Ap10 - Q1 - Module 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

10 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

AralingPanlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan- Module 4
Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at
Kooperasyon sa Pagtugon ng mga
Hamong Pangkapaligiran

Manunulat: Jennifer S. Evangelista

City of Good Character


0
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin

1 Climate Change

Alamin

Ang modyul na ito ay nakatuon sa usapin ng Climate Change. Sa kabila ng


madalas natin marinig ang mga katagang climate change. Itinuturo na isa ito sa
nga nakakaapekto sa kapaligiran, kabuhayan at pamumuhay natin. Gaano ba
kalalim ang ating kaalaman sa usaping ito?
Ang aralin ay binubuo ng mga paksang may kinalaman sa climate change,
epekto ng climate change, programa at polisiya ng pamahalaan at pandaigdigang
samahan.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa


pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran;
1. nalalaman ang iba’t ibang programa, polisiya, at patakaran ng
pamahalaan at ng mga pandaidigang samahan tungkol sa Climate
Change.

City of Good Character


1
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin

GAWAIN: Hanap-Salita
Hanapin at bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa Climate Change.
Isulat ang mga salita at bigyan ng kahulugan.

A B C C D E F G H I J K L M N O
G L O B A L W A R M I N G V K A
R A P G G R J X L Z O T H W L B
E B Q R H V B Y M A P U I X M C
E C R E I W K O N B E V J Y N D
N D S E J X L Z N C X W K Z O E
H E T N K Y M A O D T X L A P F
O F U H L Z N B P E I Y M B Q G
U G V O M A O C Q F N O N C R H
S H W U N B P D R G C Z X D S I
E I X S O C Q E S H T A O I T J
E J Y E P D R F T I I B P E D K
F K Z G Q E S G U J O C Q F U E
F L A A R F T H V K N D R G V L
E M B S S G U I W L Q E S H W M
C N C E T H V J X M R F T I X N
T O D F U I W K Y N S G U J Y O

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-anong salita ang nahanap na may kaugnayan sa climate
change? Isulat at bigyan ng kahulugan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Mula sa mga salitang nahanap sa puzzle, ipaliwanag kung ano ang


climate change.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

City of Good Character


2
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Madalas na natin marinig ang mga katagang Climate Change at madalas
isa ito sa mga iniuugnay na kadahilanan ng mga nararanasan nating mga
suliranin at hamong pangkapaligiran. Sinasabi na ang pagbabago ng temperature
ng mundo ay bahagi ng natural na katangian nito, ngunit ang di pangkaraniwang
pagbilis ng pagbabago ng temperatura ng daigdig ang siyang lubhang
nakababahala. Sa mga pagbabago at kaganapan sa ating kapaligiran, humihingi
ito ng agarang aksyon mula sa pamahalaan patungo sa bawat indibidwal na bahagi
ng lipunan. Ang agarang pagkilos at pagtugon ay nakasalalay sa lalim at lawak ng
pang-unawa ng bawat isa kaugnay sa konsepto at epekto ng climate change sa
kalusugan, kapaligiran, at kabuhayan.

Balikan

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang letra ng


pinakatamang sagot.

______ 1. Ang mag-asawang Glen at Mina ay magsasaka. Nabalitaan nila na


nalalapit na ang El Niño ayon sa forecast ng PAGASA sa telebisyon at sa lokal na
pamahalaan. Alin sa sumusunod ang pinakamainam na gawin ng mag-asawa?

A. Anihin na ang lahat ng kaniyang pananim bago pa man ito mamatay sa


tagtuyot.
B. Magsagawa ng kaniyang sariling cloud seeding upang umulan.
C. Siguraduhing mayroong sapat na suplay ng tubig sa kaniyang sakahan
sa darating na tagtuyot.
D. Gumawa ng dam na nakapalibot sa kaniyang sakahan para hindi
pumasok ang tubig baha.

______ 2. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa


mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung
mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin sa panahon ng La Niña?


