Panahong Midyebal - Renaissance

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 8 Answer Sheet

PANGALAN: _________________________________ ISKOR: WW (G1-2) _____/20


SEKSYON: PT (G3-4) _____/45

Gawain 1: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba. (10pts)


A. 1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____
B. 1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____
Gawain 2: Pagtapat-tapatin ang mga personalidad na nasa ikalawang hanay at ang kanilang mga
ambag sa kasaysayan; isulat ang titik ng tamang sagot sa unang hanay. (10pts)

Sagot Pangalan Ambag


1. Giovanni Boccacio a. The Prince
2. Miguel de Cervantes b. In Praise of Folly
3. Nicollo Machievelli c. De Humani Corporis Fabrica Libri Septem
4. William Shakespeare d. Decameron
5. Desiderius Erasmus e. On the Equal or Unequal Sin of Eve and Adam”
6. Nicolaus Copernicus f. Don Quixote de la Mancha
7. Andreas Vesalius g. Hamlet
8. Sofonisba Anguissola h. heliocentric theory
9. Artemisia Gentileschi i. Samson and Delilah
10. Isotta Nogarola j. Portrait of Philip II

Gawain 3: Sa lahat ng mga personalidad na nakilala mo sa pahina 8 hanggang 11, sino-sino ang
lubos mong hinangaan? Magbigay ng dalawang pangalan ng lalaki at dalawang pangalan ng babae, at
ipaliwanag kung bakit sila kahanga-hanga para sa iyo. Paalala: iwasang basta na lamang kumopya ng
mga salita sa modyul na ito at sa halib ay lagyan ng sariling repleksyon o karagdagang analisis
ang iyong tugon batay sa nakikita mong halaga o impact ng kanilang mga ambag. (16pts)

Pangalan Dahilan kung bakit mo sila hinahangaan


_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_

_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_

_______________________________________________________

Page | 1
_
_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_

_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_
_______________________________________________________
_

Gawain 4: Pag-isipan mong mabuti!


A. Natutuhan mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng printing press sa pagpapaunlad at
pagpapalaganap ng kaalaman, impormasyon at mga bagong kaisipan. Sa kasalukuyan, ano pa
kayang midyum o instrumento ang ginagamit natin para din sa ganitong layunin? Magbigay ng isa at
isulat ito sa hugis-puso na nasa ibaba. Magbigay din ng lima pang mabubuting bagay na naidudulot
nito sa atin—isulat ang mga ito sa mga kahon sa itaas ng bilog—at ng lima namang di-mabubuting
bagay na nagagawa nito kapag hindi tama ang paggamit dito ng mga tao—isulat naman sa mga bilog
na nasa ibaba ng puso. (20pts)

