El Filibusterismo Kabanata 22

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

EL FILIBUSTERISMO KABANATA 22- 28 SCRIPT

KABANATA 22: Ang Palabas

Manonood 1: Ano ba iyan, malapit nang mag-ikasiyam ng gabi ay wala parin ang Kapitan
Heneral.
Manonood 2: Buksan na ang mga tabing!
Manonood 3: Nagkagalit ba ang Heneral at mga Prayle? Bakit ayaw niyang magpakita
Manonood 4: Nakakainip! Gusto ko ng pagmasdan ang mga dilag!

(Kapitan Heneral enters kasama ang isang bodyguard ahahahah)

Gwardya Sibil: Nandito na ang Kapitan Heneral!

(Makipagkamay sa Prayle at umupo)

(Por Una Cabeza plays. Musayaw si Pepay)

Isagani (voice over): May usapan kami na ako muna ang manonood para masigurong desente
ang dula. Ngunit bakit nandito siya kasama ang aking kaagaw?
Paulita (voice over): (Lilingun kay isagani) Tinutubuan na kaya siya ng pag-ibig sa mga kaakit-akit
na mga artistang iyan?
Juanito: (Lilingun kay Paulita) Ang kahulugan ng “servantes” ay mga utusan at ang
“domestiques” ay mga utusang domestiko.
Paulita: At ano ang kaibahan ng servants sa mga domestiques?
Juanito: ang mga domestiques ay mga naapamo na. Ang mga servantes naman ay yaong may
asal na taong-gubat.
Donya Victorina: Tama, totoo iyan! Ang ibay walang galang.
Donya Victorina (voice over): (titingin kay juanito ng may pagkagusto) Marunong ng wikang
Pranses si Juanito. Kahanga-hanga, di tulad kay Tiburcio. Hmmm kung mamatay siya si Juanito
lamang ang swerteng pakakasalan ko!

(ang nanonood ay papalakpak pagkatapos ng sayaw ni pepay)

Manonood 4: TIngnan niyo, tila may isang bakanteng upuan doon.


Manonood 1: naniniwala akong kay Ginoong Simoun ang bakanteng upuan
Manonood 2: Ngunit wala ang kanyang presensya. Bakit kaya?

NEXT SCENE: Pepay at Makaraeg

Makaraeg: Kumusta Pepay? May maganda bang balita?


Pepay: Kaninang hapon ay nagpadala ako ng liham kay Don Custudio, at nandito siya ngayon
upang ihatid ang kasagutan sa kahilingan ninyo. Ito ang liham (iaabot ang liham)
Makaraeg: Salamat, Kaibigan

NEXT SCENE: Makaraeg, Sandoval, Tadeo, Pecson

Makaraeg: Narito na ang liham mula kay Don Custodio na ibinigay ni Pepay. Ang kanyang
kasagutan sa ating kagustuhan.
Sandoval: (Basahon ang liham)
Voice over ni Don Custodio: Pechona, huli na nang dumating ang iyong liham. Naiharap ko na
ang aking rekomendasyon at ito’y sinang-ayunan. Gayunpaman, and pagpapasya ko sa
panukala ay naayon sa ibig mangyari ng iyong mga ipinagtatanggol. Magtutungo ako sa dulaan
at hihintayin kita sa may pintuan pagkatapos ng palabas. Ang nagmamahal mong kalapati,
Custodining.
Tadeo: Kay buti ng taong iyan!
Sandoval: Mabuti nga. Wala naman akong nakikitang masama dito.
Makaraeg: mungkahi rin ni Padre Irene na magkaroon tayo ng salo-salo bilang pasasalamat.

Kabanata 23: Isang Bangkay

(Pupunta si Simoun sa bahay ni Basilio. Si Basilio nagbasa-basa)

Basilio: Ginoong Simoun.