A. Mag-imbak ng tubig bilang paghanda sa tagtuyot.
B. Maging alerto sa posibleng pagbaha.
C. Magsagawa ng pag-ani ng mga gulay.
D. Magsuot ng damit na maaliwalas sa pakiramdam.

City of Good Character


3
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
______ 4. Ang pamilya Cardo ay nakatira malapit sa ilog ng Marikina. Inanunsiyo
sa telebisyon at sa social media page ng ahensiya ng pamahalaan na palapit na
ang La Niña. Alin sa mga sumusunod ang maaari nilang gawin upang
makapaghanda?
A. Kausapin ang kaniyang magulang na lumipat ng bahay.
B. Maging alerto at maghanda sa paglikas sa mga panahon na patuloy ang
malakas na ulan.
C. Gumawa ng isang ligtas na bahagi sa bubong ng kanilang bahay upang
sila ay hindi maabot ng baha.
D. Bantayan araw-araw ang pag-angat at pagbaba ng lebel ng tubig sa
kanilang ilog.

_______ 5. Anong ahensiya ng gobyerno ang inatasang magbantay sa landas


at paggalaw ng bagyo?
A. PHILVOCS C. DENR
B. NDRRMC D. PAGASA

Tuklasin

Pag-aralan at suriin ang talahanayan. Sagutin ang pamprosesong tanong


sa ibaba.

Talahanayan 1.1 – The Long-Term Climate Risk Index (CRI):


the 10 countries most affected

Talahanayan 1.2: Global Climate Risk Index for 2017

City of Good Character


4
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mg Gabay na Tanong: Ilagay ang sagot sa papel.

1. Ano-anong kontinente ng daigidig nabibilang ang mga bansa sa


talahanayan 1.1 at talahanayan 1.2 na kabilang sa pinaka-
apektadong bansa ng suliranin sa panganib na hatid ng Climate
Change?
2. Ano ang mga pinsala na hatid ng climate change sa buhay,
kabuhayan, at kapaligiran ng tao ayon sa nakikita mo sa
talahanayan?
3. Ano-anong bansa sa Talahanayan 1.1 ang nanatiling kabilang sa
Climate Risk Index sa Talahanayan 1.2?
4. Sa iyong palagay, ano ang dahilan at hindi na kabilang ang Pilipinas
sa mga apektadong bansa ng banta ng Climate Change sa Talahayan
1.2?

City of Good Character


5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ang Climate Change

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas


ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo (https://www.doh.gov.ph/climate-change).
Ayon sa Inter-governmental Panel on Climate Change (2001), “Climate
change is a statistically significant variation in either the mean state of the climate or
in its, variability, persisting for an extended period (typically decades or longer). It
may be due to natural internal processes or external forcing, or to persistent
anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land use.”
Ayon sa pag-aaral, dalawa ang sanhi ng climate change:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga


nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng
enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na
nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o
init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng
carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHGs). ANg GHGs
ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon
dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng
mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin,
at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng
methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate
change.
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, &
Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinaka-naapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas,
at nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change. May mga ginagawa ang tao na lalong nagpapabilis at nagpapasidhi sa
climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin sa solid
waste, deforestation, water pollution at air pollution ay maituturing na mga sanhi
ng climate change. Kung hindi ito mahihinto, patuloy na daranas ang ating bansa
ng mas matitinding kalamidad sa hinaharap. Hindi na natin mapipigilan pa ang
climate change.

City of Good Character


6
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Epekto ng Climate Change

Nararanasan ng maraming bansa ang epekto ng climate change. Habang


tumatagal mas lalong tumitindi ang epekto nito sa aspektong pangkalusugan,
pangkapaligiran, at pangkabuhayan. Kung magiging malinaw sa bawat isa kung
gaano nga ba kalawak ang epekto ng climate change mas higit na magiging tiyak
ang mga pagkilos at pakikisangkot na maibabahagi ng bawat isa.