B. Batay sa sagot mo sa Gawain 4, anong aral ang nais nitong ipahiwatig sa iyo at sa bawat
mamamayang gumagamit o nakikinabang sa paggamit sa midyum o instrumentong tinukoy at
isinulat mo sa loob ng hugis-puso sa dayagram sa itaas? (5pts)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
C. Sa kabuuan, ano sa iyong palagay ang kabuluhan ng Renaissance at Humanismo sa iyo bilang isang
mag-aaral ng kasaysayan o bilang isang ordinaryong tao? Anong kabatiran o insight ang iyong
natamo sa modyul na ito na maari mong ibahagi? (5pts)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Page | 2
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Page | 3
AP8 Q3 W1-2
PANAHONG MIDYEBAL: Ang Buod
Sa nakaraang markahan ay natalakay natin ang tungkol sa Kabihasnang Klasikal ng Rome-- ang
pagbagsak ng Republika nito, at pagkakatatag naman ng isang imperyo kung saan si Octavian (Augustus
Caesar) ang unang naging emperador. Kalaunan ay hinati ang teritoryong sakop ng imperyong Romano
sa dalawa—naitatag ng imperyong Byzantine sa Silangan at nanatili ang Imperyong Romano sa
Kanluran. Bago tayo magpatuloy ay balikan muna natin ang timeline sa ibaba.
285 AD- Hinati ni emperador Diocletian ang Rome sa Kanluran at Silangan dahil masyado na daw
itong malaki at mahirap pamahalaan; itinalaga niya si Maximian bilang kanyang co-
emperor sa silangang emperyo (pinangalanan itong imperyong Byzantine ng mga
iskolar/historyador para sa mas madaling pagkokompara sa dalawang imperyo bagama’t ang
mga taong tumira dito ay hindi kailanman ginamit ang terminong Byzantine). Ilang mga
emperador pa ang nagdaan, may ilang pagkakataong napag-isang muli ang emperyo saka
nahati uli sa dalawa o tatlo.
313 AD- Nilagdaan ni Costantine I (emperador ng imperyong Byzantine) ang Edict of Milan na
kumilala sa Kristiyanismo bilang isa sa mga legal na relihiyon ng imperyong Romano.
Ipinagbawal din ng Edict ang diskriminasyon at pag-uusig sa mga dati nang Kristiyano.
Noong 325 AD ay ipinatawag niya ang Council of Nicaea na binubuo ng mga Christian
leaders na lumikha naman ng Nicene Creed na naglalaman ng napagpasyahang pormal na
doktrina, kaugalian at katuruan ng Kristiyanismo.
380 AD- Muling napag-isa ang Imperyong Romano sa huling pagkakataon. Idineklara ni emperador
Theodosius ang Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ng Imperyo, ngunit nang siya’y
mamatay, tuluyan nang nahati ang imperyo sa silangan at kanluran noong 395 AD.
410 AD- Sa pamumuno ni Alaric, sinalakay ng mga Visigoth (isa sa mga tribong Germanic o
tinatawag ding barbaro) ang Rome. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 800 taon
na ang Rome ay natalo at bumagsak sa kamay ng mga kalaban.
476 AD- Tuluyang bumagsak ang Kanlurang Imperyo ng Rome at nagsimula ang madilim na
kabanata sa kasaysayan ng Roma—tinatawag itong panahong Midyebal. Sa panahong ito,
walang ni isang pamahalaan ang tagumpay na nakapag-isa sa buong Europe; laganap ang
labanan, agawan ng teritoryo, maging ng agawan sa trono ng pagkapinuno. Gayunpaman,
sinasabing sa panahong ito tumingkad ang posisyon ng simbahan dahil ang institusyong ito
ang nagsilbing sandigan ng mga tao sa panahon ng walang katiyakan. Samantalang ganito
ang kalagayan sa Rome (o ang kanlurang imperyo), patuloy naman ang pagningning ng
silangang imperyo (o ang Byzantine empire).
481 AD- Naging hari ng mga Frank si Clovis; pinag-isa niya lahat ng Frankish tribe na dating sakop
ng Gaul (isang probinsyang Romano; sa kasulukuyan, ito ngayon ang bansang France).
732 AD- Tagumpay na naitaboy ng mga Frank ang mga Muslim na nagtangkang pumasok sa Europa
sa Battle of Tours. Mahalaga ang tagumpay na ito sa pagprotekta sa Kristiyanismo at
pagpapanatili sa kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Europa.
800 AD- Kinoronahan si Charlemagne (hari ng mga Frank) bilang unang emperador ng Banal na
Imperyo ng Rome. Sa pamahalaang ito, nanatiling malakas ang kapangyarihan ng simbahan,
at naging napakalaki ng impluwensya nito sa pamahalaan.
1096AD- Nagsimula ang krusada (mahabang digmaan sa pagitan ng Banal na Imperyo ng Rome at
ng mga Muslim dahil sa pag-aagawan sa Holy Land, ang Israel). Malaki ang naging
impluwensiya ng krusada sa pag-unlad ng kalakalan at ng mga bayang dinadaanan ng mga
crusader.

Page | 4
1347AD- Lumaganap ang Bubonic Plague o Black Death sa Europa; halos kalahati ng populasyon sa
kontinente ay namatay dulot ng pandemyang ito. Sinasabing ang sakit ay dala ng isang uri
ng mikrobyo na mabilis na naipapasa-pasa dulot ng kalakalan. Napakalala at napakalupit ng
sakit na ito na may sintomas ng pananakit ng katawan, panlalamig, at pagkakaroon ng mga
bukol na nagdurugo o nagnanana. Ang isang mahawahan ng sakit ay maaring mamatay sa
loob lamang ng isang araw.
1444AD- Inimbento ni Johannes Gutenberg ang printing press; sinasabing ito ang naging simula ng
Renaissance.