Simoun: Basilio (shake hands). Wala ka sa teatro at tama akong ditto ka nagtungo. Kamusta ang
may sakit?
Basilio: Bahagya na ang tibok ng puso at mahina an g pulso. Maaring bukas makalawa’y
mamamatay na siya na parang tinamaan ng lintik.
Simoun: Katulad ng Pilipinas!
Basilio: lalo pa siyang nanghina dahil sa mga bangungoot at takot.
Simoun: katulad ng pamahalaan, Basilio.
Basilion: Kagabi hinanap niya ang sasabunging manok na tatlong taon ng namatay. Ibinigay ko
ang isang ima—
Simoun: making ka ng mabuti. Mahalaga ang bawat sandal. Sa loob ng isang oras, magsisimula
na ang himagsikan. Ang hindi kakampi sa amin ay ituturing na kaaway, Basilio.
Simoun: narito ako upang ihandog sayo ang dalawang bagay: ang iyong kamatayan o ang iyong
hinaharap.
Basilio: ang aking kamatayan o ang aking hinaharap?
Simoun: sa panig ng pamahalaan o sa amin? Sa piling ng mga maniniil o sa piling ng iyong
bayan!? Magpasiya ka. Wala ng oras. Narito ako para iligtas ka, Basilio.
Basilio: sa piling ng maniniil o sa aking bayan?
Simoun: May sarili akong hukbo at mga taong pinamamahalaan. Sasama k aba sakin? O
mapapahamak ka sa aking mga tauhan?
Basilio: (slams the table) at ano ang dapat kong gawin?
Simoun: Madali. Ikaw ang mamumuno sa isang pangkat. Sa gitna ng kaguluhan, buksan mo ang
kumbento ng Santa Clara at iligtas mo ang taong mahalaga sa akin.
Basilio: Si Maria Clara?
Simoun: oo, si maria clara. Inibig kong mabuhay para iligtas siya.
Basilio: Huli na kayo.
Simoun: Bakit?
Basilio: Patay… patay na si maria clara
SImoun: hindi siya patay. At ngayong gabi, ililigtas ko siya! Ikaw ang mamamatay!
Basilio: ilang araw na siyang may sakit. Noong pumunta ako sa kumbento para makibalita, patay
na siya.
Simoun: Patay? Namatay ng hindi ko man lang nakita at ng hindi man lang nakaman na buhay
ako para sa kanya! Namatay ng nagdurusa. (cries and walk out)

(Basilion nibalik ug lingkod unja naguol pod. Kumuton ang papel nga naas lamesa.)
Basilio voice over: dalawang taong pinaglaruan ng tadhana. Isang binatang mayaman, may
pinag-aralan, malaya at may kinabukasan.

(Past Scene ni Simoun ug maria clara) ( ikaw at ako by Johnoy Danao Play)
Basilio voice over: ang dalagay kasingganda ng isang pangarap, dalisay at walang kamalayan sa
lakad ng kamunduhan. Pinalaki siya sa gitna ng pagmamahal, sa pangarap at pag-asa. Ang
lalakiy itinaboy ng sawing kapalaran na maglagalag sa buong daigdig. Natangay siya ng ipo-
ipong dugo at luha. Naghasik siya ng kasamaan at pinasigla ang masasamang bisyo. Habang ang
babae ay naglaho sa mahiwagang klaustro sa akalang kapayapaan ang dala nito. Ngunit pagtitiis
ang kanyang natagpuan. Pumasok siya ng walang bahid ng dungis at namatay roon tulad ng
isang lagas na bulaklak.