➢ Pangkapaligiran - Ang malalakas na buhos ng ulan at bagyo ay nagiging


dahilan ng pagkawasak ng kapaligiran. Nagkakaroon din ng suliranin sa
karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga coral
reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat, nagdudulot
din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala
(extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din na malubog sa
tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas
ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic.
Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008), na
nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang
madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, at
forest fires. Matatandaan na taong 2010 napinsala ng bansa ng bagyong
Ondoy at taong 2013 ng maranasan ng Pilipinas ang super typhoon na
bagyong Yolanda na may international name na Typhoon Haiyan na isa sa
mga “deadliest” na bagyong pumasok sa Pilipinas ay umabot sa signal no. 4
ang lakas nito. Ang Tacloban City ang dumanas ng napakalaking pinsala
dulot ng bagyong Yolanda.

➢ Pang-ekonomiya – Ang pag-unlad ng kabuhayan ng tao ay kasabay ng mga


pagbabago sa kanyang kapaligiran na naghatid ng samu’t saring suliranin.
Ang pag-init ng temperatura ay isang natural na penomenon ngunit ang
mabilis na pag-init o climate change na bunsod ng aktibidad ng tao ay
nagdudulot ng pangamba at panganib. Ang anumang pagkakadagdag ng
isang degree sa temperatura ay mangangahulugan ng kabawasan ng 10% sa
kita ng isang alinmang uri ng palay na aanihin. Bukod dito, unti-unti na
ding lumiliit ang kabuuang kilo tonelada ng mga nahuhuling isda sa araw-
araw.

➢ Panlipunan – Ang mahihirap na sektor ng lipunan ang higit na


naapektuhan at nahihirapan sa epekto ng climate change. Sa mga bansa sa
daigdig, higit din na nararamdaman ang epekto ng climate change.
Nahihirapan ang mga bansang papaunlad pa lamang gaya ng Pilipinas na
makaagapay sa pagbabago dulot ng nagbabagong klima dahilan sa
kakulangan sa ilalaang pondo upang matugunan ang mga proyekto na
makatutulong sa pag-agapay at magkaroon ng isang sustainable econonomy
sa gitna ng hamon ng climate change. Ang pagtugon sa pangangailan na
makabuo ng green energy tulad ng solar at wind energy ay isang hamon sa
bansa na malaanan ng sapat na badyet.

➢ Pangkalusugan – Dahil sa matinding pag-init, tagtuyot at bagyo,


nakararanas ng iba’t-ibang sakit ang mga tao, ilan sa mga ito ay;

Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na dala ng tubig o pagkain tulad ng


cholera at iba pang sakit na may pagtatae.

City of Good Character


7
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
- Dala ng insekto tulad ng lamok (malaria at dengue) at ng daga
(Leptospirosis).
- Dulot ng polusyon: hagin at tubig; (allergy) sakit sa balat; asthma at
iba pang kaugnay na karamdaman sa baga.
- Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga
komunidad at pangkabuhayan nito.

Sa kasalukuyan, halos buong bansa sa daigdig ay nakararanas ng Covid-19


dulot ng corona virus, Ang covid-19, isang uri ng ng sakit na kinilala ng
World Health Organization na isang pandemya.

Mga Programa, Polisiya, at Patakaran


Alinsunod sa seksyon 16 ng Artikulo II ng Saligang Batas 1987 ng
Pilipinas “Dapat pangalagaan at isulong ng estado ang karapatan ng sambayanan
sa timbang at kanais-nais na ekolohiya nang naaayon sa aluy-oy at tugma ng
kalikasan.”
Alinsunod sa batas na ito ng SB 1987 ng Pilipinas, bumuo ng mga programa,
polisiya at patakaran ang Pamahalaan.
➢ Presidential Decree 1586: Philippine Environmental Impact Statement
System na pinagtibay sa panahon ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand E.
Marcos taong 1978. Layunin ng kautusan na ito na ang mga pribadong
kompanya, korporasyon, gayundin ang mga ahensiya ng gobyerno na
maghanda ng environmental impact Statement (EIS) sa lahat ng mga
proyekto at balakin ng mga grupo na maaaring may malaking epekto sa
kapaligiran. Ayon sa Sek. 4 ng kautusan “no person, partnership or
corporation shall undertake or operate any such declared environmentally
critical project (ECP) or area (ECA) without first securing an Environmental
Compliance Certificate (ECC).” http://pepp.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/PD-1586-Environmental-
Impact-Statement-System-of-1982.pdf.