Matagal na ginamit sa mga aklat ang terminong Middle Age na tumutukoy sa panahong nasa
pagitan ng pagbagsak ng imperyo ng Rome (noong 476AD) at pagsisimula ng Renaissance. Tinawag
din itong “Dark Age” ni Francesco Petrarch dahil daw sa kawalan ng mga nalikhang magagandang
literatura sa panahong iyon. Kalaunan, ang terminong ito ay ginamit din ng iba pang iskolar sa
kapanahunan ni Petrarch upang ilarawan naman ang kahirapan, kawalang katiyakan ng buhay,
kamangmangan, at kawalan daw ng magandang kultura sa nasabing panahon. Ngunit maraming mga
iskolar sa kasalukuyan na gumawa ng mga bago at masusing pag-aaral ang nagsabing mali ang ganitong
pananaw. Mas angkop daw na gamitin ang terminong Midyebal, at ang panahong ito—bagama’t
nababalot ng samo’t-saring serye ng pighati at digmaan—ay kasingkulay din naman ng panahong
klasikal at iba pang yugto o panahon sa kasaysayn. Taliwas sa karaniwang akala, ang literatura at
edukasyon ay masigla at lubos na hinihimok sa panahong ito; katunayan, si Charlemagne na unang
emperador ng Banal na Imperyo ng Rome ay nagpatayo ng mga eskwelahan, at mismong ang kanyang
korte ay naging sentro ng pagkatuto sa pagsisikap na ipreserba ang mga klasikal na tekstong Latin at
lumikha din ng iba pang literatura. Malaking bahagi ng Europa ang lumipat mula sa mga paganong
paniniwala tungo sa Kristiyanismo; maraming mga katedral ang naipatayo, at malaki ang naging
impluwensiya ng relihiyon sa iba pang arkitektura. Maging ang mga inakdang aklat sa panahong ito ay
nagsisilbing likhang-sining; nauso ang paggawa ng mga
illuminated manuscript o mga aklat na nagliliwanag sa
dilim, naglalaman din ang mga ito ng mga makukulay
na ilustrasyon ng mga bagay-bagay, at ginamitan din ng
ginto, pilak, at iba pang mga dekorasyon para sa mga
pagtititik—ang lahat ng mga ito ay masusi at manwal
na ginagawa. Sa mga kombento din ay nabibigyan ng
pagkakataon ang mga kababaihan na makatanggap ng
mataas na lebel ng edukasyon, at ang mga madre ay
sumusulat, nagsasalin at gumagawa ng mga pailaw at
disenyo para sa mga manuskrito ng simbahan. Halimbawa ng illuminated manuscript

PRINTING PRESS, RENAISSANCE, HUMANISMO, AT REBOLUSYONG SIYENTIPIKO


Nasabi kanina na ang panahong Midyebal ay tumutukoy sa panahon sa pagitan ng pagbagsak ng
Rome at simula ng Renaissance (salitang Pranses na nangangahuluga ng “muling pagsilang” o rebirth).
Sa maraming aklat, inilalarawan ang panahong Renaissance bilang direktang kasalungat ng panahong
Midyebal, ngunit ayon sa maraming iskolar ngayon, mali uli ang ganitong pananaw. Makikita sa
timeline sa itaas na ang pagkakaimbento sa printing press ang sinasabing umpisa ng Renaissance, ngunit
kung iisipin, hindi naman basta-basta tumitigil at nagbabago ang mundo sa loob ng isang araw—hindi
maaring sabihin na kahapon ay panahong Midyebal at ngayon ay Renaissance nang dahil naimbento ang
printing press. Sinasabing may kadiliman nga sa panahong Midyebal dahil laganap ang digmaan, may
kahirapan, at minsan ay hindi tiyak ang hinaharap, ngunit maging sa panahong klasikal (600BC-

