong hininga na lamang ako.

Agad na akong tumalikod roon dahil hindi ko na talaga kaya pang tiisin ang nerb'yos ko munit agad rin
akong nahinto ng may humigit ng aking braso. Agad kong hinarap 'yon at halos tumigil sa pagtibok ang
puso ko ng makita kung sino iyon.

What the hell I am feeling right now.

This is so eccentric for me.

"Saan ka pupunta?" ser'yosong tanong sa akin ni Blaize. Hindi naman ako naka-sagot agad. Pakiramdam
ko'y na-estatwa ang aking katawan at natutop ang aking bibig na dahilan kung kaya't hindi ako makapag-
salita.

"A-ah sa puso mo?" wala sa saring saad ko. Bahagya naman siyang natawa na siyang ikinakunot ng noo
ko. Patuloy pa rin sa pagkabog ng mabilis ang puso ko. 'Yung kabog na kulang na lamang ay mabutas ang
dibdib mo't lumabas mula rito ang puso mo?

Gano'n ang impact sa akin ni Blaize Razen Celerio.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili bakit ganito, e hindi ko naman siya gusto.

Takot at mission lang 'to.

Aja!

"The way is here, not there." ngising saad niya. Kakaiba ang ikinikilos niya. Matinis pa rin ang boses niya
munit may bahid ng kaunting pagkalalaki. Nangunot ang noo ko.

Hindi ba kanina ay galit siya sa akin? Munit bakit ganito? Bakit tila ba ni kahit senyales na ibabalibag niya
ako ay hindi niya magagawa?

DID I MADE HIM STRAIGHT ALREADY!?

Ang speed naman.

"H-ha? Sabi ko nga hehehe.." nahihiyang sagot ko. Napansin ko namang hindi pa rin niya binibitiwan
ang braso ko. Akmang hahawakan ko sana ang kaniyang kamay munit nauna na niyang alisin ito sa braso
ko. Nangunot naman ang aking noo.
"Balita ko crush mo raw ako? Totoo ba 'yon?" tanong niya sa baritonong boses habang derechong
naka-titig sa aking mga mata. Muli namang bumilis ang tibok ng puso ko't agad na nag-iwas ng tingin.

HINDI KO SIYA GUSTO!

I just can't do eye contacts because I feel like any moment I would turn into a jelly and collapse
immediately.

"Look at me..." malambing na aniya. Dahan-dahan ko naman siyanh tinitigan. Naka-ngiti siya munit
pakiramdam ko'y may kakaiba sa mga ngiti niya. I just can't specify his smile. Patuloy na rin kaming
kinakantyawan ng iba pa naming mga kaklase.

"Luna..." he called my name in a husky way and then smirked, "Back off, hindi tayo talo." he added
then left rapidly.

Naiwan naman akong tulala't hindi makapag-salita. Ampochi! Ayon na 'yon!? A-akala ko ba... napa-
straight ko na siya?! Epic fail ka, Luna!

Naiiling naman akong bumalik sa aking upuan habang patuloy pa ring iniisip ang kani-kanina lamang na
pangyayari. Tsk, akala ko naman magiging madali na ang mis'yon na 'to.

Tama nga ang mga sinasabi nila.

Maraming natutulala sa maling akala.

"Humopia ka 'no?" nanga-asar na tanong sa akin ni Abcdef. Hindi na lamang ako sumagot pa. Tsh, akala
mo naman siya hindi na humohopia pa roon sa ka-MU niyang ghinost niya dahil bata pa raw sila.

Syghden Brian Dela Vega yata ang pangalan.

"Atleast 'di ghoster..." natatawang asar ko sa kaniya. Napangiwi lamang siya't tibapik-tapik ang aking
balikat, "Iniiba mo ang topic, e... ayos lang 'yan ah?" kunwaring pag-alo niya sa akin.

"Tsh, kaga-ganiyan mo hindi na talaga kayo magkakabalikan ng Syghden mo na 'yan." saad ko.
Bahagya naman siyang natahimik kung kaya't naawa naman ako sa kaniya. Kaya ayoko mag-joke, e.

"Huy! Ayos ka lang? Sorry binanggit ko pa 'yung Syghden mo..." paghingi ko ng tawad. Nagtakha
naman ako ng kumunot ang noo niya, "Anong Syghden ka riyan? Iniisip ko lang kung magkano
nagastos ko ngayong araw. Diyan ka muna." saad niya saka kumuha ng calculator at nagsimula ng
magcompute.

I heaved a deep sigh and tried to think another ideas to make that guy straight in just 40 days. Munit
kahit anong isip ko'y walang pumapasok sa utak ko... o sadiyang wala lang akong utak? Lol, jk.
Pagtapos ng araw na 'to, 39 days na lamang ang meron ako. Or should I please Cody na bukas na lamang
mag-start? Nagbuntong-hininga naman ako.

Ampochee talaga. I thought this mission would be as easy as 1 2 3. As hard as 8 9 10 pala. Okay, maisy.

"Hoy, Luna! Hahaha! Kung ako sa 'yo, maghahanap na lang ako ng ibang crush. Tih! Wala kang pag-asa
ro'n hindi kayo talo non! Hahaha!" biglang tawag sa akin ni Tara. Katabi niya si Nazzlyn na as usual ay
tahimik lang. Kasama rin nila sina Lexi at Yatziri na tahimik lamang na naglalaro ng kung anong game.

I wonder bakit lagi silang magkakasama? Baka kasi bestfriends? Slow ka rin, self.

"Wala namang imposible..." saad ko, malakas namang natawa si Tara, "Kung magsusumikap. Bakit,
magsusumikap ka ba?" makahulugang tanong niya.

Hindi naman na ako naka-sagot pa ng may pumasok sa aming silid-aralan at saka nag-anunsiyo na uwian
na. Agad ko namang isinukbit ang bag ko sa aking balikat saka nagmamadaling lumabas. Hindi ko na
napansin pa si Blaize at hindi na rin ako nag-abalang hanapin siya. Dumerecho na agad ako sa room nina
Cody dahil baka iwanan pa ako ng lalaking 'yon.

Mas mainipin pa naman 'yon kesa sa babae.

Pagkarating ko sa room nila Cody ay nagd-discuss pa ang subject teacher niya. Malupit rin 'tong teacher
niya kahit pa uwian ay nagdidiscuss pa rin. Sana all malupit. Tumambay na lang muna ako sa tapat ng
room nila munit malayo sa pintuan nila mahirap na't makita ako ng teacher nila e masama pa ako sa
diskusyon nila.

Napatingin naman ako sa kalangitan, madilim na ito at tanging ang buwan na lamang ang nagsisilbing
ilaw sa kapaligiran kakaunti na lamang rin kasi ang bukas na ilaw dahil nga uwian na.

Yumuko naman ako't naghalumbaba sa may railings upang maiwasan ang inip na nararamdaman munit
bahagya naman akong nagulat ng aking makitang dumaan si Blaize sa ground na malapit lamang dito sa
room nina Cody sa third floor. Hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya, huminto sila malapit sa court ng
school namin.

Alam ko agad na siya 'yon dahil sa tangkad pa lamang nito, sa kulay pulang bag at bukod pa ro'n nagi-isa
lamang siya na lalaki sa grupo na 'yon. Puro babae kasi ang kasama niya na sigurado akong kaibigan niya
lamang

Nagbuntong-hininga naman ako habang naka-tingin pa rin sa naka-talikod na si Blaize, "Hays... how can
I make you straight in just 40 days!? Super struggle ng mission na 'to..." bulong ko sa aking sarili.

Kaya ko nga kaya ang mission na 'to?

You might also like