➢ Republic Act 6969: Toxic Substances and Hazardous and Nuclear


Wastes Control Act of 1990. Napagtibay ang batas na ito sa ilalim ng
panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino. Ang batas na ito ay
nagbibigay ng legal na basehan sa pamamahala, pagpigil, at pagbabantay sa
importasyon, paglikha, pagpoproseso, pamamahagi, paggamit, paglilipat, at
pagtatapon ng mga nakakalason at delikadong basura at kemikal.
Naglalayon ito na panatilihing malinis ang lipunan sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga pambansang programa para ayusin ang koleksyon ng mga
basurang nakasisira ng ating kalikasan. Kinakailangan na may sariling
landfill ang mga ospital at mahigpit din na ipiagbabawal ang pagpapasok ng
mga hazardous nuclear wastes. Nagkaroon ng mas istriktong batayan sa
pagtatapon ng mga kemikal mula sa mga pabrika. Ito rin ang isang naging
basehan sa paggamit ng ilang pestesidyong nakasasama sa kapaligiran .
https://www.officialgazette.gov.ph/1990/10/26/republic-act-no-6969/

➢ Republic Act 8749: Clean Air Act of 1999 Ang batas na ito ay napagtibay
noong June 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong
Joseph E. Estrada. Ito ay tumututok sa pagkakaroon ng malinis at ligtas na
hangin para sa mamamayan sa pamamagitan ng mga polisya patungkol sa
air quality management. Sakop nito ang mga potensyal na pinanggagalingan
ng maruruming hangin o air pollution tulad na lamang ng mga sasakyan
(mobile sources), industriyal na planta (point or stationary sources), at
pagsusunog ng kahoy o uling (area sources). Mula sa batas na ito,
City of Good Character
8
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ipinagbawal ang pagsusunog ng basura. Nagkaroon din ng regular na air
monitoring sa mga lungsod, at isinama na sa pagpaparehistro ng mga
sasakyan ang pagkakaroon ng taunang emission testing.
https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2015/09/RA-8749.pdf

➢ Republic Act 9003: Ecological Solid Waste Management Act of 2000


upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga
naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery
Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang
nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa
kautusang ito, sa katunayan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang
bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management
Status Report, 2015).

➢ Republic Act 9275: Philippine Clean Water Act of 2004 Nais ng batas na
ito na maprotektahan ang ating mga anyong tubig mula sa mga land-based
solution sources tulad ng mga komersyal na establisyimento o kaya naman
ay mga gawain ng nasa agrikultura at komunidad na nakakasama sa ating
katubigan. Nakalakip sa batas na ito ang iba’t ibang estratehiya upang
mapapangalagaan ang kalinisan at kaligtasan ng ating anyong tubig sa
pamamagitan ng multisektoral na pagtugon dito. Dahil sa Clean Water Act
bawal na ang pagtatapon ng mga pabrika ng kanilang dumi sa ilog. Naging
proyekto rin ang paglilinis ng mga pangunahing daluyan ng tubig sa bansa
tulad na lamang ng Ilog Pasig at Laguna de Bay.