Page | 5
476AD) ay may mga digmaan din naman; ano pa nga ba’t sa bawat digmaan ay may mga taong
apektado na dumadaan sa kahirapan at kawalang katiyakan ng buhay. Malimit ding ilarawan ang
Renaissance bilang simula ng muling pag-usbong ng mga makabagong literatura at panunumbalik o
muling pagbuhay sa kulturang Grecko-Romano kaya nagkaroon ng malawakang proyekto ng
paghahanap sa mga klasikal na tekstong akda ng mahahalagang pilosopo tulad nina Plato at Aristote.
Gayunpaman, ang kilusang may kinalaman sa ganitong mithiin ay matagal nang nagsimula bago pa man
naimbento ang printing press, subalit mabagal ang pag-usad ng paghahanap at muling paglilimbag dahil
sa kawalan nga ng mas episyenteng makinarya. Alinsunod dito, mahihinuha na napakalaki ng naitulong
ng pagkakaimbento sa printing press upang mapadali at mapabilis ang pag-usad ng mga mithiing may
kinalaman sa paghahanap sa mga mahahalagang teksto at mga kagamitang nalikha noong panahong
klasikal, at pagpapalaganap ng kaalaman at mga makabagong kaisipan. Sa pamamagitan din ng printing
press ay mabilis na naipalaganap ang matatapang at kontrobersyal na mga pahayag ni Martin Luther sa
kanyang 95 theses na naglalaman ng kanyang mga ‘di pagsang-ayon sa mga maling turo, gawi at
sistema ng Simbahang Katolika. Ang mabilis na pagkalat ng kanyang akda ay malaki din ang idinulot sa
pagpukaw sa damdamin ng iba pang mga teologo na tumutuligsa sa simbahan, at nagpabilis din sa
paglaganap ng kilusang protestantismo at repormasyon. Narito pa ang ilang mahahalagang dulot ng
imbensyon ng printing press:
1. Napabilis ang paglilimbag at pag-iimprenta ng maraming kopya ng mga aklat sa mas murang
halaga. Noong hindi pa naiimbento ang printing press, ang isang aklat na manwal na kinopya sa
pamamagitan ng sulat-kamay ay halos ka-presyo ng isang bahay.
2. Napabilis ang pagdiskubre at pagbabahagi ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Malaki
din ang naitulong nito sa pagpapanatili ng kawastuhan at katumpakan ng mga nilalaman ng mga
orihinal na manuskritong kinopya at muling inilimbag. Naging mas madali din sa mga iskolar na
makakuha ng kopya ng mga sangguniang nakatulong sa kanilang mga pag-aaral lalo na sa mga
may kinalaman sa agham, pilosopoya, medisina at maging sa kasaysayan.
3. Bago naimbento ang printing press, madaling nasusupil
ang mga makabago at kritikal na kaisipan lalo na yaong
mga tumutuligsa sa mga maling gawa ng simbahan at ng
pamahalaan. Subalit dahil sa printing press, nagkaroon ng
malayag pamamahayag na hindi na madali o basta-bastang
napatatahimik.
4. Naging daan ang printing press sa pag-usbong ng
rebolusyong siyentipiko (paglinang ng mga kaalaman at
mga imbensyon sa larangan ng agham) at ng enlightenment
(paglinang ng mga bagong teorya at prinsipyo sa larangan
ng pilosopiya, politika, edukasyon, karapatang-pantao,
ekonomiya, atbp.)
5. Nagbigay-daan din ang printing press sa paglaganap ng
mga akda ng mga iskolar at pilosopo tulad nina Francesco
Petrarch at Giovanni Boccacio na nagsulong sa
pagpapanibago sa mga tradisyunal na kultura at pagpapahalagang Grecko-Roman. Nagdulot ito
ng isang kilusang intelektuwal na kung tawagin ay humanismo—isang paraan ng pagsisiyasat na
nagbibigay-diin sa mga kanluraning paniniwala at pilosopiya na nakasentro sa pagkatao at
pagpapakatao ng isang tao. Binibigyang-diin din sa Humanismo ang kahalagahan ng pag-aaral sa
katauhan kaysa sa relihiyon, at nilalayon na linangin ang buong potensyal ng isang tao para sa
kanyang pansariling kagalingan at kagalingan din ng lipunang kanyang ginagalawan. Bagama’t
ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng humanismo ay hindi tumatalima sa tradisyunal na
katuruan ng simbahan, hindi naman ito laban sa Kristiyanismo, bagkus ay idinidiin lamang nito

Page | 6
na ang tao ay hindi naparito sa lupa para lamang maghanda para sa susunod na buhay kundi dapat
ding hangarin niya ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan.

