Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KURIKULUM NA K TO 12

Ang kurikulum na K to 12 ay learner-centered o nakatuon ang pokus sa ating


mga mag-aaral na inaasahang magiging buo at ganap na mamamayang Pilipinong may
kapakipakinabang na literasi o pagkatuto.

Ang mga paksang aralin ay kinakailangang akma at naaayon sa pag-unlad at


edad ng mga mag-aaral kung kaya’t hinihikayat na maging decongested ang mga aralin
upang higit na magkaroon ang mga mag-aaral ng masteri sa itinatakdang kompetensi.

Ito ay nararapat din na maging seamless. Ano ang ibig sabihin nito? Ang
nilalaman, Pamantayang Pangnilalaman at Pamantayan sa Pagganao at maging ang
mga Kasanayang Pampagkatuto sa bawat domain ay nasa paraang tuloy-tuloy at
magkakaugnay o “continuum” at kinakailangang tumutugon sa spiral progression
model.

“There are no gaps or overlaps. It observes vertical alignment of content and


performance standards, competencies, assessment across grade levels. It also
supports horizontal alignment of content and performance standards and competencies
between and among learning areas: Skills like “reading graphs” will be taught in math
before this is used in Science, Health and Economics topics.

Trigonometric concepts will be taught before vectors are discussed in physics.


The science concepts introduced in Kare reinforced by the integration of science
concepts in Grade 2 and 3.

Ang Kurikulum ay kinakailangang maging flexible upang makatugon sa


pangangailangan ng ating komunidad. Sa isang agrikulturang munisipalidad halimbawa
ay maaaring mag-offer ng mga agricultural electives.

Ang mga nasa Coastal na lugar naman ay maaaring mag-offer ng fishery


electives, at sa urban areas naman ay maaaring maghain ng kursong industrial arts. At
siyempre, kinakailangang dumaan sa isang masusing pag-aanalisa at pananaliksik
kaugnay ng labor market sa isang lugar.

Ang Kurikulum na K to 12 ay kinakailangang maging integrative. Tumutugon ito


sa samut-saring mga salik gaya ng human rights, media and information literacy,
climate change, sustainable development, at iba pa sa pamamagitan ng integrasyon sa
pagtuturo upang maiwasan nga ang tinatawag na congestion of the curriculum.

Ang Kurikulum ay kinakailangan ding maging inquiry based. Tinitiyak ng ating


pinagyamang kurikulum ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na
malinnag ang kanilang kakayahan sa pagiging malikhain, may kritikal na pag-iisip at
pag-aanalisa, matalinong pagpapasya, paghihinuha at pagbubuo ng haypotesis, at ang
mahusay na paglutas ng mga suliranin.

Ang Kurikulum ay dapat na maging constructivist – “learners construct their own


knowledge and understanding out of their experiences”.

At sa huli, ang Kurikulum ay pagyayamanin sa pamamagitan ng paggamit at


paglalapat ng mga kasanayang pang-digital at panteknolohiya tulad halimbawa ng
integrasyong ICT, paggamit ng social media, at iba pang mga inobatibong teknolohiya.

Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang sumusunod:

 Kakayahang komunikatibo
 Replektibo/mapanuring pag-iisip
 Pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang
makaagapay sa mabili na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang mga salik na isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum:

 Pangangailangang Panlipunan
 Lokal at global na pamayanan
 Kalikasan at pangangailangan ng mga mag-aaral
 Mga legal na batas pang-edukasyon
 Mga teoryang pilosopikal ng edukasyon

You might also like