➢ Republic Act 9279: Climate Change Act of 2009 Ito ay naglalayong ilahok
sa mga polisya at plano ng lahat ng ahensya ng pamahalaaan ang
kahalagahan ng pagtalakay ng climate change. Mula sa panukalang ito,
nabuo ang Climate Change Commission na siyang naatasang gumawa ng
plano kung paano makakatugon sa climate change ang ating bansa. Ito rin
ang lupon na naatasang dumalo sa mga komperensya tungkol sa climate
change na ipinatatawag ng mga internasyunal na organisasyon tulad ng
United Nations Framework Convention on Climate Change o UNFCCC.
https://www.officialgazette.gov.ph/2009/10/23/republic-act-no-9729/

Mga Pandaigdigang Samahan Para sa Climate Change


Masigasig ang ilan samahan at mga siyentista sa pag-aaral kaugnay sa
pagbabago ng klima ng daigdig. Ang pagsusumikap na pag-aralan at unawain ang
nagbabagong klima ay nagbunga ng pag-usbong ng mga samahan na nakatutok sa
climate change. Sa katunayan bahagi ng 17 Sustainable Goals ng United
Nations ang agarang pagtugon sa climate change at sa masamang epekto nito.
➢ United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) –
Kilala din ito sa katawagang Earth Summit. Ang pagkakabuo ng UNFCC ay
resulta ng pagtitipon ng mga bansa noong 1992. Nabuo ang internasyunal
na kasunduan hinggil sa climate change na nakabatay sa mga datos na
kinalap ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC). Layon ng
UNFCC na magsama-sama ang mga bansa sa buong mundo na gumawa ng
mga natatanging aksyon upang mapigilan ang hindi normal na pagtaas ng
temperatura ng ating planeta, ang climate change, at ang masasamang
epekto nito. Mula sa 154 na mga orihinal na signatories, mayroon ng 197 na
bansa sa kasalukuyan ang kasapi at nagsusulong ng layunin nito.
http://httpswww.who.int/globalchange/climate/unfccc/en/

City of Good Character


9
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
➢ CLIMATE ACTION NETWORK (CAN) – Isa itong worldwide network ng
mahigit 1300 Non-Governmental Organizations (NGOs) mula sa 130 bansa,
na nagsusulong na magkaroon ng mga batas at aksyon mula sa gobyerno at
mga indibidwal upang malimitihan ang mga dahilan ng climate change na
dulot ng mga gawain ng tao. Nagtutulong-tulong ang mga miyembro ng CAN
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang pag-uulat, lokal man,
batay sa rehiyon, o internasyonal, tungkol sa climate change. Naniniwala
sila na kayang tugunan ang pangangailangan ng tao nang hindi inilalalagay
sa panganib ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
(http://www.climatenetwork.org/about/about-can)

➢ GREENPEACE - ay isang Non-Governmental Environmental Organization na


nagsasagawa ng mga plano upang mabago ang pananaw at pagkilos ng mga
tao sa ating kapaligiran. Naniniwala ang Greenpeace na maisusulong ang
kapayapaan sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran. Upang
manatili ang independiyenteng katayuan ng organisasyon, hindi ito
tumatanggap ng donasyon mula sa gobyerno at kahit anong korporasyon,
kundi sa mga tulong lamang ng mga indibidwal, foundation, at iba pang
pribadong samahan. https://www.greenpeace.org/international/

Pagyamanin

Gawain: Data Retrieval Chart


Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutuhan sa suliranin sa
Climate Change.

Suliranin Sanhi Bunga Mga Pagkilos na


Isinagawa

Pamprosesong mga Tanong: Ilagay ang sagot sa papel.


1. Ano ang pangunahing sanhi Climate Change?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa
Climate Change?

City of Good Character


10
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Rubrik ng Pagmamarka

Pamantayan Mahusay Magaling Kailangan pa ng Mababa kaysa Marka


(100%) (75%) Pagsasanay sa Inaasahan
(50%) (25%)
NILALAMAN Naipahayag Naipahayag Hindi naipahayag Walang
70% ng buo at ang ideya o ng lubusan ang naipahayag na
mahusay kaisipan ideya na kaisipan o
ang ideya o ngunit may inaasahan ideya.
kaisipan ilang
ayon sa pagkukulang
inaasahan. .