Alam mo ba?
Bagama’t malaki ang naitulong ng printing press sa mabilis na pag-unlad ng literatura,
kaalaman, agham at ng iba pang aspeto ng buhay sa Europa simula ika-15 siglo, ang imbentor
nitong si Johannes Gutenberg ay namatay na mahirap. Siya ay nakapag-imprenta ng 200 kopya
ng Bibliyang nakasulat sa wikang Latin, ngunit hindi naging madali ang pagbebenta nito dahil
maraming tao ang hindi marunong bumasa sa kanyang bayan sa Mainz, Germany. Noon ay
nagbabayad lamang ang mga tao sa isang marunong bumasa ng aklat upang mapakinggan nila
ang nilalaman nito. Nang mamatay si Gutenberg, kinumpiska ng mga taong kanyang
pinagkakautangan ang kanyang mga printing press; ang mga ito ay pinaunlad naman ng iba
pang mangangalakal na tagumpay na nakapaghanap ng mga kliyenteng nagpapaimprenta at
nakapaghanap din ng iba pang merkado (market) kung saan maaring ibenta ang mga
nalilimbag na aklat at teksto.

Sa maraming aklat, ipinagpapalagay na ang Renaissance ay isang bagong kabanata na nagpinid


sa Panahong Midyebal at nagbukas ng pinto sa maliwanag, mas makabago, at mas maunlad na panahon.
Subalit maraming historyador ngayon ang nagsasabing ang Renaissance ay hindi naman isang kakaiba o
natatanging panahon, sa halip, maari itong ituring bilang isang di maiiwasang kabanta sa kasaysayan
dulot ng pag-unlad ng teknolohiya. Kung susuriin, malaki man ang naging papel ng printing press
halimbawa sa larangan ng pamamahayag at pagpapalaganap ng impormasyon, dumating ang panahon na
hindi na naging sapat ang teknolohiyang ito—naimbento ang radyo, telebisyon, at kalaunan ay
naimbento ang internet at mga social networking sites. Maling sabihin na ang Renaissance ay nagpinid
sa panahong Midyebal dahil hindi tulad ng pintuan na madaling isara o buksan sa isang iglap, ang pag-
unlad ng kasaysayan ay dahan-dahang nagaganap, at malimit ay maraming mga aspeto sa nakaraan ang
nanatili pa rin sa kasalukuyan. Mali ding sabihin na mas maganda ang panahon ng Renaissance kaysa sa
panahong Midyebal dahil mayroong kanya-kanyang ikinaganda at ikinasalimuot ang dalawang yugtong
ito ng kasaysayan ng Europa. Halimbawa, maaring mong sabihin sa iyong lolo na mas maganda ang
panahon ngayon kaysa sa panahon ng lolo mo noon dahil napakadali na ng buhay dulot ng mga pag-
unlad sa teknolohiya, ngunit tiyak na hindi lubos na sasang-ayon ang iyong lolo dito dahil sasabihin niya
naman marahil sa iyo na mas maganda ang panahon niya noon dahil malinis ang paligid, sariwa ang
hangin at simple lamang ang buhay. Samakatuwid, ang ating mga opinyon ay nakadepende sa
anggulong ating tinitingnan, gayunpaman, kung ang pag-uusapan ay mga peryodiko ng mga panahon sa
kasaysayan, walang kabuluhang pag-usapan kung aling panahon ang mas mainam sa alin, kundi mas
makabuluhang balik-tanawin ang mga aral at pamana ng nakaraan upang magsilbing gabay sa ating
patuloy na paglakad tungo sa bagong kinabukasan. Gayunpaman, para sa mas madaling paghahambing,
maaring sabihin na ang Renaissance ay tumutukoy sa panahon ng radikal na kilusan tungo sa
pagpapanumbalik ng kuturang Greek at Roman na pinabilis at pinasigla ng mahahalagang imbensyong
teknolohikal na nagsilbi ding tulay tungo sa modernong panahon.

