Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABILANG MUNDO

Sa pagpatay ng ilaw sa aking silid


Kasabay nito ang matinis na katahimikan
Sa aking pagnilaynilay habang nakahiga
Ay siya ding pagpikit ng aking mga mata

Sa lahat ng pagsubok sa buhay


Ako’y laging sabik na matulog
Upang panibagong mundo’y pasukin
At kakaibang pakiramdam ay damhin

Tunay ngang ang panaginip ay kayganda


Iba’t ibang eksena sa tuwi-tuwina
Masaya, malungkot, nakakatakot at iba pa
Laging isang malaking sorpresa talaga

Inihahanda na ang sarili ko


Para sa panibagong mundo
Mundong kong tawagin ay panaginip
Dito’y sigurado akong hindi ka maiinip

Gaano man katagal ang aking pananatili


Hindi ito pansin ng nasa paligid
Ang oras at araw dito saaking mundo
Ay minuto lang sa tunay na mundo

Ito’y isang masayang kalayaan


Takas sa mapanakit na reyalidad
Pahingang makabuluhan at payapa
Isang circo na ibat iba ang madadama

You might also like