Kabanata 24: Mga Pangarap

Isagani: Darating kaya siya? (dadating si paulita kasama si donya victorina) Paulita, dumating ka.
Magandang umaga po.
Donya Victorina: ikaw, may nalalaman ka ba kung saan nagtatago ang aking hangal na Tiburcio?
Isagani: hindi ko po alam.
Donya Victorina: di bale na. Pupuntahan ko muna ang aking mapapangasawa.
Paulita: nakakabiglang nandito ka.
Isagani: Ikaw ang nakikipagtipan sakin. Paano di…
Paulita: ngunit kagabiy di mo man lang ako pinansin. Ang iyong mga mata’y di mahiwalay sa
mga artista.
Isagani: nasayo ang atensyon ko at ang ideyang pumunta ka kahit may pinag-usapan na tayo
Paulita: pinilit lamang ako ng aking ale at pumayag sa pag-asang… Makita kita.
Isagani: ngunit bakit kasama mo si Pelaez?
Paulita: tandaan mong wala siyang halaga sa akin. Ang aking ale ang umiibig sa kanya.
Isagani: pinapaalala ng iyong mukha ang dalisay ng aking baying kinalakhan na nais kong
makalaya. Kung paparoon ka kahit minsay yakapin mo ang landas na iyon at laruin ng iyong mga
daliri ang tubig sa batisan.
Paulita: ngunit balita koy daraan pa sa mga bundok upang makapunta roon. Tiyak may mga
linta sa daan. Pupunta lamang ako kung naka karwahe o tren.
Isagani: di magtatagal ay magkakaroon din doon ng daang bakal.
Paulita: ngunit kalian pa? kung akoy uugod-ugod nang dalaga?
Isagani: naniniwala ako na madali lamang dahil patuloy kami sa pagtitiyaga at kabayanihan na
ang gantimpala ay kaginhawaan.
Paulita: Pangarap! Paano kung wala kayong mapala?
Isagani: kung walang mapapala ang aming pagsisikap, mapalad akong mamamatay sayong
matang mapagmalaki na ang iyong iniibig ay pinagtanggol ang karapatan ng kanyang bayan.
Donya Victorina: Paulita, halika na’t baka ikay sipunin.

Kabanata 25: Tawanan at Iyakan


(MANILA PAPER: LUWALHATI KAY CUSTODIO DAHIL SA KANYANG KATUSUHAN AT PANSIT SA
LUPA PARA SA MGA BINATANG MAY MABUBUTING KALOOBAN.)
SCENE: makaraeg

Tadeo: hindi talaga tumutuopad sa usapan si Juanito. Hindi siya sumipot. Mas mabuting pan si
Basilio an gating inanyayahan.
Makaraeg: Mga kapatid! Nakakatawang isipin na tayo’y narito nag-aalay ng piging sa taong
pag-asa sa kadayaan. Ilabas ang pancit-langlang! Ialay natin ito sa kanya.
Sandoval: sa karangalan ni Don Custodio, ang sopas na ito ay papanngalanang panukalang
sopas! (Mangatawa)
Makaraeg: May mga ulam pang darating. Isang lumpyang intsik na baboy ang laman. Ihandog
kay padre Irene!
Mag-aaral 1: hindi makakain ang pari kung di tatanggalin ang ilong ng baboy.
Mag-aaral 2: kung gayon, tanggalan ng ilong!
ALL: tanggalan ng ilong si Padre Irene! (mangatawa)
Pecson: Kaunting panggalang, mga ginoo!
Mag-aaral 3: May ikatlong ulam pa, tortang alimango na ihahandog sa mga prayle.
Sandoval: Pagkat may pagkaalimango sila
Mag-aaral 3: tama! Tatawagin natin itong tortang prayle
ALL: (Itaas ang basa) Tortang Prayle! (mangatawa)
Pecson: Kaunting panggalang, mga ginoo!
Makaraeg: ang ikaapat na ulam ay pancit na inihahandog sa pamahalaan at bayan
ALL: Pinagtibay!
Mag-aaral 3: Huwag kayong maingay. May taenga ang mga pader.
(May nagmamasid at nakikinig)

Kabanata 26: Mga Paskin

(papasok si basilio)
Basilio voice over: anong nangyayari? May kaguluhan bang naganap? Si Ginoong Simoun!
Ngunit hindi natuloy ang kanyang balak.
(Magkita sila sa propesor)
Basilio: magandang araw po, ginoo. Ano po ang nangyayari-
Propesor: Basilio! Nasa piging kaba kagabi?
Basilio: Hindi po at masama ang pakiramdam ni Kapitan Tiyago at—
Propesor: mabuti nga kung ganun. Ngunit ikaw bay kasapi sa kapisanan ng mga mag-aaral?
Basilio: Nagbabayad po ako ng butaw
Propesor: kung gayon, tumiwalag ka. Punitin at itapon lahat ng papeles na magpapahamak
sayo.
Basilio: wala po akong mga papeles. Si Ginoong Simoun ba’y-
Propesor: wala siyang kinalaman. Siya ay sugatan at ngayong nakahiga. Hindi siya ang
kumukilos, iba! At kakila-kilabot.
Basilio: may mga tulisan ba?
Propesor: Wala. Mga mag-aaral lamang. Nakakuha sila ng mga pasking masasama sa
unibersidad! Mga mag-aaral ang napagbintangang kasapi sa samahan. Mag-iingat ka ngayon.
Basilio: sige po ginoo.