MGA MAHAHALAGANG PIGURA SA HUMANISMONG RENAISSANCE


SINING AT PANITIKAN
Francesco Petrarch (1304 -1374)
Tinagurian siya bilang “Ama ng Humanismo” dahil siya ang nagpasikat sa muling
pag-aaral sa literature ng klasikal na Greek at Roman. Muli niyang tinuklas ang

Page | 7
mga lumang manuskrito mula sa mga monastery at isinalin sa Latin ang mga tekstong Griyego
upang mas madaling maintindihan at aralin ng mga Italyano. Naniniwala siya na ang pag-aaral sa
mga klasikong obra-maestra ay lumilinang sa intelektuwal at moral na aspeto ng isang tao—ito ang
siyang naging pinakaprinsipyo ng Humanismo.

Giovanni Boccacio (1313-1375)


Isang manunulang Italyano, ang pinakatanyag sa lahat ng kanyang isinulat ay ang
“Decameron”, na naglalaman ng maraming kuwento ng pakikipagsapalaran at
tagumpay ng tao laban sa mga pang-araw-araw na pagsubok ng buhay. Naglalaman
din ang aklat ng ito ng malalim na paglalarawan sa Black Death.

Miguel de Cervantes (1547-1616)


Isang nobelistang Espanyol; pinakatanyag sa kanyang isinulat ang “Don Quixote
de la Mancha” na naglalaman ng kuwento tungkol sa mga kabalyero.

Nicollo Machievelli (1469-1527)


Isinulat niya ang “The Prince” kung saan pinasikat niya ang
kasabihang “the end justifies the means” na nagbibigay-
katwiran sa kalupitan ng isang pinuno basta’t “maganda” ang naging resulta nito
sa lipunan. May iba namang mga iskolar na hindi sumang-ayon sa prinsiprong ito
ni Machiavelli.

William Shakespeare (1564-1616)


Kilala siya bilang “Makata ng mga Makata.” Isinulat niya ang kilalang mga
dula gaya ng “Julius Caesar,” “Romeo and
Juliet,” “Hamlet,” “Anthony and Cleopatra,” at “Scarlet.” Ang mga obra
niyang ito ay sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng klasikal na Greece
at Rome.

Desiderius Erasmus (1469-1536)


Tinawag siyang “Prinsipe ng mga Humanista.” Isinulat niya ang “In Praise of
Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at
karaniwang tao.

Michaelangelo Bounarotti (1475-1564)


Dakilang Pintor at iskultor ng Sistine Chapel sa Vatican. Pinintahan niya ito ng mga
pangyayari sa Bibliya mula sa paglikha hanggang sa Malaking Pagbaha.
Leonardo Da Vinci (1452-1519)
Isa siyang kilalang pintor, arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero at pilosoper. Pinakatanyag niyang obra ay ang
“Huling Hapunan.”

Raphael Santi (1483-1520)


Kilala siya sa katawagang “Ganap na Pintor.” Ilan sa kanyang
tanyag na obra ay ang: Sistine Madonna, Madonna and the Child, at Alba
Madonna

Page | 8
AGHAM Nicolaus Copernicus (1304-1374)
Ipakilala niya ang heliocentric theory na nagsasaad na ang araw ang sentro ng
sansinukob (solar system), at ang mga planeta kasama ang daigdig
ay umiikot sa paligid ng araw. Kinontra nito ang turo ni Aristotle
na ang daigdig ang sentro ng sansinukob (geocentric theory).

Galileo Galilei (1564-1642)


Inimbento niya ang teleskopyo na nakatulong upang
mapatotohanan ang teorya ni Copernicus tungkol sa solar
system.