KAAYUSAN Napakaayos Maayos at Kailangang Walang


AT at malinis ang matutong maging kaayusan at
KALINISAN napakalinis output; may maayos at napakadumi
25% ng ipinasang ilang malinis sa ng output;
output; nakitang paggawa; napakaraming
walang bura, dumi, maraming nakitang
nakitang o nakitang bura, bura, dumi o
bura, dumi, pagkakamali dumi, o pagkakamali
o pagkakamali
pagkakamali
KABUUAN

Isaisip
Itala ang mahahalagang natutuhan sa modyul na ito ayon sa pagsagot sa hinihingi
sa bawat bilang.

1. Ang Climate Change ay:


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Maisasagawa ang maayos na pagtugon sa pagharap sa suliranin sa
Climate Change kung ang bawat indibidwal ay:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Upang maging mas epektibo at mabilis ang paghahanda sa pagharap
sa suliranin sa climate change, nararapat na
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

City of Good Character


11
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa

Gumawa ng isang Flyer na naglalaman ng isang adbokasiya upang maging


kabahagi sa pagtugon sa hamon ng suliranin sa Climate Change.
Pamantayan 25(%) (50%) (75%) (100%) Marka
Mas Mababa Kailangan pa Magaling Mahusay
kaysa sa ng
inaasahan Pagsasanay
PAGLALAHAD Karamihan Karamihan Halos lahat Tama ang
NG sa mga sa mga ng mga
IMPORMASYON Impormasyo Impormasyo impormasyo impormasyo
50% ng inilahad ng inilahad ng inilahad ng
ay hindi ay tama ay tama inilahad
tama
KASANAYAN AT Walang Nagpapakita May angking Nagpapakit
PAGKAMLIKHAI kahusayan ng husay sa a
N/ sa pagnanais paggawa; ng husay at
KAHUSAYAN pagguhit o na kailangan pa galing sa
50% paglikha ng mapaghusay ng kaunting paggawa;
likhang ang kanyang pagsasanay may
sining paggawa ng sapat na
likhang kaalaman o
sining pagsasanay
Kabuuan

Tayahin

Basahin ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat ang leta ng pinakatamang
sagot.
_______ 1. Ang Solid Waste ang isa sa mga suliranin na nagpapaigting ng pagbaha.
Nagdudulot ito ng mga flash floods na lubhang nakakapaminsala. Anong batas ang
nabuo upang matugunan ang suliranin sa solid waste?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 11479
B. Republic Act 10354 D. Republic Act 11469
______ 2. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliranin na hatid ng Climate Change?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na
nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng
iba’t-ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa
kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito
_____ 3. Naglalayon ito na magsama-sama ang mga bansa sa buong mundo na
gumawa ng mga natatanging aksyon upang mapigilan ang hindi normal na pagtaas
ng temperatura ng ating planeta, ang climate change, Kilala din ito sa katawagang
Earth Summit:
A. CAN C. UNFCC
B. IPCC D. Greenpeace