Next Scene: Gwardiya sibil duha ug bisan 3 ka students)


Sibil 1: ano yun?
Sibil 2: bakit nagkakagulo?
Sibil 1: tara tingnan natin

(students nanan-aw sa paskin)

Sibil 2: kayo siguro ang naglagay nito! (pangtang tangon ang paskin)
Mga mag-aaral: Hindi po, hindi

(gukdon sa pangdakpon) (makit-an ni simoun nga nay gipang gukod)(maghinagbo sila ni Tadeo)

Basilio: anong balita, Tadeo?


Tadeo: isang linggong walang klase! Ipinabibilanggo tayo ng mga kapisanan.
Basilio: ikinatutuwa mo ba yun?
Tadeo: Walang klase eh!

Next scene:Makaraeg, Basilio, 2 gwurdiya sibil)


Makaraeg: Basilio!
Guwardiya 1: isang mag-aaral ng medisina, kayo’y aming darakpin.
Basilio; pati ba naman ako?
Makaraeg: huwag kang matakot kaibigan, pumunta ka na sa karwahe. Ibabalita ko sayo ang
nangyari sa piging.
Next scene: sa Kulungan

Sibil: lahat ay lumabas maliban kay Basilio.

Kabanata 27: Ang Prayle at Ang Pilipino

Padre Fernandez: Ginoong Isagani.


Isagani: Pinapatawag niyo raw po ako, Padre Fernandez.
Padre Fernandez: Maupo ka. Lubos kong kagigiliwan kung makausap kita sapagkat ikaw ay
malinaw na mamamahayag tungkol sa aming mga dominiko. Mahigit walong taon na akong
nagtuturo at maraming estudyante na ang aking naturuan. Ngunit marami pa rin sa kanila ang
naninira sa aming talikuran ngunit humahalik sa aming kamay kapag nakaharap.
Isagani: hindi ko po sila masisisi, padre. Ang kasalanan ay nasa nagturo sa kanila ng
pagkukunwari
Padre Fernandez: matanong kita. Ano ang nais niyong mga mag-aaral na Pilipino an gaming
gagawin?
Isagani: tuparin ang tungkulin niyo, Padre. Wag niyong ipamukha sa amin na hindi kami dapat
matuto dahil baling araw ay hahangarin naming ang paglaya.
Padre Fernandez: ang karunungan ay ipinagkaloob sa dapat pagkalooban.
Isagani: ipagmaumanhin niyo po, pero kung ano kami ngayon ay dahil kayo ang may gawa.
Padre Fernandez: iho, kami ay sumusunod lamang sa batas ng pamahalaan.
Isagani: ang pamahalaan at prayle narin ang pumipilit sa aming mga indiyong maghanap ng
karunungan inyong ipinagkait sa amin dahil tinuturing niyo kaming mang mang.
Padre Fernandez: sige iho, ipinapangako ko na sasabihin sa mga kaparian ang iyong mga sinabi

Kabanata 28: Ang Pagkatakot

Marites 1: kaibigan narinig niyo ba ang kumakalat na balitang may panayam ang mga
estudyante at mga tulisan sa San Mateo
Marites 2: oo, nakakakilabot nga ani nila may mga estudyante na nagtungo sa malacanyang
ngunit nahulihan sila ng armas kaya pinakulong.
Marites 3: mabuti nalang at nailigtas ang Heneral.
Marites 2: nakakatakot na talaga ang mga pangyayari ngayon. Mabuti pay magtago nalang tayo
sa ating mga bahay para hindi madamay.

Next scene: Padre Irene at Kapitan tiyago

Padre Irene: kapitan tiyago may ibabalita po ako sa inyo. Bale po yung mga estudyante po’y
nagiging tulisan na.
Kapitan tiyago: si Basilio, nasaan?
Padre Irene: bale po si Basilio nahuli dahil nakitaan ng mga dokyumentong illegal. Nahuli po siya
at nakakulong na.
Kapitan tiyago: ha? Nahuli si Basilio? Hindi maaari. (inatake)

THE END

You might also like