Andreas Vesalius (1514-1564)


Maingat niyang pinag-aralan ang anatomiya ng katawan ng tao at komprehensibong
inilarawan ito sa kanyang aklat na De Humani Corporis Fabrica Libri Septem.

Zacharias Janssen (1585-1632)


Siya ang unang nakaimbento ng compound microscope. Naging napakahalaga
ng imbensyong ito sa pag-unlad ng pag-aaral sa medisina at iba pang agham.

William Harvey (1678-1657)


Isa siyang manggagamot na Ingles na unang nakapagbigay
ng tumpak na paglalarawan sa sirkulasyon ng dugo sa
katawan ng tao; kanya itong isinulat sa kanyang De Moto Cordis. Ang kanyang aklat
ay nakatulong upang magbigay ng tamang dayagnosis at gamot na may kinalaman sa
dugo at mga sugat bagama’t dumanas din siya ng kritisismo mula sa mga quack
doctor na nanganib na mawalan ng pasyente dahil sa kanyang bagong tuklas.

ders Celcius (1701-1744)


Isang propesor ng astronomiya sa Unibersidad ng Uppsala, Sweden; gumawa
siya ng isang sukat ng temperatura noong 1741. Ang kanyang orihinal na sukat
ay may 100 degree sa puntong kumukulo ang tubig o boiling point at 0 degree
kung saan naninigas ang tubig o freezing point.
Daniel Gabriel Fahrenheit (1686-1736)
Noong 1709 naimbento niya ang thermometer ng alkohol, at
ang thermometer ng mercury noong 1714. Ipinakilala niya
noong 1724 ang karaniwang sukatan ng temperatura na nagdadala ng kanyang
pangalang Fahrenheit Scale- na ginamit upang maitala ang mga pagbabago sa
temperatura.

tonie Van Leeuwenhoek (1632-1723)


Kilala siya bilang “Father of Microbiology”. Nangunguna siya sa larangan ng
microscopy o ang pananaliksik sa bacteria sa pamamagitan ng microscope. Siya
ang naglatag ng pundasyon para sa pag-aaral ng plant anatomy at animal
reproduction.

Page | 9
MGA KABABAIHAN NG HUMANISMONG RENAISSANCE
Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa mga
unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay makilala at makapag-ambag
sa panahon ng Renaissance.
Isotta Nogarola (1418-1466)
Itinuturing siyang isa sa pinakamahalagang babaeng Humanista na
nagbigay ng malaking ambag sa debate ukol sa kasarian at kalikasan ng mga babae.
Ayon sa kanya, hindi dapat ituring na mahina ang mga babae at sa isinulat niyang
“On the Equal or Unequal Sin of Eve and Adam” ay ipinaliwanag niya kung bakit
hindi makatuwirang isisi lahat kay Eba ang kasalanan ng pagsuway sa utos ng Diyos
ayon sa Bibliya.
Laureta Cereta (1469- 1499).
Siya ang pinakaunang Humanista na nagsulong ng mga isyu ng mga kababaihan. Ang
ilang mga tema ng kanyang mga akda ay tungkol sa edukasyon ng mga kababaihan,
digmaan at buhay may-asawa.

Kaliwa: Veronica Franco (1546-1591)


Kanan: Vittoria Colonna (1492-1547)
Kilala sila bilang mga matagumpay na manunula (poet). Si
Franco ay isa din sa mga nagsulong ng peminismo
(ideolohiya na nagsusulong sa karapatan at pantay na estado
ng mga kababaihan) samantalang si Colonna ay lumikha ng
maraming tula na ginawang awitin ng ilang mga kompositor.

Noong mga panahong hindi pa naiimbento ang kamera, napakahalaga ng naging papel ng mga pintor
upang maisalarawan ang mukha ng mga mahahalagang karakter sa kasaysayan. Kilalanin natin ang
dalawa sa mga sikat na babaeng pintor ng Renaissance.

Sofonisba Anguissola (1532-1625)


Kinilala siya bilang pinakaunang matagumpay na babaeng pintor sa kasaysayan ng
sining. Siya ay naging court painter ng Spanish court noong 1559; nagsilbi siyang
inspirasyon sa maraming kababaihan na maghangad din ng karera sa sining. Ilan sa
mga ginawan niya ng pinintang larawan ay si haring Philip II ng Espanya at ang
ikatlong asawa nito na si Elisabeth of Valois.