City of Good Character


12
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____ 4. Hindi tumatanggap ng pondo o anumang pinansyal na tulong ang
Greenpeace mula sa anomang pamahalaan at korporasyon sa kadahilanang;
A. Walang tiwala ang Greenpeace sa sinseridad ng pamahalaan at
ano mang korporasyon na tapat nilang maisulong ang layunin ng
Greenpeace.
B. Upang mapanatili ang independiyenteng katayuan ng
organisasyon.
C. Sapat na ang pondong nakukuha ng Greenpeace mula sa suporta
ng mga kasaping miyembro.
D. Lahat ng nabanggit.
_____ 5. Mula sa batas na ito nabuo ang Philippine Climate Change Commission.
A. R.A 9003 C. R.A. 9275
B. R.A. 6969 D. R.A. 8749
_____ 6. Kung magpapatuloy ang mabilis na pagbabago ng klima ng daigdig,
mailalagay nito sa mas kritikal na kalagayan ang mga nasa sa sektor ng
agrikultura tulad ng mga magsasaka at mangingisda. Alin sa mga sumusunod ang
may katotohanan na epekto ng Climate change sa sektor ng agrikultura?
A. Mataas ang mortality rate sa mga magsasaka at mangingisda dahil sa
pagkakasakit dulot ng Climate Change.
B. Naibebenta na lamang sa murang halaga ang mga produktong
agrikultural dahil sa mababang kalidad nito.
C. Sa bawat pagtaas ng 1 digri sentigrado ng klima bumababa ng 10%
hanggang 15% ang dami ng produktong agrikultural na naiproprodyus.
D. Bumababa ang bilang ng mga produktong agrikultural na naiproprodyus
dahil tinatamad ang mga magsasaka at mangingisda na magtrabaho dahil
sa init ng panahon.
_____ 7 Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gawain ng tao na
nakapagpapalala ng Climate Change?
A. Madalas na pagbili at pagpapalit ng gadget tulad ng cellphone.
B. Malabis na paggamit ng elektrisidad
C. Malawakang paggamit ng mga fossil fuels
D. Lahat ng nabanggit
_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng tao na siyang DAHILAN ng
Climate Change?
A. Pagbagyo C. Landslide
B. Pagbaha D. Usok ng sasakyan at pagputol ng mga puno
_____ 9. Bilang isang mag-aaral, alin ang nagpapakita tamang gawain upang
maging mabilis at epektibo ang pagharap sa suliraning hatid ng Climate Change?
A. Hayaan na lamang ang pamahalaan na harapin ang suliranin upang
mabilis na makakilos.
B. Manawagan sa mga eksperto sa ibang bansa upang makiisa sa pagharap
sa suliraning hatid ng Climate Change.
C. Suportahan, maki-alam at makibahagi sa mga proyekto ng pamahalaan.
D. Ibahagi ang baon na pera bilang donasyon sa mga organisayong
nagsusulong na kaharapin ang suliraning hatid ng Climate Change.
_____ 10. Alin sa mga sumusunod na paliwanag sa ibaba ang dahilan ng Global
Warming na nagiging sanhi na din ng Climate Change?
A. Unti-unti ng nabubutas ang ozone layer kaya direktang pumapasok ang
init o radiation sa daigdig na nagmumula sa araw.
B. Kinukulong ng Carbon Dioxide at greenhouse gas ang init sa loob ng
atmospera ng mundo.
C. Unti-unti ng lumalapit ang distansya ng daigdig sa araw na nagiging
dahilan ng global warming.
D. Malawak na ang bilang ng mga deforest na kagubatan.

City of Good Character


13
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Kontemporaryong Isyu Larners Manual of Department of Education


https://pixabay.com/images/search/global%20warming/
https://www.doh.gov.ph/climate-change
http://pepp.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2016/06/PD-1586-
Environmental-Impact-Statement-System-of-1982.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/1990/10/26/republic-act-no-6969/
https://emb.gov.ph/wp-content/uploads/2015/09/RA-8749.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/2009/10/23/republic-act-no-9729/
https://www.officialgazette.gov.ph/2009/10/23/republic-act-no-9729/
http://httpswww.who.int/globalchange/climate/unfccc/en/
https://www.greenpeace.org/international/
http://www.climatenetwork.org/about/about-can

Susi ng Pagwawasto

10.B
9. C
8. D
7. D
6. C
5. C
4. B Global Warming 4.
3. C Carbon Dioxide 3.
2. B guro Greenhouse gas 2.
1. A Ipoproseso ng Greenhouse effect 1.

Tayahin Pagyamanin Subukin

City of Good Character


14
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jennifer S. Evangelista (Guro, BNHS)

Mga Tagasuri: Mairah E. Zapanta (Guro, SSSNHS)

Clay A. Balgua (Principal, KNHS)

Tagasuri- Panloob: Aaron S. Enano (Superbisor, AP)


Tagaguhit: Nathalia A. Malaga (Guro, NES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

You might also like