Artemisia Gentileschi (1593-1656)


Siya ay itinuturing na pinakaprogresibong pintor na lumilikha ng mga makahulugang
sining. Hinahangaan ang kanyang naturalistikong paraan ng pagpipinta sa kababaihan
at ang kanyang galling sa paghahalo-halo ng mga kulay upang makapagpahayag ng
ibang dimensiyon at drama. Ilan sa kanyang mga obra ay ang Allegory of Painting at
Samson and Delilah.

PAGTATAYA

Page | 10
PAALALA: Huwag susulatan ang bahaging ito, ilagay ang iyong mga sagot sa
pahina 1.

Gawain 1: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba. (10pts)


A. Isulat ang A hanggang E.
___1. Naitatag ang Banal na Imperyo ng Rome at naging malaki ang impluwensiya ng simbahan sa
pamamahala.
___2. Sa kauna-unahang pagkakataon, hinati ang imperyo ng Rome sa dalawa.
___3. Nagsimula ang krusada na siyang nagdulot din ng pag-unlad ng kalakalan sa mga rutang
dinadaanan ng mga crusader.
___4. Naging opisyal na relihiyon ng imperyong Romano ang Kristiyanismo.
___5. Tuluyang bumagsak ang imperyong Romano at pumasok ang Europa sa panahong Midyebal
kung saan walang ni isang pamahalaan ang tagumpay na nakapag-isa sa nasabing kontinente.
B. Isulat ang A hanggang E.
___1. Isinulat ni William Harvey ang De Moto Cordis na tumpak na naglarawan sa sirkulasyon ng
dugo sa katawan ng tao.
___2. Naimbento ang Printing Press.
___3. Isinulat ni Nicollo Machiavelli ang “The Prince” na nagpatanyag sa kasabihang, “the end
justifies the means”.
___4. Lumaganap ang Bubonic Plague na kumitil ng maraming buhay sa buong Europa.
___5. Isinilang si Francesco Petrarch na tinaguriang Ama ng Humanismo.

(Ducksters) (Ducksters) (Gabriele) (History.com Editors) (History.com Editors) (History.com Editors)


(History.com Editors) (Hughes) (Hughes) (Khan Academy) (Mark) (Rickets)

Page | 11
SANGGUNIAN:
Divorce and Decline: The Division of East and West Roman
Empireshttps://www.historyhit.com/divorce-and-decline-the-division-of-east-and-west-
roman-empires/
DuckstersAncient Rome for Kids: The Fall of
Rome2022https://www.ducksters.com/history/ancient_rome/fall_of_rome.php
History: Middle Ages for
Kids2022https://www.ducksters.com/history/middle_ages_timeline.php
History.com Editors Ways the Printing Press Changed the
Worldhttps://www.history.com/news/printing-press-renaissance#:~:text=ClassicStock
%2FGetty%20Images-,In%20the%2015th%20century%2C%20an%20innovation
%20enabled%20people%20to%20share,and%20faster%20than%20ever%20before.
Black Deathhttps://www.history.com/topics/middle-ages/black-death
Crusadershttps://www.history.com/topics/middle-ages/crusades#section_9
Renaissancehttps://www.history.com/topics/renaissance/renaissance
Khan AcademyChristianity in the Roman
Empire2022https://www.khanacademy.org/humanities/world-history/ancient-
medieval/christianity/a/roman-culture
There Was No Such Thing As The
'Renaissancehttps://www.forbes.com/sites/matthewgabriele/2019/03/07/no-such-
thing-renaissance/?sh=22de90d63589
Western Roman Empirehttps://www.worldhistory.org/Western_Roman_Empire/
Why Was 900 Years of European History Called ‘the Dark
Ages’?https://www.historyhit.com/why-were-the-early-middle-ages-called-the-dark-
ages/

ANSWER KEY

GAWAIN 2
1. D
2. F
3. A
4. G
5. B
6. H
7. C
8. J
9. I
10. E

Page | 12

You might also like